Lumaktaw sa pangunahing content

...sulat kamay...

sabado ngayon... weeepeeee... isa sa pinakamasayang araw ito... bukod sa walang pasok... at ngayon ay ika-pito ng marso... batiin nyo naman kami... weeepeeee.... 5th anniversary na namin ng grasya... bagama't malayo ka ngayon... at wala man lang akong gift na kahit na ano, nandito lang naman ako para sa'yo... hindi mawawala, hindi maglalaho... hayaan mo't magkikita na din tayo... magkakasama at di na magkakawalay pa...

anyway, speaking of gifts...madalas ang gift ko kay grasya ay mga cards, love letters... hindi dahil sa kuripot ako at puro cards na lang lagi, sinasamahan ko naman yun ng ibang gifts...kahit noong nandito pa sya sa 'pinas laging hindi ko sya kinakalimutan ng bigyan ng cards kasama ng iba pang mga gifts... at kahit nasa dubai na sya nagbibigay pa din ako ng cards sa tuwing may pagkakataon... alam kong iba pa din kasi ang dating ng sulat kamay...kasya sa mga letra mula sa keyboard...

...at kung paano ko pinahalagahan ang sulat kamay, ginawa ko din ang isang tag mula kay kaye ng randomwahmthoughts, ang aking dating ka-ofizmate na may ma-cute na baby... kamusta naman ang buhay sa baguio kaye?... kung tutuusin medyo pahirap ang tag na ito dahil kakailanganin mo ng isang scanner pero kung wala pwede na ang camera na lang...digicam o kaya webcam...

ito po ang rules kung paano gawin ang tag na ito...

1. Write down who tagged you.
2. Answer these:
  • your name / username / pseudo
  • right-handed or left-handed?
  • your favorite letters to write?
  • your least favorite letters to write?
  • Write “The quick brown fox jumps over the lazy dog.”
3. Tag five persons.

at katulad ng inyong nakikita sa larawan, yan po ang sulat kamay ni supergulaman... akin na po itong ipapasa kina gelene, vanvan, jhosel, yanah at enjoy.

Mga Komento

  1. wow! happy anniversary sainyo!

    i hear wedding bells na! best wishes! ahehe.

    sige sige, ill do this pag nagkatime.. ahehe. salamat salamat.

    TumugonBurahin
  2. asus! nag-tag lang, nagpahirap pa. ahahaha! super joke superG...

    neweis, cge kunin pero okie lang ba kung later na as in next month? wushu! joke ulit yun noh... kasi naman, pagkatapos ng revelation ko dun sa entry ko isang dumadagundong na "get out of this house" ang sumalubong sa kin [mag-explain ba? hahaha!] hay life... buti pa kayo ni grasya, always at peace. bsta gawin ko yan, promise.

    o siya, hanggang dito na lang. 'til next time. nagmamahal... este, ano 'to love letter?!? babush na lang!!!

    *shet...kulets ko* :D

    TumugonBurahin
  3. naka ng!...HAppy anniversary sanyo parekoy!...

    ayos ang tag a...

    Pasyal pasyal lang parekoy...

    TumugonBurahin
  4. weee..tapos na akong bumati kahapon..pero dahil lab ko kau ni grasya..(sobrang feeling close ko nah..isinali ko pa tlaga si grasya) at dahil idol ko na rin kayo, sort of..babati ulit ako..
    happy anniversary!!yahooo..

    musta naman si sarah at john lloyd kahapon??

    ayos na nga pala kami ni banana..salamat ha..

    salamat din dito..hirap..aheks..

    TumugonBurahin
  5. andae nagreklamo sa tag ko. waah!! ako den nahirapan kaya dito. niahaha! musta na kame? eto, buti malamig khit summer. bleh.

    mommy grasya, five years ka na pala ngpapaloko kay bhoyet? niahaha! buti pa kau lagi bati..siguro nga dapat magkalayo lgi para lagi bati. wahaha! joke. niwei, gratz s inyo at super gling nyo ksi you're still together khit babaero si bhoyet. niahaha!

    naaadik na naman ako. ayoko na.

    TumugonBurahin
  6. @jhosel
    aheks.... sna nga nu...penge pera, pangpakasal... ahahaha... salamat salamat... :)

    @enjoy
    ahehehe...ako din nahirapan sa tag ni kaye...aheks pero oks lng naman... :)
    bati kami lagi ng grasya kasi baet ako... aheks... uu nga muntik ko na din itong entry na ito na gawing love letter... naalala ko tag pala...aheks.. :D

    @Pajay
    aheks...salamat salamat...bukas ako mag-blog roll...masarap matulog kasi naun...aheks... :)

    @vanvan
    salamat salamat... ;)
    ayun sina sarah at john lloyd...ayuz lang...patay ang mga bitter kapag nanuod nun..... huwaw, buti bati na kayo ng banana mo... :)

    @kaye
    wenks...ahehehe...sarap naman ng baguio... ;)... aheks... salamat sa pagbati...

    ahahaha...ako babaero?... bait kea ako... :D ...lagi ka naman adik, kawawa naman svet nyan...mommy nya adik...ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  7. Binabati kita, ah kayo pala ni Grasya, Yet . o",)

    Maganda ang tag na ito. Ang galing, ganyan pala ang sulat-kamay mo, Supergulaman?! Alam ko nang magaling kang magsulat para rito sa blog mo, pero ang makita ang iyong sulat-kamay, is another thing! Sino ang nag-imbento ng tag na ito?

    TumugonBurahin
  8. binabati ko kayo..

    sobrang tagal na pala kayong nagbobolahan at naglolokohan ni Grasya mo ahh..
    hehehe.
    peace

    at ang Tag ayus na ayus..
    sulat kamay mo yun parekoy?
    parang sulat kamay ni Grasya ahhh
    hehehe

    TumugonBurahin
  9. @RJ
    weepeeee...salamat sa pagbati... :)
    mejo mahirap nga din ang tag na ito.... sayang nga no...lima lng ang pwede ko i-tag... pero hayaan nyo at iikot din yan sa inyo...aheks... :)

    @Kosa
    ahehehe...mabait kasi ako...bleeehhh.... aheks...
    salamat sa pagbati...

    ahehehe, sulat kamay ko yan... kahit noon walng naniniwala na sulat ko yan, unless makikita tlaga nila...pero naging ganyan yan kasi noon tamad tlaga ako magsulat...aheks... :D

    TumugonBurahin
  10. naku oo nga pala di kita nabati....


    HAPPY 5TH ANNIVERSARY SUPER G & WONDER GRASYA!!!

    [ganyan din kami dati ka-swit dati nung nsa 5th yr pa lang kami.... wahahaha! bitter lang... sori po :D]

    more years of laughter and sweetness :)

    TumugonBurahin
  11. happy anniversary sa inyo ni grasya!!

    saka ko na poh pupulutin ang tag...
    reading blogs and comments muna ko for now..

    -H-

    TumugonBurahin
  12. waw! ang gara ng sulat! hakhak! XD

    TumugonBurahin
  13. malamang di tau nagkita :D
    hoho...
    wow kasabay mo ng aniv yung close friend ko 7 din :D anung meron sa 7 ahahaha. kapuso? :D
    nwei, belated hehehe. magmahalan pa kaung mabuti ahihi

    TumugonBurahin
  14. @enjoy
    aheks...salamat sa pagbati...
    bitter?!...aheks...

    well, yeah sana nga...pray na lng po.. :)

    @-H-
    wow h na lng ah...aheks cge po... salamat salamat...

    @batopik
    aheks... anung meron sa sulat ko...ahahaha... :D

    @biba
    7th heaven daw kaya ganun....ahahaha.. wala lng gusto ko lng lagyan ng koneksyon... peron inde ako kapuso... kapamilya ako....ahahaha...

    salamat sa pgabati... :)

    TumugonBurahin
  15. yahooo....maligayang ikalima sa inyo ni grasya...

    best wishes na ba? lolz..

    tag na naman..takte...buti na lang....hahahaha..

    TumugonBurahin
  16. @poging (ilo)CANO
    aheks....sana sana... :)... salamat salamat... :)

    @^_edSie_^
    eheks..salamat... :D

    TumugonBurahin
  17. Aba!!!Pre dapat magpamisa tayo...biro mo limang taon na kayo pero di ka pa rin nya nahuhuli lolzz


    HAPPY ANNIVERSARY sa inyo :)

    TumugonBurahin
  18. wow!hapi 5th anniversary...

    kasalan na..

    TumugonBurahin
  19. @Lord CM
    ahehehe... salamat sa pagbati... pero hindi naman ako mahuhuli dahil wala namang huhulihin... mabait ako... :P

    @azul
    yey..salamat..salamat... sna nga...:)

    TumugonBurahin
  20. Api! 5th anniv sa inyo!!! Yehey! bakit ba ngayon lang ako nadalaw dito? haaay si pc ko kasi nagloloko anyway! Parang nakikita ko na post mo for the 6th year anniv..hehe

    TumugonBurahin
  21. @Marlon
    huwaw...gusto ko yan...sna makita mo din ang mga susunod ko pang mga anniversary post...sobrang madami yun..inde matatapos.. ;)

    TumugonBurahin
  22. WOW PARE ASTIG NANG SULAT KAMAY MOW AH!!WEEE BUTI NLANG WLA AKO S TAG HAHAHAH..LOLNESS

    TumugonBurahin
  23. @Amor
    aheks....maganda ba yan?...ahahaha... cge salamat...aheks.. hayaan mo at iikot yang tag na yan at aabutin ka.. :)

    TumugonBurahin
  24. ganda naman ng penmanship mo..daan ako ulit kabayan

    TumugonBurahin
  25. Isang Maligayang Pagbati...nawa kayo'y hindi masyadong pagod sa araw na ito....sapagkat ako'y may dalang premyo handog ng Honest Weblog..para sa detalye, Click Here
    Hello...SG...pasensya na d ko na alam pa'no sa Tagalog and Click Here..parang ang pangit naman pakinggan kung sasabihin kong Pindutin Dito...di ba? ...lol...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...