Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2010

...isang sulyap sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap...

[Paalaala: ang sulating ito ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda, anumang bahagi na may pakakatulad sa iba pang kwento at tunay na buhay ay hindi sinasadya, Maligayang Pagbabasa!] *** Sa Kalendaryo. May 31, 2041. Oo tama, ito ang katapusan na araw sa buwan ng Mayo ng taong dalawang libo apatnapu't isa, ito na aking ika-limampu't siyam na kaarawan. Isang taon na lamang at hahantong na din ako sa aking ika-animnapung kaarawan. Totoo, halos hindi na din kita madinig, humihina na ang aking tenga. Halos hindi na din kita makita, nanlalabo na ang aking mga mata. Mahina na ang aking katawan at bumabagal na din ang gana ng isipan. Natatakot ako. Natatakot ako na sa pagpikit ng mga mata kong ito ay hindi ko na muling maalala ang mga sandaling naging bahagi ka ng mahirap at simple kong mundo. Natatakot ako. "Pa, gising! si Ace po ito..." , isang uyog ang gumising sa aking sandaling pagkakaidlip. "Alas, ikaw pala yan, kailan ka pa dumating?" , tanong ko....

...musika at ganda...

mga ilang linggo na din ang nakakalipas ng ako'y muling bumalik sa mundong ito--ang mundo ng blogging...ang totoo nyan dahil sa mahaba-habang pagbabakasyon mukha yatang kinakalawang na si SuperGulaman...hirap gumawa ng entrada...walang maisip na magandang tema...walang mahabing mga salita...salat na sa pambobola at paggawa ng kwentong minsan na kahit sarili ay hindi naniniwala...laging tulala...sa madaling salita...parang tanga... ...matagal na din ang oras na nakalilipas mula ng isulat ko ang talatang nasa itaas...bakit? hindi ko na din kasi alam kung ano pa ang isusunod ko dyan...hanggang sa maglakwatsa ang daliri at mata patungo sa paboritong panooran ng lahat--ang youtube... isang klik lang... presto!...aliw na ito at titigil na ang mundo... ikaw kaya mo bang paikutin o ihinto ang ikot ng mundo? sabi ng iba, "Love Makes the World Go 'Round" pero para sa akin "NOT ONLY Love Makes the World Go 'Round, but Love Makes the Ride Worthwhile"...sabi din ni...

...ang panyo...

ika-pito ngaun sa buwan ng oktubre...ang pinaka-paborito kong araw sa bawat buwan...maaga akong nagising at nagbihis para makupunta agad sa trabaho..."grabe ang gwapo naman nito",(*nakaharap ako sa salamin*)...matapos ang ilang orasyon, naglagay ng konting pabango, sinuot ang bagong labang sumbrero, sinuot ko din ang ilang palamuti na bigay ng Grasya ko, at naglagay na din ako ng sound system sa tenga ko...ayun, presto handa na akong lumarga... ..."ayuz mukhang ok nmn ang lahat, maaga pa eh...maluwag ang byahe ngaun", sabi ko sa sarili... ang totoo nyan, ang umaga ang pinakagusto kong oras ng pagsakay ng jeep o pagbyahe...syempre, halos lahat ng makakatabi mo sa jeep ay mga fresh pa at mababango patungo sa kani-kanilang trabaho o eskwelahan...sa may kanto, naghintay din ako kaunti bago sumakay ng jeep, namimili ng walang gaanong tao, para hindi masyado maiinit...ilang saglit pa..ayan may jeep na...naupo ako malapit sa estribo..ok itong lugar na ito, tamang-tama sa ...

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

...babalik ka din...

pasado alas-singko na ng lumisan ako mula sa opisina... "uwi na kayo sir?", bati sa akin ng gwardya sa halos araw-araw naming pagkikita...tumango lang ako kasabay ng pag-angat ng kilay...walang imik, tahimik na tinungo ko ang pintuan ng gusali...sinipat ko ang langit...makulimlim...nagbabadya na naman ang ulan... buntong hininga. sa jeep. nakatitig na naman sa kawalan hanggang sa bulabugin ang aking pagtunganga ng malakas na pag-buhos ng ulan...katabi ang estribo, seryoso kong minamatyagan ang mga nagmamadaling mga tao sa lansangan...halos lahat hindi magkandaugaga sa pagpapaliit ng katawan para hindi lang mabasa ng ulan...may taong nagsusumiksik sa maliit nyang payong...ang isa ay animo'y masamang tao dahil sa balot na balot ang buong katawan... may mga estudyante din na nagsisiksikan sa silong ng tindahan...akyat-baba na din ang tao sa jeep...ang iba'y may mga dalang payong na tila ba na naaliw sa twing iwinawasiwas nila ito sa mukha ko...gusto kong sumigaw na ...