Lumaktaw sa pangunahing content

...imahinasyon....

...binalak ko talaga na maglagay ng entrada ngayon araw...ngunit kahit na anung piga ko sa aking kukote wala na itong malibas...kung kaya nagpasya na lamang akong muling balikan at basahin ang ilang mga sulatin dito sa aking supergulaman.com

...sa aking pagbabalik tanaw sa ilang mga akda...napadpad ako sa aking akdang may titulong "...kisame..." na kung saan ay inilalarawan nito kung paanong paglaruan ng aking imahinasyon ang mga hugis sa kisame...kasabay ng pagbuo ng akdang iyon..nakakatuwang isipin na nakabuo kami ng maiksing tula buhat sa mga komento ni Mike Avenue (*saan ka na kaya parekoy?)...ito po iyon:


IMAHINASYON
Mike Avenue said...

Ang sarap mabuhay sa imahinasyon,
Magagawa rin ang paglilimayon,
At sa pagbabalik sa realisasyon,
Malalaman mo na, totoong nilalayon!

=supergulaman= said...

masarap maglakbay sa mundo ng imahinasyon,
ngunit huwag magpapakulong sa huwad na pagkakataon,
dahil kung magkagayon at hindi ka matunton,
tuturukan ka ng pangpakalma sa seldang kahon.

Mike Avenue said...

Kung ang panahon ay di nakiayon,
Dasal ang panlaban sa pagkakataon,
Kung sa libingan ako ay humantong,
Ipagdasal na lamang ang aking kahapon!

Mga Komento

  1. Impromptu! Galing enoh :)

    Nasan na nga kaya si Mike? Bumalik na yun eh, nawala uli...

    TumugonBurahin
  2. masyadong malalim atah ang tagalog... kaka-nosebleed... lolz... ayos lang yan kuya.. minsan tlgah 'la ka lang maisip na isulat... at least we know na andyan ka lang... ingatz lagi.. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  3. ang galing ng tula, malalim at malaman...

    lakbayin ng buong layo ang iyong imahinasyon...
    kalayaan dito ay hindi nakakahon,
    ganunpaman maari ka nitong ikulong...
    sa katotohan, reyalidad at mga buhay na pagkakataon...

    (same idea as the 2nd stanza yung lumabas) hehehe

    TumugonBurahin
  4. malawak ang imahinasyon..ayos at kahit paano dahil doon ay nakalikha ng tula..

    TumugonBurahin
  5. @Lord CM
    uu nga eh...tpos pati blog nya nawala din...aheks... ;)

    @Dhianz
    uu dito lng ako... :)...ahehehe nosebleed ba... ahehehe...si mike eh... :D

    @DETH
    aha! pwede ntin yan ilagay sa bandang gitna... aheks..galing... :)

    @Arvin U. de la Peña
    yeah...aliw nga yun... :)

    TumugonBurahin
  6. What an awesome set of poems. Thumbs up! :)

    TumugonBurahin
  7. ang galing naman. idol! haha.. =)) nawala nga uli si mike. baka busy sa buhay buhay.. galing pala gumawa ng tula ni supie eh, mas magaling pa kay.. ay.. ckret. bad un. haha :D

    TumugonBurahin
  8. @geek
    yeah...galing ni mike nu... :)

    @kox
    uu nga eh...pati blog nya ind eko na alam kugn nassan... mas magaling pa kay???... ahehehe..parang kilala ko yun...ahahaha...hindi naman siguro...cge wag bad nga yun... :D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...mahika ng mga kulay...

...lahat naman tayo siguro ay kilala ang color wheel o ang color circle na tinatawag...ito yung bilog na parang roleta ng kapalaran na maraming kulay...basta yun na yun...kung hindi mo iyong alam, aba! susumbong kita sa teacher mo sa elementary...aheks.... ...ang color wheel daw ay binubuo ng maraming kulay ngunit sa mga kulay na iyon, laging kabilang dito ang mga kulay na pula (red), luntian (green) at bughaw (blue)... bakit kaya? ang sabi sa chizmis, kapag pinaghalo-halo mo ang kulay na iyan meron kapang iba pang kulay na mabubuo...halimbawa, kung paghahaluin natin ang red at green...ang kalalabasan daw ay tsaraaan!... dilaw (yellow)...oha! isa itong magic... tapos kung pagsasamahin mo ang blue at red (blue + red), kulay lila (violet) naman ang kakalabasan....at kung blue at green ang pagsasamahin mo...syempre blue-green color ang kakalabasan nun... ahehehe... ...pero magkagayun man, nakakatauwang isipin na ang mga kulay na ito ay tunay ngang may reaksyon sa bawat isa...eh paano nama...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...