Lumaktaw sa pangunahing content

...ang panyo...

ika-pito ngaun sa buwan ng oktubre...ang pinaka-paborito kong araw sa bawat buwan...maaga akong nagising at nagbihis para makupunta agad sa trabaho..."grabe ang gwapo naman nito",(*nakaharap ako sa salamin*)...matapos ang ilang orasyon, naglagay ng konting pabango, sinuot ang bagong labang sumbrero, sinuot ko din ang ilang palamuti na bigay ng Grasya ko, at naglagay na din ako ng sound system sa tenga ko...ayun, presto handa na akong lumarga...

..."ayuz mukhang ok nmn ang lahat, maaga pa eh...maluwag ang byahe ngaun", sabi ko sa sarili... ang totoo nyan, ang umaga ang pinakagusto kong oras ng pagsakay ng jeep o pagbyahe...syempre, halos lahat ng makakatabi mo sa jeep ay mga fresh pa at mababango patungo sa kani-kanilang trabaho o eskwelahan...sa may kanto, naghintay din ako kaunti bago sumakay ng jeep, namimili ng walang gaanong tao, para hindi masyado maiinit...ilang saglit pa..ayan may jeep na...naupo ako malapit sa estribo..ok itong lugar na ito, tamang-tama sa pagpasyal ko sa mundo ng imahinasyon....sa madaling salita, tutunga na naman ako... habang papalayo kmi sa kantong aking pinaghintayan, unti-unti na ding napupuno ang aming sasakyan...ok na din ang pwesto ko, kahit medyo malaki yung katabi ko, kaaya-aya nmn ang amoy ng kanyang pabango....

...malayo na din ang aking nalalakbay sa mundo ng imahinasyon...huminto ang jeep, may pumara..may sasakay..., nagsumiksik itong tumabi sa pagitan namin ng malaking tao na aking katabi knina...umusog kami ng onti para paupuin siya...ngunit bigla akong natigalgal sa aking nalanghap....noong una inakala ko lng na baka nga guni-guni ko lang un..iniisip na baka ako lang din yun..inalala na baka nga dahil ang bibig ay malapit sa ilong..pasimple kong kinuha ang armas na inabot sa akin ng nanay ko knina..."ang panyo"..pasimple akong huminga at inamoy iyon...pero hindi akin ang amoy na iyon, nagsipilyo ako ng ilang minuto eh...at yun na nga alam ko na kung saan galing ang kakaibang amoy na iyon...

...pinilit kong inunawa ang kanyang amoy na bka nga nakalimutan niya lang maligo ng isang linggo o dalawang buwan..kung sabagay hindi namn krimen ang hindi paliligo..wala pa namn akong nakikilala na nakulong ng dahil sa hindi paliligo...pero iba ito...amoy tinapay siya...ito ung tinapay na kung tawagin ay "putok"...ibang klase ang amoy, ito ung amoy na hindi lang basta tumatambay sa ilong...dumidikit yata ito sa balat...pumapasok sa iyong epidermis...manunuot at didiretso sa iyong sistema...matindi ito, inabot na nya aking sikmura..sumasama na ang pakiramdam ko..hindi ko na maunawaan kung nasusuka na ako o natatae...hindi ko na kaya...sa loob ng bag na aking tangan, ipinasok ko ang panyo, at duon pasikreto kong winisikan ito ng imported kong pabango...bwahahaha, sigurado maliligtas na ako sa amoy na ito....pagkatapos ng ilang saglit, pinantakip kong muli ang panyo sa aking ilong...mmhhhhh..."kala mo ha? kaya mo ang armas ng bigay ng nanay ko.."...napapangiti na sana ko nung oras n iyon...pero ibang klase itong si manang, kumapit siya sa baras ng jeep..nakataas ang knyang kamay..."waaaaa!"...nalilito na ako nung oras na iyon...gusto ko nga bumaba at sumakay sa ibang jeep...pero ang mahal na ng pamasahe ngaun...kailangan kong magtiis at mag-isip ng paraan...

...makailang saglit pa, may pumara sa may edsa...dalidali akong sumalisi at umupo sa likod ng driver ng jeep...sa pwestong ito, mukhang ligtas na ako...binaba ko na ang aking armas upang matiyak kung abot pa dun ang "nuclear weapon" ni manang... pero oo nga...umiikot na ang mala-lason na amoy n iyon sa buong jeep...pero mas ok na ang pwesto ko ngaun...kaya ko na itong harapin gamit ang armas na bigay ng nanay ko..."ang panyo"...


Mga Komento

  1. Ahahaha!! Akala mo nakalusot ka na.. hindi pa pala. Hehehe.. Kakainis naman ang ale.. Mabuti na lang pala, meron kang dalang armas, na bigay ng nanay mo. Harhar..

    Nakaranas din ako ng ganyan. Grabe ang putok ni manang. Nakahawak rin siya sa baras ng jeep. Ewan ko kung naaamoy rin nya.. or baka deadma lang talaga.. or baka makapal lang talaga yung mukha nya. Grabe. Magkatabi pa naman kami. Hindi ko talaga nakayanan. Malayo pa sana ang destinasyon ko.. bumaba na lang ako. Hehehe.. Di nakaya ng powers ko. LOL...

    TumugonBurahin
  2. hahaha sabi nga ng prof ko ang mga taong ganyan eh immune na sa sarili nilang amoy kaya di na sila affected sa kapangyarihan nila..hehehe

    TumugonBurahin
  3. @Leah
    ahehehe..ganun talaga ang swerte..minsan malas din... ahahaha...

    @♥superjaid♥
    yup yup...kaya pla hindi na ako affected sa kapogian ko...immune na ako... ahahaha... aray! (*may bumatok sa likuran ko*)... ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  4. hehe..medyo nakaka badtrip iyon..pero walang tayong magagawa..pasahero iyon na kailangan pasakayin..

    bye muna sa iyo friend.......hope to see you soon..........still you are in my mind, sometimes.. :cry:

    TumugonBurahin
  5. buti na lang naimbento ang panyo nyahahaha

    super makarelate ako dito superG.. lalo na nung nasa Dubey pa aketch.. alam na.. ang titindi ng mga kaamuyan ng mga tao dun.. di keribelles ng sensitibo kong ilong ahhahaha

    TumugonBurahin
  6. @khantotantra
    ahehehehe..uu nga eh...ate least mejo na-save ako..ahahaha... :)

    @Arvin U. de la Peña
    tama..pero dapat may special seat ang ganun amoy....tpos dapat doble din bayad... ;)

    @YanaH
    ahahaha...uu nga, mga amoy baktol...ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  7. nakakatawang nakakainis yan... hehehe

    nakakatawa dahil sa nakakatuwang paglalahad mo sa mga pangyayari, nakakainis dahil halos lahat tayo ay nakakarelate diyan...

    pwede kaya nating isugest sa mga driver na magsabit din nang karatulang may nakalagay "BAWAL ANG MABAHO"...

    hehehe... naisip ko lang...

    TumugonBurahin
  8. wahhhh, bihira lang ang babaing may kakaibang amoy na ganyan.ano ba yan>>

    TumugonBurahin
  9. @Rhodey
    ahehehe...ayuz yan suggest ntin yan... :D

    @Diamond R
    yeah...uu nga bihira nga lang yun...kaso ako yata ang minalas...ahahaha... ;)

    TumugonBurahin
  10. umagang umaga ganyan na ang amoy ni manang? malupit! nakakasira ng buong araw. lols mabuti na lang talaga may panyo ka

    TumugonBurahin
  11. dapat binigyan mo ng sipilyo...maagang christmas gift...nyahaha..^_^

    TumugonBurahin
  12. binasa koh tong post moh sa fone koh uhm few days ago pa atah... i was laughing w/ tunog kuyah.. haha.. natawa nemen akoh.. kalerki... yan namiss koh sau ganyang mga kuwento moh... ingatz lagi wafu kong kuya SUPERG... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  13. @kheed
    ahehehe...inde nmn nasira ang araw ko...umaga pa lng adventure na... ahahaha..

    @AdroidEnteng
    sipilyo para sa kili-kili? ahahaha..pwde din... :)

    @Dhianz
    hi dhianz...aheks..uu nga minsan hindi ka maiinis eh..matatawa ka tlaga...ahahaha... ;)

    TumugonBurahin
  14. Hahaha. Life saver ang panyo at ang imported na pabango. haha. nice post..


    exchange links? :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...