Lumaktaw sa pangunahing content

surprise...

current local time...6:05PM... bulaga!

alam ko gabi na.. pero bakit ganun, nagsisimula pa lng gumising ang mga tao patungo sa kanilang mga trabaho... mukmok muna ako ulet sa kwarto...wala pa ang grasya..hintay pa ng alas-dyes para sa pagdating nya...alas-dyes dyan pa lng kami gagala...kakaiba talaga...hindi ko na din matantsa kung anong oras ang almusal, tanghalian at hapunan...ang sabi lang nya..basta magutom ka, kain lang daw...sa pagligo naman, kung dati rati nagpapa-init ka ng tubig panlaban sa lamig ng panahon...ngayon, maghihitay kang lumamig ang tubig dahil sa labis na init ng paligid...hindi din uso ang puyatan dahil normal lang daw ang gising sa gabi at tulog sa umaga...ang orasan ay ginagamit sa pagtatakda ng iyong pasok sa trabaho hindi para malaman kung umaga na o gabi pa... hindi na din totoo ang kasabihang "the early bird catches the early worms"...kasi nga "the intelligent bird catches the worm at the right time"...

sa totoo lang..inaasahan ko na ito, alam na ito ng utak ko... pero ang katawan...nag-aadjust pa...makukuha din yan...:)

Mga Komento

  1. i guess nasa ibang bansa ka na? kapiling mo na si grasya eh

    TumugonBurahin
  2. salamalaykuum yhet! dayo ka jan ng basketball maraming magaling jan hehehe..

    TumugonBurahin
  3. hmmm, nasa ibang bansa ka pre? lolzz parang hindi alam eh :D

    TumugonBurahin
  4. ibang time mo kasi nasa ibang bansa ka.. tama ba kami?

    TumugonBurahin
  5. nasa ibang bansa ka na!!!
    haha
    naninibago katawan mo sa oras oh haha,,,

    TumugonBurahin
  6. nice... san ka ngaun kuyah?!... =) balitaan moh kme.. Godbless!

    TumugonBurahin
  7. ibang bansa ka na pala......ganun talaga iyon..adjust lang..

    TumugonBurahin
  8. Buti kapa nakapag-abroad na! kami nakapag-abroad na din... ahihi

    TumugonBurahin
  9. i am following you right now.. hope you follow me too. ♪

    here's my url: mr837.blogspot.com

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bukang-Liwayway

Mabilis na pumaindayog at lumayag ang mahigit sangdaang milyong segundo na puno ng pananabik sa biyayang sa puso inukit. Matapos ang takip-silim at anino ng kalungkutan, muli ng magtatagpo ang araw at kaparangang pinaglayo ng pag-inog ng daigdig. Isangdaang libong minuto na lamang ang nalalabi at muli ng matatanaw ng kaparangan ang araw na nagtago sa likod ng daigdig. Araw na milyong milya ang tinahak para sa kaparangan nyang iniibig. Sinuong ang bangis ng mga ulap at lason ng hangin upang tuparin ang pagyakap sa kaparangang naghihintay sa pagsapit ng bukang-liwayway. Sa pagyakap ng sinag ng araw sa kaparangan at paghalik ng kaparangan sa araw, doon muling magsisimulang pumitak ang oras. Pagpitak ng kaligayahan na sa alapaap manunulas, iikot, magpupumiglas. Kaligayahang walang katumbas, hindi mailalarawan ng saknong, talata at rehas ng mga salita. Hangin ay iihip tulad ng haranang dalisay sa katapatan at pagmamahal para sa kanyang nililiyag. Hanggang sa wakas.