Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2015

Job Hunting Tips and More in UAE: Trabaho sa Disyerto

At umabot ka din sa destinasyong iyong pinaka-aasam.  Nakapahinga ka na din ng isang gabi, pero hindi pa ito ang panahon para maglibang, mamasyal o magliwaliw. Hindi muna ito ang pakay mo sa lugar na ito, kailangan mo muna na maghanap ng trabaho. So paano nga mag-hanap ng trabaho sa UAE ? Sagot ko kayo dyan.   Just read, think, read and go out. Mga Kailangan 1. Laptop at mabilis na Internet Connection Mahalaga ito at dahil halos lahat ng kumpanya sa UAE ay through Email na ang pag-a- apply . At dahil bago ka lamang sa UAE at maaring wala ka pang dalang laptop , humiram muna sa kamag-anak, kaibigan,  o sino man na malapit sa iyo.  Mahirap mag- apply sa UAE kung wala ka nito. 2. Maayos na CV (Curriculum Vitae) o Resume. kritikal ang bagay na ito, dito kasi nakasalalay ang pag- book sa iyo ng employer para sa interview.  Kung maaari lamang, gawin itong makatotohanan at tiyakin na akma ang mga nakasulat sa iyong kakayahan. Iwasa...

Selda Uno Dise Otso

Ito na nga, pumasok na ako sa teritoryo ng Iran. Current destination, Kish Island, Iran. Pero sa totoo lng parang hindi naman ito kasing sama ng mga naririnig kong horror stories, yung tipong parang sa pelikulang Hostel. At kasing lungkot ng death penalty. Ang sabi nila, ang Kish daw ay kwento ng mga stranded na pilipino, kwento ng kalungkutan, kwento ng drugs, kwento ng prostitusyon, kwento ng rape, kwento ng suicide at kwento na bakit-ka-pupunta-sa-isla-ni-kamatayan. Pero sa tingin ko, kwento lang din yun kasi kahit naman saang lugar ay may mga kwentong tulad nyan. Mga malulungkot at nakakatakot na kwento pero mas marami pa ding magandang kwento dito, hindi lng puro ganun...promis! Paglapag ng eroplano sa Isla, kapansin pansin, ang medyo malungkot at hindi komportableng pakiramdam. Lahat bago, isang pakikipagsapalarang parang welcome-to-the-land-of-the-dead.  Pagpasok sa terminal ng Kish, nagsimula ng magbihis ang mga kababaihan upang balutin ang kanilang mga ulo.  Isa...

How to Pass the Immigration and Avoid Getting Offloaded: Lumusot sa mga Lulusutan

At yun na nga, patungo ka na sa  counter ng immigration . Siguraduhin na lahat na kakailanin mo sa pagsagot sa kanilang mga tanong ay nakahanda na. Kumbaga sa sundalo, handa na ang baril at bala. Isama mo na din ang mga bagay na sa tingin mo ay importante pero hindi naman. Tiyakin na kumpleto na bitbit mo ang mga ito: 1. Passport 2. Visa 3. Letter of support/guarantee, or sponsorship letter 4.  Other documents required for relation proof/capacity to travel abroad 5.  Ticket 6.  Recent OEC ng sponsor 7.  Lakas ng loob at onting yabang Siguraduhin na na- fill-up -an mo na ang binigay na embarkment card bago pumila patungo sa immigration officer . Hindi naman din masama kung magsusuot ka ng ilang alahas, maglabas ng ilang gadgets habang patungo sa immigration .  Gawin ang pagyayabang sa hindi OA na paraan. Siguraduhin din na mukhang turista ang iyong dating, swabeng porma lang at hindi parang si inday o dudong na lumuwas ng Maynila . ...

NAIA Terminal 101 for First Timers Flying in Dubai: Lipad na Super Inggo

Ito na nga dumating na ang araw na iyong pinakahihintay.  Ito na ang nakatakda sa isang malaking pagbabago sa iyong buhay.  Iiwan mo na ang Pilipinas at ready ka na for Dubai .  At dahil kadalasan mag-isa ka lamang na aalis, kailangang ihanda mo ang iyong sarili sa bawat pagkakataon.  Totoong nakakatakot ang first time dahil hindi natin alam ang susunod na mangyayari pero wag kayong mag-alala tutulungan ko kayo dyan. So paano? Handa ka na ba? Game . 1.  Siguraduhin na dumating sa paliparan (NAIA) , tatlong oras (3hrs) bago ang flight.   Kung makakarating ka na mas maaga, mas maganda yun dahil hindi din natin kontrolado ang dami ng tao na makakasabay mo sa pag-alis.  Idagdag mo pa dyan ang nakakaiyak na traffic ng EDSA .  I'm sure mami-miss mo ang traffic na yan kapag nakaalis ka na. 2.  Ihanda ang iyong mga dokumento. Siguraduhin na kumpleto ka sa sumusunod: Passport Visa Flight itinerary or e-ticket, or, your plane ...

Prologue: Paano Maging Bagong Bayani sa GCC?

Marami sa atin ang gustong mag- abroad .  Marami sa atin ang naniniwala na maaaring maging sagot ito upang maitaguyod natin ang ating pamilya. Makipagsapalaran.  Pero sa totoo lang, noong una hindi pumasok sa kukote ko ang mangibang bayan.  Sasabihin ko sa iyo, hindi madali ang magtrabaho sa ibang bansa.  Hindi biro ang maging isang OFW .  Mahirap.  Malungkot. Nakakatakot.  Kung half-hearted ka upang maging OFW , wag ka ng umalis.  Kung napipilitan ka lang, wag mo ng ituloy.  Kung hindi ka sanay mag-isa, malungkot, ma- home sick , at mabuhay na parang bilanggo sa bilangguan walang rehas, dyan ka na lamang sa Pilipinas.  Kung hindi mo kayang layuan ang tukso at maging tapat sa iyong pamilya, hindi ka para dito sa ganitong uri ng buhay. Paano nga ba maging isang OFW o Overseas Filipino Worker ? Maraming paraan, una na rito ang paghahanap ng trabaho mula sa POEA . Oo tama, Philippine Overseas Employment Administration. Maaari din na...