Lumaktaw sa pangunahing content

...Puso ng mga Halimaw...

Basahin ang kwentong ito sa The Kablogs Journal Issue 11




Alas-dose na ng hatinggabi. Payapa ang lahat.

Babasagin ito ng iyak ng ibon mula sa kagubatan. At kasabay din niyong ang sunod-sunod na ungol at alulong ng mga asong gubat.

Nakakapanindig ng balahibo ang sumusunod na eksena. Nagsimula ng bumangon mula sa pagkakahimbing ang mga engkanto, taong lobo, tiyanak, aswang, bampira, tikbalang, manananggal, at iba't ibang nilalang at lamang-lupa upang gumala sa bayan ng San Martin. Gumala upang makasila ng tao o mas mahinang nilalang na maaaring mailaman sa sikmura.

Mula sa masukal na kagubatan, lumabas sa kanyang lungga si Vanessa, ang babaeng ahas. Nakita nya ang batang tikbalang at mabilis nya itong nilingkisan. Mabilis at mahigpit na ipinulupot ang kanyang buntot sa buong katawan ng batang tikbalang. Ilang saglit lang, wala ng buhay ito. Nagsimula na si Vanessa na lurayin ang katawan ng batang tikbalang. Kinain ang mga lamang loob maliban sa puso. Maingat na inilagay ni Vanessa ang puso sa garapong bitbit at mabilis na umalis patungo sa plaza ng bayan ng San Martin.

Sa gitna ng kagubatan, may mga ilang pagyanig na naramdaman malapit sa kastilyong pinamumugaran ng mga bampira. Bumuka ang lupa upang bigyan daan ang paglabas ni Santina. Si Santina ang isa sa mga apo ni Satanas na tumatakas pa mula sa impyerno upang makipagtagpo sa kanyang kasintahan sa ibabaw ng lupa.

Sa loob ng kastilyo, masayang nagdiriwang ang mga bampira maliban kay Benjo. Si Benjo ay ang kasintahan ni Santina na iba din sa pangkaniwang bampira.

"Devon, gisingin mo na nga ang kuya Benjo mo. Sabihin mo, nandito si Santina at hinahanap siya", ani ng kanilang inang si Minerva.

"Mama, hayaan mo na nga yang si Kuya, lagi kasi syang nagpupuyat sa umaga kaya kung magising halos madaling-araw na", padabog na sabi ni Devon.

Iba sa lahat ng bampira si Benjo. Hindi sya umiinom ng dugo ng tao. Tanging dugo lamang ng mga ligaw na hayop ang kanyang nagsisilbing pamatid-gutom at uhaw. Bukod dun may kakayahan si Benjo na maglakad sa ilalim ng sikat ng araw dahil na rin sa kanyang taglay na puso. Sa lahat ng bampira, si Benjo lamang ang may puso.

"Tita Minerva, ako na lang po ang gigising kay Benjo", magalang na sagot ng apo ni Satanas.

"Sige, Santina ikaw na ang bahala", tugon ni Minerva.

Masayang tinungo ni Santina ang kwarto kung saan nakaluklok ang kabaong na nagsisilbing pahingahan ni Benjo. Habang lumalakad sa pasilyo, masayang pinaglalaruan ni Santina ang kanyang buntot na nanabik na muling makasama ang kasintahan.

Inangat ni Santina ang bukana ng kabaong at bahagyang inuyog ang nakahimlay.

"Benjo, gising.", marahan nyang sabi.

Iminulat ni Benjo ang mata at natunghayan ang maamong mukha ng demonyita. Napangiti sya.

"Pasensya na ha? Napuyat kasi ako kaninang umaga sa panghuhuli ng baboy-ramo. Anong oras na ba?", tanong ni Benjo.

"Ummm, mag alas-tres na din ng madaling-araw. Gusto mo mamasyal tayo? Punta tayo sa plaza?", nakangiting yaya ni Santina.

"Sige, pero sandali lang kakain lang ako. Gusto mo bang sumabay?", tanong muli ni Benjo.

Umiling lamang si Santina.

"Ah. Oo nga pala hindi ka pala nakakaramdam ng gutom. Kaya kapag naging mag-asawa na tayo tipid tayo sa paghahanap ng pagkain. Hahahaha!", humahalakhak na sabi ni Benjo.

Makailang saglit lang, matapos makapagpaalam kina Minerva, umalis na ng kastilyo ang dalawang magkasingtahan. Masayang naglalakad sa mapanganib na kagubatan ang dalawa. Hindi nila alintana ang mga nagpapatayang mga halimaw sa paligid at hindi din naman sila ginagambala ng mga ito. Sa kabila ng matindng pagnanais ng mga halimaw na makuha ang puso ni Benjo, hindi nila ito magawa dahil batid nila ang kapangyarihan ni Santina, ang apo ng hari ng kadiliman.

Ligtas na nakarating ang dalawa sa plaza ng San Martin. Tahimik ang buong plaza habang nakatunghay ang liwanag ng buwan. Sa di-kalayuan matatanaw ang simbahan ng San Martin. Tila ba ang buong magdamag sa plaza ay paraiso kina Benjo at Santina. Paraiso para sa mga itinuturing na halimaw ng kapwa halimaw at ng tao. Tumayo si Benjo sa isang mataas na bato sa plaza habang sinisipat ang simbahan. Sumunod si Santina sa kanya.

"Anong tinitignan mo Benjo?", tanong ni Santina.

"Ang simbahan.", maikling tugon ni Benjo.

"Simbahan? Anong meron sa simbahan?", tanong ulit ni Santina.

"Kung magagawa ko lang makalapit at makapasok sa simbahan Santina, gusto kong makapagpakasal tayo dyan. Kung hindi lang ako ganito, kung hindi lang ako bampira, ipahahayag ko sa buong mundo at sa Diyos ang pagmamahal ko sa iyo.", sagot ni Benjo.

"Alam mo Benjo, gusto mo bang pumasok talaga dyan? Gusto mong subukan? Hindi ko lang sinasabi kay lolo na nakapapasok na ako ng Simbahan. Simula ng makita kita at malaman ko na mahal kita, nagawa kong makapasok dyan.", paliwanag ni Santina.

"Ha? Hindi ko alam pero bakit hindi ko nga subukan?", ani Benjo.

"Natatakot ako Benjo. Paano kung mamatay ka sa pagpasok sa simbahan. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko.", maluha-luhang sabi ni Santina.

"Ok lang ako, para sa iyo, para sa pag-ibig ko sa iyo. magtiwala tayo", sagot muli ni Benjo.

Tumango lamang ang dalaga at sabay na nagtungo sa simbahan. Sa tapat ng simabahan, dahan-dahan lumapit si Benjo habang inaalalayan sya ni Santina. Pero laking gulat nya ng wala syang maramdamang panganib sa kanyang buhay sa paglapit nya sa simbahan. At dahil dun, masaya nilang dalawang tinungo ang altar sa simbahan at nagpasalamat.

Matapos ang ilang saglit, lumabas ang dalawa sa simbahan at bumalik sa plaza. Ang di batid ng dalawa, nakatunghay sa madilim na bahagi ng plaza si Vanessa. Nakita ni Vanessa ang pagpasok at paglabas ng dalawa sa simbahan. Nagtataka kaya masusi silang minatyagan.

"Alam mo Benjo, ang pagkakaroon natin ng puso ang dahilan kung bakit tayo nakakapasok sa simbahan. Ito din siguro ang dahilan kung bakit din tayo nakapaglalakad sa ilalim ng araw.", pahayag ni Santina.

"Oo, yan din ang naiisip ko. Salamat sa Kanya.", sabi ni Benjo

Nadinig ito ni Vanessa at mabilis syang bumalik sa pusod ng kagubatan. Doon, pinaslang nyang lahat ang mga halimaw na may puso at kinuha ito. Bumalik sya sa bayan ng San Martin, naghagilap ng ilang taong masisila upang makuha ang puso na ninais nya para sa dagdag na kapanyarihan.

Sa harap ng simbahan ng San Martin, kinain ni Vanessa ang lahat ng nakalap nyang mga puso at sinubukan nyang lumapit sa simbahan. Dahan-dahan ngunit malayo pa lang ramdam nya ang panganib sa kanyang buhay, unti-unti syang nasusunog kung kaya nagmadali syang lumayo sa simbahan. At dahil sa pagkabigo sa balakin, galit na galit nyang hinagilap sina Benjo at Santina.

"Alas-singko y media na ng madaling araw, ilang oras na lang at susulyap na si haring araw. Kailangan kong madaliin ang paghahanap sa dalawa para maangkin ang kanilang mga puso at kung hindi mahihirapan akong makuha sila", bulong ni Vanessa sa sarili.

Makalipas ang limang minutong paggagalugad sa San Martin, nakita ni Vanessa ang dalawa. At habang nakatalikod ang mga ito, sabay nyang itinarak sa likuran ng dalawa ang kanyang mga kamay upang makuha ang puso ng dalawa. Gulat ang dalawa sa pangyayari at sabay na bumagsak. Nakuha ni Vanessa ang puso nila Benjo at Santina at mabilis nyang kinain iyon. Bagama't hinang-hina ang dalawa dahil sa dami ng dugong nawala, nagawa nilang makatakas at magtago sa liblib na bahagi ng plaza.

Sa kinalalagyan nila Benjo at Santina, kitang-kita nila si Vanessa na nakangiti habang inaabangan ang pagsikat ng araw. Nakangiti si Vanessa na inaabangan ang kanyang kakayahan na makpagbilad sa ilalim ng araw. Ngunit sa pagtama ng sikat ng araw sa balat ni Vanessa, sinunog nito ang kanyang laman. Dinurog ng sikat ng araw ang kanyang buto. Pumapalahaw si Vanessa sa sakit. Natupok. Naabo.

Umiiling lang mula sa malayo ang dalawa. Napabulong si Santina, "Hindi puso Vanessa ang dahilan, kundi pag-ibig!"

Nauubos na ang dugo ng dalawa. Nadarama na nila ang kanilang katapusan. Pero nakangiti sila. Dahil alam nila sa kanilang pagpanaw, may paraisong nahihintay sa tabi ng Amang nakaluklok sa langit.

Mga Komento

  1. wow.. nice.. hellow bago lang ako dito.. mula sa u-blog.. waaaahhh... ngayon lang ako nakabasa ng ganito..... hahaha horro love story..!!!! x) galing...

    TumugonBurahin
  2. nice, napapadalas na pagdalaw ko dito :)

    TumugonBurahin
  3. @Kamila
    salamat po..parang ibang timpla naman... salamat po sa pagbista:)

    @Bhing
    ahehehe..salamat.. mejo sinisipag?... :D

    TumugonBurahin
  4. HIndi tamang sabihing may puso lang ang isang tao, dapat sabihing may pagibig na dumadaloy dito.. yan ang puso, iba't iba ang nararamdaman, galit, panibugho, inggit, at ang pinakadakila ay pagibig..

    magaling po sir Gulaman.. maganda ang twist ng kwento..

    pamilyar sakin si BENJO.. kung di ako nagkakamali, bida sya sa SALAMANGKA ni sir paulito..

    TumugonBurahin
  5. nice one super G... gusto ko rin ng puso! lolz!

    ingat

    TumugonBurahin
  6. galing ah! parang ung nabasa ko'ng komiks dati sa liwayway

    TumugonBurahin
  7. @ISTAMBAY
    yup tama... ahehehe... :)

    ummm...narinig ko na yan si Paulito eh. Pero wala pa naman akong nababasa nyang book. Ahehehe, nagkataon lang siguro... :)

    @RHYCKZ
    ako din gusto ko nyan..puso ng saging tapos may gata..yumyum... ahehehe... :)

    @Bino
    ahahaha..salamat...ang komiks na binibili sa akin dati ng nanay ko ay yung Funny Komiks... peborit ko si Eklok ...ahahaha...

    yung liwayway yan yung magazine dati nu? hindi ko na natatandaan pero parang may mga horror nga ata dun... :)

    TumugonBurahin
  8. ihanap mo ko ng puso... haha! yong fresh ah.. haha

    TumugonBurahin
  9. habang binabasa ko ang part na...

    Nagsimula na si Vanessa na lurayin ang katawan ng batang tikbalang. Kinain ang mga lamang loob maliban sa puso. Maingat na inilagay ni Vanessa ang puso sa garapong bitbit at mabilis na umalis patungo sa plaza ng bayan ng San Martin.

    ...kumakain ako. nice.. hahaha!

    ang gandaaa! i like this short story very valentine! :D

    TumugonBurahin
  10. @empi
    ahehehe..uu fresh na puso ng saging... ahahaha... ;)

    @rainbow box
    wahehehe...sarap nmn... ahahahha...wooahhh..thanks... :)

    TumugonBurahin
  11. wow!ang galing naman nito..simple lang pero may malalim na meaning..salamat sa pagshare nito sa amin kuya superG..thank you so much!=)

    TumugonBurahin
  12. hindi man ako marunong humusga kung magaling ang pagkakasulat o maganda ang kwento alam kong may meaning ang lahat.. Pre-valentine nga ba ito??? Nang iinis ka ba SuperG alam mo nmng loveless ako, kaw talaga... (xempre gusto ko rin ng puso (gaya-gaya ako eh)at sana wag kang tumigil sa pagkatha ng mga kwento dahil sa totoo lang, ikaw ang nag-inspire sa akin (T_T)... and remember
    "If there's something strange
    in your neighborhood
    Who you gonna call? - Ghostbusters!"
    Arigatou!!!
    Hi nga pala kay Essay-Thesis (Gem):P

    TumugonBurahin
  13. magaling ka talaga magsulat..puwede kang scriptwriter..

    TumugonBurahin
  14. heyyah superG! napadaan muli!
    Immortal ba ito?!!

    TumugonBurahin
  15. mga pare at mare, magpost naman kayo ng comments sa blog ko..huhuhu,,wala kasi akong alam na isulat kaya dagdagan niyo na lang,,weight loss topic ako ..pero iba iba ang topic..tagalog din po..appreciate it..thanks po mg kabloggers!

    TumugonBurahin
  16. super gulaman kasi eh, kaya magaling magsulat..hehehe..arvin may adsense kana ba? puso ng mga halimaw? good topic ha...hindi ako magaling sa seo give me tips sa blogging please..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...