Lumaktaw sa pangunahing content

Tagal


Update. update.


Wala na ako sa Pinas ngayon at medyo may katagalan na din.  Mag-dadalawang taon na din. Hindi na din ako single at medyo may katagalan na din. Mag-dadalawang taon na din. At may baby na din ako at hindi pa naman ito katagalan. Mag-iisang taon pa lang din. Sa pagkakaalam ko nasabi ko din yata ang mga bagay na ito sa blog na ito at medyo may katagalan na din.

May katagalan at kabagalan.

Yan! Yan ang eksaktong larawan ng kukote ko ngayon.  Pero teka may larawan nga ba ang kukote? Kita nyo na hindi lang mabagal minsan may pagkasira-ulo din.  Balik tayo sa usapang katagalan.  Ang salitang "katagalan" ay mula sa salitang-ugat na "tagal" na nilagyan ng unlaping "ka-" at hulaping "-an". Ang salitang "tagal" ay isang pang-uri o adhetibo na tumutukoy sa haba ng oras ng paghihintay.  Ito rin ay kadalasang naiuugnay sa salitang "inip".  Ang salitang "inip" ay bahala na kayong maghanap ng kahulugan. Aba, OA naman yun kung pati yun i-define ko pa. Ahehehe.

Ano nga ba ang "tagal"?

Para sa akin, ang "tagal" ay paglalarawan ng ating mga adhikain sa buhay.  Para sa akin yan ha? Hindi yan para sa'yo pero kung gusto mo, sige na nga share. Noong tatlong taong-gulang pa lang ako, ang sabi ko, "Ang tagal ko naman pumasok sa school". Noong, Grade 1 na ako, ang sabi ko, "Ang tagal ko naman mag-High School".  Noong, Graduate na ako ng High School, ang sabi ko "Ang tagal pa din ng apat na taon sa College." Noong, graduate na ng College. Ang sabi ko,  "Ang tagal ko naman makahanap ng trabaho."  Noong nakahanap na ng trabaho, ang sabi ko, "Ang tagal ko na sa trabahong ito, wala na bang iba".  Noong makilala ko ang Grasya, "Ang tagal mo, bakit ngayon ka lang? Eh di sana anim na ang baby natin". Kitam.

Habang ginagawa ko ang post na ito, nag-message sa akin ang isang magandang boholana-sexy-klasmeyt-with dimples sa facebook. Nangamusta-kinamusta-nagkamustahan lang din kami. Ang sabi nya single pa din daw sya at may katagalan na din daw.  Gusto kong mag-isip ng ibang bagay, kaso napangiti na lng ako. Ayaw kong masaktan-mabalian ng buto-at maihagis sa pacific ocean ng Grasya. Ang sabi ko na lang, "Hintayin mong ma-surprise ka, wag kang mag-madali katulad ng surname ko." O alam nyo na ang totoong pangalan ni SuperGulaman.  Bhoyet Madali, search mo sa facebook. Dali! 

Teka! ang tagal ko ng nag-ta-type..mahaba na ata. Stop na muna.

Sige mag-koment ka na. Tagal!





Mga Komento

  1. tagal kong alam ang pangalan mo hahaha. di ba nga frieneds tayo sa fb. lol natutuwa ako at nasa blogging world ka na ulit!

    TumugonBurahin
  2. natawa ako kase ngayon ko lang nalaman na ikaw yun! WAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAH!!

    TumugonBurahin
  3. 'Patience is a virtue' sabi nila. Gusto ko itong post mo Boyet.

    Parang gusto mo yatang magkaroon ng maraming friends sa Facebook.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yup...tama..ahehehe...dok post mo ang facebook acount mo sa blog..swabe dadami friends mo...ahehehe...:D

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...mahika ng mga kulay...

...lahat naman tayo siguro ay kilala ang color wheel o ang color circle na tinatawag...ito yung bilog na parang roleta ng kapalaran na maraming kulay...basta yun na yun...kung hindi mo iyong alam, aba! susumbong kita sa teacher mo sa elementary...aheks.... ...ang color wheel daw ay binubuo ng maraming kulay ngunit sa mga kulay na iyon, laging kabilang dito ang mga kulay na pula (red), luntian (green) at bughaw (blue)... bakit kaya? ang sabi sa chizmis, kapag pinaghalo-halo mo ang kulay na iyan meron kapang iba pang kulay na mabubuo...halimbawa, kung paghahaluin natin ang red at green...ang kalalabasan daw ay tsaraaan!... dilaw (yellow)...oha! isa itong magic... tapos kung pagsasamahin mo ang blue at red (blue + red), kulay lila (violet) naman ang kakalabasan....at kung blue at green ang pagsasamahin mo...syempre blue-green color ang kakalabasan nun... ahehehe... ...pero magkagayun man, nakakatauwang isipin na ang mga kulay na ito ay tunay ngang may reaksyon sa bawat isa...eh paano nama...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...