Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2011

Pananabik sa Tag-init

Basahin ang kwentong ito sa The Kablogs Journal Issue 12 "A lot of times, what we pray for takes a while to come. In these situations we can know that we have faith when we have the patience to wait. We should have the same patience for everything we believe God for.." -Anonymous Pebrero 28, 2011. Maaaga akong gumising sa araw na ito. Nakangiting bumangon kahit na nangangatog sa lamig. Kinuha ko ang pulang panulat at tumungo sa kalendaryong nakasabit sa dingding. Minarkahan ng ekis ang numero 28. Ngunit napakunot noo ako at nagtaka. "Nasaan na yun?" , mahinang bulong ko sa sarili. Kinakabahan na baka pinaglaruan ako ng maligno at inalis nila ang hinahanap ko. " Ay tanga, wala nga palang 29 at 30 ang Pebrero" , napangiti ako ulit habang kinukusot ng bahagya ang likurang bahagi ng ulo.  "March 01 na pala bukas!, Tag-init na!". "Yahoo! uuwi na ako sa wakas!" , sigaw kong malakas sabay lundag sa kamang hinigaan. Tum...

The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao

Tama ito nga yun... nice nice... May asim pa si mommy -- Coach Freddie Roach May toyo ka ata! --Mommy Dionisia tpos ang sabi.. Manny Pacquiao uses steroids? Totoo nga... ahehehe... :)

Nonito Donaire Knocks Out Fernando Montiel

Alam ko gusto ninyo ulit itong makita.. kaya ito na! woaaah! Nonito Donaire won a TKO victory over Fernando "Cochulito" Montiel in Second Round and became the New WBC/WBO bantamweight Champion 2011. Congratulations Nonito "The Filipino Flash" Donaire!

...Puting Damit...

[Paalala: Ang akdang ito ay kathang isip lamang ng may-akda. Anumang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Pinapaalalahanan ang lahat na mayroong ilang bahagi sa akdang ito na lubhang maselan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan] Hindi pa ganap na nakakasikat ang araw, suot ko na naman muli ang paborito kong puting damit. Tangan ang istetoskop (stethoscope), pluma at piraso ng papel, sinimulan ko ng umikot sa buong pasilidad. Oo! Duktor ako. Ngunit hindi tulad ng ibang duktor, mga taong wala sa pag-iisip o mga taong tinakasan na ng katinuan ang ginagamot ko. Matagal na din ang panahon ang lumilipas mula ng ako ay pumasok sa lugar na ito. May mga napapagaling din ngunit hanggang sa ngayon marami pa din sa kanila ay nandito na bago pa man ako dumating. Alam na alam ko na ang kwento ng bawat isa kanila. Sa totoo lang napamahal na din ako sa kanila at sa palagay ko maging sila din ay mahal din ako. Sa katunayan may ...

Sistema ng Numero, Sistema ng Tao

Isa sa pinakamahirap kausapin ay ang numero.  Oo, yung mga numbers. Bakit? Minsan kasi hindi ko talaga sila maintindihan.  Pero gusto nyo ba silang makilala? Oh teka, san ka pupunta? Wag mo naman i-close ang browser mo, o kaya pindutin ang [x] button, o kaya naman back button. Sige na, ipagpatuloy nyo na ang pagbabasa, gusto ka din kasi nilang makilala. Ang numero katulad ng tao ay may iba't ibang uri.  May mga positive at negative.  Meron ding rational at irrational. Meron ding real at imaginary. Ganyan ang numero at ganun din ang tao, may mga taong positibo at negatibo ang pananaw sa buhay.  Meron ding mga taong rational at irrational ang gawi. At may mga taong totoo (real) at taong pangarap lang (imaginary). Ngunit ano nga ba ang numero? Ang sabi ng Wikipedia, "A number is a mathematical object used to count and measure." Kung ganun, object o bagay pala ang numero. Pero ang numero ay hindi nakikita, abstract noun-- isang ideya.  Para sa malinaw na pali...

...Puso ng mga Halimaw...

Basahin ang kwentong ito sa The Kablogs Journal Issue 11 Alas-dose na ng hatinggabi. Payapa ang lahat. Babasagin ito ng iyak ng ibon mula sa kagubatan. At kasabay din niyong ang sunod-sunod na ungol at alulong ng mga asong gubat. Nakakapanindig ng balahibo ang sumusunod na eksena. Nagsimula ng bumangon mula sa pagkakahimbing ang mga engkanto, taong lobo, tiyanak, aswang, bampira, tikbalang, manananggal, at iba't ibang nilalang at lamang-lupa upang gumala sa bayan ng San Martin. Gumala upang makasila ng tao o mas mahinang nilalang na maaaring mailaman sa sikmura. Mula sa masukal na kagubatan, lumabas sa kanyang lungga si Vanessa, ang babaeng ahas. Nakita nya ang batang tikbalang at mabilis nya itong nilingkisan. Mabilis at mahigpit na ipinulupot ang kanyang buntot sa buong katawan ng batang tikbalang. Ilang saglit lang, wala ng buhay ito. Nagsimula na si Vanessa na lurayin ang katawan ng batang tikbalang. Kinain ang mga lamang loob maliban sa puso. Maingat n...

Panahon na Naman [ng Pag-ibig?]

Hayyyss! (*hingang malalim, sabay buntong-hininga*) Pebrero na nga. At sa pagtapak nga ng buwang ito sa kalendaryo wala akong ibang masabi kundi, "Panahon na Naman"... Panahon na Naman by RiverMaya May, may naririnig akong bagong awitin At may, may naririnig akong bagong sigaw Hindi mo ba namamalayan? Wala ka bang nararamdaman? Ika ng hangin na humahalik sa atin: “Panahon na naman ng pag-ibig. Panahon nanaman. Aahh. Panahon nanaman ng pag-ibig. Gumising ka.Tara na.” Masdang maigi ang mga mata ng bawat tao Nakasilip ang isang bagong saya At pag-ibig na dakilang matagal nang nawala Kamusta na? Naryan ka lang pala. At sa mabilis na pagdaan ng panahon, hindi mo mamalayan.. ay Pebrero na pala, ay araw na naman ni kupido (*kailan kaya sya papalitan ni Robin Hood?*)... ay pag-ibig nasaan ka na ba?  Kapatid sa pananampalataya hinahanap mo pa rin ba sya?... si Pag-ibig... Wag kang tanga, ayan lang s'ya oh, nasa harapan mo... kunyari ka pang hindi mo makita... pero ang to...