Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2011

Mmm Sarap

Mmm Sarap by Kamikazee Di ko mapigilang ngumiti Pag ika'y nakikita Para kang isang regalong Nagbibigay saya Nagtataka kung anong Hiwagang mayron ka Sana ang nadarama Ay di na lumipas pa. Para bang namamasyal sa ulap Tuwing kasama ka Pati mga problema ko'y Biglang limot ko na Ang oras ay biglang natrapik Biglang humihinto Sulit ang bawat minutong Ika'y naririto. *Kay sarap isipin na naryan ka Pag ako'y nalulumbay Basta't kasama ka lahat ng bagay Ay puno ng kulay Naririnig ang daloy ng tubig At ihip ng hangin Sa piling mo'y naglalakbay ako At nananaginip. Ano bang meron ka At ako'y naakit mo? Mapungay ang mata Kapag ika'y kasama ko Basta't kapiling ka Ako ay ayos na At sa bawat gitgit iyong makikita Na mahal kita.  Kanta-kanta muna.... ^_^... woaahhh!

A Message from Mark Zuckerberg (Facebook CEO) to Philippine users of Facebook

"If this continues and more spams keep being posted, we will have no choice but to ban Philippine users from using Facebook. We at Facebook will not tolerate outlandish behavior and indecency." ---------- Mark Zuckerberg – CEO of Facebook released an online statement regarding the spreading porn pics and spams. Released November 16, 2011 9PM Pacific Time Zone. The porn attacks originated in the Philippines and are being published by Filipinos all over Facebook, our experts here at Facebook are doing everything they can to stop it from spreading any further (outside the Philippines) and to eliminate the porn and spam threat completely which have been causing other Facebook users ‘a hard time’. Filipinos should also be vigilant and report any spam links and pornographic materials. 41% of Facebook members around the world are aged 12-17 years old, we cannot be exposed to this kinds of things through Facebook. If this continues and more spams keep being posted, we will have no ...

Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1)

Lulan ng pampublikong sasakyan, kipit ang kapirasong karton na kung tawagin ng karamihan ay "Nol Card" na nagsisilbing pasaporte mo sa paggala sa kalunsuran ng Dubai, hindi ko pa din maiwasang ikumpara at hanap-hanapin ang bayang pinagmulan. 23 August 2011, 11:30pm Ito ang araw at oras ng simulang lumapag mula sa himpapawid ang sinakyang salipawpaw (airplane) sa kalupaan ng mga Arabo. Ito din ang pagkakataon na simula akong humanga at sabihin sa sarili na "sana ganito din sa Pilipinas". Pero ano nga ba ang maganda sa Dubai? Mga gusali? Trabaho? Disiplina ng mga tao? Takot at paggalang sa mga alagad ng batas? Murang gasolina? High-tech na mga kagamitan at inprastraktura? At madami pang iba na wala sa Pinas. Nakakamangha (Nakamamangha??). Ito ang Dubai para sa akin sa unang linggo ng aking pananatili dito. Maganda ang kalunsuran maliban sa mga di kaaya-ayang amoy na kayang sumira ng iyong paniniwala ukol sa pagligo na tila ba nangungumbinsi na may kakulangan sa tub...

surprise...

current local time...6:05PM... bulaga! alam ko gabi na.. pero bakit ganun, nagsisimula pa lng gumising ang mga tao patungo sa kanilang mga trabaho... mukmok muna ako ulet sa kwarto...wala pa ang grasya..hintay pa ng alas-dyes para sa pagdating nya...alas-dyes dyan pa lng kami gagala...kakaiba talaga...hindi ko na din matantsa kung anong oras ang almusal, tanghalian at hapunan...ang sabi lang nya..basta magutom ka, kain lang daw...sa pagligo naman, kung dati rati nagpapa-init ka ng tubig panlaban sa lamig ng panahon...ngayon, maghihitay kang lumamig ang tubig dahil sa labis na init ng paligid...hindi din uso ang puyatan dahil normal lang daw ang gising sa gabi at tulog sa umaga...ang orasan ay ginagamit sa pagtatakda ng iyong pasok sa trabaho hindi para malaman kung umaga na o gabi pa... hindi na din totoo ang kasabihang "the early bird catches the early worms"...kasi nga "the intelligent bird catches the worm at the right time"... sa totoo lang..inaasahan ko na it...

Dupe: Tara Lakad Tayo

Ito ang pinoy, lakad dito, lakad doon.  Lakad ng lakad kasama ang pinakamamahal nyang tsinelas. Kaya nga, "Mang Kulas, Pabili ngang tsinelasMang kulas,  Pudpod na't gasgas, Baka mapigtas tong luma kong tsinelas Tong luma kong tsinelas" -Yano Hirap ka na ba sa kaaayos ng madaling mapigtas na tsinelas? Takot ka na bang madulas dahil sa iyong lumang tsinelas? Sawa ka na ba sa mahal-pero-hindi-katibayan na tsinelas? Pwes, narito na ang tsinelas na papatok sa iyong panlasa...Ang Dupe. Gawang Brazil pero pinoy ang timpla.  Imported pero hindi mahal. Maganda at matibay na swak pa sa iyong porma. Kailan nga ba tayo unang gumamit ng tsinelas? Ummmh...siguro hindi pa tayo natututong magbilang at magbasa, alam na natin kung paano ang paggamit ng tsinelas.  Sanggol pa lang tayo noon, tsinelas na ang nakamulatan ng bawat isa.  Minsan pa nga hirap na hirap sa pagkabit si nanay sa garter ng iyong tsinelas upang pang-proteksyon sa iyong lalakaran. Palibahasa batang makulit, ...

Facebook (Pesbuk)

5:00am...maingay na naman ang alarm clock ko. Kinapa, ang kinaroonan, in-off ang alarm switch, kinuha, tinignan ng matang hirap sa pagdilat. Nakipagtitigan sa orasan. Pupungas-pungas. Tinangkang ibato dahil nagulantang sa kasarapan ng tulog.  Pero wag na lang, mahirap maglinis ng nakakalat na bubog. Kinuha ko ang selpon (cellphone, mobile phone, handphone???), nagsimulang tumipa. Message Sent!  Tumayo na din ako, umunat ng bahagya. Nagdasal ng pasasalamat at nagsimula ng iligpit ang pinaghigaan. Pagkayari ng ilang saglit, hinanap ang saksakan ng battery backup. Pindot dito, pindot doon. On, on, on! Pinagpahinga ko na din ang bentilador na nagpasarap sa aking pagtulog.  Diretso sa kusina. Kumuha ng baso, nilagyan ng isang kutsaritang kape at asukal, at madaming coffeemate. Nagpakulo ng tubig.  Hintay ng ilang saglit. Binuhos ang kumukulong tubig sa baso. Wag kayong maniwala sa kasabihang nawawala ang aroma ng kape kapag binuhusan ito ng kumukulong tubig. Kaya nga kap...

Ligo na U, Lapit na Me

Friends with benefits and perks. Katatapos ko lang panoorin ang pelikulang Friends with Benefits (2011) na pinagbidahan nila Justin Timberlake (Dylan) at Mila Kunis (Jamie) ... Nakakaliw, nakakatuwa (nakatutuwa??) kung paano nila nabigyan buhay ang karanasan ng mga FUBU. Oo, Tama! Mga FU*k BUddies. Ganun daw kasi ang mababait at tunay na magkaibigan, nagpapahipo. Isa itong pelikulang tama din ang timpla, swak sa panlasa, may kiliti at ligayang panggising sa natutulog mong diwa. Sabihin na natin na nalibang din ako sa panonod ng pelikulang ito, pero ayun nga anticipated ko na naman ang dulo (and they lived happily ever after). Kung sabagay halos lahat naman ng pelikula ay ganyan...and they lived happily ever after. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa happily ever after o ayaw ko nito, ayaw ko lang na makapanood ng mga pelikulang predictable ang takbo ng kwento. Minsan pa nga mas natutuwa ako sa pelikulang hindi ko maintindihan. Yung tipo ng pelikula na mapapasambit ako na "...

Eye Test? Malabo na ba ang iyong mata?

Gaano ka kahusay sumunod sa mga panuto(instructions)?  Base sa mga pag-aaral may kinalaman daw ang tamang pagsunod sa mga panuto sa kalagayan ng ating mata.  Sa aking palagay posible nga, lalo na kung may kalabuan ang ating mata. Hindi na natin magawang makasunod sa tamang panuto. Ang mga simpleng panuto na "bilugan ang sagot" ay posibleng magiging "guhitan ang sagot"...O kaya  naman ang simpleng "walang tawiran" ay maging "tamang tawiran".... Magkagayunman, narito ang simpleng panuto na magdedetalye ng kalagayan ng iyong mata. Great discovery daw ito, kaya subukan mo na. Handa ka na ba? Kung ganun, tara na at isabuhay ang pagsunod sa panutong ito...   1. First close one of your eye . 2. Move your mouse point at the red * below. 3. Right click at the red * . 4. Then click (select all). 5. Then you will see the result . * Pasensya na kung na-uto kita. Ahahaha!  Sa susunod mag-isip munang maigi bago sumunod sa sinasabi ng iba! Tama! walang...

Endorsers???

Negosyong sulit at patok ba ang hanap nyo??? Yung tipong pasok sa panlasa ng publiko? Aba! subukan na ang pagbenta ng siomai na hinahanap-hanap ng dila ng masa. Sa halagang 250,000 pesos maaari ka ng mag-franchise ng masarap at malinamnam na siomai ng Siomai House. Sa murang halagang iyan kasama na ang booth, freezer, steamer, beverage dispenser, advertising signs and signage, dalawang (2) sets ng uniform, free delivery 3x a week, at iba pang mga kailangan para sa negosyo. Kaya anu pa, sulit hindi ba? Tara na! Ahahaha...feeling endorser lang, wish ko lang makita ito ng shomai at padalahan nila akong ng 1 year supply ng siomai at gulaman... ahahaha, biro lang... nasira kasi ang internet connection ko kaya ito tamang trip muna may ma-post lang...hindi naman siguro ako mapapagalitan ni WonderG sa pag-post ko ng picture namin dito... ahahaha... :) [note: sa mga na-engganyo ko kung meron man narito po ang contact details ng Siomai House:  Bernabest Food Products, Inc. 118 D.Arella...

The BENEFITS of SEX

Warning: Kids don't try this at home sa labas lang. Ahahaha...biro lang. Ang sulating ito ay para lamang makapagbigay ng kaaalaman. Hindi ito nanghihikayat ng kalaswaan para sa kabataan. For information dissemination ika nga. So ito na, let's read: Did you know that we can determine if a person is sexually active or not by looking at her skin ? 1. Sex is a beauty treatment. Scientific tests have shown that a woman who has sexual relations produces big amounts of estrogen which makes hair shiny and soft. 2. To make love in soft and relaxed way reduces the possibilities of suffering from dermatitis and acne. The sweat produced cleans pores and makes the skin shine. 3. To make love allows to burn all the calories accumulate is this romantic love scene. 4. Sex is one of the safest sports. It strengthens and tones all body muscles. It is more enjoyable than doing 20 lapses in the pool. And you don’t need special shoes ! 5. Sex is an instantaneous cure against depression. It...

NBA All Stars VS Smart Gilas (Philippines)

sayang hindi ko din ito napanood sa TV... kaya ito tyaga na lng muna ako sa highlights sa youtube.... Sa mga kagaya ko na hindi nakapanood...ito po share share tayo... :) 1st Quarter Highlights: 2nd Quarter Highlights 2nd Half Hightlights (3rd & 4th Quarters) n.b. FOR ENTERTAINMENT PURPOSES ONLY. ALL CLIPS BELONG TO AKTV-IBC.

SONA 2011: TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME and MORE

ooooopppssss.... July 25, 2011... State of the Nation Address (SONA) po ngayon ng ating Pangulong Benigno Aquino III kung kya Public Service po muna ang inyong superhero.... Narito po ang TRAFFIC RE-ROUTING SCHEME mula sa website ng PNP na isinulat ni PO2 Ryan Mazo. Commonwealth Northbound All northbound PUBs, PUJs and other motorists shall turn left at Shopwise U-turn Slot and take southbound counterflow until they reach San Simon U-turn Slot. Turn left and take the northbound for normal counterflow. Alternate Route #1: From EDSA take Congressional Ave. then turn left to Mindanao Avenue. Take right to Old Sauyo Road then left turn to Chestnut. Take right turn to Dhalia then take left turn at Regalado. From Regalado take a left turn going to Commonwealth Avenue. Alternate Route #2: From Quezon City Circle via North Avenue turn right to Mindanao Avenue. Take right to Old Sauyo Road then left turn to Chestnut. Take right turn to Dhalia then take left turn at Regalado. From Reg...

Andrea Corr's State of Independence

Matagal-tagal na din ang panahon mula ng makinig ako at mahalina sa musika ng The Corrs...Highschool pa lang ako nun ng magustuhan ko ang mala-folk rock na tugtugan nila.  Bukod sa magandang vocalist na si Andrea na mahusay din pagdating sa kantahan at pag ihip ng plawta (flute), swabe din sa pag tugtog sina Sharon (violin, vocals), Caroline (drums, piano, bodhrán, vocals) at Jim (guitar, piano, vocals). Ano nga ba ang nagustuhan ko sa The Corrs? Dahil ba sa magandang vocalist? Ahahaha....sabihin na natin na may puntos din yun... pero iba para sa akin talaga ang tugtugan nila, iba ang ganda ng boses ng bawat miyembro, iba ang galing, ibang-iba sa lahat ng mga banda.  Nagustuhan ko ang The Corrs dahil hindi ka mawawala sa uso, hindi ka din masasabihan na jologs/baduy o kaya naman conyo o ilitista..kumbaga sakto lang .... Matapos ang mahigit isang dekada ng  The Corrs nagdesisyon na sila na pansamatalang mag-disband...Taong 2007 nang buoin ni Andrea Corr ang kanyang s...

..after 45 days...

makalipas ang apatnapu't limang araw maraming pagbabagong naganap...parang isang sisiw na sa loob ng 45  araw..naging isa na itong ganap na manok... sa nakalipas na apatnapu't limang araw....maraming masasayang sandali... maraming first time... maraming mga pagkakataong hinding-hindi ko makakalimutan at may mga pagkakataon na masarap balik-balikan sa alaala... sa nakalipas na apatnapu't limang araw...  1) nabago na ang facebook status ko from engage naging married na... Tama! ganap ng isa si SuperG at WonderG...napapanahon na din para gumawa ng BabyG(s)... ahehehe... :) 2) naranasan kong magkudkod ng niyog sa tradiyunal na paraan... 3) naranasan kong mag-igib (magbomba) sa poso... 4) naranasan kong magluto para sa taong mahal na mahal ko...si WonderG 5) naranasan kong muli ang sarap ng pakiramdam sa tuwing masaya si WonderG 6) naranasan ko ang lungkot ng pakiramdam sa mga pagkakataon nalulungkot at nagtatampo si WonderG. 7) naranasan kong hindi nawala si WonderG sa aking...

...after 7 years...0307 becomes 0614....

0307 becomes 0614...times 2 lang..mathematically correct..pero significant talaga sya kahit hindi sadya... :D mabilisan lng ito...video po...ay pictures pla... aw!... :D sa sunod ulit..sobrang busy pa...:D

aswan (bilang isa)

Matapos ang libong araw ng paghihintay, muli... nakapiling na kita. Maramdamang muli ang sarap at gaan ng buhay sa iyong piling.  Sabihin nating hindi naging madali ang paghihintay ng halos pitong taon. Na sa kabila ng matyaga at sakripisyong ibinahagi nakuha pa kitang labis na saktan. Saktan sa paraang kahit ang sarili ko'y hindi makapaniwala at hindi maintindihan. Mahal kita pero anong ginawa ko? Dahil ba yun sa labis na pananabik sa iyo? Na sa paglipas ng pitong taon ay lagi kong hinahanap ang presensya mo? Na lahat ng masasayang sandali sa piling mo ang syang hanap ng puso ko? Na dahil sa pangungulila ay hindi ko namalayang sinaktan na pala kita...sobra sobra.  Hindi ko alam kung paano ko pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa at kahit alam kong pinatawad mo na ako...alam kong hindi iyon madaling malimutan. Gusto kong sisihin ang sarili ko at wala ng iba. Ang gusto ko lamang ay mahalin ka at tanging ikaw lamang...habangbuhay. Ilang araw mula ng ikaw ay nagbalik, hind...

Ano na?

may mas sasasaya pa ba sa pagtatapos ng libong araw ng paghihitay? pasensya na pero hindi nyo mahahagilap sa ngayon si SuperGulaman... pero isa ang sigurado...kasama si WonderG...nakangiti pareho para sa bagong yugto...

Reproductive Health Bill (Opinyon Ko)

Matapos matabunan ng ilang pangayayari sa Bayan ni Juan ang kwento tungkol sa RH Bill, muli na naman itong naging isang mainit na usapin. Sa pag-iikot ko sa blogesperyo, pagbabasa ng mga siyap ng mga ibon sa twitter, at pagsigaw ng ilan sa Facebook, kapuna-puna na karamihan sa mga ito ay Pro RH Bill.  Nakakatuwa nga lang dahil ang ating Pangulong Aquino ay hindi din ganap na sumusuporta o tumatanggi sa RH Bill.  Sabi nga nya, "I’m a Catholic, I’m not promoting it. My position is more aptly called responsible parenthood rather than reproductive health." Eh ano naman ang posisyon ni SuperGulaman?  Mga katropa pasenya na pero hindi ako Pro RH Bill pero hindi din ako Anti RH Bill.  Hindi ko kasing magawang pumanig sa isa dahil katulad nga ng ating Pangulo, Katoliko din ako at may mga paniniwala, pananamplataya, customs, tradisyon, kultura at iba pang batas na hindi ko din pwedeng ipagsawalang bahala. Narito ang ilang mga posibleng tanong ukol dito, at narito din ang aki...

Hoi Hoi!

Hoi Hoi! Hindi ko alam kung makaka-relate ka? Hindi ko din alam kung kilala nyo sya? Hoi Hoi! ^_^ [Please hit play] I think i lost my mind at that time How could i left you? I only love you I am really sorry I could only cry I think i lost my mind at that time how could i left you? I really miss it, i miss you Please forgive me I think i lost my mind.. I know that it's too late now Even if i am sad, it's all useless Even if the wind blows and my heart is lonely I can't see you anymore I think i lost my mind at that time How could i left you? I only love you I am really sorry I could only cry I think i lost my mind at that time How could i left you? I really miss it, i really miss you Please forgive me I think i lost my mind I couldn't say the word ' I LOVE YOU ' Because i'm sorry I also couldn't say the word ' THANKS ' I can't sleep today because of you Please hug me tightly I think i lost my mind at that ti...

Ulam at Kanin

Ulam. Kung Pilipino ka, alam mo na siguro kung ano ang ulam. Oo, tama ka! Isa sa tatak Pinoy ang pagkain ng ulam kaya nga hanggang sa ngayon hindi ko pa din alam ang katugmang salitang Ingles nito. Viand? Main Course? Main Dish? Hindi ko talaga alam. Naalala ko tuloy yung sinabi ng uhugin kong kalaro noon tungkol sa Ingles ng ulam. Ang sabi nya "RAIM" daw ang Ingles nun. Oo nga naman, kung ang Ingles ng ulan ay rain dapat lang daw na ang Ingles ng ulam ay raim. Ayus di ba? Pero kung ating mapupuna, wala daw talagang salitang Ingles ang ulam. Hindi ko nga lang sigurado kung may naimbento ng salitang Ingles para dito. Sa aking palagay, ang ulam ay para sa atin-atin lang. Para sa ating mga Pinoy, bilang kapareha ng ating walang kamatayan at espesyal na kanin. Walang katumbas na Ingles ang ulam sa parehong paraan na walang katumbas na tagalog ang  Hamburger, Spaghetti, Pizza at iba pa ayon na din sa likas na paraan ng pagkain at kultura ng mga dayuhan. Ang pagkain ng ulam at...

Trabaho ba ang hanap mo?

isa sa mga patok na trabaho ngayon sa Pinas ay ang pagiging callboy/callgirl... simple lang naman ang trabahong ito, basta magaling kang mambola, maganda ang accent, medyo ok ang grammar...english grammar...pasok ka na sa pagiging callboy/callgirl...pasok ka na bilang isang callcenter agent... astig ang pumasok sa ganitong mundo... maganda ang pasahod, yun nga lang puyatan sa buong magdamag... syempre imposible naman na magpuyat ka sa umaga... sa paghahanap ng trabaho marami tayong iniisip...tulad ng sahod, work location, benepisyo at higit sa lahat ay ang bigat at gaan ng trabaho.... kung magsasawa na ako sa pagtambay dito sa bahay at maisipan kong mag-iba ng trabaho, ano kaya ang magandang pasukin..Oo, yan ang trabaho ko, tumambay sa bahay, magsulat, magblog, magbasketball, maglaba, manood ng porn anime, magluto, maglinis, pumatay ng lamok, magbilang ng butiki at ang pinakapaborito ko..tumunganga...ano nga ba ang mga trabahong gusto ko at posibleng gusto nyo din? 1. Professional S...

The Five Love Languages

Hello! Today we’re going to talk about a very popular subject. Many movies, dramas, and songs use this subject. What do you think it is? Love! However, there are so many aspects of love, what should I talk about? Today I will talk about Love Languages. Perhaps you have heard this term before? It was based from the New York Times bestseller book of Dr. Gary Chapman . A Language is a way of communication. Communication is important in relationships. Without communication, a relationship cannot exist. So, what kind of communication do you use when you love someone? When I say love, I don’t mean just romantic love, between a husband or wife, or girlfriend and boyfriend. It can be any kind of love. Between brothers and sisters, mothers and children, etc. Psychologists have determined there are 5 general love languages. What are they? I will tell you! Words of Affirmation Mark Twain once said “I can live for two months on a good compliment.” Verbal appreciation speaks powerfully to person...

Rubber

hindi ko maintindihan kung ano meron sa pelikulang ito...matapos ko itong panoorin pero bakit ganun??... nagsimula akong panoorin ito ng marami akong tanong...at natapos din ng mas marami pang tanong...pakiramdam ko, nalinlang ako, naloko, nauto... para akong ninakawan at nalugi... ninakaw ng pelikulang ito ang napakahalagang mahigit isang oras ko... totoo nga? wag kayong umasa sa gusto nyong asahan sa pelikulang ito...anong masasabi ko sa pelikulang ito? stupid, unexpected, frustrating... hindi ko nga lang alam baka para sa akin din yun... 

Crucifixion

Para po sa ating pagninilay-nilay ngayong panahon ng kwaresma.....atin pong sariwain ang naging sakripisyo ni Jesus para sa akin, sa iyo, sa ating lahat. At the age of 33, Jesus was condemned to the death penalty. At the time crucifixion was the "worst" death. Only the worst criminals condemned to be crucified. Yet it was even more dreadful for Jesus, unlike other criminals condemned to death by crucifixion, Jesus was to be nailed to the cross by His hands and feet. Each nail was 6 to 8 inches long. The nails were driven into His wrist. Not into His palms as is commonly portrayed.There's a tendon in the wrist that extends to the shoulder.The Roman guards knew that when the nails were being hammered into the wrist, that tendon would tear and break, forcing Jesus to use His back muscles to support himself so that He could breathe. Both of His feet were nailed together.Thus He was forced to support Himself on the single nail that impaled His feet to the cross. Jesu...