Lumaktaw sa pangunahing content

surprise...

current local time...6:05PM... bulaga!

alam ko gabi na.. pero bakit ganun, nagsisimula pa lng gumising ang mga tao patungo sa kanilang mga trabaho... mukmok muna ako ulet sa kwarto...wala pa ang grasya..hintay pa ng alas-dyes para sa pagdating nya...alas-dyes dyan pa lng kami gagala...kakaiba talaga...hindi ko na din matantsa kung anong oras ang almusal, tanghalian at hapunan...ang sabi lang nya..basta magutom ka, kain lang daw...sa pagligo naman, kung dati rati nagpapa-init ka ng tubig panlaban sa lamig ng panahon...ngayon, maghihitay kang lumamig ang tubig dahil sa labis na init ng paligid...hindi din uso ang puyatan dahil normal lang daw ang gising sa gabi at tulog sa umaga...ang orasan ay ginagamit sa pagtatakda ng iyong pasok sa trabaho hindi para malaman kung umaga na o gabi pa... hindi na din totoo ang kasabihang "the early bird catches the early worms"...kasi nga "the intelligent bird catches the worm at the right time"...

sa totoo lang..inaasahan ko na ito, alam na ito ng utak ko... pero ang katawan...nag-aadjust pa...makukuha din yan...:)

Mga Komento

  1. i guess nasa ibang bansa ka na? kapiling mo na si grasya eh

    TumugonBurahin
  2. salamalaykuum yhet! dayo ka jan ng basketball maraming magaling jan hehehe..

    TumugonBurahin
  3. hmmm, nasa ibang bansa ka pre? lolzz parang hindi alam eh :D

    TumugonBurahin
  4. ibang time mo kasi nasa ibang bansa ka.. tama ba kami?

    TumugonBurahin
  5. nasa ibang bansa ka na!!!
    haha
    naninibago katawan mo sa oras oh haha,,,

    TumugonBurahin
  6. nice... san ka ngaun kuyah?!... =) balitaan moh kme.. Godbless!

    TumugonBurahin
  7. ibang bansa ka na pala......ganun talaga iyon..adjust lang..

    TumugonBurahin
  8. Buti kapa nakapag-abroad na! kami nakapag-abroad na din... ahihi

    TumugonBurahin
  9. i am following you right now.. hope you follow me too. ♪

    here's my url: mr837.blogspot.com

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...mahika ng mga kulay...

...lahat naman tayo siguro ay kilala ang color wheel o ang color circle na tinatawag...ito yung bilog na parang roleta ng kapalaran na maraming kulay...basta yun na yun...kung hindi mo iyong alam, aba! susumbong kita sa teacher mo sa elementary...aheks.... ...ang color wheel daw ay binubuo ng maraming kulay ngunit sa mga kulay na iyon, laging kabilang dito ang mga kulay na pula (red), luntian (green) at bughaw (blue)... bakit kaya? ang sabi sa chizmis, kapag pinaghalo-halo mo ang kulay na iyan meron kapang iba pang kulay na mabubuo...halimbawa, kung paghahaluin natin ang red at green...ang kalalabasan daw ay tsaraaan!... dilaw (yellow)...oha! isa itong magic... tapos kung pagsasamahin mo ang blue at red (blue + red), kulay lila (violet) naman ang kakalabasan....at kung blue at green ang pagsasamahin mo...syempre blue-green color ang kakalabasan nun... ahehehe... ...pero magkagayun man, nakakatauwang isipin na ang mga kulay na ito ay tunay ngang may reaksyon sa bawat isa...eh paano nama...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...