Lumaktaw sa pangunahing content

...subic...

ito na naman po ang inyong superhero na nagbabalik matapos ang hindi naman katagalang bakasyon... at dahil dun, narito po ang ilang larawan na gusto ko din naman na ibahagi sa inyo...ang mga larawan na inyo pong makikita ay larawan ng aking ilang mga ka-officemate kasama ang kanilang mga anak... at syempre hindi ko po dyan kasama ang aking Grasya...sana kasama ko sya no?...haaysss... ngunit ganun pa man, aking isinama ang aking kapatid...at dahil nga wala syang pasok ngayon sa eskwelahan..isinama ko na din para malibang...





ang aming lokasyon...subic, arizona international hotel&resort... nakakatuwang isipin na matapos ang pang-araw araw na trabaho sa buong taon ay mayroon pa lang tinatawag na summer outing... ahehehe...muntik ko na sana itong kalimutan at hindi na asahan dahil sa hindi pagpaparamdam ng aming mga bossing na may outing pa din pala kami...bagamat naging kultura na din naman namin ang mag-outing tuwing summer ng taon ay medyo nag-alinlangan pa din ako ngayon dahil sa global recession na tinatawag...

...mula sa aming mga nakaraan bakasyon sa mactan cebu, sa calatagan sa batangas, sa rockpoint sa laguna at ngayon sa arizona ng subic kakaibang karanasan nanaman ang nadagdag sa aming pagkatao... naging masaya naman ang aming pagtigil sa Arizona hotel ng subic dahil sa ganda ng ambiance...ngunit sa kabilang banda kapansin-pansin pa din ang dami ng mga dayuhan sa lugar... magkagayunman, kapansin-pansin pa din na halos lahat ng dayuhan na nadoon ay pawang mga lalaki...bibihira ka makakita ng mga dayuhang babae... bukod sa ganoong tanawin, kapuna-puna din na ang mga dayuhang iyong ay may mga kasamang mga Pilipina na hindi ko alam kung ano ang drama nila sa buhay at ayaw ko ng pakialaman iyon...

...sa kabuuan naging masaya naman ang aming pamamasyal at pagtigil sa lugar na iyon...pero sabi ko nga... sayang kung kasama ko lang sana ang grasya...totoong masarap kumain sa hotel at ilang food chain na nandoroon, pero mas masarap ang aking pagkain kung kasabay ko sa hapag ang grasya... hindi rin matatawaran ang sarap at lamig ng aircon ng kanilang kwarto, pero hindi ko pa din ipagpapalit ang lamig ng ihip ng hangin ng bentilador sa aking kwarto... totoong masarap humiga sa kanilang kama at masarap ang hagod ng kanilang comforter sa katawan na nagpapahimbing ng iyong tulog...pero hindi ko pa din ipagpapalit ang kumot na bigay ng aking Grasya na aking ginagamit sa panahon man ng tag-ulan o maging sa tag-init...ang pagmamahal na nakapaloob sa simpleng kumot na iyon ay hindi ko ipagpapalit sa comforter ng nasabing hotel...mis na kita...

Mga Komento

  1. ang saya2 naman.. hehehe.. :)

    TumugonBurahin
  2. waw...sa pinas talaga uso ang company outing ehh..

    dito kase samin wala
    at kung gugustuhin man nila..
    ayuko silang kasama magouting..
    nyahahah....
    ..

    welkam back pare!

    TumugonBurahin
  3. welcome back SuperG...

    hope you enjoyed the beauty of the North.

    jan mismo sa Subic ako unang pumunta last year nung 1st vacation ko! nakakamiss jan...

    teka, bakit maputi ang sister mo? (toinkz!)

    TumugonBurahin
  4. wow... outing parekoy...
    ang saya nun!
    sayang nga lang at wala si Grasya mo..

    ahhhh... sinorpresa pala kayo ng boss nyo ahh... akala mo palugi na ba ang inyung kompanya? lols...
    yan ang sinyales na malakas pa rin ang mga kumpanyang naka-ugat sa pinoy manggagawa.

    TumugonBurahin
  5. Nakaka-miss ang summer outing ng mga companies sa Pilipinas. Dito sa Australia, hindi uso 'yan. Maganda na ba ang panahon ngayon para sa summer outing?

    Pagdating ni Grasya, mamasyal kayo sa Arizona, Subic, Supergulaman.

    TumugonBurahin
  6. Super G, ilang beses mo nabanggit ang pangalan ni grasya sa post ah..mukhang may kasalanan ka ah? lols!joke lang, kapatid mo ba iyong palagi mo kasama sa pictures? cute ah...alam mo naman email add ko diba? lols!

    tska, tama wag mo na pakialaman ang mga dayuhan at ang mga pinay nilang kasama. hehehe

    TumugonBurahin
  7. @kox
    aheks...uu hapi hapi...minsan lng yan sa 1 taon eh...aheks... ;)

    @Jen
    aheks...salamat sa pagwelkam...weepeee.... ;)

    @azel
    aheks...enjoy naman...

    inde ko alam kung bakit maputi yun... ahahaha...nagmana yun sa nanay ko...syempre ako sa tatay ko naman... pero d bale na...mga pogi naman... (*bawal umngal*)... aheks.. ;)

    @kosa
    ahehehe...inde nila kami sinopresa...pinilit namin sila...ahahaha...

    @RJ
    ahehehe...ok pa naman ang summer outing sa ngayon pero sa mga susunod na araw mukhang hindi na...tag-ulan na daw tlaga... :)

    pagdating ng grasya...ang plano ay sa baguio...weepeee...eksayted...aheks..:)

    @Bino
    weepeee...saya naman nun sa Hong Kong...sama naman para mahunting ko si Chip tsao...aheks...salamat sa pagdaan.. ;)

    @Marlon
    waaaaa...mabait ako...wala ako kasalanan...behave ako lagi aheks...pero oks nmn ang outing kasi tumatawag tawag naman ang grasya.. :)

    yup kapatid ko nga yan...hindi pa yan pwede maligawan... may magagalit... AKO! ... kailangan nya muna grumadweyt bago boyfriend... ^_^

    TumugonBurahin
  8. buti pa jan may outing. yan ang nakakamis sa pinas...

    pero dito outing mo sarili mo...hahaha.

    sana may magbigay din sa akin ng kumot..lolz..

    TumugonBurahin
  9. @poging (ilo)CANO
    ahehehehe... uu nga...dito kahit sapilitang outing pwede...ahahaha... :)

    @HARI NG SABLAY
    ayan na lng ang pasalubong...mga pictures... ahahaha... ^_^

    TumugonBurahin
  10. hay, hindi na natuloy ang aming pinaplanong outing, tagulan na, malamang next year na... kainis...

    naingit tuloy ako ... ano ba yan aheheheks...

    TumugonBurahin
  11. abah! sooper good lookin' tlgah si kuya Bhoyet Super G-kun... =) haba nang koment koh noh? ingatz lagi. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  12. well, at least nag enjoy ka!
    hehehehe ngaun back to reyalidad ka ulit...may renewed strenght ka na sa panibagong trabahong nag-aabang sayo hehehehe..

    TumugonBurahin
  13. ahay enjoy enjoy lan po.........buti pa kayu may time pwa makapag relax....

    keep safe..
    :P

    TumugonBurahin
  14. wahhee..+)) wii miss na nya si mommy grace ohh..=) siguro naingget kalng unti..msarap talaga pag kasama mo mhal mo..:)
    next time.. bawi ka nlng..;)

    TumugonBurahin
  15. si frincle joy ba iyan??

    ang kyut kyut niya..
    gandang outing..kainggit..

    sana sa susunod na outing eh me piktyurs na talaga kayo ni grasya..

    welcome back..

    TumugonBurahin
  16. @Rhodey
    uu nga tag-ulan na... ahahaha...naun meron n daw bagyo eh... aheks... ^_^

    @Dhianz
    at talgang super good looking pa din... aheks...bahala ka baka maniwala na ako... ^_^

    @yanah
    aheks...ganun talaga ipinangak tayong maging alipin ng mga mayayamang kjapitalista... aheks... ^_^

    @fula
    aheks...mainggit ba?...aheks...minsan lng naman eh..sa sunod sama kayong lahat...wepeeeee... ^_^

    @hOniE-GeLenE
    uu nmn kung kasama ko ang grasya...perfect!... haysss... ^_^

    @vanvan
    weeeepeeee.... aheks...namiss ko lng ng sobra yun haaysss... pero ok lng bawi n lng sa susunod...^_^

    TumugonBurahin
  17. Sister mo ba yun? Nananaba ka ata? haha!

    Saya naman nun...

    Gusto ko rin ng kumot galing sa magging anu ko...lolz

    TumugonBurahin
  18. welbak !di ko na itatanong kung nag enjoi ka kasi halata namang oo ang sagot mo

    TumugonBurahin
  19. @Dylan Dimaubusan
    aheks..yup kapatid ko nga yun... yun nga ang problema ko eh...mejo tumataba tlaga ako...ok lng sna ang paglaki ng katawan pero takteng yan pati chan sumasama... ahahaha...

    aheks...yun tlaga ang purpose nun para kahit sa pagtulog parang yakap pa din ako ng grasya... ;)

    @azul
    aheks...ang totoo nyan hindi ganap ang kasihan kasi wla ang grasya... pero pwede na din aheks....libre nmn eh.... ^_^

    TumugonBurahin
  20. wow naman ang adventure mo sa subic.. gusto ko jan pumunta talaga.. kaya lang wala kasing kasama.. mga busy sa buhay ang mga tao.. di kc masaya ang trip kung magisa lang..

    TumugonBurahin
  21. ako ndi ko pa napopost ung outing namin sa nasugbu naman :D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t