Lumaktaw sa pangunahing content

Ligo na U, Lapit na Me

Friends with benefits and perks. Katatapos ko lang panoorin ang pelikulang Friends with Benefits (2011) na pinagbidahan nila Justin Timberlake (Dylan) at Mila Kunis (Jamie)... Nakakaliw, nakakatuwa (nakatutuwa??) kung paano nila nabigyan buhay ang karanasan ng mga FUBU. Oo, Tama! Mga FU*k BUddies. Ganun daw kasi ang mababait at tunay na magkaibigan, nagpapahipo. Isa itong pelikulang tama din ang timpla, swak sa panlasa, may kiliti at ligayang panggising sa natutulog mong diwa. Sabihin na natin na nalibang din ako sa panonod ng pelikulang ito, pero ayun nga anticipated ko na naman ang dulo (and they lived happily ever after). Kung sabagay halos lahat naman ng pelikula ay ganyan...and they lived happily ever after. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa happily ever after o ayaw ko nito, ayaw ko lang na makapanood ng mga pelikulang predictable ang takbo ng kwento. Minsan pa nga mas natutuwa ako sa pelikulang hindi ko maintindihan. Yung tipo ng pelikula na mapapasambit ako na "Ah, ganun pla yun!". O kaya naman patay ang lahat ng tauhan sa dulo ng kwento. Morbid.

Sa panonood ko ng pelikulang Friends with Benefits (2011), hindi na ako na culture shock, nanibago o naasiwa sa kwento dahil naranasan ko na ito (patay tayo dyan!...ahahaha!) nabasa ko noon pa man ang obra ni Ginoong Eros Atalia na "Ligo na U, Lapit na Me".  Maganda ang pagkakabalanse ni Master Eros Atalia sa kanyang nobela.  Para itong roller coaster na magpapanatili sa gising mong diwa upang namnamin ang bawat eksena na iyong kinapapanabikan masundan. Unpredictable. Kailangan mo ng magtanong. Sabi nga nya sa nobelang ito:

Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero ang andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam ang iyong itatanong? Paano mo sasaguting ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong.) 
---Eros Atalia

Nitong nakalipas na buwan, isina-pelikula na din ang nobelang ito sa parehong titulong "Ligo na U, Lapit na Me" bilang opisyal na lahok sa patimpalak ng Cinemalaya. Nakakatuwang isipin na nabigyan buhay na din ang nobelang ito sa pinilakang-tabing bagamat isa itong indie film.


Ang nasabing pelikula ay pinagbidahan nina Edgar Allan Guzman bilang Intoy at Mercedes Cabral bilang Jenny na batay din sa panulat ni Jerry Gracio, produksyon ni Noel Ferrer at direksyon ni Erick C. Salud.  Bagamat hindi nagwagi bilang Best Movie ang "Ligo na U, Lapit na Me", nakuha naman ni Edgar Allan Guzman ang karangalan "Best Performance of an Actor".  Narito ang kauting patikim mula sa pelikula.





Si Intoy, sa kauna-unahang pagkakataon, parang natuto na yatang magmahal pero hindi tiyak kung minahal ba sya o kinailangan. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang Math problems, tama ang sagot, hindi nga lang maipakita ang solution....

Narito, ang isang nobelang may asim ng romansa, pait ng pagkabigo, tamis ng ligaya, alat ng pamumuna at anghang ng kaastigan. Handa ka na ba?

O talagang handa ka na ba?  Handa na din sana si Intoy na talikuran ang kanyang pagiging astig at ipagtapat kay Jenny ang kanyang nararamdaman sa kabila ng kanilang madalasang paglalaro ng apoy at napagkasunduan na hindi dapat mahulog ang loob nila sa isa't isa. Ang masaklap nabuntis si Jen. Ngunit mas masaklap, ang sabi ni Jen hindi daw ito sa kanya.



Mga Komento

  1. Maganda rin naman pala ang istorya, hmm makapagdownload nga.

    TumugonBurahin
  2. gusto ko nyan! gusto ko rin magkaroon ng book ni eros! padalahan mo ako pagpunta mo dito please!!!!

    TumugonBurahin
  3. @@makatangkiko
    maganda po yan...makulit lng din, pero wag daw gagayahin... :))

    @iya_khin
    aheks, cge pagnanjan na ako balitaan kita...try mo din yung unang book nya..."Yung Peksman, Mamatay ka man nagsisinungaling Ako"...maganda din yan...ang tagal ko na nga din naghahanap nun pinaka-uang book nya na "Taguanpung".. kaso wala nmn akong makita...san ka yun nagtago...nagtago tlaga..anak ng teteng... ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  4. nakanood na ako nang frenz with benefits at okay naman..may lesson din sa bandang huli!

    TumugonBurahin
  5. Gusto ko din ng Friends with benefits pero di pa sya showing napanood nyo na? Gusto ko din Ligo na U kaya lang tapos na yung Cinemalaya! :(

    TumugonBurahin
  6. @hana banana
    yup..lahat ng movie may lesson daw..kaso yun nga depende n sa atin kung panu ntin yun interpret..khit horror or murder stories may mga lesson din yun..para sa akin cguro depende n lng siguro sa movie yun kung paano nila uutuin... :)

    @marxtermind
    yup napanood ko na sya...courtesy of piratebay.org ... ahehehe..downloaded lng po yun...namirata eh... ahahaha....yung Ligo n U na movie...oo nga tapos na daw, pero sabi may mga late screening sa UP...hindi ko lang din alam kung meron pa ngayon... pero kung wala ang suggestion ko bili ka na lng ng book ni Master Eros Atalia..mura lng yun wala kang pagsisihan... :)

    TumugonBurahin
  7. hindi ko pa napapanood iyan..pero seksi si mercedez cabral..hehe..ayos ang unang picture..

    TumugonBurahin
  8. i wonder kung showing pa sa theatre yang friends w/ benefits... mapanood nga... hmmm... puro kalibugan ang post moh lately kuya ah... nyahahhahaha... lolz.. biro lang... sige kuyah.. laterz.. Godbless!

    TumugonBurahin
  9. @Arvin U. de la Peña
    yung movie na friends w/ benefits yun yung napanood ko pero yung, movie na ligo n u, lapit n me, hindi pa..pero nabasa ko n yung novel..yung sa unang picture hindi sya si mercedez, parang si vanna garcia nga eh hindi ko din sure...pero mga chicks di ba... :D

    @Dhianz
    sa pinas hindi pa nga yata yan showing...pero jan sa inyo baka siguro... ;)... ahehehe..nagkataon lang na nagkasunod sunod n puro kahalayan ang theme..pero hindi nmn halata... ahahaha... pero pagganyan ang topic ang daming viewers, ewan ko ba bakit... ahahaha...kaya ayun may mga endorser na ng mga sex gadget ang lumalapit na sa akin...endorse ko daw sila... ahahaha... ayan oh nasa gilid! ahahaha!

    TumugonBurahin
  10. nyahahahahha... kaya nga kung pansin moh eh napapadalas akoh ditoh eh... nyahahha... lolz peace! =)

    TumugonBurahin
  11. @Dhianz
    uu nga pansin ko...ahahaha...hinay hinay lang din dapat ako...baka i-ban ako ng blogger...explicit contents..lol! ^_^

    TumugonBurahin
  12. sige hanap ako ng ebook..wala naman kasi mabibilhan dito eh!

    TumugonBurahin
  13. @iya_khin
    e-book..meron din cguro..ang daming mga pirata eh... ahehehe...:D

    TumugonBurahin
  14. Nung pinanood namin to nung cinemalaya mejo na-turn off kami ng mga friends ko.. kasi, mejo predictable nanaman yun banat, ung cinematography niya, pang star cinema, hindi pang-indie (which is yun yung cool factor para sakin, kasi RAW yung dating) Siguro karamihan ng nanuod dahil..grabe ang advertisement ng film na toh, si Kris Aquino ba naman ang mag-endorse.

    TumugonBurahin
  15. Ayos 'tong movie na 'to. Paglabas mo sa moviehouse, mapapa-Tang Ina ka! Hehe.

    No, seriously, this is a great adaptation. And Edgar and Mercedes are perfect for the role. Sure, they may not fit-in sa cookie-cut celebs na bida sa mga "mainstream" movies. And that differs indie films from them. It's raw. Realistic and very much relating. :D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t