Lumaktaw sa pangunahing content

Panahon na Naman [ng Pag-ibig?]

Hayyyss! (*hingang malalim, sabay buntong-hininga*) Pebrero na nga. At sa pagtapak nga ng buwang ito sa kalendaryo wala akong ibang masabi kundi, "Panahon na Naman"...


Panahon na Naman by RiverMaya
May, may naririnig akong bagong awitin
At may, may naririnig akong bagong sigaw

Hindi mo ba namamalayan?
Wala ka bang nararamdaman?
Ika ng hangin na humahalik sa atin:

“Panahon na naman ng pag-ibig.
Panahon nanaman. Aahh.
Panahon nanaman ng pag-ibig.
Gumising ka.Tara na.”

Masdang maigi ang mga mata ng bawat tao
Nakasilip ang isang bagong saya
At pag-ibig na dakilang matagal nang nawala
Kamusta na? Naryan ka lang pala.



At sa mabilis na pagdaan ng panahon, hindi mo mamalayan.. ay Pebrero na pala, ay araw na naman ni kupido (*kailan kaya sya papalitan ni Robin Hood?*)... ay pag-ibig nasaan ka na ba? 

Kapatid sa pananampalataya hinahanap mo pa rin ba sya?... si Pag-ibig... Wag kang tanga, ayan lang s'ya oh, nasa harapan mo... kunyari ka pang hindi mo makita... pero ang totoo, natatakot ka... Natatakot ka kaya hanggang ngayon hindi mo magawang iparamdam sa kanya na mahal mo sya. Tsong, parang pagkain lang yan, hindi mo yan malalasahan kung hindi mo titikman. Huwag kang matakot sumubok, huwag kang matakot  masaktan. 

Ano? sasaktan ka ng pag-ibig? Ang tanda mo na naniniwala ka pa sa sinasabi nilang "Love Hurts"? Kalokohan yun. 

Totoong masakit ang mag-isa.  Totoong masakit ang mapagtaksilan. Totoong masakit ang malaman na hindi ka na niya mahal. At totoong masakit iwanan ng minamahal. Pero sinasabi ko sa'yo kahit kailan hindi nananakit ang pag-ibig, hindi nanakit ang pagmamahal. Ang kawalan nito ang sumusugat sa puso, sa ating buong pagkatao.  Pinagtaksilan ka dahil wala na ang pag-ibig, hindi ka na nya mahal dahil wala na ang pag-ibig, at iniwan ka nya dahil wala na ang pag-ibig. Kitam, kahit kailan hindi ka sasaktan ng pag-ibig. Maniwala ka, ito ang bubuo sa'yo, sa iyong buong pagkatao. Bakit?  Dahil, “Love is patient; love is kind and envies no one. Love is never boastful, nor conceited, nor rude; never selfish, not quick to take offense. There is nothing love cannot face; there is no limit to its faith, its hope, and endurance. In a word, there are three things that last forever: faith, hope, and love; but the greatest of them all is love.”

Happy Feb-ibig! Happy Puso! Happy Valentines Day sa Inyo!

Mga Komento

  1. ganda parekoy, totong hindi nananakit ang pagibig.. pero ito ang nagiging kadahilanan. mapalad ang taong nasaktan dahil ibig sabihin lamang nito ay marunong syang umibig.. kaya kung nasaktan man tayo.. normal yan.

    galing nito parekoy.. :)

    TumugonBurahin
  2. hays buti na lang nasa bayantel lang ang pag-ibig ko... kahit may tipus love ko yun bwahahahaha!

    TumugonBurahin
  3. pacomment pa ng isa pa hehehehe.... hindi mo nga naman malalaman na nasasaktan ka kung hindi ka magmamahal hihihihi...

    TumugonBurahin
  4. wow.... nice one... tsaka ngayon ko lang narinig yung kanta na yun ng rivermaya.. ganda din... pinapakinggan ko habang nagbabasa..

    ang pinakamsarap na sinabi mo ay hindi nakakasakit ang pag-ibig.. nga naman... :)

    TumugonBurahin
  5. ganun talagga pag umiibig ka... kasama dyan ang sakit. pero masaya naman pag maramdaman mong mahal ka niya at mahal mo siya, di ba?


    hehe. yon lang. thank u :D

    TumugonBurahin
  6. hindi naman nanakit si pag-ibig, tau lang nag-iisip nun para matakasan ang pain (peyn baka isipin mo pa-in)na nararamdaman natin... at anong karapatan kong mangaral? hehehe expir-este-inspired ka n nmn... hehehe

    TumugonBurahin
  7. @ISTAMBAY
    yeah...ang kawalan nito ang talagang nakakasakit... ahehehe..inalababo...:)

    @jedpogi
    aheeheehe..oo dati ng tipusin yan... ahahaha

    @Kamila

    ahehehe...yung knata n yan ang lagi kong naiisip pag valentines na...highschool days ko kasi yan...

    @empi
    yup yup...ganun nga ang pag-ibig...masakit, nasarap...oohh lala... :)

    @Captain Youni
    ahehehe.... wala akong makoment sau... ahehehe...kausapin mo n lng ako bukas.... ahehehe... ;)

    TumugonBurahin
  8. heheh. tama. pero syempre minsan may agam-agam lang kaya takot magmahal :D

    TumugonBurahin
  9. ah basta! bitter ako! wala ako'ng date!!!! joke. hehehe happy balentayms superg!

    TumugonBurahin
  10. @khantotantra
    yeah...alisin ang agam-agam...wala naman mawawala eh...

    @Bino
    ako din walng date... ahahaha...syempre pagmeron mabububog pa ako ng grasya...ahahaha... Yeah, happy Balentong... :)

    @Kiko
    yeah...happy valentines... :)

    TumugonBurahin
  11. masarap umibig ,masakit masaktan...

    buhay na katotohanan normal

    na dapat nating tanggapin :)

    gud day! super gulaman!!!
    nakikoment at nagfollow...
    :-D

    TumugonBurahin
  12. ang hirap lang sa pag ibig ay may kabiguan..nakakasakit iyon..

    TumugonBurahin
  13. Agree ako dito sa sinabi mo: "Tsong, parang pagkain lang yan, hindi mo yan malalasahan kung hindi mo titikman. Huwag kang matakot sumubok, huwag kang matakot masaktan. "

    eto madalas ko din sabihin sa mga friends ko.. itry nilang umibig.. kapag nasaktan sila, may matututunan silang magandang lesson at hindi pa katapusan ng mundo.. kung may mawawala, may darating na maganda....

    @Khantotantra: wak ka matakot..

    TumugonBurahin
  14. napakanta naman ako sayo! like ko yang kanta! oo agree ako sayo di nananakit ang love, masakit pag walang love, mamatay ka pag walang love kasi tulad ni papa Jesus love nya tayo kaya di nya hinayaang mamatay tayo! getz!

    TumugonBurahin
  15. @~ JaY RuLEZ ~
    wooaa...salamat... ;)

    @Arvin U. de la Peña
    yeah...pero mas maganda kung susubok pa din tayo...

    @Ang Babaeng Lakwatsera
    yup. tama... :)

    @iya_khin
    galing...yup..tama yun... :)

    TumugonBurahin
  16. nagpost din ako ng topics about valentines day hehehe, ewan ko nga ba anong naisip ko..hahaha..visit mo blog ko, tingnan niyo kung tama pinagsusulat ko...

    TumugonBurahin
  17. eto po pala link..heheh, super gulaman may adsense pala blog mo, magkano kita mo per month? help naman ng seo at keywords..thanks poh..patikim din ng gulaman..

    http://loss-weight-solutions.blogspot.com/2011/02/valentines-day-special-how-to-celebrate.html

    TumugonBurahin
  18. Happy Hearts Day!

    Ang Feb 14 para sa akin, hindi lang araw ng mga puso...

    Death Anniversary din ito ng butihin kong Ama..
    Birthday naman ng magiging mother-in-law ko..

    At ako ay nalulungkot dahil malayo ako sa aking pamilya sa araw ng mga puso... :'(

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...