Lumaktaw sa pangunahing content

...babae sa jeep...

...una kong nakita ang babaeng ito na nakasakay sa jeep... napakasimple nyang manamit...simple ang ganda na kaaya-aya sa aking paningin... sa kanyang palad, akin napansin ang kipit nyang rosaryo habang umuusal ng panalangin... akin syang tinitigan, nanalangin din na sana ako'y kanyang mapansin... ngunit sya'y pumipikit at taimtim na nanalangin...

...ninais kong magpakilala sa kanya ngunit tila ba naging pipi ang aking mga labi... inisip na baka akalain nya na ako'y isang masamang loob na may masamang intensyon sa magandang binibini... sa pagkakataong iyon ako'y nanahimik, tahimik na nagmamasid sa babaeng aking lihim na inibig sa loob lamang ng ilang saglit...

...maya-maya pa..baba na sya..hindi ko man lang nalaman kung anu ang pangalan nya...tila ba nagsisi sa aking kapabayaan, hindi maipahayag ang damdamin kundi sa kawalan...

...lumipas ang panahon, ang mga araw...ngunit tila ba binigay ng Panginoon ang mga pagkakataon...kami'y muling nagkita...hindi lang isa, kundi madaming tsansa... sa kabila n'yon, hindi pa din ako nagpakilala, nahihiya sa kanyang kabaitan at ganda... nagmistula akong stalker na takot na makilala...mahal ko sya pero baka ako'y mapahiya....

...dumating ang pagkakataon... akin nakuha ang e-mail address nya, hindi ko nasasabihin kung paano ko yun ginawa, baka makakuha pa ng tips ang mga bata...at yun na nga, panghimpapawid na komunikasyon ang naging sistema... unti-unti nya akong nakilala, unti-unti din na ako'y nanabik na sana ako din ay mahalin nya...

...hindi na ako nakatiis sa aking nadarama, gusto ko nang magpakilala at maipadama ang tapat na pag-ibig pra sa kanya... sa madaling-salita kami'y nagkita...nagkasama ng matagal... at nagpahayag ng pagmamahal... pagkatapos ng misa na aming dinaluhan, aking natikman ang kinakapanapanabikang kasagutan...tama, sinabi nyang mahal nya din ako... halos umabot langit ang talon ko, nagagalak ang puso ko....ang aking buong pagkatao...

...lumipas ang panahon, kailangan nyang lumisan..umalis sa sariling bayan upang tuparin ang mga pangarap...hindi ako tumutol sa kanyang pag-alis..bagkus nanabik sa kanyang pagbabalik... tanging panalangin, pagmamahal at tiwala sa isa't isa ang naging sandigan....

...ang bilis ng panahon, limang taon na kaming nagmamahalan... susunod na taon na ang kanyang pagbabalik, magkakasama na at 'di na magkakawalay pa... susumpa sa altar at bubuo ng simple at masayang pamilya... miss na kita Grasya...

Mga Komento

  1. ayiii... in love na naman na post.. hahaha.. :D kaunting panahon nalang... God Bless...

    TumugonBurahin
  2. wahehe.. ayus .. inlove ko dudung..ahahah.:D
    witness ako ha.. mula umpisa hanggang huli..ahehe.. gud lak.. naway biyayan kau ng tatlong anak..:D

    TumugonBurahin
  3. true to life pala ito ha..kala ko kung ano na.

    congrats and God bless sa relationship nyo at magiging buhay mag-asawa.
    supergulaman is so in love..hehe

    cheers ulit!

    TumugonBurahin
  4. yehey...keeeeeeep us updatedddd sa love story mo super gulaman...super saya ako para sayo .....

    TumugonBurahin
  5. @ minnie
    uu nga eh...onti pa... kaya pa... :D

    @ honie-gelene
    uu nmn gusto mo abay ka pa, magkano gown ng abay? aheks... :D

    @dylan dimaubusan
    salamt salamat...ganun talaga prang adik lng...ahahaha...

    @faye
    tnx tnx... sure cge cge... :D

    TumugonBurahin
  6. mabilis lang ang ilang buwan,ilang tulog nalang magkasama na kayo uli!

    TumugonBurahin
  7. wow... angtagal nun.. limang kilokilometrong taon...pero i wish you all the best supergulaman.. tumatanda ka na kaya kailangan mu na talagang lumagay sa tahimik..lols joke..

    hindi nga... sa tagal ng panahon na yun.. dapat nga lang kayo'y pumasok na sa next level... binabati ko kayu ni grasya..

    TumugonBurahin
  8. syet na malagket! ang suweeeeet!

    TumugonBurahin
  9. wow!may kasalan ba dito? invited ba co? gusto co menudo. . kung wala naman ay pwede na siguro ang adobo. .lol

    TumugonBurahin
  10. @emz
    uu nga onti pa...eheks... :)

    @kosa
    weee.bata pa nmn kmi pareho... pero syempre...ito na yun eh...wag ng palampasin... :)

    @genyze
    buti nga kayo meron n trophy (*inggit*)...gagawa din kmi nyan...bleeehhh...:P

    @joshmarie
    ito lng masasabi ko sa comment mo....bleeeeh!....ahahaha...namis ko lng sya cguro ng sobra...:)

    @paperdoll
    aheks....next year pa yun, mga last quarter pa..wala pa pera, pero magkakaroon na...menudo pa gusto..ahahaha...kare-kare ayaw mo... :)

    TumugonBurahin
  11. wow!
    Amazing...
    speechless ako..
    grabe!

    Congrats!

    TumugonBurahin
  12. siguro nman di ko kailangang maging parang adik para ma-in love ng ganyan, haha!

    ako!!! gusto ko ng kare-kare!

    tanong: eh anung name ng future wifey ni supergulaman..? super sago? iced tea? coffee? wehe. piz!

    isa lang ang masasabi ko, we, your blogger friends are happy for you.
    painum ka naman kahit gulaman jan..;)
    cheers!

    TumugonBurahin
  13. @aian
    ako din speechless na nangmabuo ko itong entry ko...ahahaha...namis ko lng sya tlaga ng sobra....

    @dylan
    Grace ang name...my amazing grace....yari ka dun gagawin ka nun super sago...aheks...inde, mabait yun...magpapa-inom ako...gulaman at fishball... :D

    @pajay
    salamat...salamat... :)

    TumugonBurahin
  14. awwww... ang sweet naman nang luv story... wow... puwedeng pang-maala ala moh kayah 'un ah =)... sige... sana sya na nga ang d' one moh... and basta lagay nyo lang lagi si God sa middle nang relationship nyo kc no matter wat happens at kahit madmeh pang bagyo ang pagdaanan nyoh itz Him who always gonna put you two together... take and GODBLESS! -di

    TumugonBurahin
  15. @dianz
    aheks...pang-malala na kaya pd yan...ahahaha....tama ka, pray lang lagi yun tlaga ang tunay na sikreto... :D

    TumugonBurahin
  16. take care 'un ah... hehe... kulang sa type..hehe...yeah tama kah prayers nga ang sikret...laterz.. =)

    TumugonBurahin
  17. waaaahh!! si mommy grace pla yun! ahaha! kala ko enlab ka na sa iba! niahaha! pero shempre lalabs mo pla si mommy grace. kelan uwi nya ule? try and try until you succeed. niahahahahahahaha!

    TumugonBurahin
  18. @kaye
    uu naman...walang iba syempre...bait nmn ako eh..next year uwi na yun... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t