Lumaktaw sa pangunahing content

Wanted Real Pinoy!

Wanted Real Pinoy!

^_^: Pinoy ka nga ba?
0_0: Oo naman, sa isip, sa salita, at sa gawa.
^_^: Eh paano naman sa kultura, Pilipino ka nga ba?
0_0: Oo naman, ang kulit mo.
^_^: Anong alam mo sa kultura ng Pinoy?
0_0: Madami, tulad ng paggamit ng po at opo, pagsasalita ng Tagalog.... ummmmm, ano pa nga ba?...ummmm wala na akong maisip pero madami pa.
^_^: Ganyan pala ang madami, po at opo at Tagalog lang ang alam.

Ikaw? Ano pa nga ba ang alam mo sa kulturang Pinoy o Pilipino? Ang tunay na tatak Pilipino?

Matagal na din ang panahong lumilipas mula ng sakupin ang Pilipinas ng iba't ibang dayuhan... at kasabay ng mga pananakop na iyon, patuloy na nagbabago ang kulturang Pilipino ayon na din sa mga impluwensyang ito.... Kung mawawala ang mga impluwensyang iyon...may pagbangon at pagbabago pa ba sa Pilipinas?

Simulan natin ang kultura ng bansang Hapon. Kung mawawala ang kulturang Hapon sa bansa, paano na ang mga kabataang adik kay Voltes V, Naruto, Ichigo, Luffy, at iba pang-anime? Malulungkot na din ang mga parokyano ng Japanese Restaurant na mahilig sa Sushi, Sashimi, Teriyaki, Tempura. Ipagbabawal na din ang mga Japayuki kasabay ng pagkawala ng mga makabagong teknolohiya mula sa Japan. Buburahin na din sa ala-ala ng mga 80s at 90s babies ang mga paborito nilang Super Sentai tulad ng Shaider, Maskman, Bioman, at marami pang iba...

Kung mawawala naman ang kultura ng Espanya sa bansa, tuluyan ng mawawala ang simbahan, wala ng simbang gabi, wala ng tong-its, wala ng sabong... kasabay din nito ang pagkawala ng mga deboto ng mga santo... hindi na din mauuso ang fiesta na kadalasang nakaayon sa patron ng bayan...wala na...wala na... bukod dito marami na din na salita sa Wikang Filipino ang mawawala tulad ng papel, mundo, Enero, Pebrero, Marso at hanggang Disyembre yan... mawawala na din ang siesta hour... hindi na din mauuso ang Mañana Habit....wala ng mag-kakatulong na dati rating nagmula sa kultura ng pang-aalipin... wala na din ang mangungumpisal na dating ginagawa upang malaman ang galaw at uri ng pamumuhay ng Pinoy noon... hindi na din mauuso ang kasal pati ang pagbibinyag sa simbahan...mawawala na din ang mga Padre Damaso ng Pilipinas, mga Paring nakikialam sa pamamalakad ng bansa... Mag-iiba na din ang pangalan ng Pilipinas na orihinal na nagmula sa pangalan ng hari ng Espanya...

Kung ang kultura naman ng bansang Amerika ang mawawala...may epekto kaya ito sa bansa?...Una, magsasara na ang mga callcenter na ang pangunahing lengguwahe ay Ingles... wala na din Fil-Am Friendship Day... hindi mo na makikilala sina Lady Gaga, Beyonce, Jay-Z...malulungkot na din ang mga kabataang nahuhumaling kina Spiderman, Batman at ang buong Marvel..isama na din natin ang Glee...isama na din natin sina Bella at Edward ng Twilight... hindi na natin malalaman ang lasa ng chocolote...hindi mo na pwedeng gamitin ang salitang "imported"...mawawala na din ang parokyano ng mga kapihang animo'y lasang kendi ang mga tinitindang kape...mababawasan na din ang obese ng bansa na nahumaling burger at pizza.. Hindi na tayo maapektuhan ng pag-bagsak o pag-angat ng piso kontra dolyar... hindi na din ako siguro magtatanong kung bakit panay Ingles ang mga aklat na nakalagay sa Filipiñana Section ng mga library at maging sa Philippine Publications na nakalagay sa bilihan ng mga aklat...kung sabagay ang titulong "Philippine Publications" ay nasa wikang Ingles din... at hindi na din makikila si Uncle Sam na bata pa lang ako ay ninais ko ng makilala...

Kung ang kultura naman bansang Tsina ang mawawala sa Pilipinas, pihadong malulungkot ang mga mamimili at negosyante sa divisoria... malulungkot na din ang mga tumatangkilik sa mga piniratang DVDs at VCDs... magiging matamlay na din transakyon ng mga sindikato ng Chinese at Hong Kong Triad... pero matutuwa naman ang mga pusa dahil hindi na sila maipapalaman sa mga Siopao... babagsak na din ang negosyo ng Ma Mon Luk at Chowking... hindi na din natin mapapanood sina Jet Li, Bruce Lee at Jacky Chan...malulungkot na tayo dahil hindi na din natin masisilayan ang alindog nina Zhang Ziyi at Shu Qi... mababawasan na din ang mga produkto ng pampayat at iba't ibang food supplement... at sa panahon ng delubyo tulad ng nakalipas na Ondoy, hindi na din tayo makakakita ng mga noodles sa donation box...maraming Pilipinong mahihirap na din ang mamamatay dahil aalisin na sa kanila ang pambansang pagkain-- ang noodles...

Nakakalungkot isipin na halos lahat ng kulturang meron mga Pilipino ay kinain na ng kulturang dayuhan.... Hindi man natin aminin lugmok na tayo sa kanilang impluwensya.... Pero may magagawa ka pa ba? Hindi ko sinasabing bumalik ka sa panahon ng lumang bato, gumamit ng bato sa pagpapaningas ng apoy...magsulat gamit ang alibata... mag-araro kasama si Kalakian... o alisin ang mga computer at bagkus magsulat sa dahon at bato...

ngunit sana nga lang hindi mawaglit sa ating isipan at puso ang ating pinagmulan.. Pilipino tayo, ikaw at ako... sa dami ng kaalaman nakuha natin sa iba't ibang dayuhan... ikaw na "Pinili" at "Pinino".. Oo, ikaw Pilipino...tangan mo na ang galing ng mundo... alisin na ang pagiging makasarili at ihandog sa bayan mo ang buo mong talento...

bakit nga ba hindi umuunlad ang Pilipinas? hindi naman kulang ang Pilipinas sa talento at galing...maging sa yaman ng kalikasan ay sagana din... hindi din siguro ito dahil sa Pulitika ng bansa, hindi din sa kultura na namana sa mga banyaga... alam mo kung ano ang kulang?... Ang "pagmamahal" sa bansang kung saan ka nagmula...ang bansang "Pinili" at "Pinitas"...---ang Pilipinas.

Mga Komento

  1. natutuwa ako sa post na to, tamang tama ang pagkakapost parekoy. ang galing! proud to be pinoy. :)

    http://www.damuhan.com/2010/12/si-tope-ikatlong-yugto.html

    TumugonBurahin
  2. tamang tama! haha.. naging hulmahan lang naman kasi tayo ng ibang lahi. haha ung sagot ko sa tanong mo?


    Filipino Time.
    Hospitality kuno(pagiging tsismosa ng kapitbahay sa dayuhang asawa ng kapitbahay).
    Ibat-ibang pamamaraan ng pagnanakaw.(budul-budul, laslasbag, gupit panty at kung anu2x)
    Lantarang korupsyon.
    marami pa.


    mga negatibo nga lang.

    TumugonBurahin
  3. Sa tingin ko, ang kultura natin ay similar na sa ibang asian country like singapore. Melting pot. Mixed culture na tayo dahil sa mga sumakop sa atin.

    Natawa ako sa sagot ng nasa itaas (keko)

    TumugonBurahin
  4. siopao na ang palaman ay pusa? totoo?


    tama! pagmamahal ang kulang. :)

    TumugonBurahin
  5. haha! tinamaan ako sa tanong: ano pa? wala narin ako masabi after ng po at opo. ahay :(

    pabisita kuyakoy!
    mwaaaa :*

    marynarvasa
    http://narvasamarga.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  6. @Bino
    yeah parekoy..kahit naman papano pd pa din tayong maging proud.... :)

    @keko
    yun ang nakakatakot dyan...nakikita nga natin ang pagkakaiba natin sa ibang lahi kaso ayun negatibo pa... pero sa isang banda yung mga ugaling tunay na tatak pilipino ay kadalasan makikita na lng natin sa mga ilang muslim at iba pang pangkat etniko sa bansa... :)

    @khantotantra
    ako din gusto kong matawa pero sa isang banda nalungkot din...

    @empi
    oo bakit? favorite mo ba yun?... ahahaha.. syempre hindi na ngayon kasi panay botchang baboy na ang ipinapalaman na nila sa siopao... ahahaha

    @ptrck2010
    woooaahhh... promotion ba ito o spamming?... aahahaha...pareho lang ata yun

    @mary
    salamat mary sa pagdaan... i lily lily like ur name... ahehehe... namimis ko na ang maria ng buhay ko... ahahahay... ;)

    TumugonBurahin
  7. Parang trip kong magsulat sa dahon at bato. Joke!

    Oo nga, sa panahon ngayon, nakalimutan na ng halos karamihan sa atin kung saan nga ba tayo at anong kultura talaga tayo meron, maski ako aaminin ko.

    Marami sa atin lalo na tayong nasa ibang bansa, kapag tinanong "what country are you from?"
    Marami ang sumasagot ng "PHILIPPINES" subalit pabulong.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...