Huwebes, Disyembre 2, 2010

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine".  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon.

Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity". at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E = mc2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maaring madetermina batay na din sa bilang ng kanyang "mass" at "speed of light (c)". Sa pormulang E = mc2 ang "E" ay ang energy, ang "m" ay ang mass at ang "c" ay ang speed of light. Batay na din sa mga experimentong ginawa, sinasabi ni Einstein na posibleng gawing Energy ang Mass ng isang bagay sa pamamagitan ng prosesong kung tawagin ay "Annihilation" na mangyayari lamang kung ang bagay (matter) ay maihahalo sa kanyang katugmang "anti-matter". Ang "anti-matter" ay maaaring magawa sa mga laboratoryo na kung saan kaya nitong siraan ang bagay ng ilang sandali lamang.  Ang reakyson sa pagitan ng matter at anti-matter na kung kung tawagin ay Annihilation ay nagreresulta sa pambihirang enerhiya.  Pinatunayan ito sa pagkakalikha ng "Atomic Bomb" at ang pormulang E = mc2 ay kayang idetermina ang lakas ng Enerhiya batay na din sa Mass ng protons na nasa "Atomic Bomb".

Eh ano naman ang kinalaman ng E = mc2 sa time travel? Kung ating babalikan ang nilalaman ng mga pormulang ito, nakakabit dito ang speed of light na  may bilis na 299,792,458 metres per second (approximately 186,282 miles per second). Na nangangahulugan din na ang paglalakbay sa ganitong bilis ay makaramdam ng kakaibang pagbabago sa oras. Sa katunayan ang mga pilotong naglalakbay sa himpapawid na wala pa nga sa bilis ng liwanag ay nakakaramdam na ng kakaibang pagbabago sa oras.  Sinasabing kung magagawa lamang natin na makapaglakbay sa bilis o ng mas mabilis pa sa liwanag ay magagawa din nating makapaglakbay sa iba't ibang panahon.

Pero posible nga ba?  Hindi ko alam. Kung magagawa man natin iyon, magkakaroon na ng malaking pagbabago sa sangkatauhan.  Sabihin natin na makapaglalakbay tayo sa hinaharap. Sabihin nating pumasyal tayo sa taong 2020.  Sa panahong ito, posible nating makita ang ating sarili 10 years from now.  Pero posibleng hindi din ito tayo. Bakit? Nagbabago kasi ang ating hinaharap batay sa ginagawa natin.  Nagbabago ang ating hinaharap batay na din sa desisyon natin sa buhay.  May malaking pagkakaiba sa  hinaharap ang  desiyon mong basahin o hindi basahin ang blog na ito.  Bakit? May oras kasing nasayang o hindi nasayang. Nangangahulugan lang din na posibleng magkaroon ng tinatwag na "Parallel Worlds or Parallel Universe". Kung napanood mo na ang pelikulang "The One" ni Jet Li, "Fairy Tail" sa Manga at "Hitman Reborn" na anime, ang mga mundong sinasabi nila ay ang tinutukoy ko. Sa "Parallel Worlds" nandun ang maraming tulad natin. Ibig sabihin meron SuperGulaman na nag-eexist sa ibang mundo, hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi hindi mabilang.  At sa lawak nga ng kalawakan posibleng meron nga noon at posible din na may iba pang kalawakan kumpara sa alam nating kalawakan na parang numero na hindi alam kung hanggang saan ang katapusan. 

Sa katunayan, iniisip ko pa lang ang mga ito, sumasakit na ang ulo ko.  Magiging komplikado ang simple kong buhay.  Ito ang napapala ko sa pagtunganga ko ng madalas. Ikaw? Gusto mo bang pumasyal sa nakaraan at hinaharap? Hayaan nyo, kung makakalikha ako ng time machine, kayo ang mga pasahero ko.  Pero bago ko gawin yun, iisipin ko muna kung pano gumawa ng magic wallet na hindi nauubusan ng laman.

24 (na) komento:

  1. gusto kong maniwala sa time traveling pero parang napaka komplikado at imposible nga. ewan ko ba. parang hindi ata posibleng balikan ang nakaraan at puntahan ang kinabukasan. tapos makikita ko ang sarili ko. gudlak naman. haha! pero napaka cool siguro kung pwede nga.

    TumugonBurahin
  2. nakakasakit nga ng ulong isipin yan sir! hehehe

    pero sabi ng iba, ang mga makina at sasakyan.. eroplano at iba pang mga kahalintulaD ay ilang halimbawa na ng mga time machine.. nakakatipid tayo ng oras sa paglalakbay at nagagawa natin ang mga bagay ng masmabili.

    TumugonBurahin
  3. parang yung napanood ko'ng video ng matandang babae na may dalang cellphone na nasa 1970s. di ko alam kung totoo. mainsan di ko maiwasan na maniwala sa time travel. nakarating na ang tao sa buwan at computerized na ang bawat takbo ng buhay kaya di malayong mangyari talaga yan.

    May bago pala ako'ng post SG. hehehe

    TumugonBurahin
  4. @chikletz
    ahehehe...uu nga sana nga...pero mukhang imposible nga kung iisipin... ahehehe...

    @Kosa
    wow...nanjan ka na pla ulit... :)... uu nga mga time machine yan...sama na din ang iba pang mga machine, tulad ng washing machine at iba pa...lahat yun nakakatipid ng oras... yung orasan time machine din daw... ahahaha.. ;)

    @Bino
    yeah..sabi nga ni Einstein..posible nga kung iisipin.... pero malay mo malampasan nga natin ang bilis ng liwanag...ummmm... :)

    TumugonBurahin
  5. Parang nag-time travel ako after kong basahin tong post mo na ito. Nag-time travel ako nung fourth year HS ako during our physics class. :D

    PS: Interesado ka ba sa link exchange? Reply ka sa blog ko. :D

    TumugonBurahin
  6. feeling ko, totoo ang time travel pero pag nakabalik ka sa current time mo, malilimutan mo ang iyong travel. Ang masasabi mo lang sa sarili ay.... dejavu.... nangyari na to a :D

    TumugonBurahin
  7. WOW! Ambilis mo mag respnd super G! :D If may gusto ka pang blogs na ipa-add contact mo lang ako. Nga pala, sakin din yung Llama's Journal na blog. hehe Na add na din kita.

    TumugonBurahin
  8. @khantotantra
    ahehehe..ayan "dejavu" nmn..isipin ko din yan... ahahaha.. pero uu nga no...parang related din ang mga "dreams" at "dejavu" sa time traveling nu...ummmmm :)

    @Deej Ecdao
    uu nga eh.. ahehehe..nag-blog hop kasi ako... haysss..kapagod din... so far naka-114 blogs na ang nalilibot mejo madami dami pa akong hindi na napuntahan..mmya ulit...pahinga muna... :)

    TumugonBurahin
  9. Naguluhan ako dun!

    Pero kung mangyayari yan... Uuna ako sa pila kahit testing pa lang! Haha!

    TumugonBurahin
  10. @Mangyan Adventurer
    ahehehe...ako nga din nag-lito na sa kakaisip... ahahaha.. malay natin... :)

    TumugonBurahin
  11. whahaha yan ang mga dream ko time travel.. yung parang kay doreamon :D

    TumugonBurahin
  12. @empi
    ahehehe... wag mong isapuso..naisip ko lng din nmn yan... ahahaha

    @Axl Powerhouse Production Inc
    ahehehe...gusto ko din yang mga machines ni doreimon..ganda nun kasi iba-iba hindi lang time machine di ba nobita? ahahaha.... ;)

    TumugonBurahin
  13. hehehe.. di ako si nobita, ako si doreamon hehe... by the way sakit sa bangs yung mga info nabinigay mo hehe :D

    TumugonBurahin
  14. @AXL
    ay ganun ba?...sige ako na lng si nobita..para meron akong Shizuka...ahehehe...

    uu nga masakit sa bangs yung mga info kung lalaliman pa.. pero yung mga binigay ko, yan lang siguro yung kasya sa utak ko na naintindihan ko at pd kong ibahagi sa inyo...sayang kasi eh, sobrang familiar tayo sa E = mc2, pero hindi nmn ntin alam kung anu yun, pero at least ngayon... may idea na tayong lahat...woot... salamat nga pla sa pagpasyal-pasyal dito... :)

    TumugonBurahin
  15. woot! isa pang woot! lolz... puro woot! ka kuya eh.. haha.. merry christmas.. regalo koh? lolz... kahit tagalog yang post moh eh bakit parang nosebleed pa ren akoh... lolz... hmm... oh yeah ung sinabi moh na kahit nakita moh na ang future eh puwedeng magbago based on ur decision... dat reminds me of "twilight saga" si alice she can see d' future... pero nde final 'un kc puwedeng mag-change nang isip 'ung nakitaan nya nang future... basta ganon.. not gonna explain so much.... i think daz pretty cool to be able to travel to 'ur past nd future... ahh... have u read "the time traveller's wife" itz pretty cool... nde koh na ren kukuwento or eexplain... haha.. so 'unz... i think itz pretty cool na makapaglakbay kah... pero at d' same time... mahirap... complicated... nd not as exciting cuz you'll see na wat'll happen to yah... oh yeah i dunno kung napanood moh na ren... a really old movie kuya... he kept tryin' to go back sa past para masave 'ung mahal nyah at dehinz mamamatay.. pero masave man yah don sa example sa pag-hit sa car eh his love one eh will die from somethin' else... juz sayin' na she was meant to die... ganonz... pero 'ung nakatuluyan nyah eh 'ung napuntahan nya sa future... hangdaldal koh noh? haha... parang may naintindihan kah... lolz.. laterz kuyah... sige woot! merry christmas nd a blessed new year! Godbless! -di

    TumugonBurahin
  16. wow! dhi...namiss ko yan comment mong bonggang-bongga... ahehehe... uu favorite char ko yan si alice ng twilight..crush ko yan si Ashley Greene... hindi nmn ako fan ng twilight pero ng dahil kay Ashley Greene nanood ako nyan...

    pero sa books...hindi kasi ako mahilig magbasa ng novel...mas gusto ko silang panoorin... ahehehe..ang nabasa ko lang yata na novel ay 20000 Leagues Under the Sea ...tapos ala na puro gen info na...

    yung sinsabi mo na movie yan yata yung "the time machine 2002"... ahehehe...

    yeah..Merry Christmas dhi and Happy New Year din.. ;)

    TumugonBurahin
  17. isang napakakomplikadong post. sumasakit ang ulo ko twing nakakabasa ako ng equation. Ikaw na magaling sa math. ikaw na masipag mag blog. at ikaw na nakaka alam ng totoong pangalan ko hihi

    TumugonBurahin
  18. 'un nga atah nga 'ung movie na 'un kuyah... i think i wanna watch dat again... so yeah woot! dito na lang akoh dadaan kesa sa cbox.. ingatz kuya!!! Godbless! -di

    TumugonBurahin
  19. superg!!! i miss u!!!hahahaha..
    i want to be back in blog world..

    ang galing..gusto kong mgatime travel sa panahong aktib pa ako..

    merry xmas guys!!!

    TumugonBurahin
  20. syempre gusto kong lumakbay sa bilis ng 3 x 10 to the 8th power in meters per sq. seconds.... hehehehehehehehe

    TumugonBurahin
  21. Time travel..

    Sa Pilipinas ngayon, 7PM ng Dec 11. Sa US, 7AM ng Dec 11. Kung makakapunta ako sa US sa loob ng isang segundo, nakapagtime travel na ako hindi ba? Naibalik ko ang panahon by 12 hours.

    TumugonBurahin
  22. @keko
    wenks... ahehehe...masakit nga yan sa ulo kya nga dinamay na kita... ahahaha... :D

    @Dhianz
    yeah..sure dhi...salamat ulit sa pagbalik-balik...

    @vanvan
    wooahhh... edi magsipag ka na ulet... ahehehe..baksyon nmn eh...woot.. ahehehe..namiss ko din kayo... ;)

    @Xprosaic
    yeah...speed of light... ;)

    @CaptainRunner
    yup tama..time travel nga yun..di ba?... ;)

    TumugonBurahin

Buksan!

Iba pang Kwento!

....langit.lupa.impyerno.... ...Wanted Real Pinoy... #itsmorefuninthephilippines #NBAFinals2014 20 Reasons why I like Philippines over UAE 2010 Philippine Election Inital Results 2010 Philippine Election Initial Results [Latest] 2016 3:06pm A Kish to Remember A Message from Mark Zuckerberg to Philippine users of Facebook Absolute Value Abu dhabi adik [dahil] sa'yo after 15 years after 45 days after 7 years...0307 becomes 0614 agosto para sa pilipino aheks akalain mo yun ako ako ito ako ito 1 ako ito 2 ako ito 3 alaala ng nakalipas albularyo alibata All Saint's Day All Soul's Day alyssa bernal Alyssa Bernal (part 2) an act of love Andrea Corr's State of Independence Anime ano daw? ano na ano sa palagay mo? ang pagbabalik ang panyo ang tunay na siga apila para sa masa aswan (bilang isa) Aurora Avoid Negativity Award babae babae ka lalaki ako babae sa jeep babalik ka din BabyG back to work Bago ito Bagong Bayani BagongBayani balanse baliktad ba? baliw batas ng tao bidaman Big Job Billy Crawford bilog o tatsulok blogging tips 101 (for pinoy bloggers) bored brick buhay buhay mo buhay ko buhay nating lahat Buhay OFW: Pangarap sa mga Sulok ng Kahon; OFW Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter) Bukang-Liwayway bungo at buto Change is Coming chess Chip Tsao Coleen Garcia college contest Cory Aquino dies couple Crucifixion dalaw dalawang daan siyamnapu't apat na araw day-off Department of Tourism desisyon destinasyon Digong dos Duality Dubai Dupe Tara Lakad Tayo Duterte EASY $5 GIVEAWAY Endorsers??? etiquette etong sa'yo...raygun exam day Exit Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata? facebook Facebook (Pesbuk) facebook user FAQ's first time mo? firsttime flesh-eating disease Fliptop Friendship from facebook fun Funny Exam Answers game Game 1 Game 3 Gatorade Gelika Bless get real gintuang sundang global warming a warning? google payout guro gusto mong mamatay? halimaw hanggang Happy Father's Day happy hatchday Heat vs. Spurs hiatus higante Hikab muli ako. Tunganga History of Super Gulaman Hoi Hoi HyperPanda Babies and others i love this day i love you ibigay ang hilig ikalawang ginto imahinasyon immigration Inang OFW Indian Init Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman Iran Irrationalget isang madugong labanan isang malaking pagbabago isang pagbabalik tanaw isang pasasalamat isang sulyap sa kahapon kasalukuyan at hinaharap It's more fun in the Philippines ITCHY jeepney Job Hunting tips juan kalaro kaliwa kanan kalma lang boss kalsadang mabato Kapalaran Ayon sa Galaw ng Kalawakan (Ophiuchus) kape sa tanghali Kapitan Sino? kasinungalingang mapanlinlang katapatan katinuan katinuan...gustong magpakilala katotohanan Kawhi Leonard kisame Kish kulay kuro-kuro sa bayan ni juan laro laro tayo Learning Japanese (for pinoy) lebron james life Life is a Piece of Cake Ligo na U Lapit na Me lilok (complete) lilok 1 lilok 2 lilok: ang pagpapatuloy [1] lilok: ang pagpapatuloy [2] lilok: ang pagpapatuloy [3] lilok: ang pagwawakas limang minuto...3 miskols...ang umaga ni supergulaman Link Exchange and Other Concerns love lunes mag-enjoy kay enjoy magdasal daw twing umaga sabi ng grasya mahika ng mga kulay Makulay na Paglalaro ng mga Salita malungkot masaya mataba payat Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito mapalad ka.. ikaw mapalad silang wala sa katinuan math Math is Life mcarthur mensahe mga hindi dapat gawin sa facebook minsan lang mismo Mmm Sarap modelo musika at ganda naaalala mo pa ba? NAIA NAIA' firsttime NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines) NBA Finals NBA Finals 2014 new design Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel numero OFW ouch our life Pa-digits Digits Pa Kasi pag-uuri Panahon na Naman [ng Pag-ibig?] Pananabik sa Tag-init Pangasinan pangpasaya Para patay na nabuhay peace be w/ you pelikula Philippine Grand Lotto 6/55 Pi Pilipinas Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan Pinoy Version of some Hollywood Movies please help praning Prayer in Mathematics Propesiya at Pilipinas Prophecy Proud to be Pinoy punto ko punto mo Puso ng mga Halimaw Puting Damit Rapido Vs Smugglaz real name regalo Reproductive Health Bill REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES Rubber Sadhu Sundar Selvaraj salamat salamat kaibigan sampung taon sayang school Selda Uno Dise Otso seryosong usapan showtime Si Mara at Pamela siga o adik silbi simbulo sino ang tamad? Sino si Santa Claus? sintang paaralan Sistema ng Numero Sistema ng Tao skin makati SONA 2011 TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE sorpresa streetfight Stretch Marks subic sulat kamay Sumusungaw na Chatbox Super Super G sa PBB? super G turning super busy Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1) Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2) supernatural ta tagapagpalaganap ng pag-ibig tamang trip tamang trip (ikalawang pasabog) Tanong Ko Sagot Mo tanong lang Tangent Line tao tao tao saan ka gawa? tatsulok tayo... The 2010 Oscar Winners The BENEFITS of SEX The Five Love Languages the golden rule the reunion The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao thursday time for sale Time Travel Times of Your Life Tingi Culture Toshiba Toshiba Champs Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis Trabaho ba ang hanap mo? Twitter UAE UFC Ulam at Kanin uri ng mundo usapang buhay Usapang ChikenJoy usapang itlog at manok usapang kadiri usapang kadiri (Part 2) wala wala akong medyas wala lang wala naman kaming napala walong palakaibigang adik warm-up when SuperG meets BabyG who are your customers? WiFi Won over Antonio Margarito world peace Zamboanga del Sur
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...