Lumaktaw sa pangunahing content

Bukang-Liwayway

Mabilis na pumaindayog at lumayag ang mahigit sangdaang milyong segundo na puno ng pananabik sa biyayang sa puso inukit. Matapos ang takip-silim at anino ng kalungkutan, muli ng magtatagpo ang araw at kaparangang pinaglayo ng pag-inog ng daigdig. Isangdaang libong minuto na lamang ang nalalabi at muli ng matatanaw ng kaparangan ang araw na nagtago sa likod ng daigdig. Araw na milyong milya ang tinahak para sa kaparangan nyang iniibig. Sinuong ang bangis ng mga ulap at lason ng hangin upang tuparin ang pagyakap sa kaparangang naghihintay sa pagsapit ng bukang-liwayway. Sa pagyakap ng sinag ng araw sa kaparangan at paghalik ng kaparangan sa araw, doon muling magsisimulang pumitak ang oras. Pagpitak ng kaligayahan na sa alapaap manunulas, iikot, magpupumiglas. Kaligayahang walang katumbas, hindi mailalarawan ng saknong, talata at rehas ng mga salita. Hangin ay iihip tulad ng haranang dalisay sa katapatan at pagmamahal para sa kanyang nililiyag. Hanggang sa wakas.

Mga Komento

  1. Waaaaaaaaaaaah! Nabaliw ako... ang lalim masyado SuperG..di ko maarok..

    TumugonBurahin
  2. Kinailangan ko ng salbabida dahil super Lalim..hindi ko maarok.

    TumugonBurahin
  3. hndi lang pala english nkaka nose bleed, malalim na tagalog nkaka nose bleed din pla..waaaaaaaahhhhh

    TumugonBurahin
  4. @Kamila, Akoni, iya_khin, at mommy-razz
    ei sige po lagyan ko po ng translation bukas...

    ummm...pero para ito sa mga OFW, sa mga nagmamahalan, sa mga ikakasal, sa mag-asawa, sa umaasa, sa nangangarap, sa iniwan, sa muling babalikan, sa nanabik, sa naghihitay... para sa pag-ibig.... ^_^

    TumugonBurahin
  5. nice post pre... ang lalim heheheh... grabeh na itu.... nyahahhah... wala lang napadaan lang at nakibasa na din... musta na?

    Favor... can you please give me a comment on my blogpost on smart broadband blowout..
    http://myonlinecomputertips.blogspot.com/2011/03/smart-bros-broadbandest-blowout.html

    It is a contest from nuffnang... thanks...

    TumugonBurahin
  6. Kaligayahang walang katumbas, hindi mailalarawan ng saknong, talata at rehas ng mga salita. Hangin ay iihip tulad ng haranang dalisay sa katapatan at pagmamahal para sa kanyang nililiyag. Hanggang sa wakas. -WAGING-WAGI! :))

    TumugonBurahin
  7. hang sarap talagang pagmasdan ng bukang liway-liway... sarap namnamin ng umaga... parang nagsasabi na mabuhay ka kabayan... dahil pinoy ka...

    TumugonBurahin
  8. napakasarap basahin at pakinggan iyong mga salita... kaibigan, isang karangalan nga naman na ika'y mabisita...

    sana'y makarating ka rin sa aking lungga, mumunting paraiso ika ng iba - Mundo ni Ka Vhincci

    TumugonBurahin
  9. nalusaw brain ko sa pag-process ng post. hehehe. deep. ocean deep. :D

    TumugonBurahin
  10. iba talagang magsulat si supergulaman!!! astig!

    TumugonBurahin
  11. @Marvin
    ahehehe... may pinahuhgutan ata kaya ganun... :D

    @=JoShY=
    ahehehe...quotes yan ah...aheks...lagyan ko translation sa sunod... :)

    @musingan
    oo naman, kaya nga ang turo sa akin ng Grasya, wag kalimutan magpasalamat sa pagmulat ng mata sa Kanya dahil iyong muling nakita ang ganda ng umaga... :)

    @Vhincci Subia
    salamat po, cge po dadaan din ako jan... :)

    @khantotantra
    hindi naman cguro..ikaw pa... :)

    @nieco_speaks
    hindi naman po...bukod sa utak, gamitin po ang puso..sigurado maiintindihan nyo ang sabi ko... :)

    @kiko
    ummm...salamat po... :)

    @Bino
    ahehehe..salamat parekoy... nangangapa pa din ako hanggang naun... :)

    TumugonBurahin
  12. waaaah!ang lalim masyado di ko maintindihan hahaha

    TumugonBurahin
  13. :D i hear you seerr... medyo nosebleed lang sakin kasi taga-cebu po ako. ehehehe.. d gaanong pulido ang filipino ko. ehehe

    TumugonBurahin
  14. Hehehe, matalinhaga, pare ko..ang galing mo talaga..Weight Loss R' Pills

    Hindi ka boring magsulat..

    SUPER GULAMAN IS THE BEST TAGALOG BLOGGER!

    TumugonBurahin
  15. hahahaha, katawa talaga dito, sa internet experience ko ..may tagalog blogger na sobrang bait, sobrang sipag magsulat..

    May blog din po ako, kaso sa health niche,eto po kuya "gulaman" hehehe, Weight Loss R' Pills gagawin ko din itong many topics..para hindi siya boring..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t