Lumaktaw sa pangunahing content

...mapalad silang wala sa katinuan...

...lulan ng pampublikong sasakyan, minamatyagan ko mula sa bintana nito ang isang taong grasa...isang taong grasa na wala na sa katinuan...masaya siyang kinakausap ang sarili...walang bahid na alinlangan sa mga bagay na nais nyang gawin... gusto ko siyang kaawaan ngunit natutuwa lang ako siyang pagmasdan... nakakaawa nga ngunit sa kabila niyon nakadarama din ako ng pansamatalang inggit sa kanya..."mabuti pa sya hindi na nya pasan ang problemang ng mundo, hindi tulad ko at tulad mo na nabubuhay sa mundong hindi alam kung saan tutungo..."... matino nga tayo...alam natin ang tama at mali...pero malaya ba tayo?... hindi...dahil alam natin ang limitasyon natin...at hindi natin magawang makaalpas sa limitasyong iyon dahil maaaring magdulot ito ng pagkasira ng ating pagkatao o ng ibang tao...

...nakalagpas na ang aking sinasakyan, ngunit hindi pa din mawala ang kanyang imahe sa aking ulirat...ang ngiti sa mga labi na walang halong pagkukunwari, maaring may malungkot siyang nakaraan, ngunit ngayon nakalaya na siya...hindi na alintana ang panganib ng mundo, walang problema ang hindi na niya kayang harapin, wala na din ang damdaming nasasaktan, walang alalahanin sa buhay, hindi na din nya batid ang mga panghuhusga ng mundo... tanging mga alaala na lang iyon sa kanyang isipan...

...hindi ko alam kung naiintindihan nyo ang gusto kong ipabatid, ang inggit na aking nadarama sa mga taong wala sa sariling isip...mabuti pa sila malaya na...tayo kaya, kelan?

Mga Komento

  1. MAGIGING MALAYA KA PAG ISINA DYOS MO ANG LAHAT..

    WHY WORRY WHEN U CAN PRAY..


    AJA! SUPERGULAMAN!

    TumugonBurahin
  2. yea. mapalad sila ngunit malas din.
    oo nga may sarili silang mundo kung san malaya sila kahit anong gusto nilang gawin at walang worries. pero grabe din ang hirap na pinagdaanan nila kaya sila naging ganun.. hirap na hindi nila kinaya. kaya nawala sila sa katinuan. ahahaha. nanood ka ng MMK no? hahaha. joke.

    gusto mong maging malaya? tama si vanvan. hayaan mong Siya ang magmaneho ng iyong journey sa buhay.

    "Come to Me all of you who are tired of carrying heavy load.."

    ..for the yoke I will give you is easy.. ahaha. kinanta na! wohoo! ikanta mo nalang yan superG! lol.

    god bless! *wink*

    TumugonBurahin
  3. gusto kowng maging taong grasa para maranasan ang maghubad sa kalye,hahaha...

    TumugonBurahin
  4. seryoso na eh, biglang pasok si parekoy amor na nakahubad lolzz

    Siguro nga pre, maswerte sila dahil wala na silang ibang iniisip, pero gaya nga ng sabi ni vanvan ipa sa diyos mo lang ang lahat, darating ang panahon magiging malaya din tayo at makakapag hubad sa daan lolzz

    TumugonBurahin
  5. Teka, naiinggit ka ba sa kanila?

    TumugonBurahin
  6. @vanvan
    yeah... tama ka, bukod sa pagkakaroon ko ng masayang pamilya at mapagmahal na grasya... prayers din ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon matino pa rin ako sa kabila ng mga mahihirap na pagkakataon na aking pinagdaanan... :)

    @jhosel
    siguro nga pero nagkataon lang siguro na ganun ako, nagagawa kong kaaya-aya ang mga na hindi naman talaga maganda... pati nga mga baliw nagawa ko pang kainggitan..pero yun nga, kahit papano mapalad sila...

    MMK? inde ko sya napanood, pero nakita ko yung trailer nun... nakatulog yata ako ng maaga kasi nun...

    @Amorgatory
    ahehehe...cge cge, for sure lalo akong maiingit nyan sa mga taong grasa...sobrang freedom yun...aheks..

    @Lord CM
    yeah... tama ka... pero aminin man natin o hindi, hindi ganun kadali ipasa-Diyos ang lahat...nandun yung punto na sasabihin natin na "God, ikaw na ang bahala"...pero nag-aalala pa din tayo...bakit? kulang ng faith kasi... sabihin natin na may faith nga tayo, pero hindi naman ganun ka-solid...yun siguro ang hinahanap ko, absolute faith...no hassles, no tangles :)

    @Dylan Dimaubusan
    naiingit ako kung anung kalayaan meron sila...pero hindi sa kalagayan nila...

    TumugonBurahin
  7. MASARAP MAGING MALAYA. walang sagabal! minsan masarap palayain ang sarili. nakakabaliw...napakasaya. hehe

    TumugonBurahin
  8. napaisip ako sa post mo... Oo nga noh, mapalad sila kasi di na nila pasan ang problema... at malaya sila sa mga gagawin nila pero malas din sapagkat pinagtatabuyan at kinasusuklaman ng mga taong nakapaligid sa knila... haayyyss,,,

    @ AMOR; wala kang matinong comments... akalain mong gusto maranasan ang maghubad sa kalye... adik... hehehe PEACE!!!

    TumugonBurahin
  9. madalas ko rin yang makita eh, madalas din akong npapaicp, nakalimutan ko na nga sila eh, pinaalala mo pa.. kasalanan mO!!!! ahaha.. joke lang.. slamat sa pagpapapaalala. teka magrereflect ako.. naks!

    --gudang!

    TumugonBurahin
  10. @eliment
    yeah...pero syempre meron tlagang limitasyon... :)

    @MarcoPaolo
    yeah...di ba balense talaga...kala na natin nakakaawa sila pero may mga pagkakataon na sila pla ang maswerte... haaysss...lahat tlaga ng nangyayari sa mundo ay may dahilan...:)

    @gladyspillbox
    aheks...cge reflect pa... dahan-dahan lang baka magaya sa kanila...juks...aheks...

    TumugonBurahin
  11. Agree naman ako, 'Yet sa punto mo. Kaya tayong mga nasa matinong pag-iisip pa, kailangang marunong magdala ng mga hamon sa buhay.

    Para sa akin, isang napakaganda at napakahalagang handog ng Maykapal ang 'sound mind', ito'y kailangang gamitin ng maayos, lalo na kapag tayo'y may mga suliranin nang sa gayo'y hindi tayo mawalan ng katinuan. Mas masarap pa rin ang ngumingiting maayos pa ang kaisipan dahil sa ganitong kalagayan, nalalasap pa natin ang sarap at tamis ng buhay, lalung-lalo na ang pag-ibig! Sigurado sang-ayon sina Supergulaman at Grasya dito. U

    TumugonBurahin
  12. eto ang deskripsyon ko sa king sarili sa aking pamosong [ambisyosa] blog site:
    "a chic who prefers to hide herself in this façade...
    to conceal her real emotion, hurt and fears...
    hopefully soon, she'll set herself free..."

    sa tingin mo superG, dapat na rin ba akong mainggit sa kanila? emo ka ngayon. parang di bagay :)

    cheer up! :D

    TumugonBurahin
  13. malaya nga sila pero alam ba nila ang kanilang ginagawa?

    pero pag tayong may matitinong pag-iisip ang maging malaya...wish ko lang na sana gagawin ang tama...lolz..

    @Jhosel,
    cgro nga nanood xa ng MMK "Lason"...napaiyak ako sa wentong yan....hehehehe

    TumugonBurahin
  14. tama si vanvan hehehe (nakisabat daw ba!?) ahihi...
    (sayang di ako makarelate sa MMK, wala kasi kame tv.T.T)

    TumugonBurahin
  15. Sabi nga ng isang awit...

    "Bakit kaya ang tao
    May isip at talino,
    Nalulungkot pa siya..."

    Ignorance is bliss ika nga...
    Pero hindi ko rin ata gusto yung puro ignorance na lang...

    Pero paano ba natin ma appreciate ang isang bagay kung hindi naman natin ito binibigyan ng importansya?

    Sa tingin ko ang tamang pag gamit at paghubog ng ating mga kakayahan bilang mga normal na indibidual ang susi sa mga katanungan tulad nito.

    Ang pag bibilang ng biyaya.
    Ang pagbigay halaga sa mga mabubuting bagay keysa sa masasama... =)

    TumugonBurahin
  16. @RJ
    yeah...di bale ng hindi ganap na malaya basta may pagmamahal...ayuz n ayun... :)

    @enjoy
    uu bka inggit ka din...aheks...emo post pla ito...aheks...iniiwasan ko nga yun eh... aheks... :D

    @poging (ilo)CANO
    wenks sayang ang MMK...inde ko naman napanood...:)

    ang mga matinong nsa pag-iisip, ginagawa naman ang tam eh kasi alam nila ang limitasyon... pero gift din kasi ang pagkakaroon ng "rationality".... :)

    @bibablog
    aheks...ayuz lng yun inde ko din naman napanood eh... :D

    @ORACLE
    .....tama din, pero ito na rin siguro ang salpukan ng dalawang magandang konsepto: "freedom vs. responsibility"...

    may mga kalayaan ang bawat isa sa atin na gawin ang bagay na kanilang naisin ngunit laging kalakip nito ang mga responsibilidad nila sa kanilang sarili at sa iba pang nilalang o bagay sa mundo kung kaya siguro nagkakaroon ng limitasyon... pero kung wala na ang limitasyon...magiging absolute freedom na ito regardless na masama man ito o mabuti.... kung sabagay tama ka, masmagandang i-appreciate na lng ang mga simpleng bagay na meron ka kaysa maiinggit sa mga bagay na hindi mo din nanaisin na maging sa iyo... :D

    TumugonBurahin
  17. naiingit ka sa kanila? siguro di ka nga malaya.. mmmm...

    TumugonBurahin
  18. malaya sila.. in a way na hindi nila naiisip ang mga problema at ibang mga bagay na iniisip ng isang normal na taong kagaya mo(natin?)

    pero sa kabilang banda may mga katulad nila na talagang pinili na ang maging ganun dahil hindi nman nila kayang makipagsabayan sa mga Super.. na tulad mo... ahiiiii...

    yun lang..lols

    TumugonBurahin
  19. Mahirap maging psychotic no! Di sila malaya, ang utak nila ay nakakulong o somewhat malaya nga at lumilipad, napakahirap nun. Lalo na para sa pamilya.

    2 beses ako nakapag duty sa mental hospital at 1 beses sa private rehabilitation. May kaibigan akong schizophrenic kaya alam na alam ko na ang paghihirap ng mga ganyan. Hirap na hirap din ako sa pakikipag usap! Haha. Kelangan kasi maging therapeutic ang pakikipag usap e.

    TumugonBurahin
  20. oha tagal kong di naka bisita..bc bchan sa mga ernz ernz na pakalat kalat..hehehe

    ayun alam mu bang karamihan sa taong grasa ay matino pa ang pagiisip pero kusang lumalayo sa ibang tao at mas pinipiling kausapin ang sarili dahil na din sa pinandidirihan at kinukutya sila ng mga tao...

    at ang matagal na hindi pagligo may cause insanity...

    napanood ko yun sa isang documentary na limot ko na kung anung title kasi hiskul pa ko nung napanood ko yun..

    at isa pa alam mo bang haba na ng comment ko kea tatahimik na ko.

    TumugonBurahin
  21. @abe mulong caracas
    uu nakakulong nga yung iba...bukod dun malaya na sila...aheks.. ;)

    @Shei
    aheks...malaya naman ako...tayo... pero naisip ko lang din, hindi tlaga absolute.

    @Kosa
    nyaks...kasalanan ko pala yun...ahahaha...sabagay bat ko nga ba prinoblema yun...pati yata ang mga baliw mamromroblema sa akin...ahahaha... :D

    @ANNAMONIQUE ♥
    huwaw! minsan sama naman ako..aheks... pero uu nga no ngayon ko lng din naiisip...may mga nababaliw na hindi tlaga malaya ang iniisip...nababaliw sila na nakakulong sa isang masakit na nakaraan...mmhhhhhh... :)

    @azul
    aha! buti na lng safe ako...adik ako sa paliligo eh....aheks... :D

    TumugonBurahin
  22. congrats sa bagong domain.

    wag kang mainggit... dahil silang wala sa katinuan, hindi nagiging matatag sa hamon ng buhay. hindi nila na-aapreciate ang magkaron ng mumunting kaligayan... ang alam lang nila ay mabuhay sa araw-araw dahil iyon ang dikta ng panahon.

    bakit ko alam? dati akong wala sa katinuan.... na nadagukan!

    hehehehe!

    TumugonBurahin
  23. I see.

    Ang lalim naman ng nasa isip mo habang naka sakay sa jeep. Muni-muni. :)

    This post, as if you feel like you're not free. Perhaps not. Baka ma-misunderstood ka.

    TumugonBurahin
  24. may mga pagkakataon sa ating buhay na tlgang hindi maiwasang sumagi sa isip natin kung tayo ba ay may totoong kalayaan sa lipunang puno ng limitasyon. limitasyon at mga alituntunin na likha nito mismo at kailangang sundin. dahil un ang idinikta ng ating lipunan.

    TumugonBurahin
  25. try mo 'to superG... imbis na kaiingitan sila magpasalamat ka nalang na hindi ganon ang kalagayan mo at walang ganong anak o kasintahan ang pamilya at grasya mo...

    then whenever you see someone like that on the streets pray for them that they will be set free from the prison of delusion they are in...

    You are blessed!=)

    TumugonBurahin
  26. @A-Z-E-L
    ahhh...kaya pala...aheks... ako nga din dagukan mo, kung anu anu itong naiisip ko...ahahaha...

    @dylan dimaubusan
    aheks... uu nga, baka iniisip nila hindi ako kuntento sa kalayaang meron ako...aheks...kuntento naman ako... naisip ko lang kasi, pero pang lahatan naman ang idea na ito... ang freedom ng mga wala sa matinong pag-iisip ay walang limitasyon...walang mga factors na dapat i-consider unlike kung matino ka...

    ...para malinaw, ayaw kong maging baliw, at hindi ko ito hiniling kailanman...yung freedom lang nila ang kinaiingitan ko hinahangaan ko siguro...

    ...sa kabilang banda naisip ko din, may mga baliw din na hindi talaga ganap ang kalayaan...kundi opposite, nakakakulong lang sa alaala ng mga panyayari sa nakaraan...

    ...aheks, cge magmuni-mini ako ulit... :D

    @jeszieBoy
    mmmhhhh, may point ka... kung ganun man, maaari nating sabihin na wala talagang ganap na kalyaan...bakit? dahil sa limitasyon na mga sinabi mo... :)

    @Michy
    aheks...uu naman at hindi ko naman pinangarap maging ganun... yung konsepto lang ng kalayaan na meron sila ang gusto kong ihantulad sa kalayaan na meron ang mga kagaya natin... pero imposible naman yun kasi sa mga limitasyon na itinakda ng konsepto ng "rationality"... :)

    TumugonBurahin
  27. naks pwede mo namang subukan magpakabaliw minsan eh.haha

    kung sa bagay lahat tau ay baliw sa mata ng mga alien.

    enyway i heard the news/ congrats pala at ikaw ang 1st place blogger ng damuhan . congrats

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...