Lumaktaw sa pangunahing content

Bago ito!



So ito na yun.  Tapos na ang pagpapalit ng disensyo ng medyo-luma-at-may-kabagalan-na-pahina ni supergulaman.  Mula sa madilim na konsepto at mahirap basahing mga titik, dumako na tayo sa animo'y kahoy na tema ng aking pahina.  Katulad ng dati, nandito pa din ang bungong imahe na naging inspirasyon ng may-akda. Pero maniwala ka, hindi yan pamimirata.

Katulad ng dati, katulad ng pagkakalikha ko sa blog na ito, pitong taon na ang nakalipas ay mananatiling tatalakay sa buhay at imahinasyon ni SuperGulaman.  Mga temang minsan ay may kakulitan, may-aral, kaalaman at minsan trip-trip lang katulad ng binabasa mo ngayon.

Handa ka na ba?

Ako?

Hindi ko pa alam.  Sana hindi lang ito ang simula, sana magtuloy-tuloy na.

Hanggang sa muli.


Mga Komento

  1. mas maayos ang disenyo! malinis na at madali ng basahin! tuluy-tuloy na yan!!!! :D

    TumugonBurahin
  2. Sana nga tuloy tuloy na...aehheehe..sana sapian na ako ng sipag...ahahaha.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

Wikipedia galit kay BONG REVILLA?

maraming memes na si Alyas Pogi.  Yung iba galit na galit. Yung iba chill lang. Ako. No comment movement. Ang hindi ko lang magets, bakit si wikipedia galit din sa kanya? Sino kaya mag-eedit nito ulet? Parang si Shanti Dope... Grabe...grabe... :) [EDIT]: Naayos na na Wikipedia ang article. Check this out. IMAGE FROM WIKIPEDIA.COM #May13 #Eleksyon2019 #Pilipinas #BongRevilla

...halimaw...

[R18] ang inyo pong mababasa ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda... humihingi po ako ng pang-unawa sa anumang eksena sa kwento na sa inyong tingin ay hindi kaaya-aya.... salamat po.. . mula sa madilim na bahaging iyon... doon mo matatagpuan ang mga tulad namin... mga nilalang na naghihintay ng pagkakataon... pagkakataon upang lapain ang mga biktimang katulad din namin... mga halimaw.... ...malalim na ang gabi at mula sa aking kinauupuan... naaaninag ko kung paanong magsunggaban ang dalawang halimaw na iyon sa masukal na bahagi ng parkeng ito.... ang isa sa kanila'y katulad ko... isang bampira... bampira na naglilipana kapag lumalim na ang kadiliman.... bampira na sumisila sa laman... bambirang sumisipsip ng dugo... dugo ng buhay... sa kabilang banda ang isa pang-halimaw ay kabilang sa mga lobo... mga lobo na handang lumuray ng laman upang matugunan ang kanilang matinding pagkagutom at pagkauhaw.... ...hindi na bago sa akin ang ganitong pagkakataon... isa na lamang itong nat...