Lumaktaw sa pangunahing content

...musika at ganda...

mga ilang linggo na din ang nakakalipas ng ako'y muling bumalik sa mundong ito--ang mundo ng blogging...ang totoo nyan dahil sa mahaba-habang pagbabakasyon mukha yatang kinakalawang na si SuperGulaman...hirap gumawa ng entrada...walang maisip na magandang tema...walang mahabing mga salita...salat na sa pambobola at paggawa ng kwentong minsan na kahit sarili ay hindi naniniwala...laging tulala...sa madaling salita...parang tanga...

...matagal na din ang oras na nakalilipas mula ng isulat ko ang talatang nasa itaas...bakit? hindi ko na din kasi alam kung ano pa ang isusunod ko dyan...hanggang sa maglakwatsa ang daliri at mata patungo sa paboritong panooran ng lahat--ang youtube... isang klik lang... presto!...aliw na ito at titigil na ang mundo... ikaw kaya mo bang paikutin o ihinto ang ikot ng mundo?

sabi ng iba, "Love Makes the World Go 'Round" pero para sa akin "NOT ONLY Love Makes the World Go 'Round, but Love Makes the Ride Worthwhile"...sabi din nila marami daw ang nagpapaikot sa mundo at nakabase o nakadepende yun sa kung ano ang pinahahalagahan natin...magkagayunman, ngayon ko lang napagtanto na nagagawa pala talaga nating mapatigil o mapaikot ang mundo... isa ang pag-ibig para mapaikot ito.... at musika at ganda para sa saglit na pagtigil ng mundo...maniwala ka...nandito ang mga dahilan ng paghinto ng mundo...sila nga... :)

Stephenie Gee




Alyssa Bernal



Kina Granis




Kim Yeo Hee (Apple Girl)



Julia Sheer



At sa lahat ng mga iyan...syempre hindi ko pa din makakaligtaan ang all time na pinakapaborito ko...Andrea Corr...the best!

Andrea Corr



*** para sa aking Grasya...kung ang mga panooring yan ang dahilan ng paghinto ng mundo... ikaw aking Grasya ang aking Mundo, wala ng iba... :)

Mga Komento

  1. hindi ka nagiisa parekoy, mejo napansin ko nga sa aking blog list puro 1 year ago ang nakalagay sa date post, mejo ilan lang yung may mga post na bago...

    sabagay ako man ay mejo nagpahinga, nauso yata ang pahinga sa blogosphere... hehehe

    TumugonBurahin
  2. welkam bak!!!

    kamot lang ng kamot sa ulo!! lalabas ulit ang dati mong bangis!

    TumugonBurahin
  3. haha nalimutan mo ata ilagay si julia sheer :) haha like ko din yang mga yan honsoyosoyo.

    TumugonBurahin
  4. @Rhodey
    uu nga...nakabakasyon pa din ang iba...susulpot din ang mga yan... :)

    @an_indecent_mind
    ahehehe..wag nmn...baka mapanot na ako nyan...ahahaha...

    @Pirate Keko
    ahehehe...uu nga nu...ayan nilagay ko na sya...woot woot... ;)

    TumugonBurahin
  5. kahit ako nama'y nagpahinga din at muntik na ngang tuluyang mawala sa mundo ng blogosphere. pero hinahanap hanap ko ang pagbablog kaya muli ring nagbalik. :)

    TumugonBurahin
  6. super g!!tagal ko na din di nakaread nang mga blogs ,hay kakamiss kayong mga kaibigan ko dito sa blogness, dahil sa sobrang busy akow sa mundo ko at buhay ayun di ko na kayow nabisita,wahahah..anyways eto nagbabalik lang para mang ukray inuna kong ukrayin si marco eh hahaha, wla lang lols,..

    TumugonBurahin
  7. once a blogger always a blogger.. hehehe


    naman sa last line... soo kesonesss hehehe.. laveeeet!

    TumugonBurahin
  8. @Bino
    ako nmn hindi ko sya hinahanap-hanap...ang blogging ang naghanap sa akin, eh gusto ko nmn sya kaya ako'y muling nagbalik...ahahaha... :)

    @Amorgatory
    ahaahah...ayuz lng yan..balik lng ng balik...wooot.... :)

    @YanaH
    yeah...tama... ahahaha...nabasa mu pla... na-overlook yun ng madami..mejo sa dulo para hindi halatang makeso pla...baka kasi dagain... ahahaha...

    TumugonBurahin
  9. ang keso yong huling mensahe mo pare.... :D

    ganda ng mga kanta. at syempre pati na rin yong mga kumanta. :D

    TumugonBurahin
  10. tama sila... one u become a blogger u will always and remind a blogger :D

    TumugonBurahin
  11. @MarcoPaolo
    ahehehe...shhhh...baka mapansin nila... ahahaha... :)

    @Axl
    mejo nahihilo pa ako...pero yeah! ^_^...salamat sa pagbisita.. :)

    TumugonBurahin
  12. welcome back kuya SG..^_^ namiss ka namin hehehe

    yung si stephanie gee pa lang ang nakita ko na dati,hehehe galing nila noh?anyway...kinilig naman ako dito

    "para sa aking Grasya...kung ang mga panooring yan ang dahilan ng paghinto ng mundo... ikaw aking Grasya ang aking Mundo, wala ng iba... :)"

    sweet!=))

    TumugonBurahin
  13. waaaaaaaahh.. ang ganda ng mga chickas! hoho.. pag may ganyan ako kuya ipost mo din dito ha?! jowk! =)))))

    answeet naman SG! *^^* grasya poreber!

    TumugonBurahin
  14. @♥superjaid♥
    yup yup..magagaling yan..tpos maganda din... ahehehe... sweet... syempre....ahahaha...

    @kox
    ahehehe sure...cge kanta ka na...i-post ko agad...dali... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...