Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2009

...Chip Tsao...

[EDIT:]This is not China vs. Philippines. This is Chip Tsao alone vs. Pinoys. Hindi ito trabaho lang, personalan na ito. Chip Tsao (noun) : isang mumurahing klase ng Tsino na nakabase sa Hong Kong. Walang magawa kundi mang-alipusta ng mga Pinoy. Abisyosong manunulat na intsik. Dagdag na kasiraan sa China. Pesteng manunulat. Synonyms: Super Cheap Chinese . ...nakabakasyon na ako ngayon... pero pahabol lang po...mukha yatang pinag-iinit kasi talaga ang ulo ko ng Cheap (Chip) Tsao na ito... ilang saglit pa lang ako nawawala meron na naman pa lang kalaban si SuperGulaman...wag kayong mag-alala, nakamasid naman ako sa mga kaguluhan na nagaganap... para malinaw ito po ang istorya na isinulat ng abisyosong Intsik sa isang arikulo sa isang magazine sa Hong Kong: "The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoy...

...apila para sa masa...

Apila para sa masa... mga kapamilya, mga kapuso...mga kaibigan, mga kaaway... mga kapatid na blogero't blogera... mga mambabasa... inyo pong ipagpaumanhin na ako'y pansamantalang mawawala sa himpapawid... bilang paghahanda sa nalalapit na kwaresma (*plastik*)... pero walang halong halong biro leave muna ako...ako muna ay pansamantalang mawawala sa mundong ito pero siguradong babalik ako dala ang masasayang kwento... ako'y mawawala ng ilang linggo...hindi ma-tetext o matatawagan ng kahit sino maliban sa Grasya.. mag-leleave ako sa trabaho, wala din ako sa bahay ko... ngunit sa aking paglisan, sana ang pahinang ito'y wag kalimutan...na kahit papano ay dalawin nyo minsan...basahin ang ilang kwento na inalay sa sangkatauhan... ito po ang mga kwento na maaring ninyong ikatuwa, ikagalit, kapulutan ng aral o kahit kaunting kaalaman...mga kwentong mula sa puso at hitik sa pagmamahal na alay ko sa buong mundo...para sa inyo... Mga Sikreto ng Buhay katinuan uri ng mundo kulay sig...

...mismo!...

...alas cuatro y media na ng hapon...lulan ng pampublikong sasakyan...pauwi na ako mula sa trabaho... iba ang singaw ng init ng buong maghapong ito...mababa na ang sikat ng araw ngunit ang init nito'y nanunuot pa din sa balat... nakakahapo ang dulot matinding sikat ng araw... nagiging dahilan iyon ng aking pagtakas sa tunay na daigdig at pamamasyal sa iba pang uri ng mundo ... sa katunayan nadadalas na talaga ang aking pagtambay sa mundo ng imahinasyon... ngunit may magagawa ba ako?.. sa mundong ito kaya ko gawin ang anumang aking naiisin... kaya kong balikan ang mga masasayang nakaraan at mapangiti sa mga bagay na aking minimithi sa hinaharap... ...ngunit malungkot ang dala ng mainit na hangin na humampas sa aking mukha habang sakay ng sasakyan... "bakit ako nandito?" .... "bakit hindi ko sya kasama?" .. "malungkot" ...sa aking pag-uwi pilit kong lilibangin ang sarili sa aking pamamasyal sa mundo ng imahinasyon at mundo ng makabagong teknolohiya upan...

...alibata...

..."Pilipino ka ba?", tanong ko sa sarili ko... ..."Oo naman", mabilis kong sagot... "Paano mo nasabi na Pilipino ka?"... Kayo, paano nyo nasasabi na Pilipino nga kayo? ...bukod sa ating pisikal na kaanyuhan na madalas napagkakamalan Indonesian o Malaysian, marami tayong mga katangian na halos kapareho ng ilang mga lahi sa buong mundo...kung may mga singkit sa China, sa Pinas meron din, kung may balbunin sa Espanya, sa Pinas meron din, kung may negro sa Africa, sa Pinas meron din, kung may maputi sa Amerika, sa Pinas meron din...ano pa nga ba ang pinagkaiba ng mg Pilipino sa ibang lahi kung halos lahat ng mga katangiang meron sila ay makikita mo din sa mga Pilipino? ....kung ating babalikan ang nakaraan ng mga tao sa Pilipinas (balik tayo sa ating lesson noong nasa grade school pa tayo)... sinasabi na ang unang tao daw sa ating bansa ay ang mga tinagurian Aeta na dumating sa Pilipinas sa papamagitan ng tulay na lupa...sa kasamaang palad, ang mga tulay na l...

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

2010 Philippine Election FINAL Results [Latest]

[UPDATE 6] as of 5:15 PM June 08, 2010 announced by: ABS-CBN [UPDATE 5] as of 5:15 PM May 18, 2010 announced by: ABS-CBN President Vice-President Senators [UPDATE 4] as of 3:48 PM May 17, 2010 announced by: ABS-CBN President Vice President Senators [UPDATE 3] as of 2:17 PM May 13, 2010 announced by: ABS-CBN President Vice-President Senators [UPDATE 2] as of 3:29 PM May 12, 2010 announced by: ABS-CBN President Vice-President Senators [UPDATE 1] announced by: Bombo Radyo Philippines

...wala akong medyas!...

lunes ngayon...isang magandang araw para simulan ang buong linggo kung kaya kagabi pa lang maaga na akong natulog upang makapasok din sa opisina ng maaga... katulad ng nakasanayan ko alas-cuatro y media palang ng umaga ay gising na ako at nagsisimula ng gumayak...may mainit na din na kape na inihanda ang aking nanay...oo tama laging nauuna magising ang nanay ko, hindi ko matatalo ang record nya sa paggising ng maaga...nakasanayan na nya din yun dahil sya ang mistulang alarm clock ng tatay ko noon upang gisingin nya ito para pumasok sa trabaho...sa palengke nagtratrabaho ang tatay ko noon kaya alas-tres pa lang dapat handa na ang lahat... maayos naman ang naging tulog ko, kumpleto o baka nga sobra pa...tinignan ko ang aking cellphone...."mmmmmhhhhh, anim na miskols mula kay Grasya"...syempre nagmiskol na din ako para sabihing, "mahal, gising na ako"...matapos ang matagal na paghigop ng kape, sinimulan ko ng ayusin ang aking gamit...brief, towel, panyo, damit, pantalo...

...ikalawang ginto...

...matagal na din ang panahon na nakaraan ng simulan ko ang pagbuo sa blog na ito... taong dalawang libo't pito sa unang araw ng buwan ng Marso ng simulan kong buuin ang blog na ito at lagyan ng unang entrada, isa itong panalangin ... tama! halos dalawang taon na din ang nakalilipas... ngunit sadya yatang naging abala lamang ako sa ilang mga bagay-bagay at hindi ko ito ulit napag-ukulan ng pansin...lumipas ang halos isang taon bago ko ulit malagyan ng bagong entrada...ang totoo nyan taong dalawang libo't walo sa ika-pitong araw ng buwan ng Perbrero na ng makapaglagay ako ng bagong kwento... pinilit kong magsipag-sipagan ng mga panahong iyon, ngunit sadya yatang makapangyarihan ang katamaran..wala ding nangyari at ang sumunod na entrada ay Agosto na ng nasabing taon... sa panahong ito, pinalitan ko na din ang pangalan ng aking blog mula sa MadalikasiAko.blogspot.com hanggang sa maging SuperGulaman.blogspot.com na ito...at ngayon nga isa na tayong ganap na SuperGulaman.com... maa...

2010 Philippine Election Initial Results

[note:] Updated hourly (as of 15:57 Philippine Standard Time, May 11, 2010.) Official COMELEC tally The latest partial official results of 2010 National Elections from the Commission on Elections (Comelec).  [87.75% of ERs] Presidentiables 1 AQUINO, Benigno Simeon III C. 13,449,957 2 ESTRADA EJERCITO, Joseph M. 8,552,644 3 VILLAR, Manuel Jr B. 4,863,901 4 TEODORO, Gilberto Jr. C. 3,591,940 5 VILLANUEVA, Eduardo C. 1,000,879 6 GORDON, Richard J. 455,710 7 ACOSTA, Vetellano S. 160,068 8 PERLAS, Jesus Nicanor P. 47,866 9 MADRIGAL, Jamby A. 41,087 10 DE LOS REYES, John Carlos G. 39,151 Vice Presidentiables ...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

...balanse...

...ang susunod po na aking ibabahagi ay batay sa laman ng aking imahinasyon at malayong-malayo sa aking tunay na paniniwala... ...pamilyar na po ba tayo sa konsepto ng "rationality"... ang konseptong nagbibigay buhay sa lahat ng ideya... ang konseptong dahilan ng mga batas sa mundo... ang konseptong nagpapataas sa uri ng tao kumpara sa ibang hayop sa mundo... ang konseptong nagdedetermina ng tama at mali... ang konseptong naging dahilan ng maraming tanong...ang konseptong dahilan ng maraming sagot na hindi mo alam kung tama o mali...ang konseptong naging ugat ng katalinuhan ng tao na sumusira sa balanse ng mundo... ang konseptong dahilan kung bakit ka tinawag na tao... ...isa nga bang biyaya ang "rationality" para sa tao? o ito ba ang maaaring maging dahilan ng pagkasira mo, tao?... kung wala ang "rationality", ano na kaya ang naging kalagayan ng tao? ano na kaya ang nangyari sa mundo?... siguro wala na ang kasamaan... pero wala na din ang kabutihan.. mala...

...sulat kamay...

sabado ngayon... weeepeeee... isa sa pinakamasayang araw ito... bukod sa walang pasok... at ngayon ay ika-pito ng marso... batiin nyo naman kami... weeepeeee.... 5th anniversary na namin ng grasya... bagama't malayo ka ngayon... at wala man lang akong gift na kahit na ano, nandito lang naman ako para sa'yo... hindi mawawala, hindi maglalaho... hayaan mo't magkikita na din tayo... magkakasama at di na magkakawalay pa... anyway, speaking of gifts...madalas ang gift ko kay grasya ay mga cards, love letters... hindi dahil sa kuripot ako at puro cards na lang lagi, sinasamahan ko naman yun ng ibang gifts...kahit noong nandito pa sya sa 'pinas laging hindi ko sya kinakalimutan ng bigyan ng cards kasama ng iba pang mga gifts... at kahit nasa dubai na sya nagbibigay pa din ako ng cards sa tuwing may pagkakataon... alam kong iba pa din kasi ang dating ng sulat kamay...kasya sa mga letra mula sa keyboard... ...at kung paano ko pinahalagahan ang sulat kamay, ginawa ko din ang isan...

...mapalad silang wala sa katinuan...

...lulan ng pampublikong sasakyan, minamatyagan ko mula sa bintana nito ang isang taong grasa...isang taong grasa na wala na sa katinuan...masaya siyang kinakausap ang sarili...walang bahid na alinlangan sa mga bagay na nais nyang gawin... gusto ko siyang kaawaan ngunit natutuwa lang ako siyang pagmasdan... nakakaawa nga ngunit sa kabila niyon nakadarama din ako ng pansamatalang inggit sa kanya..."mabuti pa sya hindi na nya pasan ang problemang ng mundo, hindi tulad ko at tulad mo na nabubuhay sa mundong hindi alam kung saan tutungo..."... matino nga tayo...alam natin ang tama at mali...pero malaya ba tayo?... hindi...dahil alam natin ang limitasyon natin...at hindi natin magawang makaalpas sa limitasyong iyon dahil maaaring magdulot ito ng pagkasira ng ating pagkatao o ng ibang tao... ...nakalagpas na ang aking sinasakyan, ngunit hindi pa din mawala ang kanyang imahe sa aking ulirat...ang ngiti sa mga labi na walang halong pagkukunwari, maaring may malungkot siyang nakaraan,...