Lumaktaw sa pangunahing content

...isang sulyap sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap...

[Paalaala: ang sulating ito ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda, anumang bahagi na may pakakatulad sa iba pang kwento at tunay na buhay ay hindi sinasadya, Maligayang Pagbabasa!]

***

Sa Kalendaryo. May 31, 2041.

Oo tama, ito ang katapusan na araw sa buwan ng Mayo ng taong dalawang libo apatnapu't isa, ito na aking ika-limampu't siyam na kaarawan. Isang taon na lamang at hahantong na din ako sa aking ika-animnapung kaarawan. Totoo, halos hindi na din kita madinig, humihina na ang aking tenga. Halos hindi na din kita makita, nanlalabo na ang aking mga mata. Mahina na ang aking katawan at bumabagal na din ang gana ng isipan. Natatakot ako. Natatakot ako na sa pagpikit ng mga mata kong ito ay hindi ko na muling maalala ang mga sandaling naging bahagi ka ng mahirap at simple kong mundo. Natatakot ako.

"Pa, gising! si Ace po ito...", isang uyog ang gumising sa aking sandaling pagkakaidlip.

"Alas, ikaw pala yan, kailan ka pa dumating?", tanong ko.

"Eh, kararating ko lang din po. Medyo na-delay po ang flight naming mag-anak kaya ngayon lang din kami nakarating dito", sunod-sunod nyang tugon habang papalapit sa matandang babaeng nasa duyan.

"Alas,wag mo munang gisingin ang mama mo. Napagod kasi yan sa pagluluto kanina. Gustung-gusto pa din nya kasing sya ang magluluto para sa mga apo nya kahit na alam nyang madali na syang mapagod. Hayss, ang mama mo talaga", tugon kong may kasamang isang malalim na buntong hininga.

Siya si Ace, Alas kung tawagin sya namin ng aking may-bahay--si Grace. Siya ang aming panganay na anak. At ang sumunod sa kanya ay si Graciella. Dalawa lamang ang naging anak namin at ang mga pangalan nila ay aking sinunod sa pangalan ni Grace, ang aking Grasya. Totoo, mahal na mahal ko ang aking Grasya kung kaya lahat ng magagandang bagay na naging kabahagi ng buhay ko ay iniaalay ko sa kanya.

Taong 2003 ng magkakilala kaming dalawa, isang simpleng pagsusuyuan na humantong din naman sa seryoso at maalab na pagmamahalan. Pero bago pa man kami magkasama ng mahaba-habang panahon maraming hirap, luha at kalungkutan ang aming tiniis. Sa katunayan, makalipas ang isang taon ng suyuan at pagkakapalagayan ng loob, nagdesisyon si Grace na iwan nya ang sariling bayan at ako. Malungkot na ang mga sumunod na tagpo noon, pero puno pa din ng pag-asa ang bawat isa. Hindi na din ako tumutol sa desisyon nya bagkus taos puso kong sinuportahan ang kanyang kagustuhan. At alam kong iyon din ang tama, tama para sa pamilya nya at tama para sa pangarap naming pamilya. Alam kong ang kanyang paglisan ay hindi wakas ng aming pagmamahalan, naniwala ako na daan yun upang tuparin ang mga pangarap nya... ang pangarap namin dalawa.

Sa paliparan.

Halo-halong luha ang nandoon. Luha ng kalungkutan at pag-asa para mga pamilyang naiiwan. At luha ng galak at pananabik para sa kapamilyang muling nagbalik. Mga luha ng pagmamahal para sa bawat isa.

Gusto ko din umiyak ng mga sandaling iyon at pigilan sya sa kanyang pag-alis. Ngunit hindi, kailangan nyang gawin iyon. Kailangan. Niyakap ko sya ng buong higpit at pinaalalahanan ng mga salitang hindi ko din alam kung matatandaan pa nya. Pigil ang aking luha. Ayaw kong makita nya iyon. At sa kanyang pagtalikod, isang paalala nya ang saglit na nagpangiti sa malungkot kong mukha.

"Wag kang mambabae ha? Subukan mo lang bobodjakin kita!", maluha-luha at napapangiti nyang sabi.

Saglit lang din at pumasok na sya sa loob ng paliparan. At nawala na sya sa akin paningin.

Sa paglisan ng aking Grasya, naging matamlay ang mga sumunod na araw. Ngunit hindi, kailangan kong maging matatag dahil si Grasya ay dalawang ulit na mas mahirap ang pinagdadaanan nya kumpara sa akin. Kung nalulungkot ako dito paano pa kya sya na mag-isa lamang sa lugar na hindi sya pamilyar. Kailangan kong maging matatag, kailangang magtiwala sa isa't isa.

2006. Mahigit tatlong taon na din ng umalis si Grace. Tanging tawagan lang sa telepono at computer ang naging kamunikasyon. Araw-araw walang patid. Yun lang din kasi ang meron kami at hindi na namin yun ipagkakait pa sa isa't isa.

2007, 2008, 2009, 2010. Mabilis na nagpalit ang pahina ng kalendaryo ngunit naging ganun pa din ang sistema--LDR. Telepono at computer, araw-araw. Mahirap, malungkot pero kailangan para sa mga pangarap. Nagkakatampuhan minsan, ngunit kailangan mag-kaayos. Kailangan laging nag-aalab ang pag-iibigang milya-milya ang pagitan, pag-iibigang libong karagatan ang hadlang. Hindi dapat sumuko. Kailangan.

Mayo ng taong dalawang libo't labing isa, dumating na din ang pinakahihintay namin. Sa paliparan. Hindi na malungkot na mukha at luha ng kalungkutan ang aking tangan bagkus puno ang aking puso ng galak at pananabik. Umuwi na ang aking Grasya.

At sa pagbalik ni Grace, nabigyan din katuparan ang pag-iisang dibdib na ilang taon ding nabinbin dahil sa pag-aalala para sa kinabukasan. Sa pagkakataon ito hindi na namin iniisip ang bukas. Ang mahalaga kapiling namin ang bawat isa. At ang pag-iibigang iyon ay nagbunga ng dalawang makukulit at mapagmahal na supling si Ace at Graciella.

Katulad ng ibang pamilya, hindi din naging madali ang buhay namin. Ngunit nanatili kaming matatag at puno ng pagmamahalan. Sa aming mga pagtitiis at hirap na pinagdaanan, walang problema na hindi maaaring malampasan sa tulong ng tiwala sa isa't isa, pagmamahal at sa tulong ng Dakilang Lumikha.  Maayos namin pinalaki ang aming mga anak na sa ngayon ay may sarili na ding mga pamilya.

"Pa, mano po!", isang babae ang umabot ng aking kamay. Si Graciella habang karay-karay ang kanyang munting anghel.

"Ang laki na pala ng apo ko ah! Akin na nga muna na yan at na-miss namin ng mama mo yan ng sobra", nakangiti kong tugon.
"Nasaan na nga pala ang bolero mong asawa?", tanong ko kay Graciella.

"Andun po sa loob, dala yung suhol nya na naman sa inyo...ahahaha", nakabungisngis nyang tugon.

"Hays, yan talagang asawa mo oh, tuloy pa din ang pagpapalakas nya sa amin, eh pasado na nga sya, at ito na nga ang trophy na oh..", nakangiti kong sabi habang inuugoy ang munting anghel.

"Ay, pumasok na kayo dun Graciella, susunod na kami ng mama mo, gigisingin ko lang siya saglit, susunod na kami.", muli kong tugon habang binabalik sa kanyang bisig ang munting anghel.

Lumapit ako sa duyan, na kanina ko pa sinisipat. Doon, muli kong pinagmasdan ang bahagyang kulubot na mukha ng babae at bumulong sa sarili na, "Salamat, at kasama kita hanggang sa finals". Akma ko na syang gigisingin ng mapansin kong sya ay ngumingisi. 

Nakapikit sya habang sinasabi, "ikaw talaga oh, na-iinlab ka na naman akin, kung makatitig ka para kang teenager...ahahaha".

Tumabi ako sa kanya at inakbayan.

"Malaki na Graciella no? Gusto mo sundan na natin sya?", mapanukso kong imik.

"Magtigil ka nga dyan, mahina na nga ang tuhod mo, puro pa ka kalokohan." "Tara, pumasok na nga tayo at sigurado gutom na ang mga apo mo".

Nakangiti kaming pumasok sa paraiso. 






Mga Komento

  1. Nice one.
    ang sarap ng ganitong feeling sa future--yung tipong masaya kayong tatanda :]

    TumugonBurahin
  2. ang gaan sa pakiramdam ang love. nakaka-touch at kakilig kahit may LDR na nangyari :D

    TumugonBurahin
  3. uhm... tinatamad akoh magbasa... eh ba't anditoh akoh? la lang.. masama dumalaw? lolz... juz wanna say hi kuya.. ingatz... balik na lang later at makibasa... for sure isang magandang kuwento yan... laterz.. Godbless!

    TumugonBurahin
  4. @Renz
    yeah...lahat nmn yata ay nangangarap ng ganun...haysss...

    @khantotantra
    yan ang hanap ko din eh...magaan lng na story...eheks... ;)

    @Captain Youni
    ahehehe...wala din akong ma-koment oh...

    @Dhianz
    ahehehe..salamat sa pagdaan...oks lng dhi..balik balik lng... :)

    TumugonBurahin
  5. kuya am back.. i was juz really lazy dat day na dumaan akoh...

    oh yeah.. awww.. hangswit naman na luv story... alam moh pangarap koh ren yan... hanggang pagtanda eh magkasama kme nang mahal koh... minsan natutuwa akoh pag may nakikita akoh sa store na si lolo at lola nagshoshopping magkasama... or naman sa mga park or naglalakad na sina lolo at lola na magkaholding hands... i juz find it very sweet... ung magkasama kayo until d end... hayz... ayonz...

    luv ur kwento kuya... oh yeah siguro kakasal na kayo pagbalik nyah ni gracia moh.. teka i forgot wat u told me kung bumalik na syah... 2 kids lang.... gawa kayo nang more... lolz... so yeah... ayon nawala akoh.. i was gonna say hanggaling moh gumawa nang kuwento... pati pagkatagalog moh like dalawang libot labing isa tama bah un.. teka.. tama nga... magaling ka pa ren sa pagsusulat kuyah.. so yeah... laterz.. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  6. @Dhianz
    uyy..bumalik ka ulit..aheks...salamat dhi sa pagbabasa...yeah..minsan ako din sobrang tamad... although nag-bloblog hop nmn ako minsan kaso hindi na din ako nagko-comment..baka nga nagtatampo na yung keyboard ko sa mouse, puro klik lng tamad mag-type...

    ei nakabalik n si grace, pero bumalik sya ulit dun...next year daw ulit balik nya... tnx sa papuri, nahiya nmn ako...nahihirapan pa din kasi ako mag-blog laging blanko ang utak ko...ahehehe...salamat dhi..sa uulitin..ingats.. ;)

    TumugonBurahin
  7. hwag ka mag-alala nakarelate lang akoh sau nang bonggang bongga... minsan den nagbabasa but tinatamad magkoment... minsan kokoment nde nagbabasa.. or minsan juz totally tinatamad even mag blog hop.. naalala koh nong bago pa akoh eh super adik akoh.. ngaun eh... ayos lang... sa dmeng ka-exlinks eh dehizn moh madalaw... but ur one of my fave ka-blogs.. juz wanna let u know dat.. naks.. nd hmmm.. pagbalik nyah siguro u guyz getting married na noh... hihhhee... well awa ni God... ingatz kuyah... dumalaw at nag-say hi.. Godbless! -di

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bukang-Liwayway

Mabilis na pumaindayog at lumayag ang mahigit sangdaang milyong segundo na puno ng pananabik sa biyayang sa puso inukit. Matapos ang takip-silim at anino ng kalungkutan, muli ng magtatagpo ang araw at kaparangang pinaglayo ng pag-inog ng daigdig. Isangdaang libong minuto na lamang ang nalalabi at muli ng matatanaw ng kaparangan ang araw na nagtago sa likod ng daigdig. Araw na milyong milya ang tinahak para sa kaparangan nyang iniibig. Sinuong ang bangis ng mga ulap at lason ng hangin upang tuparin ang pagyakap sa kaparangang naghihintay sa pagsapit ng bukang-liwayway. Sa pagyakap ng sinag ng araw sa kaparangan at paghalik ng kaparangan sa araw, doon muling magsisimulang pumitak ang oras. Pagpitak ng kaligayahan na sa alapaap manunulas, iikot, magpupumiglas. Kaligayahang walang katumbas, hindi mailalarawan ng saknong, talata at rehas ng mga salita. Hangin ay iihip tulad ng haranang dalisay sa katapatan at pagmamahal para sa kanyang nililiyag. Hanggang sa wakas.