...alas cuatro y media na ng hapon...lulan ng pampublikong sasakyan...pauwi na ako mula sa trabaho... iba ang singaw ng init ng buong maghapong ito...mababa na ang sikat ng araw ngunit ang init nito'y nanunuot pa din sa balat...
nakakahapo ang dulot matinding sikat ng araw... nagiging dahilan iyon ng aking pagtakas sa tunay na daigdig at pamamasyal sa iba pang uri ng mundo... sa katunayan nadadalas na talaga ang aking pagtambay sa mundo ng imahinasyon... ngunit may magagawa ba ako?.. sa mundong ito kaya ko gawin ang anumang aking naiisin... kaya kong balikan ang mga masasayang nakaraan at mapangiti sa mga bagay na aking minimithi sa hinaharap...
...ngunit malungkot ang dala ng mainit na hangin na humampas sa aking mukha habang sakay ng sasakyan... "bakit ako nandito?".... "bakit hindi ko sya kasama?".. "malungkot"...sa aking pag-uwi pilit kong lilibangin ang sarili sa aking pamamasyal sa mundo ng imahinasyon at mundo ng makabagong teknolohiya upang makaligtaan ang katotohanang wala sa aking tabi ang aking pag-ibig...
"kamusta na kaya siya?"
...kasabay ng tanong na iyon, muli kong ginunita ang ala-ala ng nakaraan... muling ginunita ang mga panahong nandito sya sa tabi ko... ang mga panahon ng iyakan at yakap para sa suporta ng problemang kinakaharap... ang panahon ng tampuhan at pagkikipagbati... ang panahon ng lambingan na lubusang nagpapangiti sa akin... nakakatuwang balikan ang mga sandaling iyon... nakakatuwang balikan ang ginagawa nyang paghaplos sa aking noo sa tuwing nagagalit o naiinis ako.... masama daw kasi ang laging naka-kunot ang noo, tatanda kang tignan..napakasarap din pakinggan ang mga
...hinding-hindi ko din makakaligtaan ang kanyang pandaraya sa larong "thumb wrestling"... hinahanap-hanap ko ang kanyang pagkusot at pagtitig sa aking mata sabay sabing, "sana makuha ng magiging anak natin ang mata mo...".. nakaka-miss din ang kanyang ilong na lagi kong hinahagod at bilang ganti nya, pinipisil nya ang aking ilong kasabay din ng pagtakip nya sa aking bibig...tatawa sya kapag nakikita ka nyang nagpupumiglas ako at hindi makahinga...pero dagli syang titigil ng ngumingisi kasabay ang malabing na yakap... masarap ding balikan ang aming pag-uusap ukol sa aming plano sa hinaharap... ang 'di nya pagsang-ayon sa balak kong pagbuo namin ng isang pulutong ng mga anak...sabi nya dalawa lang daw... ang pangangarap naming dalawa na magkaroon ng sariling bahay na sa ngayon ay natapos na din namin ang dalawampung porsyentong paunang hulog... masarap ding balikan ang sabay naming pangangarap sa aming nalalapit na pagsasama....habangbuhay...
ngunit sa pagbaba ng aking ulirat sa reyalidad, tunay pa din na sa ngayon ay hindi ko sya kapiling... nakakalungkot... pero hindi ito sapat upang mapanghinaan ng loob... dahil kung sya nga ay hindi sumusuko, ako pa kaya... kung nalulungkot man ako dito sa sariling bayan...siya pa kaya na wala sa lugar na nakagisnan? kung nagawa nyang magsakripisyo para sa kanyang pamilya at para sa aming kinabukasan, magagawa ko ding magsakripisyo at maghintay sa muli nyang pagbabalik...
....totoo, mahirap ang mawalay sa minamahal...maraming alalahanin ang simisibol sa puso't isipan... kung minsan matatakot ka talaga, matatakot na baka magbago ang pintig ng puso niya... natatakot na mahulog ang loob nya din sa iba...natatakot na lubusan nyang makaligtaan ang inyong mga nakaraan, pagmamahalan at mawala na ang inyong mga pangarap....
...wala kang ibang panghahawakan kundi ang pagmamahal at tiwala sa isa't isa...ngunit sapat na ang mga ito at pananalig sa Dakilang Lumikha na hindi Niya kami pababayaan...
...isa...dalawa...tatlong ring ng aking telepono... tumatawag na ang na-mimis ko... ang aking Grasya.. abot batok na muli ang ngiti ko....
Tagos sa aking puso at utak! Ayos na ayos ang paglalarawan mo ng iyong nararamdaman at naiisip/naalala. o",) Pakiramdam ko tuloy ako rin si Supergulaman.
TumugonBurahinMuling pinatunayan ng isinulat mong ito na ang puso at utak ay talagang makapangyarihan! Nakakaya nila tayong dalhin sa kakaibang uri ng mundo... Salamat sa imahinasyon, nang dahil dito nagkakaraoon ako ng lakas at pag-asa upang harapin ang mga magagandang pangako ng bukas. U
huwaw! sweet naman...
TumugonBurahinganon talaga SuperG.. lalo na pag malayo sayo ang mahal mo.
Manalig ka. Manalangin na isang araw gigisingin ka ng kanyang mga yakap at halik!
Patuloy mo syang mahalin sa kabila ng kanyang kawalan. Magtiwala ka. At maging mabuti ka sa iyong asawa.
Tama ka, samahan nyo ng Pananalig sa Ama.. upang mas lalong tumibay ang inyong pamilya.
kaya mo yan... kaya nyo yan!
@RJ
TumugonBurahindok ang bilis...aheks...
uu nga dok eh...na kahit medyo malungkot tlaga ang buhay...tlagang may biyaya ang Maykapal upang hindi tayo mawalan ng pag-asa... :)
@AZEL
salamat azel... uu nga pala..hindi pa naman kami mag-asawa ng Grasya...soon... pero gusto ko yang assumption na yan...salamat :)
Hanggang batok ang ngiti?!?!?!
TumugonBurahinWahahaha! Akala ko hanggang tenga lang.. Yung sa'yo to the highest level ah, lolz
Di ba mahirap? This post remind me of a person, we were not really together as in together, paalis kasi sya so I didn't pursue the thought and the feeling of it, alam ko kasing mahirap and I can't take the risk since nakikita ko sa ibang napakahirap nga.
Paano mo ba ipapakita sa isang tao o ipaparamdam ang pagmamahal mo kung di mo sya nakakasama lalo na't di ka naman masyadong verbal when it comes to your feelings?
ang swet swet naman...kinilabutan ako...mahirap tlga ang mawalay sa taong minamahal na milya milya ang pagitan.....malungkot......masaya..pero kadalasan kalungkutan ang nadarama dahil sa pagkakalayo ng dalawang pusong tunay na nagmamahalan....
TumugonBurahinsa pamamagitan ng inyong tiwala sa isat isa at pananalig sa Kanya. magkakasama mo rin kayo "mismo".......
(hindi kinaya ng powers ko ang LDR..lolz...kaya ako ngayo'y lagapak....hahaha)
kapag nakakakilala, nakakakita, at nakakarinig ako ng mga taong nagmamahalan, napapangiti na lang ako..isn't it just amazing that among millions of people, you will find that person whom you love and who can love you back too..galing diba..palagay ko yun palang sapat nang dahilan para maniwala tayo na it's worth trying..believing..and hoping for..hindi magiging madali pero kakayanin kapag mahal mo..
TumugonBurahinhayy..ayokong mainggit :) pero mapalad ka :)
"Libre ang mangarap"
TumugonBurahinsabi nga ni Vicky Morales sa Wish ko lang...hehehe
pero Parekoy... agree ako dun sa Huli mong sinabi... na ang magagawa mo lang eh kumapit sa pagmamahal at pagtitiwala.
goodluck sa mga pangarap nyo ni superGraya parekoy!
@Dylan
TumugonBurahinahehehe...masarap ngumiti kaya abot batok.. ahahaha.. :)
tama ka, mahirap talaga ang mga nasa ganitong sitwasyon...minsan nagiging dahilan yun ng takot at pagsuko...pero worthy naman ang risk na ito...
Paano mo ba ipapakita sa isang tao o ipaparamdam ang pagmamahal mo kung di mo sya nakakasama lalo na't di ka naman masyadong verbal when it comes to your feelings?
hindi ko alam kung anu ang solusyon para sa'yo...kung ako kasi, sinisikap kong ipadama sa kanya ang pagmamahal na yun sa lahat ng paraan kasama na ang verbal na pamamaraan... ang totoo nyan lahat ng kakornihan ginagawa ko para sa kanya at kahit pa pagtawanan ng ibang tao muli't muli gagawin ko iyon...
kung hindi kayo magkasama pero alam mong may pag-ibig sya sa'yo at mahal mo din sya...simple ang gawin..."keep the fire burning"... na ang damdamin ay katulad ng una ninyong pagtatagpo at ligaya ng inyong madami ang pag-iibigan...kunbaga parang first time nyo lang ang araw-araw...
sa kaso mo at opinyon ko lamang po, maaari mo na din sigurong subukan ang verbal na pamamamaraan kahit na wala ito sa iyogn gawi..subukan para sa pag-ibig.. :)
@poging (ilo)CANO
mahaba pa nman ang byahe pogi... malay mo sa finals kayo pa din ang makikita... :)
@elaine
nakakatuwa ang iyong komento..lalo akong nabuhayan ng loob...salamat...pero teka wala ka pa sa blogoll ko ah... i-add na po kita..salamat muli sa pagdaan at komento.. :)
@kosaPogi
salamat kosa...at idol mo tlaga si vicky morales.... ahehehehe...
kaya to... go! go! go!
Huwaaaaw! Wala akong masabi...
TumugonBurahinKaya yan. Panahon ang makakapagsabi. Keep the flame alive. Sabi ng energy sa paligid ko, magbubunga ang sakripisyong ginagawa niyong dalawa. Kailangan lamang ng patuloy na tiwala at pananalig sa Diyos na mahabagin sa lahat.
True love ito... :)
LDR? di naman talaga maiwasan na matakot at mag-alala pero tiwala sa isa't isa ang kailangan... darating din ang panahon na muli kayong magkita at magkasama...
TumugonBurahinramdam ko ang bawat salita sa entry na to... ayos! galing!
Salamat brod, nangiti ako habang binabasa ko kung paano kayo maglambingan...sweet :) ...
TumugonBurahinpayo ko lang brod, kung talagang mahal mo sya, wag mo hayaang magkalayo kayo ng mahabang panahon...
aww. tsk tsk. inspiring talaga ang love nio ni wonderG. especially na LDR kayo pero your relationship is successful, ang galing ng love nio both.. it encompasses distance. haiz. at grabe ang post na ito ah, grabe ang impact ng bawat words dito sa entry ah, feel na feel ang love.
TumugonBurahinhaisk. gogogo sago!
@ORACLE
TumugonBurahinaheks...salamat..gusto ko ng enerhiyang ganyan..huwaw!..salamat... :)
@MarcoPaolo
uu nga eh..haysss..nakakamis lang din kasi...pero naniniwala din ako na aayos din ang lahat...
@Lord CM
salamat...oo nga eh...medyo matagal na din ang panahon na nagkahiwalay kami...halos 3 years na din... pero mukhang hindi na yun magtatagal dahil susunod na din ako sa kanya matapos ko lang ngayon taon ang mga ilang problema...
@jhosel
salamat jhosel... pipilitin namin kayanin ang mga pagsubok na ito..salamnat... :)
napa wow ako sa paglalarawan ng tunay mong nararamdaman...
TumugonBurahinbumilib na may lalaki palang katulad mo, umaasa, natatakot ngunit hndi nahihiyang aminin ang totoong nararamdaman.
LDr napakahirap, ngunit kng atuloy kayong mgtitiwala sa isat isa wlang imposible.
regards kay Grasya.
hmm..asteeg..
TumugonBurahindi bale madami namang LDR ang nagwowork ng aus
mas maganda pa nga yun..
basta manalig ka lang at magtiwala kay Grasya...
hayaan mo't wala syang makikitang ipapalit sayo dito dahil nuknukan ng baho ng ibang mga tao dito..nyahaha
Umabot hanggang batok ang ngiti ko sa sinabi mo...
TumugonBurahinAHaha!
Salamat.
Let's see then..;)
Thanks so much!
@Bhing
TumugonBurahinsalamat sa pagdaan...walng imposible basta may pananalig sa puso... maraming salamat... :)
@jEn
aheks...salamat...bukod sa kapogian...isa pa yun sa mga panlaban ko...sobrang bango ko... ahehehe...pawis ko pa alng pabango na...ahahahah :D
@Dylan
walang anuman...gudluck Ms. D... :)
nakakatuwa na nakakalungkot naman yung post mo. nakakatuwa in a sense na di ka nagbabago sa feelings mo for grasya at you remain faithful. talagang gumagawa ka ng effort para ipakita at ipadama sa knya yun.
TumugonBurahinnakakalungkot kasi dumaan din sa isang long-distance love affair. kaya lang sumuko yung minamahal ko. siguro nga dahil napagod na siya sa paghihintay sa isang bagay na walang kasiguruhan.
hanggang pangarap na lang at imahinasyon ko na lang din padadaanin ang pagmamahal ko. buti ka pa, may katuparan pa rin at masaya ako para sa inyo superG. sana walang magbago sa pagmamahalan ninyong dalawa ni grasya :)
Hay super in love! Mahirap talaga pag magkalayo kayo ng mahal mo. Pero wag ka mag alala darating din ang panahon na magsasama kayo at forever na yun! Di na maghihiwalay pa. Isipin mo na lang na yung pag alis nya e paghahanda para sa inyong kinabukasan at ng magiging mga anak nyo.
TumugonBurahinhay. inlab! :) may namiss din tuloy ako.. hehehe :)
TumugonBurahinwow makabagbagdamdamin tlga...
TumugonBurahinhmmm..ang lalim ng pinaghugutan ah...
hehehe
have a nice day... :P
uy, namimiss na si grasya, he he he
TumugonBurahinnaglalaro din pala kayo ng thumb wrestling..hehe ganu katagal na ba kayong hindi nagkakasama?at ganu katagal pa cia dun?
TumugonBurahinawwww... about luv.... graveh hirap nga yan kapag magkalayo... pero true ang sinabi moh... trust lang sa isa't isa at syempre prayerz kay God... kc no matter wat happens... kahit anong bagyo or unos pa ang pagdaanan nyong dalawah eh sya ang laging maglalapit sa inyong dalawah... basta moh lang sya all d' time... and kung syah tlgah ang destined sau... eh nde sya mawawala sau... and yeah awa ni God sya na nga sana ang d' one moh... konting tiis lang... magsasama ren kayoh.... at maglalandian na muli kayoh.. lolz at bubuo nang sarili nyong pamilya... basta patuloy lang ang communication nyoh... kahit though tawag lang or email or sulat kamay or kahit ano pa yan... so parang magkalapit lang kayoh... hayz... usapang pag-ibig... minsan fast foward akoh sa buhay koh kaiisip nang mga bagay bagay... at yeah nabubuhay den akoh minsan sa imahinasyon... pero ayonz...nakikipaglaban pa raw 'ung saken... at pagtatagpuin den kme in God's right time... hayz!.. pag-ibig nga naman... hahamakin ang lahat maging akin ka lamang... somethin' like dat... florante at laura atah 'un... basta ganonz... nde koh na maalala eh... wehe... eniweiz.. yeah.... prayerz lang lagi... kaya nyoh yang dalawah.... aja!.. lolz... i wish u two all d' best... Godbless! -di
TumugonBurahinpasensya na may typo error... 'un lang... nd abah... maiksi koment koh ngaun ahh... 'la eh.. kanina pa akoh nagbabasa sa mundong blogsphere... at nagugutomz na ren akoh ngaun.. lolz... ingatz kuya bhoyet... weeee... Godbless! -di
TumugonBurahin@enjoy
TumugonBurahinhaaay...yaan u po makakakita ka din ng totoong makakapaghintay sau..malay mo sa finals kayo pa din pla ang magkikita... :)
@Anney
haay, sinabi mo pa...sobrang hirap... pero syempre mas mahirap kaya yun kinakaharap nya dun... kaya dapat lahat yun maunawaan ko eh..sobrang may tiwala naman ako sa kanya...kaso may takot pa din... sa kanya may tiwala ako, kaso yung mga taong nakapaligid sa kanya..wala...syempre inde ko naman yun nakikita at nakaksalamuha..pero yun tiis-tiis lng din... :)
@karmi
aheks..uu..namis ko lgn din sya siguro.. ;)
@fula
ahehehe..malalim tlaga ito...ahahaha.. :D
@madz
aheks...syempre lagi naman eh...ay uu nga pla naibalik ko na po yung link mo...pasensya na po na rest kasi ang aking blogroll.. :)
@azul
ahehehe...uu naman.. madalas dinadaya nya ako... ahahaha...pagnalalaro kami nun tlagang sinseryoso nya... ahahaha... pagnatalo ko sya...i-kikiss nya ako...pagnanalo sya,i-kikiss ko sya..either way pabor sa akin...bwahahaha!
pero yun nga 5 years in relationship kami...tpos lagpas 3 years na din sya doon... umuwi sya last 2007 nun mamatay ang father ko...at dahil naghuhulog nga kmi ng bahay... hati kasi kmi mukhang matatagalan pa sya dun... pero maayos ko lang ang bahay namin this year susunod na din ako... :)
@Dhianz
ahehehe...ayuz lng ang typo error..kahit nga grammar error walng kaso sa akin yun..mahalaga naiinitdihan ko...kung hindi naman, magtatanong naman ako eh... aheks...
uu nga dhi darating din yan knight with shining armor mo na yan... :)
keep holding on pare, kahit gaanong hirap man un, sa huli sureball mgsasama din kayow..hay hirap talaga if malayow pero hanggat andyan ang pag-ibig at pagtitiwala tuloy pa din ang buhay pag-ibigness,wakkness ahuhuh , sayang ung sakin sumukow lol..
TumugonBurahinmagdubai ka na rin kasi...
TumugonBurahinwe share the same sentiments..di naman magkasing layo ano..
makikita ko na siya ngayon weekend...
onting hirap nlang superg..pasasaan ba't magkakasama din kayo..
cheers to a love that survived the distance and still fighting..
weee..
***vanvan
parekoy may napansin ako a....lolz..
TumugonBurahindatkomista ka na rin pala....
ang tindee!...hehehehe
ngayon ko lang napansin to dre seryoso....lolz..
Binabati kita dre sa DATKOM mo...
wala bang pa merienda jan?....lolz..
tagay dre!...
Mismo! Un na un. Sa long distance relationships, importante ang pagmamahal at tiwala sa isa't isa. At siempre tiwala sa Diyos para sa kinabukasan nyo ni Grasya.
TumugonBurahinMasarap basahin ang post mo. May puso.
ang totoo'y nkta ko na sya superg. nagbubulag bulagan lng cguro ako. mhrap kcng 2ruan ang puso db? pro pnahon n cguro pra mag alis ng shades. bka un lng dhlan kung bkt d ko sya mkta. ahaha!
TumugonBurahinwaaaahh..kaiyak naman to. masyado yta ako na-toch..grabe!
TumugonBurahingaling nman magkento
@Amorgatory
TumugonBurahinahehehe..uu nga...haaaysss...nakakmis lang din kasi..aheks... :)
@vanvan
ahehehe...uu nga...matapos ko lang ang dapat ayusin dito...alis na din ako... aheks...
@PaJAY
aheks..salamat... kaso walang merienda dito...kay marcopaolo meron dun... ahehehe...panulak na lgn bibilhin mo... :D
@Nebz
salamat... ang totoo nyan hindi lang puso binigay ko jan...pati ata kaluluwa..aheks... :D
@enjoy
kaya naman pla eh...alisin mo shades mo...ahahaha... :D
@eliment
yey! salamat po... yan po ang nasa puso ko... malungkot..masaya..inde maintindihan.. pero nagmamahal... :)
hayyyyyyy pag-ibig!
TumugonBurahinnamannn!!
grabeh ang sakripisyo nyo sa isa't isa. tama, tama..love, love nga..
best wishes na rin!
matanong ko lang po? san po ba naroon si grasya nio? isa po ba xang ow ep dobolyu?
TumugonBurahinmahirap ang long distance relationship kaya nakatutuwang isipin na meron at meron pa rin kayong contact ng mahal niyo super gulaman. sa ganitong mga setup ng magsing-irog ako napapabilib. ung tipong against all odds baga. hehehe.
Gulaman, wag kang titigil sa pagdadasal at pagmamahal kay Grasya!
TumugonBurahinDi kita sisiraan ng loob kahit na napunta sa wala yung istorya ko na halos kaparehas ng iyo kasi naniniwala pa rin ako sa wagas na pag-ibig. Kahit anong layo niyo sa isa't-isa, maniwala ka sa akin na MAY MGA BAGAY NA HINDING-HINDI MAGBABAGO SA PAGLIPAS NG PANAHON. Huwag matakot :D
@Jez
TumugonBurahinaheks..salamat po...sana nga best wishes na...excited..aheks.. ;)
@Lio Loco
nasa dubai po sya...tama po isa syang OFW... hayysss..mahirap po tlaga pera..kakayanin... :)
@Kristina, Kris, Tina, Tinay, Tin, Nang2, KD
opo..hinding-hindi tlaga.. haayss... namiss ko lng din tlaga sya... :)
parang ayaw ko ng umalis gawa ng post mong ito.. pero isa itong inspirasyon para sa ibang bloggers...
TumugonBurahintiwala lang ang kailangan at kung sasamahan mo ito ng panalangin lalo ito titibay! kahit milya milya pa ang layo nyo...
wala na akong masasabi kundi "huwaaaaaaw"..:)
TumugonBurahin