Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2012

HyperPanda Babies and others

Natapos na naman ang magdamag.  Hindi ko naman masasabi na naging mahimbing ang aking pagtulog dahil sa mga hinayupak na surot na ito. Nakagigigil, masarap tirisin at makitang sumirit ang dugong sinipsip nila mula sa akin. Kung hindi lang ako inaantok ay malamang na kumuha ako ng karayom at isa isa ko silang pagtutusukin hanggang sa magbulwakan ang kanilang lamang loob. Kung pwede lang siguro akong kasuhan ng murder ng mga surot na ito, malamang sa malamang na mahaba na ang aking sistensya sa dami ng napatay ko sa kanila. Siguro kung may magtatanong sa akin kung ano ang pinakaayaw ko sa Dubai bukod sa mga amoy kilikili, una na don ang mga surot. Oh sige ranking muna ng 10 Things that I hate in Dubai.  Teka hindi lang things, kasi pati hayop kinaiinisan ko.  Oo! Hayop! Hayop sa baho.  Ok eto na: 1. Surot 2. Mga amoy baktol 3. Mainit. 4. Sand Storm 5. Mayabang na gwardya na astang manager. 6. Curry, Masala (Amoy pa lang ayaw ko na, kainin pa kaya?) 7. Over-priced Fili...

Para!

Writer's block. Black and blank.  Yan ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na ako makapagkwento ng buong sigasig tulad ng dati.  Na tila ba lahat ng kakulitan, yabang at angas sa pagsusulat ay lumipas na. Pero siguro nga, lumipas na.... Ang hirap...tatlong oras na ang lumipas ng simulan ko ang talata na nasa itaas at sa hanggang sa sumandaling ito, hinahanap ko pa din ang tema at patutunguhan ng sulating ito at may pangamba na muli ay mahulog sa draft at hindi na mai- publish .  Sige lang, hanggang may gana... tipa..tipa... sa laptop na animo'y kalan dahil sa init na binubuga. Tulala...Titig sa webcam window ...pinagmamasdan ang pagkisig at galaw ni BabyG mula sa kanyang higaan.  Umiyak si BabyG . Saklolo naman ang kanyang lola dala ang inuming gatas.  Pambihira ang gatas na ito. Bukod sa kaya nitong patahanin ang palahaw ni BabyG . Para itong alak na nakakalasing at pagkatapos ng pagdighay ay tulog na naman ang batang makulit. Nakakatuwa... Nakakamiss... Totoo i...

Introducing: Ang Anak ni SuperGulaman

"Nakabalik ako sa lugar ngunit hindi sa parehong pagkakataon." Ilang buwan na nga ba ang nakalipas buhat ng iwan ko ang lugar na kinalakihan? Ilan buwan na nga ba ang nakalipas subukan kong ibahin ang pare-parehong takbo ng buhay? Ahhh...halos labingdalawang buwan na...isang taon na. Ang bilis ng takbo ng panahon parang kelan lang ng buong sipag si SuperGulaman na sumisirko sa mundo ng blogesperyo. Kwento ng kalokohan, kwento ng saya, kwento ng lungkot, kwento ng laman ng utak, kwento ng pag-ibig, kwento ng pangungulila, kwento ng bayan, kwento ng pinoy, kwento para sa pinoy, kwento ng buhay, at kwento ng walang limitasyong imahinasyon. Lahat ng iyan ay tinema ni Supergulanan sa halos isang dekadang blog na ito. Pero nasaan na nga ba sya? O natatandaan nyo pa ba sya?  May alam ka pa ba sa kwento ng buhay nya? Ako si SuperGulaman....SuperG ang tawag ng ilan.  Bhoyet para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.  Mahal naman para sa kanyang WonderG at Daddy na din para sa k...

Buhay sa Dubai (From Writer-Researcher to Toshiba Promoter)

Apat na libo, dalawang daan, siyamnapu't pitong milya ang distansya ko ngayon mula sa lugar na kinalakihan, lugar na nakasanayan at lugar na muli kong babalikan. Ika nga nila, "There is no place like home." Kung kaya nga kahit na anong ayos ng sistema dito sa Dubai, mas nanaisin ko pa din balikan ang magulong buhay sa Pinas.  Sabagay ilang taon lang din naman, kayang-kaya natin yan aking WonderG para na din sa ating padating na BabyG. Minsan may mga punto na hahanap-hanapin mo pa din ang magulong lansangan ng EDSA, makakapal na usok mula sa tambutso ng mga sasakyan, mga buwis-buhay na pagsampa sa rumaragasang hari ng kalsada--ang paborito kong Jeepney ng Pinas, mga mandurukot sa Quiapo, isnatser sa Divisoria at mga tulo-laway na katabi sa Jeep. Pero sa Pinas, impeyrnes (imfairness or unfairness??) chamba lang ang magkaroon ng katabing amoy tinapay, tinapay na kung tawagin ay putok . Pero dito sa Dubai, kahit mukhang malinis, amoy "undefined micro-organism" pa d...

Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 2)

Other Me: Helo Roger, Haw ar yu? Me: I'm Good, How about you? Other Me: Good. Same same. Me: Damn! Para akong tanga. (*Ngingiti na katulad ng mga takas galing mental*) Ganito ako minsan, tamang trip na kausapin ang sarili sa tono ng mga "Pana"**.  Mga tono na hanggang sa ngayon ay hindi pa din gamay ng aking tenga.  Lagpas limang buwan na din ako sa bayan ng mga Arabo, at nakakatuwang isipin na kahit papano ay pamilyar na din ako sa kalakaran sa bayan ng mga arabo. Medyo pamilyar na pero nangangapa pa din...nakakatuwa, nakakabaliw, nakaka-aliw parang mental hospital. Sabi nga ng karamihan, "pasasaan at masasanay ka din." Ok na sana ang lahat ngunit bakit? Bakit sa araw-araw na pagkakataon kahit mga kapwa Pinoy laging ganun? Lagi na lang akong napagkakamalan na nagmula sa bayan ng mga "Pana"...Kung hindi naman mapagkakamalan akong Arabo, Nepali o di kaya'y nilalang mula sa Sudan. Isang customer na "pana"... "Have we seen each other...