Lumaktaw sa pangunahing content

Sistema ng Numero, Sistema ng Tao

Isa sa pinakamahirap kausapin ay ang numero.  Oo, yung mga numbers. Bakit? Minsan kasi hindi ko talaga sila maintindihan.  Pero gusto nyo ba silang makilala? Oh teka, san ka pupunta? Wag mo naman i-close ang browser mo, o kaya pindutin ang [x] button, o kaya naman back button. Sige na, ipagpatuloy nyo na ang pagbabasa, gusto ka din kasi nilang makilala.

Ang numero katulad ng tao ay may iba't ibang uri.  May mga positive at negative.  Meron ding rational at irrational. Meron ding real at imaginary. Ganyan ang numero at ganun din ang tao, may mga taong positibo at negatibo ang pananaw sa buhay.  Meron ding mga taong rational at irrational ang gawi. At may mga taong totoo (real) at taong pangarap lang (imaginary). Ngunit ano nga ba ang numero? Ang sabi ng Wikipedia, "A number is a mathematical object used to count and measure." Kung ganun, object o bagay pala ang numero. Pero ang numero ay hindi nakikita, abstract noun-- isang ideya.  Para sa malinaw na paliwanag, Tignan mo ang susunod na larawan. 

 
Sa mga bilang na nakalarawan. Alin sa mga yan pinakamalaking number? Tama, 9 ang pinakamalaking number. Eh, ano naman ang pinakamalaking numeral? Syempre iyon ay ang 8. Sa simpleng paliwanag, ang nakikita ng ating mga mata ay hindi numbers kundi mga numerals. Kumbaga representasyon lamang ng numbers ang numeral kaya nga may tinatawag tayong Roman Numerals, Hindu-Arabic Numerals, Chinese Numerals, etc.  Pero ang prinoproseso ng ating utak kung saan gumagamit na tayo ng sistema ng pagbibilang (counting), pagsusuma (addition), pagbabawas (subtraction), paghahati (division), at pagpaparami (multiplication) ay numero na at hindi na numerals ang ating nagiging katuwang. Ganyan ang numero, at ganyan ka din.  Hindi ka isang numeral na puro representasyon lang meron kang value, meron kang halaga.

At upang magkaroon ng halaga, kailangan tugma ka din sa sistema.  Yung tipong kung sasabihin mo na ikaw ay 1dapat ikaw ay talagang 1. Yung tipong 1+1 dapat 2 ang sagot. Pero iba na ang sistema ng tao, mapanlinlang at ganun din ang sistema ng numero, maaari kang iligaw sa tunay na katotohanan. Kaya nitong patunayan na ang 1=2, 1=-1, 1+1 = 0. Ganito yun,

[note: Ang susunod na bahagi ay nangangailangan ng kaunting kaalaman sa ElementaryAlgebra] 


Oo, gaya ng sistema ng mga tao, may mga sistema din ang mga numero na mapanlinlang katulad ng inilarawan. Ililigaw ka ng mga ito. At bilang tao na nabubuhay sa masalimuot na mundong ito, may mga sistemang nililigaw ang katotohanan.  Pinipilit gawing tama ang baluktot at handang patunayan iyon sa paraang hindi nauunawaan ng lahat.

Mga Komento

  1. lagi mo ko'ng pinapahanga sa mga post mo pare!

    TumugonBurahin
  2. Ginawa din namin ang ganyang proving dati sa skul ahahahhahaha... kulet lang....

    TumugonBurahin
  3. magandang comaprison parekoy.. magaling, pero laging sumasakit ang ulo ko sa algebra hehehe...

    maganda ito sir.. hanga ako dito.. :)

    TumugonBurahin
  4. Ikaw na! ikaw na talaga! Pinoy henyo! sumakit ang ulo ko!

    TumugonBurahin
  5. @Bino
    salamat nmn..ahehehe..basta ako dapat manalo sa contest mo...ahahaha.. :)

    @Xprosaic
    yup...highschool yata tayo nyan nun... ganda lgn balikan.. :)

    @ISTAMBAY
    ahehehe..psensya na pero balikan din ntin sya minsan..nagtatampo na raw kasi ang mga numbers..ahehehe.. :)

    @iya_khin
    woooahhh... hindi nmn po siguro, sa elemetary algebra nyo lang po yan nun high school... :)

    TumugonBurahin
  6. literal na dinugo ako. pasang awa lang ako dati sa Math ko...... wala ako maintindihan.

    TumugonBurahin
  7. @Kamila
    aheks..ganyan daw po ang number hindi maintindihan..para ding tao..minsan magulo... ahehehe.. :)

    TumugonBurahin
  8. na padaan po, gusto ko yang number, lalo na sa basket ball, lagi kung ina abangan ung huling digit ng score ;)

    TumugonBurahin
  9. nose bleed!sumakit yung ulo ko sa algebra sa taas tsk pwede bang magluto na lang tayo?hihihi

    TumugonBurahin
  10. grabe. nablanko ako sa mga numbers. pero gustong gusto ko yung comparison ng numbers sa tao :D

    TumugonBurahin
  11. @Adang
    ahahaha..ending.. pataya naman..woot...maganda din yan sa lotto..pag tama ang hula mo sigurado na ang pagyaman mo... :)

    @♥superjaid♥
    uu nga gusto ko nyan..cge luto ka...ako kakain.. :)

    @khantotantra
    ahehehe....sowi..pero im sure, nakuha nyo nmn ang ibig kong sabihin... :)

    @an_indecent_mind
    ahehehe..buhayin natin yan... :)

    TumugonBurahin
  12. gusto ko pinararating mo :)

    pero ayaw ko nang numero :)

    magandang gabo superG!:)

    TumugonBurahin
  13. nahilo ko nung nakita ko ang mga numero.. kaya ako nadrop sa iskolar at skul ko nung college dahil sa numero.. bwisit na numero.. pero maganda naman ang kinabagsakan kong iskwela..

    TumugonBurahin
  14. @~ JaY RuLEZ ~
    ahehehe..magiging close din kayo nyang numbers n yan... :)

    @Ang Babaeng Lakwatsera
    ahehehe..parang halos lahat ata ayaw ng numbers...woaahhh..pare-pareho lang tayo... ahahaha...ganyan din ako hanggang ngayon... math major ako pero mahina sa arithmetic...totoo yun walng biro... :)

    ito oh: http://www.supergulaman.com/2009/02/numero.html

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...mahika ng mga kulay...

...lahat naman tayo siguro ay kilala ang color wheel o ang color circle na tinatawag...ito yung bilog na parang roleta ng kapalaran na maraming kulay...basta yun na yun...kung hindi mo iyong alam, aba! susumbong kita sa teacher mo sa elementary...aheks.... ...ang color wheel daw ay binubuo ng maraming kulay ngunit sa mga kulay na iyon, laging kabilang dito ang mga kulay na pula (red), luntian (green) at bughaw (blue)... bakit kaya? ang sabi sa chizmis, kapag pinaghalo-halo mo ang kulay na iyan meron kapang iba pang kulay na mabubuo...halimbawa, kung paghahaluin natin ang red at green...ang kalalabasan daw ay tsaraaan!... dilaw (yellow)...oha! isa itong magic... tapos kung pagsasamahin mo ang blue at red (blue + red), kulay lila (violet) naman ang kakalabasan....at kung blue at green ang pagsasamahin mo...syempre blue-green color ang kakalabasan nun... ahehehe... ...pero magkagayun man, nakakatauwang isipin na ang mga kulay na ito ay tunay ngang may reaksyon sa bawat isa...eh paano nama...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...