Lumaktaw sa pangunahing content

...lilok: ang pagpapatuloy [2]...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Paunawa [R18]: Ang susunod na bahagi ay ang pagpapatuloy ng mga pangyayari sa buhay ni Marie at Lita. Ang akdang ito, lilok: ang pagpapatuloy [1], ang "...lilok..." at ang "..lilok: ikalawang yugto..." ay pawang mga kathang isip lamang ng may-akda. Anu mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Pinapaalalahanan ang lahat na mayroong ilang bahagi sa akdang ito na lubhang maselan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan.

note: upang ganap na maintindihan ang mga pangyayari, inaanyayahan ang lahat na balikan ang mga nakaraan tagpo sa: "...lilok...", "..lilok: ikalawang yugto..." at ang lilok: ang pagpapatuloy [1].
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
nakatakda ang mangyayari...hinagkan ko siya ng buong diin...ginantihan nya din ako ng isang halik na kahit sa pagnaginip ay hindi ko marating...kakaiba ang kuryente na dumadaloy sa aking pagkatao ng sandaling iyon...napapapikit na lamang ang aking mga mata sa mga halik niya...malalambot na mga labi na aking hinangad na matikman...wala itong kasingsarap na tila ba umaanyaya sa susunod na eksena...namalayan ko na lamang pababa na sya sa aking dibdib...hinahagkan niya iyon at gustong maangkin...ilang sandali pa pawang wala na ang saplot ng aming katawan...hubad na pareho at handa ng magpatuloy kahit saan man humantong...dumagan siya sa aking manipis na katawan ngunit hindi ko maramdaman ang bigat ng pagkakadagan...hinawakan niya ng marahan ang aking pinakakatatagong kayamanan...bahagya nya ding hinawi ang aking mga binti na bantay ng kayamanang iyon...hudyat na iyon upang papasukin siya sa kaibuturan ng aking pagkababae...tumitindi na ang init ng sandaling iyon, hindi ko din alintana kung ano ang kahihinatnan ng tagpong ito...masakit ang kanyang pagtatangkang pagpasok sa aking pinakakaingatan kayamanan...ito din kasi ang unang pagkakataon na makadama ng kakaibang kaligayahan...gusto kong ipagpatuloy nya iyon sa kabila ng sakit na aking nadarama... hinatak ko siya...at niyakap ng buong higpit...napabulong ako...

"kuya, masakit...."

... sa pagkasabi ko niyon, para syang nabuhusan ng malimig na tubig sa kanyang ginagawa... tumigil siya na tila ba nagulat sa krimeng nagawa...mabilis na nagbihis... at mangiyak-ngiyak na humingi ng paumanhin...

..."sorry Lita, hindi ko sinasadya", wika nya...

saglit lang iyon at nasa pintuan na siya...

"Lita, isara mo ang pintuan ng maiigi, hindi naman uuwi ngayon ang ate mo ano?"...

...tumango lang ako habang balot ng kumot na kanyang inabot habang sya ay nagbibihis... pagka-alis nya... isinara ko ng maiigi ang pintuan...inaalala ang kaligayang pinagsaluhan...

kinabukasan...

...kabado na ako dahil sa nangyari ng gabing iyon...hindi ko alam kung may mukhang maihaharap pa ako kay Kuya Lance... mabilis akong nagbihis patungo sa Unibersidad na aking pinapasukan... alas-singko ng hapon, tapos na ang klase...ngunit hindi ko alam kung saan ako tutungo...nakagawian ko na din kasi ang tumambay kila Kuya Lance...

.."paano na kaya ngayon", bulong ko sa aking sarili...

...hindi pa man ako ganap na nakalalabas sa gate ng paaralan, may anyo na ng pamilyar na lalaki akong natatanaw...

"Kuya Lance!...bakit ka nandito?", tanong ko...
"ito sinusundo ka, kailangan nating mag-usap...", diretso nyang sagot..

...pumunta kami sa isang foodchain para makapag-usap...

..."paano na Lita? kailangan panagutan ko ang ginawa ko sa iyo kagabi", seryoso nyang sabi..
.."ano ka ba Kuya, wala yun 'no...virgin pa din naman ako di ba?", natatawa kong tugon...

...mahaba ang aming napag-usapan sa bagay na iyon...gusto nya akong pakasalan dahil sa pangyayari...ngunit tumanggi ako...tumanggi ako hindi dahil ayaw ko syang makasama..tumanggi ako hindi dahil hindi ko sya mahal...wala akong minahal sa buong buhay ko kundi sya lamang...hanggang ngayon...tumanggi ako dahil ayaw kong sirain ang pamilya nya...masira ito ng dahil sa akin...ayaw kong maging dagdag sa pasanin nya noong mga panahon na iyon...mahal ko si Kuya Lance...mahal na mahal...

...malungkot kaming naghiwalay pagkatapos ng tagpong iyon...hindi na din ako nagpakita sa kanya pagkatapos nun...nagpaalam ako kay ate na mag-be-bed space na lang sa malapit sa paaralan...pero dahilan ko lang din yun upang hindi na ako masundan ni Kuya Lance...mabuti na din siguro iyon upang hindi ako maging sagabal sa mga pangarap nya...at ng sumunod na taon, lumipat na din ako ng paaralan...kasabay niyon ay inaya ko din si ate na lumipat ng matitirhan...pumayag naman sya lalo pa't ang bahay na aking napili ay malapit sa kanyang pinagtratrabahuan na club...nagsunog ako ng kilay sa pag-aaral...subsob para makapagtapos... para maipagmalaki ang sarili sa mundo... para kay Kuya Lance...

...mabilis na lumipas ang panahon, graduate na ako at isa na ding ganap na nurse...handa na akong humarap kay Kuya Lance, at handa na ding tanggapin ang maaaring alok na kasal...

...dinalaw ko sya sa kanilang dating tirahan...

"tao po, tao po...Kuya Lance? Kuya Lance?..."

bumukas ang pinto, isang mukha ng babae ang dumungaw...maganda ang hubog ng mukha ng babaeng iyon sa kabila ng simple nyang pananamit...

..."nadyan po si Kuya Lance?", tanong ko...
..."ei si Lance, nasa work pa eh...pero padating na din yun...tara pasok ka...", pag-aaya ng babae

...pinaliwanag ng babaeng iyon na sya lang ang naiwan sa bahay dahil nasa probinsya ang nanay at mga kapatid ni Kuya Lance...sinabi din nya na siya si Lizeth, ang girlfriend ni Kuya Lance...halos madurog ang aking puso sa aking narinig ng mga sandaling iyon...gusto ko na sanang umalis at maglaho sa aking kinauupuan...pero naging matatag ako at naghintay... madaming kwinento si ate Lizeth tungkol sa mga pangyayari sa buhay ni Kuya Lance... sa katunayan natuwa din ako habang nakikipagwentuhan ako sa kanya...magaan ang loob ko sa kanya sa kabila ng siya ang aking kaagaw sa pagmamahal ni Kuya Lance...

...maya-maya lang dumating na si Kuya Lance...at parang katulad ng dati noong hindi pa nanyayari ang tagpo ng gabing iyon, naging ganoon ang kanyang bati...pagbati ng isang kapatid, pagbati ng tuwa para sa isang kaibigan...

"Nurse ka na di ba Lita?..congrats ha?"...tanong ni kuya Lance...
"oo kuya, salamat..."..maikli kong tugon...

"Liz, naaalala mo yung kwinento ko sa iyo dati?...sya yun..."

...nangingiti si ate Lizeth sa sinabi ni kuya...pinaliwanag din ni Kuya Lance na alam ni Ate Lizeth ang lahat ng tungkol sa kanya...alam pati ang nanyari ng gabing iyon... noong una hirap din daw na tanggapin ni ate Lizeth ang nanyari...pero yun nga, dahil iyon sa epekto ng alak., kaya nya iyon nagawa... doon ko din napatunayan kung gaano sya kamahal ni ate Lizeth at kung gaano nya kamahal si ate Liz... doon ko din napagtanto na hindi tlaga kami para sa isa't isa... at kailangan kong maging masaya para sa pagmamahalan nilang dalawa... mahal ko si Kuya Lance... totoo yun.. at magsasakripisyo ako para sa kanya...masaya ako basta sya din ay maligaya...

...masaya akong nagpaalam sa kanila sa kabila ng malungkot kong nadarama...

...at ngayon sa aking muling pagbabalik sa Pilipinas, masakit pa din ang markang nalilok sa aking puso...siya pa din ang hinahanap ko...ngunit hindi pwede ito...kailangan kong tumayo...kailangang maging matatag...

...tumayo ako mula sa aking kinauupuan sa bahaging iyon ng paliparan, hinawi ang mga luhang dulot ng masakt na nakaraan...lumabas ako sa paliparan...pumara ng sasakyan... at ang aking destinasyon ay ang bahay ni Ate Marie....

...mahaba ang byahe patungo sa bahay ni Ate Marie...nakakainip... ngunit kasabay ng pagkainip na iyon ay nanalangin na sana ay maayos sya at walng sakit... makaraan ang 5 oras na byahe, nasa pintuan na din ako ng bahay...

"Ate Marie??...tao po...Ate Marie??...tao po..."...

ilang saglit lang bumukas ang pinto...isang babaeng tila namumugto ang mata ang dumungaw mula sa pintuan....

itutuloy...

Susunod na Kwento Lilok: Ang Pagpapatuloy [3]


Mga Komento

  1. aw. naculture shock naman ako dun. lol. baka mas di ako makatulog niyan. ahaha. grabe.

    kunsabagay, kung masaya na si lance, dapat na ding mag move-on si lita. hehe.

    hmm.. ano kayang nangyari kay marie?? abangan..

    ahehe. di ako makatulog pasensya na. good morning nalang dito..

    TumugonBurahin
  2. ang sakit naman ng nangyari sa girl.
    grabe, bakit may mga tao kayang nahihirapan mag move on? :D. hehe.

    at mukhang may masamang balita na matatanggap si lita mula kay marie. :-?

    aabangan ko to. XD

    TumugonBurahin
  3. Bitin na naman!

    Kaabang-abang! MArami nang masaklap na karanasan ang nangyari kay Lita at Marie, ano kaya ang susunod?

    Pero, ang maganda dito, buhay sila't lumalaban!

    TumugonBurahin
  4. Ganun? Parang ang bait ni lance na panagutan si lita kahit di natuloy, parang ang galing nya magmahal dahil sa naikwento nya pa sa GF nya ung tungkol kay lita pero bakit ganun? mukhang dalawang babae ung nasasaktan ng dahil sa kanya...

    misteryoso to si lance ah lolzz

    TumugonBurahin
  5. @jhosel
    pero ganun naman talaga daw ang buhay...may mga pangyayring hindi kontolado...na tipong kahit anung pilit ay hindi pwede pero ang mahalaga patuloy na lumalaban...

    si marie? abangan....ahahaha...

    tulog ka na...aheks...epekto yan ng pagiging RN.....weeepeee...congrats.. :)

    @GiuLzie
    naapaktuhan?...aheks... hindi ko pa alm kung may mga ganyang istorya tlaga sa totoong buhay...pero kahit anu pa man...mahalaga ang hindi sumusuko sa laban.. ;)

    @MIke Avenue
    ahehehe...anu kaya pa kaya...pero sana maging maayos naman ang buhay nila.... ay, ako pala ang gumagawa ng kwento.....ahahaha... malay natin... :)

    @Lord CM
    inde ko alam kung paano ko nabuo ang karekter ni Lance...isang taong may mabuting puso at matinding paninidigan...ngunit nakumbli naman ang kanyang tunay na nararamdaman...mmhhhh..

    TumugonBurahin
  6. Pwede! Napanindigan mo nman ang pambibitin nung nakaraang post! Ang comment ko lang sa kwento sayang, tsk tsk tsk...hehehe

    TumugonBurahin
  7. Very good! o",) Mas kapansin-pansin ang husay ng manunulat kaysa sa kwentong ito. U

    Ayos na ayos ang pagkalarawan ng 'tagpong pangkama'.

    Mali pala ang nasabi ko sa Lilok [1]. Hindi lang pala sa lalawigan ng Rizal nagaganap ang kwentong ito, sa Laguna din pala, at sa Maynila. Medyo nalilito kasi ako sa area ng Antipolo at Paete. Pareho kasi silang nasa silangan ng Maynila. Whew!

    TumugonBurahin
  8. whew!! na carried away ako sa unang paragraph... nyahahahahahahaaaa!!!

    ituloy na yan!!! hehehe

    waiting for continuation

    TumugonBurahin
  9. wow! parang nagbabasa lang ako ng pocketbook! ahehehehe... ganyan na ganyan yung mga binabasa namin ng kapatid ko.yung tipong habang binabasa ini-imagine yung storya.. hehehe... nice pocketblog! hehe

    TumugonBurahin
  10. @Emz
    ahehehe...sayang nga...aheks...pero oks lng yan..:D

    @RJ
    ahehehe...anhirap nga eh...ang hirap mamimili ng angkop na salita para hindi sya magmukhang porn...aheks...

    ahehehe...pero tama din ata na Rizal...rizal province... :)

    @~~m$. DoNNA~~
    kayo tlaga ohh...naundlot tuloy...ahahaha.. :D

    @Dangel
    nyaks....ganun ba yun...nakabasa ako dati ng isa pero parapng prince at princess ata yung story...walang ganyanan eh...aheks...

    pocketblog...aheks...:D

    TumugonBurahin
  11. honestly, mukha siyang porn..lolz..hindi, di ba nga virgin pa rin si lita..

    naimpluwensiyahan ka na ng mga malilibog na bloggers superG..

    i thot tapos na talaga..un ang sabi mo sa ym..
    nabitin ako..ayhetchyu..weee..

    pero, at least nadagdagan na ang aking compilations....

    achuchuchu...

    TumugonBurahin
  12. sa totoong buhay, mreron talaga mahirap makamove-on...

    di mo expect... pero umaaasa pa rin pala cla at naghihintay lang... parang sa kwentong ito...

    abangan ko ang pagpapatuloy...

    TumugonBurahin
  13. @vanvan
    nyaks inde naman...bago mo pa nmn pabasa akin yun...naisip ko ang manyayari dito sa part na ito...:D

    pero yun sa susunod pagiisipan ko pa...aheks...:D

    salamat sa pagcompile...;)

    @an_indecent_mind
    yeah...yung iba din d2 inde maka-move one sa first part ahahaha..nabitin...cge sa susunod tignan natin kung anu ang manyayari...:D

    TumugonBurahin
  14. wahaha kasi dapat hindi na siya nagreklamo. lols! hehehe

    naalala ko bigla dito iyong post ni jhosel at iyon, iyong tungkol sa one person na "could have been" or something, iyong may isang tao buhay mo na habang buhay mo pag-iisipan paano kaya kung siya ba talaga iyong nakatuluyan mo, parang ganun ang kwento...bitin ako sa kwento, lalo na sa bed scene. lols!

    TumugonBurahin
  15. oy ha... now ko lang nabasa itong "lilok" mo. di kasi ako mahilig sa mala-nobelang kuwento eh... yung "may karugtong" at "abangan ang susunod na kabanata"... pero inferness, ang halay, este, ang lawak ng imahinasyon ng lolo. umpisahan ko na basahin yung simula :)

    TumugonBurahin
  16. kala ko dito na matatapos..lolz..

    bitin na naman...malamang ang susunod ending na..parang papunta na dun e...

    TumugonBurahin
  17. @Marlon
    ahehehe...baka nasaktan ng husto...ahahaha...

    waaaa....talagang bed scenes ang inabanagna...waaa.....ahahaha... :)

    @enjoy
    mahalay ba?...aheks...takte napasobra yata ang imahinasyon ko...ahahaha... cge cge...salamat sa pagbabasa... :)

    @Pajay
    ahahaha...at tlagang gustong matuloy....ahahaha...malay natin... :)

    TumugonBurahin
  18. grabe ka tlaga idol SuperG! Sigurado ka bang walang sideline sa Abante? Galing! Hehehe...

    Nakakabitin.

    Palagay ko mas lalalim pa ang ugnayan ni Lance at Lita.

    Isa lang masasabi ko sa ngaun, napakaswerte ni pareng Lance aba! napapaligiran ng mga chicks sa kwento. Hmmmm. hehehe..

    TumugonBurahin
  19. @jeszieBoy
    nabitin pa din...aheks... baka sa saturday yun susunod... may work na nmn kasi eh.. :)

    @ORACLE
    nyaks...ahahaha...sana nga no pwede ako magsideline dun...ahahaha...

    si Lance at Lita...baka nga meron?...abangan... :D

    TumugonBurahin
  20. "kuya masakit" bakit mo ako binitin sa kwento mo...cgro gnda ang ending niyan..

    sana malasing din ako para.....lolz...

    TumugonBurahin
  21. Kakatapos ko lang magdasal..lolz

    Mukhang natapos mo na nga ang kwento, malamang may ending na to, patuloy mo lang binibitin and mga taga-subaybay mo.. Di ko natapos mejo nangawit mata ko.Balikan ko pa nyan..Ahaha!
    Sideline mo ba to? Seriously? Pwede ka kasi. Pramiz. Napaka-talented mong writer..

    Anywayz, sa tingin ko naman di lang ako ang humahanga sa'yo sa pagsulat, magaling ka naman I believe kung ippursue mo yun as a career eh di ka mabibigo. ;)

    cheers Supergulaman!

    TumugonBurahin
  22. Ka-bitin! Ano kaya nangyari kay Ate Marie??

    http://monzavenue.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  23. @poging (ilo)CANO
    aheks...inde nya siguro mahal si Lita...mabait syang tao... :)

    isa yan sa mga dahilan kung bakit ayaw kong makipag-inuman...baka magkamali ako..lagot kay grasya....ahehehe.... :)

    @Dylan Dimaubusan
    nyaks...wala akong sideline nyan...libangan lang at binabahagi ko sa inyo... :)

    ei hindi ko pa din tapos ang kwento...iniisip ko pa din ang mga susunod na mangyayari...mamaya sa tulala moments ko sa jeep, isipin ko pa ang susunod...aheks....

    @Mon
    yung dalawang unang kwento, un yung evenet sa buhay ni marie...posibleng mahulaan ang nanyari sa kanya...pero hindi ko pa gawa yun...sa sabado ulit ang sunod na kwento.... :)

    TumugonBurahin
  24. hala hala bakit may hubad na katawan jan?at bakit nakatalikod?hekhek..di ko pa nabasaa mea na pag tapos na ko sa ginagawa ko..hehe

    --azul

    TumugonBurahin
  25. ahaha. galing galing ng storya ang sarap ivisualize ng pangyayaring iyon. ahihihi.

    sana aq n lng c lance. wahaha

    TumugonBurahin
  26. @azul
    aheks..oks lang...balik-balik lang...ahehehe... :)

    @kikilabotz
    at ivinisualized tlaga...ahehehe... cge ikaw naalng si lance...ahahaha... :)

    TumugonBurahin
  27. Make it a habit to visit www.rainbowbloggers.com

    Thank you and have a nice day!

    Yours Truly,
    RBP Marketing and Membership Team
    "We are more than yellow pages"

    PS:

    Cast your nomination for the Rainbow Blog of the Week. By visiting this link:
    http://www.rainbowbloggers.com/2009/02/rainbow-blog-of-week.html

    You can nominate your friend’s blog and even your own blog.

    TumugonBurahin
  28. talagang masyado ko ata serious binasa yung unang paragraph...lol..:D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...