Lumaktaw sa pangunahing content

...babalik ka din...

pasado alas-singko na ng lumisan ako mula sa opisina... "uwi na kayo sir?", bati sa akin ng gwardya sa halos araw-araw naming pagkikita...tumango lang ako kasabay ng pag-angat ng kilay...walang imik, tahimik na tinungo ko ang pintuan ng gusali...sinipat ko ang langit...makulimlim...nagbabadya na naman ang ulan... buntong hininga.

sa jeep. nakatitig na naman sa kawalan hanggang sa bulabugin ang aking pagtunganga ng malakas na pag-buhos ng ulan...katabi ang estribo, seryoso kong minamatyagan ang mga nagmamadaling mga tao sa lansangan...halos lahat hindi magkandaugaga sa pagpapaliit ng katawan para hindi lang mabasa ng ulan...may taong nagsusumiksik sa maliit nyang payong...ang isa ay animo'y masamang tao dahil sa balot na balot ang buong katawan... may mga estudyante din na nagsisiksikan sa silong ng tindahan...akyat-baba na din ang tao sa jeep...ang iba'y may mga dalang payong na tila ba na naaliw sa twing iwinawasiwas nila ito sa mukha ko...gusto kong sumigaw na "Oy...tao po ako, hindi po ako gabi na waterproof..." ...ngumingiti na lang ako sa twing humihingi sila ng paumanhin...good sign yun na nakikita pa pala nila ako, hindi tulad ko na minsan iniisip ko na espiritu na lang ako...na nararamdaman lang at imposible ng makita ng mata...

...ang tao nga naman... kung saan-saan nagpupunta...sa opisina, paaralan, pasyalan...ang iba pa nga ay kung saan-saang lupalop ng mundo tumutungo... kasabay nito marami din silang hirap at unos na pagdaraanan...sumisilong, nakakasakit ng kapwa, humihingi ng tawad, natututo...ngumingiti... sumasaya...pero sa lahat ng ito, isa lang ang hanap ng tao ---ang tahanan... hindi magiging kumpleto ang mga karanasan sa buhay kung walang tahanang babalikan...ito ang tao laging hinahangad ang muling makabalik sa kanilang tahanan at umasa sa muling pagtila ng ulan...


Mga Komento

  1. there's no place like home ika nga nila..
    san man tayo mapunta.. gano man katagal tayong nawala.. babalik at babalik tayo sa ating sariling tahanan. babalik at babalik sa ating sinumulan..
    ganun tayo.. parte na ng pagkatao natin yun.. ang lumingon at bumalik sa ating pinanggalingan..

    maligayang pagbabaloik superG!

    welcome home!

    TumugonBurahin
  2. tama nga naman. Hindi maaaring hindi ka bumalik sa iyong nakaraan o iyong pinagmulan. Parang ikaw supergulaman. Maligayang pagbabalik :)

    TumugonBurahin
  3. @yanah
    uu nga...pero minsan naisip ko din...sana portable na lng ang tahanang babalikan...kya kung hanaphanapin mo man, isang hugot lang tahanan na agad... ^_^

    @Bino
    siguro nga, kaya nandito ako cguro ulit ngayon... ahehehe... ^_^

    TumugonBurahin
  4. nawala ka ren palah kuyah... nde koh alam un ahh... eh pano koh pala malalaman eh wala ren pala akoh? lolz... wehe.. ei kuyah... WelCOME BACK!!!! party party... let's party party.. wehe... oh yeah kasama moh na bah si gracia moh? so yeah... welcome back sa aten... ingatz lagi... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  5. May bigla po ako naalala.. Hayzzz..

    Pwede po ba maki exchange links at makipalitan ng kumento sa yo?

    Beyond Crypticness
    Noble Vengeance

    TumugonBurahin
  6. @Dhianz
    uy salamat at welkambak din... aheks...uu nga eh naramdaman ko yata na babalik ka kaya bumalik n din ako...wooot...

    ei ang grasya ko? dati at lagi ko naman syang nakakasama...sa puso...chezzy.... ahahaha...ei bumalik na sya ulit eh, pero susunod nmn na ulit ako... :)...yeah..party party..ingat lgi.. :)

    @Kris Edison
    sure..cge i-aadd na kita..add mu n lng din ako...salamat salamat... ;)

    TumugonBurahin
  7. Totoo... Ano mang mangyari, hahanap-hanapin mo ang tahanan mo... Bahagi na toh ng Maslow's Hierarchy of Needs (okaaaaaaaaaaaay...) pero yun nga, talagang lahat may binabalikang lugar. Dun nila nararamdaman ang seguridad, kahit saan at ano pa man yung tahanan niya. :)

    TumugonBurahin
  8. @Traveliztera
    Maslow's Hierarchy of Needs? aha! parang familiar yan sa akin ah...Theory of motivation, organisational theory, human resource management...ek ek...

    pero siguro nga kya "tahanan" ang tawag....doon tayo tumatahan...kung baga sa pag-iyak, dun tayo humihinto o tumitigil dahil alam nating sa lugar na ito, nandun ang seguridad at ang dating nakasanayan... katulad ng bata na umiiyak, hindi sya tumatahan, kung wala sa tabi nya ang pamilyang nakasanayan nya at ang seguridad at ang mga bagay na kailangan nya... :)

    "sa lahat ng mga bahay sa mundo, mas gusto ko ang tahanan kasya tirahan" ---SuperG

    TumugonBurahin
  9. Naks ang lalim naman... Pero tama ka sino ba naman ang hindi maghahangad na makauwi sa kanyang "tahanan". Ika nga eh ang ating comfort zone... marami man akong napupuntahan pero di ko ipagpapalit ang aking nakagawiang tahanan...

    TumugonBurahin
  10. @I am Xprosaic
    uyy..salamat po sa pgdaan sa aking munting blog..na-add n po kita sa blogroll ko...

    opo... sabi nga, "There's no place like home" ...

    TumugonBurahin
  11. kung saan may taong nagmamahal saiyo at patuloy na tatanggap sa buong pagkatao mo... doon ang masasabi mong tahanan.

    tama :)

    TumugonBurahin
  12. @Pirate Keko
    yup tama...sa Naruto yan yata ang sinabi ni Jiraiya..tpos sinabi nmn ni Naruto yan kay Yuukimaru... ^_^

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...