Lumaktaw sa pangunahing content

Pananabik sa Tag-init

Basahin ang kwentong ito sa The Kablogs Journal Issue 12




"A lot of times, what we pray for takes a while to come. In these situations we can know that we have faith when we have the patience to wait. We should have the same patience for everything we believe God for.." -Anonymous

Pebrero 28, 2011.

Maaaga akong gumising sa araw na ito. Nakangiting bumangon kahit na nangangatog sa lamig. Kinuha ko ang pulang panulat at tumungo sa kalendaryong nakasabit sa dingding. Minarkahan ng ekis ang numero 28. Ngunit napakunot noo ako at nagtaka.

"Nasaan na yun?", mahinang bulong ko sa sarili.

Kinakabahan na baka pinaglaruan ako ng maligno at inalis nila ang hinahanap ko. "

Ay tanga, wala nga palang 29 at 30 ang Pebrero", napangiti ako ulit habang kinukusot ng bahagya ang likurang bahagi ng ulo.

 "March 01 na pala bukas!, Tag-init na!". "Yahoo! uuwi na ako sa wakas!", sigaw kong malakas sabay lundag sa kamang hinigaan.

Tumalon-talon hanggang mapagod, bumagsak sa kama ngunit nakangiti pa din sa labis na pananabik sa pag-uwi.

Makalipas ang sandali tumungo na din ako sa palikuran. Ibinuhos ang lahat ng sama ng tyan at pantog. Ang sarap, magaan sa pakiramdam. Kasinggaan ng pakiramdam ng matapos ko ang aking kontrata sa trabaho. Ang totoo nyan, may kontrata pang nakaabang kapalit ng luma kong kontrata. Ngunit tinanggihan ko na iyon. Gusto ko ng umuwi ng Pinas. Maramdamang muli ang ihip ng hangin mula sa dalampasigan. Kumain ng manga, matikman muli ang luto ni Inay, makalaro ang mga batang makukulit na si Boyet at Danica, umakyat sa puno ng buko, ipastol si kalakian at pumasyal sa plaza kasama si Maria.

Mahigit sa 3 taon na din ako dito sa Italy. Halos nasanay na nga din ako sa klima dito. Iba ang kultura pero mababait naman ang mga Italyanong nakasama ko sa trabaho. Ang totoo nyan, sanay na ako sa takbo ng buhay dito, ibang-iba sa Pilipinas. Kung tutuusin malayong-malayo ang ekonomiya ng Italya kumpara sa Pinas. Higit na magaan ang takbo ng buhay dito pero hinahanap-hanap ko pa din ang buhay sa Bayan ni Juan. Para akong batang umalis at namasyal sa mall. Kumain ng masasarap sa mga fastfood.  Naglaro at naglibang. Ngunit sa kabila ng mga kasiyahang iyon, naiinip din ako at hinahanap ang kinagisnan-- ang aming bahay, ang Pilipinas.

Ilang minuto ang nakalipas, lumabas na din ako ng palikuran. Dumiretso sa pinaghigaan. Naupo. Yumuko ng bahagya at kinapa ang maletang puno na ng alikabok. Hinaltak ito palabas sa ilalim ng kama.

"Ang dumi mo na, pero wag kang mag-alala uuwi na din tayo.", nakangiting kinakausap ang maleta habang pinapagpag ito.

Limingon ako sa kanan, sinipat ang laptop.  Dali-dali kong binuksan iyon at muling binalikan ang ilang mga larawan sa masaya kong pananatili sa Pilipinas noon. Pinagmasdan ko ang larawan ng dalawang taong magkaakbay habang naglalakad sa tabi ng dagat.  Nakangiti silang dalawa, bakas ang kasiyahan at galak sa puso ng dalawa.  Napangiti din ako.

"Bukas, Maria magkikita na din tayo at hindi na kita iiwan kahit kailan.", mahinang bulong ko sa sarili.

Click.

"Ang saya naman nila. Sana nandun din ako.", sinasabi ko sa isip habang pinagmamasdan ang mga larawan ng mga taong kumakain sa ilalim ng kubo sa may dalampasigan.

Sina Itay, Inay, ang dalawa kong makukulit na kapatid na sina Boyet at Danica, at ang pinakamamahal kong si Maria, sila ang mga dahilan ko kung bakit iiwan ko ang magandang buhay dito sa Italy. Aanhin ko ang magandang buhay dito kung hindi ko naman kapiling ang mga dahilan ng pagngiti ko sa araw-araw.  Kaunting tiis na lang makakasama ko na din kayo.

Mula sa pagkakaupo, muli akong nahiga. Pumikit. Inisip ang ganda ng dalampasigan. Dinama ang ihip ng hangin sa kabila ng init sa katanghaliang-tapat . Inilarawan sa isip ang masayang paglalaro ng aking dalawang kapatid habang nakikita si Maria sa gilid ng kubo na nakatunghay sa dalawa at tuwang-tuwa sa kulitan nila.  Sa tabi ng dagat, makikita sina Itay at Inay na nakaupo habang masayang pinagmamasdan ang mga ibon. na kumukuha ng pagkain sa dagat Lalapit ako kay Maria at hahagudin ang kanyang malambot na buhok.  Aakbay sa kanya at iaabot ang aking kamay. Aaakma akong isasayaw sya sa saliw ng musika ng hampas ng alon sa dalampasigan.  Ngingiti si Maria at yayakap ng buong higpit. Bibitiw ako at doon ko sya hahagkan ng buong pagmamahal at pananabik.

Kruuuuuuggg...kruuugggg...

Nagulat ako sa ingay ng aking sikmura. Napatitig sa orasan.  Ala-una pasado na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ulit. Dagli kong tinungo ang kusina. Mabilis na nagluto.  Kumain. Iniayos ang mga gamit sa maleta.  At nang matapos ang lahat ng iyon, bumalik muli ako sa pinaghigaan. Tinitigan ang orasan.  Binantayan.  Baka may mga malignong luko-luko at pahintuin ang pagpitak nito.

Nakangiti. Naiinip pero handang maghintay.

"Pilipinas, humanda ka! Babalikan ka na ni Angelo! Hayaan mo akong damhin muli ang saya sa tag-init na iniaalay mo sa nanabik kong puso."

Mga Komento

  1. fast forward talaga to? feb 28 2011? anyway, dama ko ang pananabik na makauwi sa mga mahal sa buhay at magsama-samang muli :)

    TumugonBurahin
  2. ay advanced post? hehehe. akala ko wala na naman akong sense of date and time... yun pla sadyang feb 28 ang nakalagay... hehehe

    TumugonBurahin
  3. hindi halatang sabik ahehehe.. sinadya mo ng 28 na ngayon eh...

    maligayang pagbabalik.. ang pinoy kahit saang lumapalop pa magpunta, hindi maaring hindi uuwi sa lupang hinirang...

    TumugonBurahin
  4. @Bino
    ahehehe..uu 28 tlaga yan... ahehehe...kung pd nga lang pabilisin ang mga araw ginawa ko na...at ginagagawa ko na nga... ahahaha... :)

    @JM
    yeah...28 nga.. ahehehe...

    @ISTAMBAY
    uu nga..kaya dapat uwi na kayo..uwi na...

    TumugonBurahin
  5. NAGwawarm up pa kaya iba ang nalalasahan mong kape sa blog ko. wehehehe. teka nasaang lupalop ka na ba?

    TumugonBurahin
  6. @JM
    ahehehe...ayuz nga eh..astigin....ei dparang umalis lang ako... pero hindi tlaga...nasa bahay lang ako...

    TumugonBurahin
  7. Ayyyyy... hay gusto ko na din umuwi.. tama ka..aanhin mo naman magandang buhay kung di mo kasama mga importante sa buhay..

    gusto ko na umuwi.

    TumugonBurahin
  8. wow excited na sya!! buti ka pa ako 3yrs na dito di pa ako nakakauwi!

    TumugonBurahin
  9. @Kamila
    ahehehe..uu nga..kaya uwi na... :D


    @musingan
    yeah..namiss ko na nga yan..lalo na pag kasama mo ang mahal mo habang lumalakad sa dalampasigan.. ang larawan sa entradong ento ay aking personal na kuha noong magbakasyon kami ng aking Grasya sa bohol... :)

    @iya_khin
    hindi ako ang uuwi...ang grasya uuwi na...yahoo...excited na din ako... :)

    iya_khin said...

    wow excited na sya!! buti ka pa ako 3yrs na dito di pa ako nakakauwi!
    February 25, 2011 3:32:00 AM PST

    TumugonBurahin
  10. theme song ko dito ay babalik ka rin na inawit ni gary v..

    TumugonBurahin
  11. uuwi ka na pala sir gulaman. :D enjoy your trip. ingats.

    TumugonBurahin
  12. @Arvin U. de la Peña
    yup...maganda yan kanta n yan...

    @khantotantra
    ahehehe...feeling ko lang yun parekoy... pero hindi nmn tlaga ako umalis... aheheheh... :)

    TumugonBurahin
  13. hay nkaka-touched naman..:( dbale malapit k nang umuwi.. god bless.

    TumugonBurahin
  14. ang ganda nman ng beach na iyan.. how i wish makakapunta din ako jan..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...