Lumaktaw sa pangunahing content

...alibata...

..."Pilipino ka ba?", tanong ko sa sarili ko...

..."Oo naman", mabilis kong sagot...

"Paano mo nasabi na Pilipino ka?"... Kayo, paano nyo nasasabi na Pilipino nga kayo?

...bukod sa ating pisikal na kaanyuhan na madalas napagkakamalan Indonesian o Malaysian, marami tayong mga katangian na halos kapareho ng ilang mga lahi sa buong mundo...kung may mga singkit sa China, sa Pinas meron din, kung may balbunin sa Espanya, sa Pinas meron din, kung may negro sa Africa, sa Pinas meron din, kung may maputi sa Amerika, sa Pinas meron din...ano pa nga ba ang pinagkaiba ng mg Pilipino sa ibang lahi kung halos lahat ng mga katangiang meron sila ay makikita mo din sa mga Pilipino?

....kung ating babalikan ang nakaraan ng mga tao sa Pilipinas (balik tayo sa ating lesson noong nasa grade school pa tayo)... sinasabi na ang unang tao daw sa ating bansa ay ang mga tinagurian Aeta na dumating sa Pilipinas sa papamagitan ng tulay na lupa...sa kasamaang palad, ang mga tulay na lupang ito ay ganap na din naglaho matapos ang tinatawag na "Ice Age"... sa paglipas ng panahon dumating ang mga Indones sakay ng mga sasakyang pandagat...sa kanilang pagdaong at paninirahan sa lupain ng bansa, itinaboy nila ang mga Aeta sa kabundukan...at sa pagdating ng mga Malay, tuluyan na ngang nagkaroon ng sistemang panlipunan sa Pilipinas...sa panahong ito nagsimulang mangalakal ang mga unang Pilipino, nagkaroon ng sining, edukasyon, sistema ng agrikultura, sandatahan, pulitika...oo tama! pulitika, hindi pa man dumadating ang mga Intsik, kastila, amerikano, hapones at iba't ibang lahi sa bansa may sarili ng paraan sa pamumulitika ang mga sinaunang Pilipino, sa katunayan.. Datu at maharlika ang taguri sa mga pinuno noon ng isang balangay...totoong mayaman sa kultura ang mga naunang Pilipino na patuloy ko pa din hinahanap sa bawat isa sa atin hanggang sa ngayon ngunit gahibla man, parang wala na yata akong maaaninag...

...sinasabi natin madalas na tayo ay Asiano, ngunit sa mga gawi, Asiano ba tayong maituturing? kung ating mapapansin Asiano pa din ang lahing ating pinagmulan ngunit tila ba kinain na tayo ng kultura ng kanluran... ilan na lang ba sa atin ang nakakaalam ng kwento ni Biag ni Lam-ang? ang nakakaalam sa itsura ng sarimanok at minokawa? ang naniniwala sa kapre, manananggal, tiyanak, nuno sa punso at tikbalang? may nakakakilala pa ba kay Kan-Laon? marunong ka bang magsulat gamit ang alibata?...hindi ko alam kung alam nyo pa ba ang mga bagay na yan...nakakalungkot lang din kasi isipin na tuluyan ng nawawala ang tatak ng mga Pilipino...tatak noong hindi pa naiimpluwensyahan ng mga mangangalakal at mananakop ng bansa...

...totoong Pilipinas ang pangalan ng ating bansa, ang sabi nila ito daw ay sinunod sa pangalan ng dating hari ng Espanya na si King Philip II... nagkataon nga lang ba ang pagpili sa pangalang "Pilipinas" at pagtawag sa mga maninirahan dito na "Pilipino"?... kung ating tatanungin ang aking propesor noon...sasabihin nya na ang pangalang Pilipinas at Pilipino ay sadya ng itinakda sa atin kasabay ng paglikha ng mga planeta sa kalawakan... ang Pilipinas ang siyang pinakamahusay na bansa sa mga bansa at ang Pinoy ay ang lahing angat sa iba kung kakayahan at katangian ang pag-uusapan...ibig sabihin ito ang Pilipinas ay "Pinili" at "Pinitas"...kung baga parang "chosen one" ang dating...ganun din daw ang mga naninirahan dito.. ang mga Pilipino... ang mga taong sadyang "Pinili" (chosen) at "Pino" (fine)... ibig sabihin bago pa man nadiskubre na bilog ang mundo, nakatakda na ang kapalaran ng mga Pilipino na sakupin ang sandaigdigan... ay oo nga pla, hindi bilog (circle) ang mundo...kundi isa itong bilugan (sphere)...alam naman natin na ang circle ay isang Euclidian figure na maaring ilarawan sa 2-dimensional plane at ito ay walang volume...ngunit ang sphere tulad ng mundo at maipapaloob sa isang 3-dimensional plane na may volume...bago lumayo ang usapan balik tayo sa kwentong Pilipinas at Pilipino...

...sa ngayon ang mga Pilipino ay hindi na puro (pure)...mixture of different races na ang mga naninirahan sa Pilipinas...nahalo na ngang tuluyan ang ating lahi...pati ang kultura ay lubusan ng nagbabago at magbabago pang muli sa patuloy na pag-inog ng mundo...sa kabila ng mga galing, kaalaman at talento na ating namana sa ating mga ninuno, naging pabaya tayo at hindi napahalagahan ang ating kultura...nawala ang Alibata...ang istilo ng pagsusulat sa pamamagitan ng natural na pamamaraan...ang mga titik sa Alibata ay kahawig sa Sanskrit na masasabi nating ito ay pagsusulat batay sa dikta ng kalikasan ay lubusan ng naglalaho sa Pilipinas...may ginawang pag-aaral ang aking propesor, si Ginoong Ghandi Cardenas na nagsasabi na ang bawat letra o titik ng Alibata ay ayon sa structure ng isang atom.... hindi ko pa nababasa ang pag-aaral na iyon...dahil kung totoo man iyon, ang mga sulatin noon na nasa ganitong paraan ng pagsusulat ay magkakaroon ng koneksyon sa ating hinaharap...

...totoong ibang-iba na ang Pilipinas ngayon...hindi na Alibata ang gamit natin...hindi narin ABAKADA ang gamit na may dalawangpu't walong letra kasama ang ñ at ng, kundi Alphabet na, na kung saan dalawapu't anim na lang ang titik at ito ay mula sa kanluran...

...wala naman talaga akong galit sa mga banyagang pumarito sa bansa...bagkus nagpapasalamat ako sa mga kaalaman na ating namana mula sa kanila...ngunit sana hindi naiwaglit ng mga Pilipino ang kanilang pagkakakilanlan... kung kaya saan man dako tayo ngayon ng mundo..ipakita mo na ikaw ay Pilipino...may sariling kultura...mayaman at totoo... ang pagsasalita sa wikang Filipino lalo na mismo sa loob ng ating bansa ay isang magandang halimbawa... pero bakit hindi ito ang nagyayari sa Pilipinas... hindi kasi natin batid na ang salita ay sadyang makapangyarihan...ito ang tumutukoy sa lawak ng teritoryo na nasakop ng isang lahi...halimbawa, ang amerika..maraming bansa ang naging sunud-sunuran sa kanila at kabilang dito ang Pilipinas... naging International Language ang English...isipin lang natin, paano kung Filipino ang naging International Language..siguradong walang Pilipino ang magmimistulang alipin sa dayuhang bansa...sa palagay nyo bakit nanatiling matatag ang ekonomiya sa Japan...dahil ba ito sa teknolohiya na meron sila? dahil ba sa aking talento na meron sila? hindi... dahil meron silang pagpapahalaga sa sarili nilang wika...

....hindi pa naman huli ang lahat...may mga pagbabago pang magaganap...

------------------------------------------------------------------------------------------------------
ito ang pagkakasalin-wika sa makabagong Filipino ng nakalimbag gamit ang ALIBATA:

O magsaya at magdiwang
Pagka't sumilang na
Ang Hari ng lahat
Ang Hari ng lahat
Kaya't ating buksan
Kaya't ating buksan
Ang pinto ng ating pagmamahal




Mga Komento

  1. Napakamakabansa (o napakamakabayang) akda! Bibigyan kita ng markang 90% dahil isinulat mo ito rito sa iyong blag. o",)

    Tama ka, marami na ang hindi nakakakilala kay Lam-ang, sapagkat ang kanyang kasikatan ay natabunan na ng mga superheroes tulad ni Supergulaman!

    Hindi na nga kilala sina Ibarra at Maria Clara dahil ang mas pinasisikat na ngayon sina Martin, Carlo at Vivian.

    Mahusay ang mga Pilipinong makibagay sa mga pagbabagong nagaganap sa buong mundo. Magaling, malakas... pandaigdigan na nga ang nasasaklaw ng kanilang karunungan- patunay ang mga Pilipinong naging tanyag sa larangan ng isport, musika, medisina, pananaliksik, modernong teknolohiya atbp...

    Sumasang-ayon ako lahat sa mga nabanggit mo rito, maliban sa bahagi tungkol sa pagpapahalaga ng sariling wika upang maging matagumpay ang isang bansa. Ang Persiya halimbawa, talagang tinatangkilik nila ang kanilang wika hanggang ngayon ngunit hindi rin sila kasing-unlad ng bansang Hapon. Kung tutuusin malapit pa nga ang Iran sa kung saan (Mesopotamia/Iraq) unang nagsimula ang sibilisasyon.

    Uhmn... heto sasabihin ko na. Kaninong mga dayuhang mananakop kaya namana ng mga sinauna, pinili at purong mga Pilipino ang ugaling pangungurakot? May pangungurakot na rin kaya sa panahon ng 'balangay'? Tulad ng sinasabi ko, likas na mahusay ang mga Pilipinong maki-ayon sa takbo ng makabagong panahon. Dahil dito, may mga lumalabas na mga positibo at negatibong mga bagay.

    Pasensiya na, wala naman akong planong ilipat dito ang The Chook-minder's Quill.

    TumugonBurahin
  2. Sa tingin ko, hindi sapat ang mga wikang (?!) Alibata, Filipino at English para maging matatag at matagumpay ang ekonomiya ng Pilipinas. Napakaraming mga bagay ang kailangang isaalang-alang dito.

    Lilinawin ko ulit, Supergulaman, hindi ako nang-aaway... Napakaganda kasi ng paksang iyong tinalakay rito kaya napakasarap mag-iwan ng puna. Alam ko namang alam mo 'yan...

    TumugonBurahin
  3. @RJ
    salamat dok...sa napakayamang pakikibahagi sa sulating ito...

    ..maaari ngang ang persia o iran hanggang sa ngayon ay napanatili ang kanilang wika ngunit hindi umunlad...katulad ng mga sinabi mo may mga ilang bagay din na nakakaapekto sa pag-unlad ng bansa at hindi lang ang wika...sa akin palagay kulang din siguro ang Persia ng kakayahang mang-impluwensya...at isa pa ring bagay na wala sa mga Pilipino...

    sa kaso ng Pilipinas...lahat ng kakayahan ay mayroon na tayo ngunit wala namang sariling pagkakakilanlan, hindi nating magawang makapag-impluwensya dahil hindi natin makita ang ating pinagmulan...ang mga tagakanluran ay nagawa nilang impluwensyahan tayo, ngunit sila hindi natin magawang impluwensyahan at sa kadahilanang hindi hayagan ang tunay na ating pagka-Pilipino...

    "ang mga Pilipino kapag nasa ibang bansa tulad ng amerika ay nakikipag-usap sa mga dayuhan sa pamamagitan ng Ingles, ang mga ang mga amerikano kapag nasa Pilipinas ay nakikipag-usap sa mga Pilipino sa sarili nilang wika"...oo tama pinoy pa din ang nag-aadjust, naging sunud-sunuran tayo...hindi ko maunawaan bakit ganun? siguro dala pa din ito ng impluwensya ng ibang lahi tulad ng espanya...may mga ugali mula sa espanya na talagang niyakap na natin....

    hindi ko nga lang dok masabi kung meron na ngang pangungurakot sa balangay noon... dahil mukhang impluwensya ito galing din sa Espanya...dagdag pa din ang mga ilang chismis na may maling akda sa ating "Philippine History"...may ilang bahagi nito na sadyang binago ng mga Zaide ayon sa isang Doktor sa aking pinasukang pamantasan, kung anu ang kanilang motibo para baguhin ito ay hindi ko alam...may mga ilang pag-aaral pa rin na ginagawa hanggang sa ngayon sa ilang mga pamantasan kung saan sinasabi nila ng bago pa man dumating ang mga Aeta sa bansa may tao na sa Pilipinas at yun ay dahil sa mga nahukay na relics sa tabon cave at sa iba pang lugar....

    sang-ayon ako dok sa sinabi mo na "hindi sapat ang mga wikang (?!) Alibata, Filipino at English para maging matatag at matagumpay ang ekonomiya ng Pilipinas"... pero isa pa din ang mga wika sa mga kailangan para maging matatag at matagumpay ang ekonomiya ng Pilipinas...

    salamat dok...sasusunod ulit...nagustuhan ko talaga ang iyong nakapagandang komento..salamat muli... :)

    TumugonBurahin
  4. Napa-nganga ako noong binisa ko ito... parang nasa classroom ako ngayon na nakikinig sa lecture ng aking prof/adviser....

    magaling! napaka-educated ang post... makabayan... at napaka-totoo...

    sa halip na gamitin ang sariling wika... maririnig mo na lang sa paligid mo na ang bawat salita'y galing sa banyaga ang ginagamit...

    nice post Super G!

    ingat ingat

    TumugonBurahin
  5. Mahilig ako sa Phil. History at Phil. Lit. Kaya super na-enjoy ko ang post mo na to.

    at mas nagenjoy ako nung muli kong nakita sa comment ni Doc RJ ang Persia at Mesopotamia... at pati na sina Maria Clara at Ibarra.

    Sa haba ng panahong nasakop tayo ng dayuhan, (hapones, espanyol at amerikano) nawalan tayo ng identity. naghalo-halo ang kulturang ipinamana nila sa atin. mabuti na lamang at hindi tayo natuto ng wikang nihonggo. ngunit ang wikang espanyol at ingles ay nagiwan ng marka sa ating mga ninuno at maging sa kasalukuyang henerasyon.

    Hindi ko naabot ang Spanish class dahil hindi pa naman ako ganoon katanda. Pero naabot iyon ng mga magulang ko. Ang wikang Ingles ay lantarang ginagamit nating mga Pilipino lalo na sa mga nasa ibayong-dagat.

    Sa kabilang banda, kung ang mga estranghero sa ating bansa ay patuloy na hindi tayo maiintindihan sa paggamit natin ng wikang tagalog, uunlad kaya ang turismo?

    Mahabang usapin ito SuperG... maganda ang topic...

    mabuhay ka!

    TumugonBurahin
  6. @MarcoPaolo
    salamat salamat...ito ay pagbabahagi lamang ng aking napapasin sa ating lipunan... mahalaga din na pahalagahan ang ating kutura... :)

    @AZEL
    ahehehe....kabaligtaran naman tayo, hindi talaga ako nahilig sa History noon pa man...naalala ko noon napinapatayo ako sa klase dahil hindi ko maipaliwang ang isang sipi mula sa "Code of Kalantiaw"...

    pero ganun pa man, may naalala pa din ako khit papano...pero katulad mo hindi ko din inabot ang Spanish..taong 2000 na ng magsimula akong magkolehiyo...sayang nga lang din kung natuto sana din tayo ng Nihonggo...para hindi na ako maghihintay ng English subbed version ng mga episode sa naruto...ahehehe...

    "Sa kabilang banda, kung ang mga estranghero sa ating bansa ay patuloy na hindi tayo maiintindihan sa paggamit natin ng wikang tagalog, uunlad kaya ang turismo?"

    umunlad nga ba ang turismo sa bansa?...pero may punto ka sa sinabi mo... pero di mas maganda kung ang mga estranghero na ito ay marunong din ng ating wika...hindi kasi natin sila magawang maimpluwensyahan katulad ng ginawa nila sa atin... ang punto ay dapat hindi lang tayo ang umuunawa sa kanila, dapat sila din ang umintindi sa atin...kung ang mga dayuhan ay marunong din ng ating wika, sigurado ako na uunlad din ang turismo...baka nga mag-unahan pa ang mga iyan sa pagtungo sa ating bansa katulad ng paghahangad natin ngayon na pumunta sa dayuhang bansa...salamat salamat.. ^_^

    TumugonBurahin
  7. alibata... wow... i wasn't aware of dat... naks.. see... i wasn't aware of dat daw ohh.. tsk!... sige... pilipino akoh sa isip sa salita at sa gawa..... mag-tatagalog lang akoh... hmmm... gusto koh 'ung post? anong tagalog non... lolz... wow... may natutunan akoh ngaun ahh.... totoo nga naturingang mga pilipino tayoh pero 'un nga ang nagiging lenguahe... tama bah yan.. (language) naten eh nagiging english nah... feeling sosi kc kapag nag-eenglish daw silah....graveh ang dmeng tumakbo sa isipan koh habang binabasa koh ang post moh pero pag magrereply minsan nawawala... hmmmm.... hanga akoh sa post moh... sinabi koh na 'un ah... sobrang graveh tagalog... na parang yung iba nde koh na maintindihan... again back to alibata... bakit nde tayo tinuruan nyan?... natanong koh yan minsan... bakit ganon... 'ung ibang asiano tulad nang mga intsik, hapon, at ibah pah eh merong sariling paraan sa pagsulat.. tayo eh parang tiga kanluran lang... (naks... tagalog tlgah ako... graveh na toh..)... bakit nga parang wala na talagang purong pilipino.... totoo... nde na naten tlgah minsan masabi ang pilipino sa nde.... nawawala na ren ang dating mga kaugalian nang mga pinoy... at ngaun parang nababasansagan na tayong manggagaya na lang... (copy cat or imitation) nde orihinal.... hayz!...graveh tlgah... wow... naaliw akoh... galing moh kuya bhoyet... ako'y hanga naman tlgah sa post moh.... kahit akoh nde makahirit nang ayos.... sana nga maturuan tayo nyang alibata na yan... parang sarap matutunan... whew!... graveh... 'la akong masabing matino ahh... lolz... pero galing moh kuya... ganda nang pagkasulat moh.... kopyahin koh nga toh.... (gusto koh sabihin copy and paste eh...) ahh... idikit..lolz... ingatz lagi kuya bhoyet... salamat may natutunan akoh sa araw na itoh.... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  8. ... napansin koh nagiging tag-lish pa ren ang ibang sinabi koh... tsk!... pero again... hanga akoh sa post!... galing moh kuya bhoyet!... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  9. ...tangkilikin ang sariling atin..salamat dito superg...

    masuwerte ako kasi alam ko pa ang mga bagay bagay na bumubuo sa pilipinas..naalala ko nung highschool ako..mangiyak ngiyak ako habang nirereport ko sa klase ang buhay ni kabesang tales..isang character sa noli me tangere..

    kaya ba, mas gusto ko pang pag-aksayahan ang random thoughts ni bob ong sa stainless longganisa kesa sa love story ng tao at bampira..

    pambihira ang pilipinas..sa napakaraming bagay..sana lang ang mga post nating patungkol sa pagiging makabayan ay makatulong sa pagpukaw ng mga nahihimbing na kaluluwa ng ating mga kapwa..

    naniniwala pa rin ako na kayang bumangon ng pilipinas at darating ang araw na pinapangarap natin para sa bayan ni juan..pero sana lang, umabot ako sa panahong iyon..

    TumugonBurahin
  10. aw. ang galing ng post na ito. yup, tama talaga na ang daming yaman ang ating bansa in terms of culture. may mga tradisyon at paniniwala tayo na dito lang sa pinas matatagpuan..

    sa lenguahe naman. katulad nga dun sa sinabi ko sa post ko na entitled 'wala lang' nung january.. guilty ako. mas comfortable kasi ako sa english kesa sa filipino. bakit? kasi nga lumaki ako na ang first language e yung dialect namin dito, pagdating naman sa school english policy, pangatlo na lang ang filipino. siguro nga yun din ang major reason kung bakit di masyadong matatag ang pag-instill ng Filipino sa mga pilipino.

    pero kahit ganunpaman, di nababawasan ang pagmamahal ko sa ating bansa.

    haiz. nice post superG! magandang pag-usapan..

    TumugonBurahin
  11. @Dhianz
    aheks..salamat sa mga papuri...parang nalunod naman ako sa papuri...ahahaha...pero salamat...

    madali naman matutunan ang alibata...grade 5 ako ng ituro din yan sa amin....tapos..tinuruan din kami kasi noon ng professor ko sa retorika noong nasa kolehiyo ako at ipina-salin wika nya ang IMNO ng aming paaralan sa ALIBATA... madugo ang proseso pero masaya...:)

    salamt ulit Dhi.. ;)

    @Vanvan
    pero maganda ang twilight.... aheks...adik ito ke Bob Ong...ahahaha...kung sabagay idol yun... :)

    aabot ka vanvan...bukas na yata yun... ahahaha... :)...pero kung matututo lang talaga tayo pahalagahan ang mga bagay na talagang likas sa atin..sigurado hindi ganito ang magiging kalagayan nating mga Pilipino... :)

    @jhosel
    ahehehe...tinamaan pala... pero yun nga isa lamang itong eye opener... na alalahanin ang mga bagay na likas sa mga pilipino na nakakaligtaan na ng nakararami... :)

    TumugonBurahin
  12. para ko na ring binalikan ang mga lecture ko sa Filipino ah... informative superG.

    gusto ko yang alibata. artistic kasi ang dating. naalala ko dati, nagpalagay ako ng henna tattoo sa ankle ko, alibata ang pinagamit ko :)

    TumugonBurahin
  13. super g, parang umabsent akow nun nlecture eto sa sibika at kultura hahah, buti nlang pala npost mo dtow, wakakness..simula ngayon ggamitin kow alibata na tatangkilikin kow na ang ating sariling pinagmulan.buhahaha..pero akow tlga PROUD TO BE PINOYSKI!!WEEEEEEEE

    TumugonBurahin
  14. Napanganga ako sa isinulat mo at sa mga komento na nabasa ko. Haay...sarap mag-aral muli.

    Binabati kita sa isinulat mo SuperG. Malaman. Maka-alog utak. (Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinag-isip ng aking sasabihin!).

    Marami man sa atin ang hindi nagawang maging Pilipino sa salita, marami pa rin ang naging Pilipino sa gawa. Iyon naman ang maipagmamalaki natin.

    Pansinin mo: kapag gawang Pinoy, hindi ba maganda, pulido? kapag gawang Pinoy, hindi ba laging ipinagmamalaki? Dahil sa katotohanan ng buhay, totoong mas angat tayo sa iba.

    Kahit paano, katuparan na rin ito ng ating Panatang Makayaban:

    "...sisikapin kong maging isang tunay na pilipino...sa isip, sa salita, at sa gawa".

    Iyong Pilipino sa isip? Marami pa tayong kailangang gawin bago natin maalis ang ating pagiging maka-Kanluranin. Siksik kasi ang pagka-kondisyon ng ating isipan.

    TumugonBurahin
  15. Parekoy, isa siguro sa dahilan kung bakit hindi na puro ang lahing pilipino eh, madaming nare-rape na mga kababaihan sa bawat oras na may sasakop sa Pilipinas nuong unang panahon... kita mo naman, madami nga talaga ang mukang Foreigner sa atin.. pero kapag nagsalita na, pinoy na pinoy pa rin! ikaw din parekoy, mukha kang THaiwanis..hehe joke!

    Ito ang HIndi mo makakaya, ayon sa pinakahuling kritiko na nabasa ako para sa mga Filipino, Hndi mabubuo ang mundo kapag walang pilipino... mantakin mong kahit saang bansa pala sa buong mundo eh may mga Pilipino... haaaaaaaays... parang alikabok na nakakalat sa lahat ng sulok ng Buong Mundo.. gumagawa ng mga bagay na magaganda at Hndi masyadong magaganda..pero Pinoy pa rin... may kanikanyang kwento, talento at kakayahan..

    yan ang Pinoy, export quality.. saan ka ba naman makakakita ng Lahing kayang makipagsabayan sa lahat ng mga Lahi sa Mundo...

    akchuwali pareko, kilala ko si Lam-ang Hndi ko lang sya basta alam ang kwento nya.. Anak ako ni Lam-ang..hehehe at ang iba mo pang nabanggit, medyo narinig ko na din siloa pero hindi sila kasing Sikat mi Lam-ang.

    isang hamon para sa ating lahi ang matutunan ulit ang alibata..pero yun nga, ako hindi ko na pinapangarap na matutunan pa yun! kuntento na ako sa alpabetong pilipino at ingles..

    haha.. sinu ba nagtranslate nung alibata, ikaw? lols paturo naman kung oks lang...

    TumugonBurahin
  16. @enjoy
    ahehehe..uu nga maganda ang mga stroke sa alibata...hindi lang basta tlaga artistic sya...bawat letra ay hinango sa simbulo ng kalikasan.. ;)

    @amor
    ahehehe...bakit ka naman umabsent? ahahaha...at talagang gagamitin mo ang alibata?...ako din gusto ko, pero wala pa din kasi kong keyboard na nakikita na ganun ang tipada...ahahaha.. :D

    pero oks na yun at least hindi natin ito nakakligtaan.. :)

    @Nebz
    yun nga ang mejo problema sa ngayon ang damim nating kailangang isalang-alang... siguro nga may mga pagbabago pa din.. :)

    @Kosa
    ahehehe..uu nga parang nadaanan ko na ang artikulong yan... meron din akong nakausap na isang kliyente..galit yata yun sa mga Pinoy..dahil khit saan daw sya mapunta meron daw Pinoy..sorry na lng sya sasakupin natin ang daigdig ng dahan-dahan... ahahaha...

    ikaw pla yun, ang anak ni Lam-ang...marunong ka na din bang magsalita noong kapapanganak mo pa lang?...ahehehe..

    pero yun nga, sobrang galing talaga ng Pinoy...:)

    ei hindi ako ang nagtranslate nyan..nakuha ko lng yan sa web...pero tama naman ang pagkakasulat ayon sa tinuro sa amin dati sa retorika...marunong ako ng onti...pero madali lang sya matutunan... :)

    TumugonBurahin
  17. pag ginamit ko ba ulet yung alibata eh aeta na ko ulet? OMG!

    ;p

    TumugonBurahin
  18. Tama ka sa sinabi mo ibang iba na ang pilipinas ngayun kumpara noong unang panahon. Minsan yung iba kinakalimutan na kung san sila bansa nanggaling. Dapat maging proud tayo sa pagiging pinoy hindi man kasing unlad ng ibang bansa ang ating bansa. Panatiliin ang pagiging makabayan>

    TumugonBurahin
  19. Natawa naman ako sa comment ni tsariba! ahahahahaha! (evidence)
    lolz

    Uhm, teka, pahabaan ba ng comment ito? Nyaha! Fil. Lit. ba ito o Phil. History, yoko pareho eh..

    Tulad nga ng sabi ni RJ, napaka makabansang post nito.. Ako, di rin naman ako galit sa mga foreigner dito sa'tin, ang kinakagalit ko lang ay yung mga Filipinong nakakarating ng ibang bansa pagbalik dito sa'tin eh palipit na ang dila at akala mo kung sino nang galing sa Pang sampung planeta, nagiging mapagmataas na't parang hindi na dito pinanganak! And how they were able to discrimate their fellowmen, totally unbelieveable and annoying! Ahaha, napa-ingles na! Ewww!

    Nakakainis lang talagang masyado nilang na-aacquire ang culture ng ibang bansa at nakakalimutan nilang kayumanggi ang mga balat nila.. Ang sarap batukan. Dami ko kasing kakilalang ganito..

    Isa lang masasabi ko, kahit anu pa sabihing ibang tao sa buong mundo. I am so proud to be a Filipino!

    TumugonBurahin
  20. @tsariba
    ahehehehe...inde ko alam...hindi ko din alam kung gumamit ang mga aeta nyan... ahahhaha... :D

    @Anney
    yup..tama...kahit saan man tayo mapadpad...anu man ang marating....mahalagang balikan kung saan ka man ng galing...ang kwento ng nakaraan ay mahalaga upang maging gabay sa hinaharap... :)

    @Dylan
    ahehehe...phil. lit mejo gusto ko yan compare sa history...kahit lumang tao na ang propersor ko sa phiil lit. kwela pa din... ahehehehe...

    uu nga.. ang mahalaga alam natin at hindi ginagawa ang mga maling gawi na nakapagpapababa ng tingin sa sariling lahi... tama! be proud, taas-noong harapin ang buong mundo! isa akong Pilipino... :)

    TumugonBurahin
  21. superg eto pa po..saluhin mo and madaming papuri..hehehe
    galing..infernez nakakanosebleed din ang sariting atin...history tlga..hehehe galing mejo dami q ulit naaalala sa history...

    have a great day :P

    TumugonBurahin
  22. wow. parang tatakbo lang sa eleksyon ah? ehehe

    kaw n lng dapat presidente natin eh. im sure lahat ng mga mamayan ay tataas ang marka s philippine history

    pero ngaun ko lng nalaman ang pnili pt pinitas ha? astig pala ang mga pinoy


    too bad hnd ko n maalala ang alibata.

    TumugonBurahin
  23. Galing naman nito IdolG!

    Ang mga ganitong mga posts ang mag papaalala sa ating tungkol sa yaman ng ating kultura.

    Marami ang sadyang hindi na alam o wala nang paki sa mga bagay na ito. Samantala ang mga kaalaman ukol dito ang siyang maaaring magsilbi bilang dahilan upang lalo natin mahalin ang ating bayan.

    Mabuhay Ka Idol! :)

    TumugonBurahin
  24. @raine
    isa lang din masasabi... SALAMAT!... ahahaha.. :)

    @fula
    aheks...salamat po...nosebleed ba? inde naman po...pra po yan sa lahat... :D

    @kikilabotz
    ahehehe...inde ako tatakbo..maglalakad ako.. ahahaha...tsong inde pa huli ang lahat pd mno pa sya matutunan... :)

    @ORACLE
    weeepeee..mabuhay ka din...pinoy ka eh...pinoy ako...pinoy tayo...:D... ahehehe...salamat... :)

    TumugonBurahin
  25. proud ako sa pagiging pilipino ko. hindi mapapantayan ang lahing kayumanggi

    TumugonBurahin
  26. ang hahaba naman ng mga comments..ahehe..

    sg kaw ba marunong magsulat ng alibata?sa kawayan ka din ba nagsusulat gamit ang sundang gaya ng mga ninuno natin?

    TumugonBurahin
  27. @Bino
    yeah...tama yan...taas noo bilang Pilipino...

    @azul
    yeah marunong ako...pero hindi sa kawayan gamit ang sundang...sa papel na ako ngayon... sosi eh... ahahaha!

    pero ang mga sinaunang ninuno natin hindi sa kahoy o papel sumusulat kundi sa bato...dahil yun hindi masisira ng basta, taon man ang lumipas.. :)

    TumugonBurahin
  28. Konti lamang ang tumatalakay sa ganitong usapin. Paboritong-paborito ko ang Alibata noong may Filipino nung elementary. Nakakamiss! Sana ginagamit natin ang alibata sa pakikipagkomunikasyon. Kasi, sariling atin. Salamat SuperGulaman, napakagaling na babasahin!

    - Kumag ng Kabulastugan Blog

    TumugonBurahin
  29. marunong kaw mag alibata? ehehehe..
    limot ko na kc..nawala ung kodigo q..harhar

    TumugonBurahin
  30. @anon
    mejo lang...ahehehe...madali lng din nmn kasi sya... :)

    TumugonBurahin
  31. weeeh...galing..hahaha..
    nakalimutan q n kc pramis, gusto q xa maalala..
    nagchek kc aq sa google, niprint q eeh parang iba naman po.. my lableter kc sken nun na alibata, dq na mabasa ulet..ampf..hahahaha..gusto q sna kc matutunan ulet, my alm kang site o kya book na pede q tgnan? thanks a lot po..hihi.. ^_^

    TumugonBurahin
  32. @_a_n_o_n_y_m_o_u_s_
    ahehehe..cge pag may free time ako gawa ako ng tutorial para dyan..i-post ko dito... :D

    TumugonBurahin
  33. thanks a lot supergulaman..
    yeypeeeeeeeeeeeee...^_^

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...