Lumaktaw sa pangunahing content

..lilok: ang pagwawakas...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Disclaimer: Ang susunod na inyong matutunghayan ay base sa kathang isip ng may-akda. Ano mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya.

note: upang ganap na maintindihan ang mga pangyayari, inaanyayahan ang lahat na balikan ang mga nakaraan tagpo sa: "...lilok...", "..lilok: ikalawang yugto...", "lilok: ang pagpapatuloy [1]" at "lilok: ang pagpapatuloy [2]" at "lilok: ang pagpapatuloy [3]".

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
...halos malusaw ako sa tanong niya...ngunit bahagya akong tumango... matagal bago sya muling umimik... matagal... para bang libong oras na ang nakalilipas at nanatili lamang din akong nakayuko..... hindi ko man makita ang kanyang mukha ngunit ramdam ko na nangingilid ang kanyang luha...

"...sorry Lita, sana mapatawad mo ako", mahina nyang sabi...

...at muli, matagal na katahimikan ang naging musika... nakabibingi iyon... nakakabinging katahimikan... hindi ko na halos makayanan ang aking damdamin at isa na namang pagbaha ng mga luha ang nakaantabay sa aking mga mata... ngunit bago pa man ako bumigay, pumasok na din ako ng bahay at inaya ko siya..

"tara kuya, nakahanda na siguro ang pagkain...", mabilis kong aya...
"sige susunod ako mamaya-maya...", sagot nya.

...sa aking isipan naglalaro pa din ang naging reaksyon ni Kuya Lance tungkol sa aking tunay na damdamin...hindi ko alam kung may pagmamahal din siyang nadarama... pero hindi, sobrang mahal niya ang ate Lizeth, at alam ko totoo ang pagmamahal nya sa ate...pero bakit malungkot si Kuya Lance?...dahil ba ito sa kalagayan ng buhay ko ngayon?...o baka may pagmamahal din siya sa akin?... nagtatalo ang damdamin at isipan ko...hindi pwedeng ganito...dapat noon pa man sinupil ko na ang damdaming ito na hindi ko napanindigan noon...

sa hapag-kainan...

"Lita paano nga pala ang Visa ng ate mo?", tanong ni Ate Lizeth

"Masyadong mahigpit sa immigration ngayon, sa kaso niya maaaring mahirapan tayo...", dagdag pa niya...

"ei ate matagal ko ng nailakad ang green card ni ate, kung tutuusin noong nakaraang buwan pa sya pwedeng lumipad pa-amerika kaso hindi ko na siya na-kontak...kugn yung sakit naman niya ang inaalala mo ate, ei hindi naman nakakahawa yun... above poverty line din naman ang income status ko sa America...wala naman na sigurong magiging problema..magpapatulong na lang din ako siguro sa kakilala ko sa immigration kung sakali", tuloy-tuloy kong paliwanag...

"ahh, mabuti naman kung ganon", maikli nyang sagot..

...nanatiling walang imik si kuya ng mga sandaling iyon...at labis akong nag-aalala sa pinapakita niya...pagkatapos kumain, tinulungan ko si Rose sa pagliligpit...nagtungo naman ang mag-asawa sa balkonahe...masinsinan silang nag-usap...para bang may gustong sabihin sila sa akin na hindi kayang sabihin ni Kuya Lance..umiiling kasi ito at malungkot ang mukha...

...makailang saglit pa lumapit sa akin si Ate Lizeth...

"Lita, alam kong mahal mo ang asawa ko, pero natatakot syang saktan ka kung kaya may sikreto syang hindi masabi sa iyo, sikreto na itinago nya sa inyo ng ate mo sa mahabang panahon...pero sana ano man ang marinig mo mula sa kanya mapatawad mo siya...", malungkot na paliwanag ni ate...

..ngunit anu pa man, hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni ate. Lizeth...kung kaya wala akong nagawa, lumapit ako kay kuya Lance...nakatitig siya sa kawalan habang tuloy-tuloy ang agos ng kanyang luha...

"Kuya Lance bakit?...kasalanan ko ito, wala kang dapat ikalungkot....hindi mo kasalanan na mahalin kita...", paos kong sabi sa kanya..

....umaagos na din ang aking luha ng mga sandaling iyon..

"hindi Lita, kasalanan ko ang lahat... plinano ko na mahulog ang loob mo sa akin noon... ako ang nag-iisang anak na lalaki ni Mang Kadyo...ang taong pumatay sa iyong ina, ang taong nagwasak ng kinabukasan ng ate mo...", mautal-utal na sabi ni Kuya Lance...

pinagpatuloy ni kuya Lance ang pagpapaliwanag,

"ako ang sumira sa buhay nyo...nakita ko kung paano patayin ng aking ama ang iyong ina, nakita ko din kung paano halayin ng aking ama si Marie...may mga pagkakataon na pwede ko syang iligtas pero pinigilan ko ang sarili ko....inisip ko na tama lang sa inyo yun, kapalit ng pag-agaw nyo sa aking ama...matinding sakit at gutom ang inabot namin noon, dahilan din iyon upang ikamatay ng bunso kong kapatid...., totoong tinulungan ko kayong tumakas ng patayin ni Marie ang tatay pero at ito ay upang mapaghigantihan ka din...sinira nyo ang aking buong pamilya noon...kaya marapat lang na makapaghiganti ako sa inyong lahat..."

..nagtuloy-tuloy na din ang luha ko, hindi ko magawang maniwala sa sinasabi niya...ngunit nagpatuloy sya sa pagsasalita...

sabi nya, "...itinakda ko na mahulog ang iyong damdamin sa akin, kailangang mawasak ko ang iyong pagkatao, ngunit ng gabing iyon, ang gabi na muntik ko ng masira ang iyong pagkatao... hindi ko na mapanindigan ang paghihiganti ko... hindi na kita magawang saktan.... kung may nangyari sa atin, masisira lang kita... alam mong hindi kita mahal tulad ng pagmamahal ko sa ate Lizeth mo...hindi na yun magbabago... at tanging si Lizeth lamang ang aking mamahalin habangbuhay...pero minahal kita bilang kapatid, bilang bunsong kapatid na noo'y lumisan sa amin... totoong inalok kita ng kasal noon kahit walang pagmamahal ng katulad sa ate Lizeth mo...nagawa ko yun upang maprotektahan ka...natakot ako na dahil sa pangyayaring iyon ay masira na ang kinabukasan mo...alam kong mabigat sa iyo ang mga naririnig mo ngayon pero hindi ko pwedeng dalhin ito habangbuhay...tulad mo Lita gusto ko din na tunay na lumigaya...sana Lita, mapatawad mo ako...sana..."

...yumakap ako sa kanya ng buong higpit habang patuloy ang pagbaha ng luha mula sa aking mata...ngunit hindi ko dama ang galit sa kabila ng paggiging anak nya ni Mang Kadyo....hindi ko dama ang galit sa kabila ng pagpapabaya nya kay ate Marie...hindi ko dama ang galit sa kabila ng masama nyang balak sa akin...noon pa man pinatawad ko na sya...pero siguro nga kailangan ko na din na pakawalan ang pagkakulong nya sa puso ko....kailangan ko ng tanggapin na si ate Lizeth ang may-ari ng mundo nya...kailangan...

"Kuya Lance, pinatawad na kita... at alam kahit kailan hinding-hindi ko magagawang magalit sa iyo....", bulong ko sa kanya...

...sumilip na din si ate Lizeth sa eksena...malungkot din ang mukha...yumakap din sya sa aming dalawa...

...makalipas ang limang buwan, hindi pa din bumubuti ang kalagayan ng ate... umalis na din sila Kuya Lance at Ate Marie sa bahay, kailangan na daw nilang umuwi dahil sa makalawa na rin ang pagbalik nila sa London... si Rose naman ay bumalik na sa dorm upang ipagpatuloy ang pag-aaral...

....mula sa ospital...umuwi akong nag-iisa sa bahay...ngunit wala na ang malungkot na mukha... nakangiti na ako... handa ko nang iwan ang problema kasama ang pagmamahal ko kay kuya Lance na lumilok sa aking pagkatao... dumiretso ako sa kwarto.. kipit sa aking puso ang masasayang alaala ng kahapon...mga alaala ng pagmamahal at pagkalinga ni Kuya Lance...hawak ang isang botelya ng panlinis ng alahas...nilagok ko iyon...humiga ng payapa sa kama at pinikit ang mga mata...sa wakas lalaya na ako sa paglalaro ng tadhana... magpapaalam sa mundong naging kabahagi at limilok ng aking pagkatao... salamat sa mga alaala Kuya Lance...salamat...

~wakas~

~~~~~~~~~~~********~~~~~~~~~~~~

Pasasalamat:
at tuluyan na pong magsasara ang tabing ng lilok...nawa'y nabahaginan ko kayo ng aral ng mundo... maaaring may mga sensitibong bagay akong ibinahagi sa kwentong ito, ngunit ninais ko din na hindi itago sa inyo ang katotohanan ng buhay.... hindi maiiwasan dumarating ang problema, may lungkot, pagkabigo... ngunit kailanman hindi mawawala ang pagmamahal at pag-ibig sa ating buhay at puso...tatak ito sa ating pagkatao at lililok sa bawat yugto na ating madaraanan...

sa mga nagnanais na habaan ko pa ang kwento, bawi na lang po tayo sa susunod...sa mga nakibahagi sa aking kwento...maraming-maraming salamat po...sa mga nandiri, nagulat, tinayuan (ng balahibo), kinabahan, na-inlove, natuwa, kinilig, binangungot sa mga eksena, at nainis sa ending ng kwento.... maraming salamat po...sa gusto pang makibahagi sa mga susunod kong kwento...muli maraming-maraming salamat po...

Mga Komento

  1. sa wakas natapos din ang pabitin bitin na kwento...

    teka nga! pano pala nakwento ni lita ang kanyang pagpapaalam sa mundong naging kabahagi at limilok sa kanyang pagkatao kung nagpakamatay siya...nguguluhan ako..lolz....hehehe

    TumugonBurahin
  2. @poging (ilo)CANO
    ahehehee...flashback lahat ang nangyarihabang mamamatay na sya...aheks...

    parang naalala nya lang lahat hanggang dun sa pagpapakamatay nya... swerte inabutan pa natin na buhay sya kaya nalaman natn ang kwento...ahahaha... :)

    TumugonBurahin
  3. Ok ka talaga pre...pero mas ok sana kung binago mo ung ending, masaya nman na si lita at walang dahilan para magpakamatay...pwede naman ung ending eh pinatay nya si kuya lance lolzz

    TumugonBurahin
  4. Hay naku...tragic ending indeed!

    Hope not to be construe by anyone...

    Anyway, it's a nice...nice....nice story.

    Hope to read more from you.

    ---Mike Avenue

    TumugonBurahin
  5. aaay! malungkot ang ending! ending na ba talaga yun? nde ba dapat yin-yang, kung may kalungkutan at sakit may kasiyahan at sarap! wala bang masayang karugtong?

    TumugonBurahin
  6. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa huling yugto nitong kwento, at hindi ko nagustuhan ang naging reaksiyon ni Lita habang natuklasan niya ang mga lihim ng Kuya Lance niya. Pero ayos lang. Ganu'n ang takbo ng kwento eh.

    Nakamamatay ba ang kemikal na panlinis ng alahas, 'Yet? Medyo nakalimutan ko na ang aking Chemistry sa sobrang pag-aalaga ng mga manok dito. Anong kemikal ba 'yon?

    Kung nagpakamatay si Lita, ah... Tsk, tsk, tsk. Tama na nga 'tong comment ko.

    Ibenta kaya natin sa Valentine Romances itong Lilok?

    TumugonBurahin
  7. uhummmm..everything is tragic...

    parang walang masayang nagyari sa buhay ng magkapatid...

    ---azul

    TumugonBurahin
  8. wow. tapos na pala ang lilok. magaling superG.
    mejo nabitin lang ako sa reaksyon ni lita after the revelation. ahehe. pero siya naman yun e. siguro sobra niya lang talagang mahal si Lance kea mabilis nia tong tinanggap.

    oh well. maganda maganda.. eye-opener xia..

    hmm. ipapaalam ko ha. kunin ko ang buong kwento mo.. ippdf file ko. taz papabasa sa mga friends ang obra mo. ahehe..

    sige. til next story!
    isang malaking APIR nanaman at THUMBS UP! at TOES UP! ahehe.

    TumugonBurahin
  9. @Lord CM
    aheks..naisip ko din yun na patayin si Lance..kaso pano naman si Lizeth at ang anak nya...tsk tsk...kawawa, kumplikad lalo...aheks...

    @Mike
    yeah..tragic nga...pero ganun ang daw ang pagmamahal, ang pagmamahal na tama o maging mali man....minsan nakakasira ng buhay...minsan nakakamatay...

    pero sna nga hindi ito ma misinterpret ng iba... :)

    @emz
    ahehehe...gusto ko din sna ng ganung ending na tipong after ng paghihirap may ginhawa naman...pero iba daw ang takbo ng buhay, hindi daw ito about sa extremes, sa lungkot o saya...nasa mga pinagdaanan daw ito at kung paano natin haharapin ang bawat pagsubok... pag-iisipan ko pa kung dudugtungan ko sya... :)

    @RJ
    uu nga at humantong pa iyon sa pagtatangka nyang magpakamatay... pero walang kasing ibang paraan upang makalimutan nya si Lance...

    panlinis ata ng silver yung ininom nya...delikado yun lalo na sa mga bata...ang dami ng cases na namatay sa pag-inom nun kahit kaunti lng... :)

    uu nga ibenta ko kaya...pag-isipan ko yan..aheks...

    @azul
    tama walang masayang nangyari kung susundan mo ang takbo ng kwento... pero ang kasiyahan talaga nila ay nasa puso nila...ang pagmamahal ni Lita kay Lance ang isa sa pinakamasayang sandali...maaari din na ang pagmamahalan ni Ron at Marie ang isa sa masayang sandali...maaaring hindi natin maunawaan yun...ang pagmamahal ay maaaring ipakita hindi lang sa mga kaaya-ayang gestures... :)

    @jhosel
    ahehehe...patay na nga ba sya?...malay natin... :)

    tama wagas ang pagmamahal ni Lita kay Lance...wala itong kapantay...nagawa nyang tumulay sa kamatayan kapalit ng kaligayahan ng kanyang mahal...

    yup...cge lang, para ito sa masa eh...salamat salamat...

    TumugonBurahin
  10. ayyyy...akala ko naman totoong istorya. sori naman po, hindi ko naumpisahan ang istorya nila pero kahit ang pagwawakas na ang nabasa ko, para ko na ring nabasa lahat kasi my flashback eh...

    pero bakit panglinis ng alahas ang naisipan mong paraan ng pagpapakamatay nya? sana natulog na lang sya at hindi na nagising..hehehe para naman hindi masyadong tragic.

    TumugonBurahin
  11. Haaaaaay.....

    Ang dami pang tanong sa aking isipan tungkol sa mga nangyari at pwede pang mangyari....

    May Sequel sana yan....

    Na tipong gagantihan naman ng bida si Lance. At matagal na palang kasabwat ng bida yung asawa ni lance. Hehehe...

    Magaling! Super ka talaga idolG! =)

    TumugonBurahin
  12. nakakalungkot naman nemetey si lita
    naalala ko Veronika decides to die

    pwede ba horror kasunod? magmumulto si lita?
    patayin sa sindak si ate lizeth wahehe

    sana ay kasunod
    si kuya lance naman sana nagnanarrate since pinatay mo na si lita, patay na ba talaga? baka nakaligtas pa? wahaha

    TumugonBurahin
  13. ayan, kumpleto na ang compilation ko ng lilok..

    salamat superG sa isang mahiwagang paglalakbay sa buhay nina marie at lita..

    i had fun..this was great..


    nasabi ko na bang ang galing mo??
    hindi pa??

    ang galing mo..swear..
    ganyan talaga siguro ang mga mutants..weee...

    standing ovation para ke supergulaman!!

    woootwooottt...

    TumugonBurahin
  14. @Jez
    ahehehe...nakow...yung pag-inom nya ng panlinis ng alahas ay hindi tlaga tragic...try mong basahin ang previuos post.. yun bka sabihin mo na hindi nga tragic yun... aheks... ;)..salamat sa pagbisita... ^_^

    @ORACLE
    ahehehe... sige pag-isipan ko yang suggestion mo... kaso sa ngayon masyado kong nalimita ang imahinsyon ko dyan sa kwento... hindi ako makapagkwentuhan na sa sarili ko...nagtatampo na nga eh.... ahahaha.. :D

    @tsariba
    ahahaha...napansin mo din pala... buhay pa nga ba si Lita? kung patay na sya? sino kaya ang nagkwento... ahehehe... malay natin may sequel pa... :D

    @vanvan
    naks binola ako....aheks... salamat sa pag-compile... salamat sa mga papuri ...pero mas maganda kung may cash din na kasama.... ahahaha...juks... :D

    TumugonBurahin
  15. Nagpakamatay!! haayyy tayo pa namang mga pinoy.. gusto lagi happy ending.. diba?

    kong napuri ka nila sa ganda at guapong guapo mong istorya Super G akoy humanga sa iyo.. tulad ng sinabi ko pede na ito gawing libro.

    malay mo...

    cge salamat sa wento kahit ganun paman may mapupulutan din ang iyong wento..

    wento ka pa uli ha... ta kits

    TumugonBurahin
  16. naku..sayang bkit ngpakamatay? panu na na ang ate nya? namatay tuloy siyang walang karanasan. ahaha.
    haaayyy.

    bitin ang kwento master superduper

    TumugonBurahin
  17. Hi bossing ganda nman ng mga kwento mo masyadong nkakarelate. sarap magbasa ng mga kwento mo nakakawala ng pagod. keep it up

    TumugonBurahin
  18. @BOGCESS
    yeah sure... :)

    @bomzz
    uu nga...sana mapulutan nila ito ng aral...hindi ang mga karahasan na ipinakita sa kwento.. .;)

    @kikilabotz
    aheks...nabitin ka din...aheks...malay mo meron pa season 2... :)

    @JETTRO
    salamat... at hindi ko nasayang ang iyong ginintuang oras...salamat..salamat.. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...