[Paalala: Ang akdang ito ay kathang isip lamang ng may-akda. Anumang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Pinapaalalahanan ang lahat na mayroong ilang bahagi sa akdang ito na lubhang maselan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan]
Hindi pa ganap na nakakasikat ang araw, suot ko na naman muli ang paborito kong puting damit. Tangan ang istetoskop (stethoscope), pluma at piraso ng papel, sinimulan ko ng umikot sa buong pasilidad. Oo! Duktor ako. Ngunit hindi tulad ng ibang duktor, mga taong wala sa pag-iisip o mga taong tinakasan na ng katinuan ang ginagamot ko. Matagal na din ang panahon ang lumilipas mula ng ako ay pumasok sa lugar na ito. May mga napapagaling din ngunit hanggang sa ngayon marami pa din sa kanila ay nandito na bago pa man ako dumating. Alam na alam ko na ang kwento ng bawat isa kanila. Sa totoo lang napamahal na din ako sa kanila at sa palagay ko maging sila din ay mahal din ako. Sa katunayan may isang pasyente nga na napagaling ko na ngunit tumanggi syang lumabas. Hindi nya daw ako iiwan hanggang sa magretiro na ako bilang duktor.
Hindi pa ganap na nakakasikat ang araw, suot ko na naman muli ang paborito kong puting damit. Tangan ang istetoskop (stethoscope), pluma at piraso ng papel, sinimulan ko ng umikot sa buong pasilidad. Oo! Duktor ako. Ngunit hindi tulad ng ibang duktor, mga taong wala sa pag-iisip o mga taong tinakasan na ng katinuan ang ginagamot ko. Matagal na din ang panahon ang lumilipas mula ng ako ay pumasok sa lugar na ito. May mga napapagaling din ngunit hanggang sa ngayon marami pa din sa kanila ay nandito na bago pa man ako dumating. Alam na alam ko na ang kwento ng bawat isa kanila. Sa totoo lang napamahal na din ako sa kanila at sa palagay ko maging sila din ay mahal din ako. Sa katunayan may isang pasyente nga na napagaling ko na ngunit tumanggi syang lumabas. Hindi nya daw ako iiwan hanggang sa magretiro na ako bilang duktor.
"Kamusta na ang pasyente ko?", tanong ko kay Pedring.
"Dok, huwag kang maingay, baka magising si Tagpi. Alam mo dok, natuto na syang lumipad ngayon. Si Muning naman, tignan mo oh, ang galing na nyang lumangoy", pagmamalaki ni Pedring.
"Oo nga no?, Pero tumatahol pa din ba si Tagpi? Eh si Muning hindi ka na ba kinakalmot?", tanong ko ulit kay Pedring.
"Hindi na dok, mabait na sila ngayon!", ani ni Pedring.
"A sige akin na muna sila, uminom ka muna ng gamot ha?", muli kong sabi sa kanya habang inilalayo ang salagubang at ang buteteng lumalangoy sa plastik.
Ganito ang buhay dito. Kailangan mong intindihin ang bawat pasyente. Huwag ka ng magtangkang salungatin sila dahil hindi ka nila paniniwalaan bagkus ipagdidiinan ng mga iyon na ikaw ang mali. May mga imahinasyon ang mga pasyente na sila lang ang nakakaintindi, kailangan mo silang intindihin.
Pumunta ako sa paborito kong pasyente. Si Mark Reyes. Siya ang pasyenteng paborito kong kausapin dahil lahat ng sama ng loob ko sa buhay, sa trabaho, lahat ay nasasabi ko kanya. Katulad ng pag-aalaga ko sa kanya noon, matiyaga nya akong pinakikinggan. Sabi nga nya,
"Dok, ganun talaga ang buhay kailangan nating sumunod sa agos, kailangan nating maging matatag. Basta nandito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan hanggang sa magretiro ka na bilang duktor."
Nagpaalam ako sandali kay Mark upang asikasuhin ang bagong pasok na pasyente. Isang lalaking nasa edad 40-50 na halos kapigura ng aking ama. Nagwawala ito at nagmamakawa na huwag ipasok sa aming pasilidad. Nilapitan ko sya at tinulungan ang ilang nurse sa pagpapakalma sa kanya. Matapos iyon, nagpatuloy na ako sa pag-ikot sa lugar.
"Kamusta ka na Edna?", tanong ko.
Hindi umimik ang dalagita bagkus nakangiti sya at tinuturo ang malapot na sipon sa akin ilong. Wala akong mahagilap na panyo kaya nilamukos ko iyon gamit ang kamay. Ngunit sa di sinasadya, may ilang bahagi nito na tumalsik sa kanyang mukha. Biglang nagbago ang kanyang mukha at tuluyan ng umiyak. Niyakap ko sya upang tumahan. Ganito ang mga pasyente, ang iba sa kanila ay nangangailangan ng kalinga, dibdib na masasandalan. Tumahan din si Edna matapos ipunas ang kanyang mukha sa puti kong damit.
Bumalik ako kay Mark at pinag-usapan namin ang bagong pasok na pasyente.
"Alam mo yung bagong pasyente, halos kapareho ng tatay ko", sabi ko sa kanya.
"Bakit? Nasaan na ba ang tatay mo Dok?", tanong nya.
"Hindi ko alam eh, simula ng pumasok ako dito wala na akong balita", muli kong sagot.
"Natatakot nga ako sa kanya eh. Para syang mananakit. Noong nasa bahay pa ako lagi akong pinagagalitan ng tatay ko, kahit wala akong kasalanan. Lagi niya akong sinisi sa pagkamatay ng nanay ko at pinamumukha na hindi nya ako anak. Simula pa pagkabata lagi nya akong sinasaktan tapos si Dan, yung kapatid ko yun ang paborito nya. Lahat ng gusto nun, agad nyang nakukuha. Lahat ng luho nya binibigay ng tatay. Pero ako, kahit nga pagkain halos pagdamutan nila ako. Hindi nga ako pinapayagang sumalo sa kanila. Para akong aso na tira-tira na lang ang kinakain. Maswerte na nga ako kung may tira dahil madalas wala akong makain.
At pag-birthday ni Dan, laging may party sa bahay. Marami syang regalo, maraming laruan. Ngunit ako, wala kahit ano. Madalas pag-birthday ko nasa basurahan ako o di kaya, nagbabahay-bahay...nangangalakal ng basura para kahit papano may masarap akong kainin sa kaarawan ko. Sana nga isang araw sa kaarawan ko may mag-paparty din sa akin, may magregalo ng laruan ng katulad kay Dan.
Alam mo yun si Dan, pinag-aral yun ng Itay sa exclusive school. Pero ako hindi. Kaya nga lahat ng klase ng trabaho noon pinasukan ko para lang makapag-aral at maging Duktor. Habang nagtratrabaho ako, sinikap ko talagang mag-ipon para mabili at maranasan ang mga bagay na hindi ko natikman noong bata pa ako. Sinikap kong punuin ang alakansyang tinago ko sa likod ng aparador para sa kaarawan ko, bibili ako ng laruan, bibili ako ng pagkain.
Hapon na ng kaarawan ko, pagod mula sa trabaho..nakangiti na akong umuwi at sa wakas magagamit ko na ang pera para sa munti kong mga pangarap. Pagpasok ko ng bahay, nakita ko si Dan nakahiga sa Sofa, lasing. Sa pagkakataong iyon, kinabahan na ako. Tinungo ko ang likuran ng aparador, hinanap ang alkansya. Nandun pa din alakansya ngunit wala na ang laman nito, wala na ang pera. Wala na ang pera ng aking mga pangarap. Gumuho ang mundo ko."
Hindi ko na maturuan ng tamang paggalaw ang aking katawan. Tinungo ang kusina, kinuha ang kutsilyo at dagli ko itong itinarak kay Dan. Paulit-ulit. Kumalat ang dugo sa sahig. Narumihan ang puti kong damit.
Magulo na ang takbo ng utak ko....naiisip ko ang puting damit... ang laruan...ang regalo...ang mga laruan..ang alkansya...ang pera... ang aking kaarawan...ang aking pangarap....
At pagkatapos ng lahat ng ito, natagpuan ko ang aking sarili na nakasuot ng puting damit...pumapalakpak ng walang dahilan habang patuloy ang pagtulo ng laway at sipon na aking nilalamutak paminsan-minsan.
May bago na pala kaming duktor, si Dr. Mark Reyes.
~~***~~
[Edit]
Babanggitin ko na din po pala ito. Baka kasi makalimutan ko pa. Masyado na akong nagiging makalimutin. Nais kong pasalamatan si Iya Khin sa paghahandog ng FAT Award at si Superjaid para pos sa pagbibigay ng Stylish Blog Award. At muli, maraming-maraming salamat sa inyo.
ahh ayos sa ending di pumasok sa isip kong pasyente din ang bida hehehe =)
TumugonBurahinmalapit na din ako'ng maging pasyente hehehe. parang shutter island style ah. heheheh
TumugonBurahinparang mababaliw ako... naguluhan ako... si Mark Reyes ang duktor? na naging pasyente? o ang Mark Reyes at ang kapatid ni dan ay iisa? :D
TumugonBurahinmagkapangalan lang ba ang duktor at ang pasyente? pero ang ganda ng kwento. Nakakaawa yung lalaki.
TumugonBurahinuy may kilala akong ganyan.....kaso di ko na alam kung nasan sya ngayon kasi iniwala sya eh...totoo...kakaawa nga eh....nakita mo ba?
TumugonBurahinnaisip ko lang brod..
TumugonBurahinilan kaya ang kagaya ni "Dok" sa atin sa totoong buhay?
nakakaawa lang na ang isang tao na may munting pangarap na nabasura ang sya pang humantong sa madilim nyang kinalalagyan..
kung sana lang hindi gaanong sakim ang mga tao at may konti man lang konsiderasyon sa kanyang kapwa.. kadugo man o hindi.. paborito mang anak o hindi.. sana konti na lang ang kagaya ni "dok", sana mababawasan ang kargo ng mga kagaya ni Dr. Mark..
nice post SG!
Nice post. Ang buhay nga naman, hindi mo alam kung saan ka dadalhin. May mga pangyayaring kahalintulad ng pagsasalarawan ni Dok, mapait at masalimuot... Nakakasira ng isipan. Subalit mayroon at mayroon paring ibang taong handang dumamay sa atin, katulad ni dr. Mark.. Ung handang magbigay ng oras hanggang kaya.
TumugonBurahin@♥superjaid♥
TumugonBurahinyup si doc nga ang pasyente...:)
@Bino
ahehehe...yan ang napapala ko sa pagtambay sa mandaluyong... ahahaha..jokes.... :)
@empi
yup... si mark reyes tlaga ang duktor... hindi sya naging pasyente..ang akala ni dok ginagamot nya lng si mark reyes.. pero hindi sya talaga ang ginagamot nito... :)
@ khantotantra
bale yung duktor n nagkwekwento...sya mismo yung pasyente.. pero hindi sya tlaga duktor... inakala nya alng na duktor tlaga sya pero ang totoo sya ay isa mga pasynete ni Dr. Mark reyes.
@iya_khin
hindi kaya ako yung kilala mo?... ahhahaha... :)
@an_indecent_mind
sa totoo lang maraming tulad nila... mga tinatakasan ng katinuan...dahil sa lupit ng tao at ng pagkakataon hindi maiiwasan sa ganito humahantong pero sa isang banda minsan naiingit din ako sa kanila... kasi malaya na sila...tunay na malaya...
Mapalad Silang Wala sa Katinuan
@rainbow box
totoo...pero bukod kay Dr. Reyes, may dalawa pang handang dumamay sa iyo sa oras ng pangangailangan... ang sarili mo at ang Dakilang Lumikha.. huwag bumitiw sa iyong katinuan... at ipasa-Diyos ang lahat... :)
naguguluhan ako..pero nakuha ko... :)
TumugonBurahinmagaling Super G...
morning!
SUPER NICE SUPER G! Galing galing galing!! Di ko akalain yun... na-expose na din kame dati sa mga may sakit na ganyan... sabi nila nakakahawa daw.. hahahaha :) pero ang galing.. pramis! Thumbs up!
TumugonBurahinang galing sir.. ayos ang ending ah.. clap clap clap.. ganda ng pagkakagawa ... :)
TumugonBurahinhanga ako dito.. :)
@~ JaY RuLEZ ~
TumugonBurahinahehehe...uu magulo talaga yan..usapang baliw eh... ahahaha... :)
@Kamila
wooahhh..salamat... ahehehe...sige minsan sama ka sa akin sa pagtambay sa mandaluyong... ahahaha...
@ISTAMBAY
salamat po...pero matino po ako..promis..minsan napagbibintangan lng na baliw...ahahaha... :)
galing......dapat ganun ang ginagawa ng mga magnanakaw.......kahit hindi lang sa kuwento..pati sa totoong buhay,hehe..
TumugonBurahin@Arvin U. de la Peña
TumugonBurahinginagawa ng mga magnanakaw??? yun ang di ko na-gets, san nanggaling ang magnanakaw? usapang mental hospital po yung kwento ko...
aha! alam ko na..si Dan na nagnakaw ng pera nya ay dapat pinapatay...ummmmm...cge cge..tagal kong nag-isip dun ah...:)
woow galing. kala ko doctor din ang nagkwekwnto.
TumugonBurahinpasyente din pala. pag nakakakita nga ko ng mental mental sa tv, naaawa ako. kasi parang di na sila gagaling. pag nawala na memories, pano pa babalik?
kakatakot.
hi kuya boyet! kuya daw? hahahaha. eto na. salamat sa'yo nakagawa ako ng isang post. mwahahaha. miss reading your posts!
TumugonBurahin@jezon
TumugonBurahinahehehe..salamat... yeah...yun nga madalas hindi na nga yun bumabalik...tuluyan ng tumakas ang katinuan...
@JM
woooahhh..cge check ko yan...ayt.... :)
Parang shutter island ah hehe! Ayos!
TumugonBurahin@Noel
TumugonBurahinuu nga daw sabi ni bino..inde ko nmn alam... ahahaha... magdownload nga ako nyan mmya... :)