Lumaktaw sa pangunahing content

...wala akong medyas!...

lunes ngayon...isang magandang araw para simulan ang buong linggo kung kaya kagabi pa lang maaga na akong natulog upang makapasok din sa opisina ng maaga... katulad ng nakasanayan ko alas-cuatro y media palang ng umaga ay gising na ako at nagsisimula ng gumayak...may mainit na din na kape na inihanda ang aking nanay...oo tama laging nauuna magising ang nanay ko, hindi ko matatalo ang record nya sa paggising ng maaga...nakasanayan na nya din yun dahil sya ang mistulang alarm clock ng tatay ko noon upang gisingin nya ito para pumasok sa trabaho...sa palengke nagtratrabaho ang tatay ko noon kaya alas-tres pa lang dapat handa na ang lahat...

maayos naman ang naging tulog ko, kumpleto o baka nga sobra pa...tinignan ko ang aking cellphone...."mmmmmhhhhh, anim na miskols mula kay Grasya"...syempre nagmiskol na din ako para sabihing, "mahal, gising na ako"...matapos ang matagal na paghigop ng kape, sinimulan ko ng ayusin ang aking gamit...brief, towel, panyo, damit, pantalon, sabon, deodorant, pabango, sumbrero at syempre pulbos...hindi ako nabubuhay ng walang J&J baby powder...wag kang matawa, totoo yan...halos kumpleto na ang aking gagamitin ng mapagtanto ko ang kulang...sapatos at medyas...tinungo ko ang lagayan ng aking mga sapatos...kinuha ang rubber shoes sa halip na leather ang gamitin ko... mas feel ko ang rubber shoes pangpasok sa opisina...kumportable...

naghanap na din ako ng medyas...

...takte! wala akong medyas na matino kahit isang pares...naghalungkat ako at halos gumuho na ang buong kwarto sa kakahanap ko...tinanong ko ang nanay ko kung nasaan na ang mga medyas...ang sabi nya nasa cabinet ko lang naman daw lahat... pero wala nga... at sa pagkakataon iyon tsaka lamang namin napagtanto na tinangay iyon ng aking magaling na kapatid...linggo ng gabi ng umalis iyon sasama daw sya ng kabarkada nya sa probinsya ng isang linggo... nagpaalam naman na aalis ngunit hindi nagpaalam para sa mga gamit ko...pero nagtira naman sya ng isang pares kaso ginamit na niya iyon at hindi nilabhan...takte na yan!...kinalma ko ang sarili ko at sinabing, "cge tsinelas na lang ang gagamitin ko pagpasok sa opisina"... oo nga pala ok lang naman ang pumasok dito sa aming opisina ng naka-tsinelas basta hindi ka lang magmumukhang pulubi...

sinimulang ko na ding hanapin ang aking tsinelas... takte! wala din!... at tanging ang mukhang pulubing tsinelas ng aking magaling na kapatid ang naiwan sa labas, ibig sabihin dinala nya din iyon... nasira na talaga ang maagang gising ko...namroblema na talaga ako...maaaring natatawa ka sa problema ko...pero paano ka naman papasok sa opisina ng walang sapin sa paa...takte na yan!

...masyadong malupit ang kapatid kong ito, pati ang nanay ko umuusok na din ang ilong sa galit...sobrang pasaway...hindi ko alam kung may koneksyon ang pagiging junior nito... na lahat yata ng masasamang gawi ng aking namayapang ama ay namana nya... una, tamad mag-aral, may utak naman.. elementary magaling sa klase may honor nga eh... pero grade 3 pa lng ito, magaling na sa tong-its...grade 5, sobrang husay na sa mahjong...ako nga eh hindi marunong nito...pati ang pagkapa sa pitsa sobrang husay...grade 6 pa lang wala ng inatupag kundi mambabae hanggang maka-graduate ng highschool, pangbabae pa din ang ginawa...pinapasok sya sa kolehiyo ng ate ko...humihingi sya ng pera para daw sa mga libro, pero ni isang libro wala akong nakita...unang semestre pa lang ng klase ilang libong piso na ang naiwaldas ng ate ko para sa kanya...kaso walang inuwing assignment kung pangalan ng mga babae, upos ng sigarilyo sa bulsa at botelya ng alak ang laman ng utak...kaya nung sumunod na taon istambay na lang sya muna...hindi pag-aaralin hanggang hindi tumino...sa ngayon hindi ko pa alam kung matututo sya ng leksyon...kailangan maging handa sya sa galit ko dahil sa pagtanggay nya sa aking personal na gamit...mabait akong kapatid, hindi naman ako nagagalit dahil wala akong magamit...nagagalit ako dahil kinuha nya iyon ng walang paalam... wag lang siyang magkakamali ng pagsagot sa akin at muli nyang matitikman ang aking malutong "rageful blow".

pero yun nga no choice...kung kay kinuha ko ang rubber shoes, ginamit ko iyon ng walang medyas na suot at umalis na din ng bahay...sa jeep nagmuni-muni ako sa kasasapitan ko sa buong linggo pagwala akong medyas... kawawa ako nito baka mapuno ng paltos ang aking maselan na paa...

...sa opisina naman, isang pasaway na kliyente mula Hong Kong ang aking sinagupa...mantakin ba naman na magpagawa din sya report tungkol sa kanyang personality...takte! personality nga eh, anong alam ko sa personalidad nya, hindi naman kami close... pero wala akong magawa dahil ako na din ang gumawa ng mga company reports nya noon at regular client yun kung kaya pinagbigyan ko na din... habang ginagawa ko ang report nyang iyon, nakaisip ako ng solusyon sa problema ng nawawala kong medyas at tsinelas... naalala ko ang aking butihing estudyanteng kapatid na dadaan ng mall..dagli akong tumawag sa bahay at nagbilin na bilhan nya ako ng dalawang pares ng medyas at isang tsinelas sa aking paboritong botique...solve ang problema ko...

...bago pa man matapos ang alas-dos ng tanghali tapos na ako sa aking trabaho...maya-maya lang may nagpop-up na mensahe mula sa aking yahoo messanger...huwaw! ang aking grasya... at kahit medyo delubyo ang umaga ng araw na ito...nababawi naman ito ng aking pakikipag-usap kay Grasya...ngunit sa aming pag-uusap, biglang hindi na sya nakakasagot ng ilang minuto, paputol-putol ang aming pag-uusap..sinabi nya na naghahang ang gamit nyang laptop...gusto kong matawa ng oras na iyon dahil parang sinusukan ako ng pagkakataon...pero kahit papano naging mahaba naman ang aming kwentuhan... kaso nga lang tuluyan na din nawala ng koneksyon noong magpapalam na ako, hindi man lang ako nakakapag "I LOVE YOU", nadisconnect na.... buhay nga naman ohh...

...ngunit magkagayun man, pinilit ko naman tumawag sa mobile phone ng Grasya para makabawi sa naputol na koneksyon...kaso busy ang linya...busy...busy... ibababa ko na sana saglit ang aking cellphone ng bigla itong mag-ring... mahaba ang ring... kala ko miskol lang... sobrang haba..sinagot ko na... ang Grasya yun, nag-alala din sya dahil hindi man lang din daw sya nakapag-paalam ng maayos...at hindi pa sya nakakapagbilin sa akin tulad ng "mag-iingat ka ha?, diretso sa bahay at pag nasa bahay ka na wag mong kakalimutan magmiskol"... at ang mga paalalang iyon ang isa mga dahilan kung bakit sobrang mahal ko sya...bukod sa matatamis na i love you... napasaya pa din nya ang buong araw ko ng sabihin nyang "Yet, umuwi ka na...alam kong lagi kang umuuwi ng maaga, hahanapin ka ng nanay mo pag-late ka umuwi, mamaya tumawag sa akin iyon at magsumbong na nambabae ka pa, eh na-late ka lang naman dahil nag-chat tayo...ahihihi"...aheks...

...nakakapagod ang buong maghapon na ito...ngunit natapos ko naman ito ng maayos at may ngiti sa labi... ibang klase talaga ang Grasya...laging nandyan siya para mapangiti ako at dahilan din iyon magkaroon ako ng magandang tiwala para sa kinabukasan...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~******************~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



ang simbolong ito ay tanda ng pakikiisa kay yanah...kasama ng panalangin, hiling ay magandang biyaya para sa iyo at para sa iyong mga anak...Go Yanah!


Mga Komento

  1. Bumili ka kasi ng maraming medyas para may extra ka. hehehe! O kaya ibili mo yung pasaway mong kapatid ng medyas para di na nya gagamitin yung sayo. Hay buhay.. at least napasaya ka namn ng Grasya mo after a long day ng paghihinagpis.

    TumugonBurahin
  2. aw. naunahan ako.. ahehe. ang galing talaga ni wonderG.. lakas ng powers!
    yea. tama. next time bumili ka ng maraming medyas at tsinelas.. ahehe.. minsan talaga inaabot ng malas pero mabait ang Diyos, di Niya hahayaang matapos ang isang araw na walang magandang nangyayari.. ahehe. :)

    TumugonBurahin
  3. ha! wala kang medyas? ano ba yan! ako din wala...hahaha...may medyas ako dito galing pa ng pinas more than 1 year na, ibig sabihin butas butas na ung iba...oks lng sakin, kasi d naman nila nkikita d b?...ewan ko ba kung bakit d ako makabili ng medyas...takteng yan...lolz

    ang swet swet nyo naman ni grasya.....

    TumugonBurahin
  4. tama ka Idol.
    lols... binasaba ko pala lang yun na ang pumasok sa isip ko.. magsapatos na walang medyas..hehehe

    ganun talaga ang magkakapatid... naglalamangan.. ganyan din ako sa Kuya ko nun...lols

    sige aabangan ko kung anu magiging result ng salpukan.. haha... malamang sa malamang, may daladalang suhol yun para sayo pagdating nya...

    *********************

    pagkatapos na mga hindi masyadong magagandang Hirit. may sumisingit na magaganda at mga poging pangyayari... yun na yun! hehe

    TumugonBurahin
  5. @Anney
    ahehehe...sinubukan ko na din ang bumili noon ng madaming medyas...kaso ganun din tinatago din nila...takte na yan...aheks.. pero yaan mu na, ayuz na din ang buong araw... ;)

    @jhosel
    ahehehe...sa hirap ng buhay ngayon, wala ako pambili...ahahaha...

    uu nga hindi matatapos ang araw ng walng magandang bagay...meron kahit papano... :)

    @poging (ilo)CANO
    aheks...inde nga nakikita kaso makati na yan sa paa...ahahaha.... inde ka makabili dahil
    1. kuripot ka
    2. mahal ang medyas sa dubai
    3. tinatamad kang magmall
    4. mas feel mong gamitin ang made in Pinas na medyas...

    ahehehe...

    @kosa
    aheks...ang sakit sa paa nun promis...ahahaha...

    wag lang syang magkakamali at mayayari sya ang aking rageful blow.... :D

    TumugonBurahin
  6. Hahaha! Pambihira, medyas ang inaasahan kong conclusion. Whew! Iba na talaga ang mga in love.

    Nabilhan ka ba ng tsinelas at medyas ng iyong butihing kapatid mula sa paborito mong boutique?

    TumugonBurahin
  7. @RJ
    oo dok nabilhan naman ako...excited na akong gamiting ngayon ang mga ito dahil bago...ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  8. Syempre kaya ng magkapatid eh, bigayan lang yan...ang sayo akin, ang akin eh akin lang lolzzz

    Pahiram ng medyas pre? :D

    TumugonBurahin
  9. Kumusta naman ang pakiramdam ng bagong medyas? Syempre naka rubber shows ka at umuulan ngayon. hehehe!

    TumugonBurahin
  10. Paano naman 'yong kapatid mong nagtangay ng iyong medyas at tsinelas? Nakauwi na ba? Nakatikim ba ng malutong na 'rageful blow' ni Supergulaman? o",)

    TumugonBurahin
  11. waaaaaa!bigla kong nadepress dun sa part na sweet sweetan kayo ni grasya...ahaha

    may naalala akong mapait na kahpon..toinks!

    hahaha...ako din wala ng medyas...

    TumugonBurahin
  12. pede bang igrab ang prayer for yanah..

    salamat..

    ang medyas..bow..




    ***vanvan

    TumugonBurahin
  13. @Lord CM
    ayan...ayos lang basta nagpapaalam...aheks...

    @Emz
    syempre inde ko muna ginamit ang medyas...nakatsinelas ako ngayon...ahehehe... :D

    @RJ
    wala pa dok mga 1 week pa yun...

    @azul
    aheks...bitter?... ahahaha...bleeehhh...pis... :)

    @vanvan
    cge cge...para kay yanah... :)

    TumugonBurahin
  14. sa araw araw na buhay,,ang medyas din ang lagi kong hinahanap kung saan lupalop ng kwarto ko nailagay. buti na lang ang lugar kung saan ko isusuot at gagamitin ang medyas ay sa mall matatagpuan. so, madaling masolusyonan ang problema ko. pwera na lang, kung wala akong perang pambili ng medyas.

    TumugonBurahin
  15. pare hahaha baka ung mdyas mow ay tingay nang kung anowng anong nilalang lolnesss..

    TumugonBurahin
  16. sonic wave ung bigay mow sa kapatid mow hahahah

    TumugonBurahin
  17. Natawa ako sa mejas na yan. Yan din kasi ang pinakamahirap hanapin dito sa bahay, lalo na yung pares, na-late ka na't lahat dahil lang sa kakahanap... nyahaha!

    Sana may pasalubong sa'yo si utol, pampalubag loob, ehehe.. Peace na tayo kuya!, ahahaha!

    Bagay ang pangalan nya sa'yo, Grasya talaga! ;D

    TumugonBurahin
  18. @Jez
    uu nga yun ang problema...madalas din kasi pera ang problema ko...ahahaha... :D

    @amor
    ahehehe...triple hit combo ito...tapos kaboom kaboom!... ahahaha!

    @Dylan
    uu...problema tlaga pagnawawala ang medyas...aheks...

    uu naman lagi nanjan lang yan si grasya..nakabantay... ahehehe.. :D

    TumugonBurahin
  19. Sorry pero hindi ko nabasa ang blog ni Yannah!

    Pero sana maging okey na ang lhat.

    TumugonBurahin
  20. Tip sa medyas: Dapat pare-pareho ang kulay at yari para hindi mo na kailangang mag-match pag nagmamadali ka. (Siempre dapat me extra J&J k rin para pag 'sininop' ng kapatid mo, hindi ka mag-rattle). - Sininop ang term ng isa kong friend pag may kinukuha sa gamit ko. Nakakalat daw kc kaya nya kinuha. Actually d naman nakakalat. Pinag-interesan talaga.)

    Tip sa kapatid: Cool ka lang. Kausapin mo na lang. Wag na ung rageful blow. Parang masyadong madugo un.

    Tip sa love: Wala. Kc perfect naman ang love story nyo ni Grasya e.

    TumugonBurahin
  21. @lionheart
    sa ngayon ayos na sya... wepeee... :)

    @Nebz
    ahehehe...medyo matagal naman mawawala ang kapatid ko....humupa naman na ang galit ko..nanay ko na lang ang proproblemahin nya... ahehehe...

    masasabi kong inde naman perpekto ang amin pag-iibigan...binibigay ko lang din kasi kung anu ang aking nararamdaman...sa tingin ko ganun din ang Grasya... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...