Lumaktaw sa pangunahing content

...balanse...

...ang susunod po na aking ibabahagi ay batay sa laman ng aking imahinasyon at malayong-malayo sa aking tunay na paniniwala...

...pamilyar na po ba tayo sa konsepto ng "rationality"... ang konseptong nagbibigay buhay sa lahat ng ideya... ang konseptong dahilan ng mga batas sa mundo... ang konseptong nagpapataas sa uri ng tao kumpara sa ibang hayop sa mundo... ang konseptong nagdedetermina ng tama at mali... ang konseptong naging dahilan ng maraming tanong...ang konseptong dahilan ng maraming sagot na hindi mo alam kung tama o mali...ang konseptong naging ugat ng katalinuhan ng tao na sumusira sa balanse ng mundo... ang konseptong dahilan kung bakit ka tinawag na tao...

...isa nga bang biyaya ang "rationality" para sa tao? o ito ba ang maaaring maging dahilan ng pagkasira mo, tao?... kung wala ang "rationality", ano na kaya ang naging kalagayan ng tao? ano na kaya ang nangyari sa mundo?... siguro wala na ang kasamaan... pero wala na din ang kabutihan.. malaya kang gagawin ang iyong gusto... ang lahat ng iyong nanaisin ay iyong makakamit... walang problemang iisipin at magiging ganap ang iyong kalayaan... hindi mo na sasabihin na masama ang pagpatay ng kapwa upang mabuhay dahil hindi na uso ang pagdadahilan... hindi mo na rin iisipin ang mga bagay na ito katulad ng ginagawa mo ngayon... hindi mo na din malalaman kung mali o tama ang iyong ginagawa at tanging puso mo na lamang ang iyong magiging armas para mabuhay... mawawala na din ang mga batas at mga parusang nababawal sa iyo na gawin ang mga bagay na nanaisin mo...at sa pagkakataong ito hindi masisira ang balanse nag mundo dahil ang lahat ng mangyayari ay naaayon sa natural na pamamaraan...

...ano na nga ba ang dala ng "rationality" sa tao?... nagkaroon ang tao ng kakayahan na malaman ang pagkakaiba ng tama at mali.. nagkaroon ng basehan para gawin o hindi gawin ang isang bagay... nagkaroon ng kaalaman para hindi masira ng tuluyan ang balanse ng mundo... at sa balanseng iyon, doon nagtatalo at nagbabanggaan ang konsepto ng duality, ang liwanag at dilim... ang tama at mali... ang masama at mabuti.. kailangan balanse, walang makakalamang... pero ano na nga ba ang meron sa mundo... ang sabi ng karamihan ng mga taong may matinong pag-iisip sa mundo, kailangan kabutihan ang mamayani... kaso paano na ang mga masasama? ...paaano na ang balanse?

Mga Komento

  1. Whew! 'to naman ang daming tanong sa sarili niyang post; dapat sana'y kinulayan mo nalang sana ito ng husto, 'yong wala nalang tanong-tanong... laman lang naman ito ng sarili mong imahinasyon at malayo sa iyong paniniwala, di ba? Philosophy lecturer ba ang part time job mo, 'Yet?

    Basta ang alam ko ang intelligence at free will ay mga libreng kaloob ng Maykapal sa atin. Shhh! Huwag mo na siyang kwestiyunin. 'Kaw naman oh... Di kaya napakaraming katanungan tungkol sa rationality dahil nais ng Diyos na ang 'eternity' natin (mamahaling pabango 'yon ah, naka-sale pa kahapon sa Adelaide) ay nanaisin nating doon sa Kanya at hindi sa kung saan. Kumbaga assignment natin 'yan kapag kaharap na natin siya.

    May mga bagay na mas mabuting Siya na lamanag ang nakakaalam...

    Huwag kukunot ang noo sa comment ko.

    TumugonBurahin
  2. @Doc RJ
    aheks... kahit noong nasa grade school pa ako mahilig tlaga ako sa tanong, mga tanong na kahit ako hindi ko alam ang sagot...aheks, inde ko part time yun..inde ko din naiisip na magturo nun...pero nuon nangarap din ako na maging isang pari.. ;)

    ..aheks...kahit kelan hindi ko naman quinestion si God...and lahat ng meron ako...ay nagapapasalamat tlaga ako tlaga..malaki o maliit man na bagay...

    katulad ng sinabi...imahinasyon ko lng din ito...malayo tlaga...aheks... inde ako napakunot...napangiti ako.. :D

    TumugonBurahin
  3. agree ako ke rj..kahit hindi kami close..aheks..may mga bagay nga na kailangang hanapin at kailangang Siya lamang ang nakakaalam..kaya nga me Diyos diba..dyahe dyahe nman kung ilatag nalang ang lahat ng bagay sa ating harapan..

    sayang nga ang katalinuhan nating mga nilalang..


    ***vanvan

    TumugonBurahin
  4. You're just being rational, that's all. wehe..

    I'd have to agree with RJ. Di rin sa lahat ng bagay ay kayang arukin (ang lalim) ng ating isipan ang mga bagay bagay na nangyayari sa buhay natin. :D

    Wala lang talagang masyadong lumalabas sa kukote ko ngayon, hang hinit heh. hehe..
    Ang sarap magpahid ng yelo sa katawan..

    cheers SUPER!

    TumugonBurahin
  5. nahirapan ako sa post mo kuya. di ko maarok. malalim pa kinaroroonan ng pearly shell in the ocean.

    TumugonBurahin
  6. @vanvan
    ahehehe... pero dapat ba lahat ng masama ay dapat i-execute or i-exile or i-preserve... aheks ang dami ko tlaga tanong... sadaya tlagang may mga tanong na hindi masasagot ng tao...

    kung masasagot ko yan ng tama baka maniwala na din ako na alien nga ako... buti na lgn safe pa ako...ahahaha.. :D

    @Dylan
    uu nga sobrang init tlaga naun tpos biglang buhos ang ulan... waaaa...

    uu nga minsan mahirap tlagang mahinuha ang ilang mga katanungan sa buhay... haaysss...buhay nga naman.. :)

    @joshmarie
    aheks...ako din nga din...kaya ayun puro tanong ang entry ko...ahehehe... at least ngayon dinamay ko kayo ng konti pra mag-isip lng....aheks.. salamnat sa pagdaan.. :)

    TumugonBurahin
  7. ahehehe...tamang trip superG a..

    sa dami ng sinabi ni DOK aga malamang sasang ayunan ko na...

    may hirit lang ako...lolz..

    naalala ko kasi yung walang kwentang batas na "BAWAL ASAWAHIN ANG BIYENAN "....lolz..napaka walang kwentang batas dba?..sinong gago kaya ang magpapakasal sa biyenan pagkatapos iwanan ang asawa...lol..

    ... ang rationality ay nagiging useless kung nonesense ang pag gamit...tulad ng batas na yan..walang balanse..lolz..

    yun na muna epal ko parekoy...bahala ka ng umintindi jan...lolz..

    TumugonBurahin
  8. Nahilo ako dito idol... Hehehe...

    Rational thinking implies logic.
    Morality naman yung concept of good and evil....

    Kung walang rationality eh di wala rin sense of appreciation or concern sa balance or dulaity in nature. Everybody would be acting their basic instinct which is just to survive. Hmmmm....

    Sa palagay ko ang rationality ang nagsasabi na ang tao ay kakaiba sa mga ibang animals. Kung wala ang rationality, wala rin saysay ang mga tanong sa buhay. =)

    TumugonBurahin
  9. @Pajay
    ahehehe...uu nga naman... basta yun na yun...^_^

    @ORACLE
    ako din nahilo....ahahaha!
    ...pero tama yang mga sinabi mo... ..pero hindi ba yang mga konsepto na yan ay may relationship sa isa't isa...

    ...pero kung magkahiwalay nga yan, ibig sabihin pwede ding maging moral ang mga irrational... uu nga mukhang pwede nga kung sabagay yung mga rational nga minsan immoral din... ang gulo na... ahahaha, nahilo ako... basta basta...

    TumugonBurahin
  10. Jajay**
    ang batas ay batas..
    lols. mahirap ng baguhin pa yun prof.. lalo pa yung mga nakasanayan na..

    ********************************

    andami mong tanung ahhhh pareko.. pero ito ang sigurado... Kung gaano kadami ang masasama at mga pangit sa mundo, doble pa rin ang dami ng mga mabubuti at mga pogi..lols.. agree?

    TumugonBurahin
  11. tama nga naman. kaya nga may free will eh. umeepal lang ^^

    TumugonBurahin
  12. @kosa
    yeah...agree ako..at sigurado ako na sa madaming poging yun...kasama tayo...yahooo... ahahaha.. :D

    @Bino
    yeah...aheks... tama tama.. :D

    TumugonBurahin
  13. Ha?!!! lolzzz... masyado kang mahiwaga parekoy :-D ...

    Ang lahat ng tanong mo kayang sagutin ng imahinasyon mo, try mo...wag ka lang papadala sa imahinasyon, minsan eto ang sisira sa ating sariling paniniwala...

    TumugonBurahin
  14. ang post na ito ang concrete example na rational ang tao. mahilig tayo magtanong at maghanap ng kasagutan. kea nga mas nakakataas tayo sa mga animals.. pero ang balanse ay dedepende nalang kung pano natin gamitin ang ating rationality. wee. yun lang muna. ahehe.

    TumugonBurahin
  15. nakakatuwang isipin na pati ang mga ganitong bagay ay pilit na kinakalikot ng iyong malikot na pagiisip.haha.

    pero sa isang banda, tama ang lhat ng iyong sinabi.

    pero kung walang rationality, wala na tayong pinagkaiba sa mga hayop. :]

    TumugonBurahin
  16. Ayn Rand said: The virtue of Rationality means the recognition and acceptance of reason as one's only source of knowledge, one's only judge of values and one's only guide to action. ... It means a commitment to the principle that all of one's convictions, values, goals, desires and actions must be based on, derived from, chosen and validated by a process of thought.

    Katulad mo ang tanong ko ay: Ano raw?

    Pxnsia na po. Wala talaga akong idea about rationality because I'm always irrational about my thoughts. Wayward b.

    TumugonBurahin
  17. huwag niyo ng questionin si pareng gulaman. wahahaha. kanya knyang post yan,

    sa tunay n buhay hnd mgnda kung gagawin mo lahat ng gusto mo na hnd mo kinokonsider ang iba. parang platinum rule na nabasa ko din sa blog mo gulaman db? ahehe

    pero medyo naguluhan ang payapa kong isip sa pagunawa d2. ahahaha.

    TumugonBurahin
  18. Napaka lalim di ko kayang arukin! nag nose bleed ako ah... Rationality ay ang broader term than logic.

    TumugonBurahin
  19. @Lord CM
    ahehehe... uu nga pero mas maganda kung hindi lang ako ang mamromroblema dito..damay damay na ito...ahahaha... basta yan na yan...aheks.. :D

    @jhosel
    aheks...huwaw..minsan tlaga masarap mag-isip... basta huwag lang mapapasobra... kaya nga ayun..ayaw kong masobrahan kaya pasa ko naman sa inyo ang iba..aheks.. :D

    @jeszieBoy
    yup tama...rationality nga...mhhhh...:D

    @Nebz
    irrational? nyaks..nalito ako..aheks... basta yun na yun.. nahilo ka din no? ako din...aheks.. :D

    @kikilabotz
    aheks...may konek pla ito sa platinum rule at golden rule..aheks... meron nga ba? mukhang meron nga.. ayaw ko na mag-isip.. next post ko dapat relaxing naman..pati ako nahihilo na..ahahaha. .. :)

    @rome
    uy..salamat sa pagdaan... aheks.. yun nga daw sabi ni oracle rationality/rational thinking implies logic... :)

    TumugonBurahin
  20. wow daming bagong classmate! early summer classes na ba?

    Ano nga ba ang dala ng rationality sa tao?--sa aking palagay ito ay CHOICE

    Kung sa balanse naman ng good and bad, walang katapusang (infinite) pag-galaw sa timbangan (parang sa weighing scale ni lady justice, ano ba tagalog nun?) depende sa desisyon ng tao. Meron at meron masama dahil wala naman sense ang mabuti kung alang masama. Pero lahat nman pwede magbago kung kaya ayun todo galaw ung timbangan!

    TumugonBurahin
  21. @emz
    babaeng hurado??...eeenngggss...aheks inde ko din alam...ahahaha...

    yeah..tama lahat nga daw may purpose... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...