Lumaktaw sa pangunahing content

...ikalawang ginto...

...matagal na din ang panahon na nakaraan ng simulan ko ang pagbuo sa blog na ito... taong dalawang libo't pito sa unang araw ng buwan ng Marso ng simulan kong buuin ang blog na ito at lagyan ng unang entrada, isa itong panalangin... tama! halos dalawang taon na din ang nakalilipas... ngunit sadya yatang naging abala lamang ako sa ilang mga bagay-bagay at hindi ko ito ulit napag-ukulan ng pansin...lumipas ang halos isang taon bago ko ulit malagyan ng bagong entrada...ang totoo nyan taong dalawang libo't walo sa ika-pitong araw ng buwan ng Perbrero na ng makapaglagay ako ng bagong kwento... pinilit kong magsipag-sipagan ng mga panahong iyon, ngunit sadya yatang makapangyarihan ang katamaran..wala ding nangyari at ang sumunod na entrada ay Agosto na ng nasabing taon... sa panahong ito, pinalitan ko na din ang pangalan ng aking blog mula sa MadalikasiAko.blogspot.com hanggang sa maging SuperGulaman.blogspot.com na ito...at ngayon nga isa na tayong ganap na SuperGulaman.com...

maaaring maitatanong ninyo kung bakit MadalikasiAko.blogspot.com ang naunang pangalan nito? at yun ay sa kadahilanang MADALI, ang aking apelyido... ibubulgar ko na ito... kaunti lamang ang may ganyan apelyido sa buong mundo at madali nyo akong matutunton... pero ayos lang dahil pagnagkita na tayo, uutangan ko na lang kayo... ang mga Madali ay tubong Romblon katulad ni NVM Gonzales (hindi ko sya kamag-anak)... ngunit magkagayun man hindi ko man lamang natutunan ang diyalekto nila dahil sa Kyusi (QC) na ako nagkaugat at tumubo... bagama't mukhang imposible ninais ko pa din matutunan ang gintong diyalekto ng aking namayapang ama... sa ngayon, may ilang salita na akong natutuhan, at ito din ay mula sa tulong ng aking isa pang biyaya... ang aking pinakamamahal na Grasya...

...ikalawang ginto... ang sabi sa mga lumang kwento, ang mga nilalang na nagdiriwang ng ika-limampung anibersaryo ay bibigyan ng mga ginto bilang isang regalo... sa mga kasal, "golden anniversary" ang kanilang taguri sa kanilang ika-limampung anibersaryo... at ngayon nga, ito na ang aking ika-isang daang entrada, ang pagdiriwang ng ikalawang ginto ng aking mga entrada... nakakatuwang isipin na umabot na ako sa aking ika-isang daang entrada sa kabila ng aking katamaran...at sa pagkakataong ito'y dalangin din na sana ay hindi na ako dapuan ng sakit na "katam"...nawa'y magpatuloy ang aking kasipagan kung kasipagan man itong maituturing...

...sa mga naging bahagi ng blog na ito, nais ko kayong pasalamatan...ngunit hindi ko na din babanggitin ang inyong mga pangalan dahil baka ako ay may mawaglit at ito ay magdamdam... sa lahat ng mga mambabasa at kapwa blogero't blogera...maraming-maraming salamat po sa pakikibahagi sa mga imahinasyon at buhay ni SuperGulaman...

Hayaan ninyo't patuloy pa sa paglipad ang superhero ng masa, tara na at sumama...SuperGulaman!




Mga Komento

  1. Wow!!!Congrats Parekoy!!!

    100th? kelan ko kaya maabot yan, another 4 months siguro...sana :)

    TumugonBurahin
  2. congrats! nakakarami ka na pala!

    sana'y umabot ka pa ng 200...300.. 1000...

    aabangan ko ang bawat kwento mo...

    TumugonBurahin
  3. [Ang aking current post (Ang Mga Lihim...) ay pang-isandaang post ko na rin!]

    Madali pala! o",)

    Ano ang dialect ni Wonder G, if you don't mind?

    Kaya pala ang husay mong magsulat gamit ang Filipino, laking Kyusi ka pala. Gustung-gusto ko ang mga salitang ginagamit mo rito sa iyong blog, mahusay ang pagkapili, angkop na angkop talaga sa tunay na kahulugan! o",)

    [Hindi ko sinasabing hindi mahusay ang mga akda mo sa wikang Ingles. Wala pa kasi akong nabasa na post mo sa English 'Yet. Hayaan mo't maghahalungkat ako rito sa archives ng Supergulaman.]

    TumugonBurahin
  4. wow... ang galing doble doble.. ako naman pang 51st pa lang yung post ko ngayun..lols

    pero astig na astig pa rin ang SuperHero ng Blogosperyo..

    sige sige,
    sasama ang Trip Ni Kosa sa paglipad ng superHero..lols

    kitakits Parekoy

    TumugonBurahin
  5. @Lord CM
    aheks...salamat...yeah...aabot na yan...mas masipag ka sa akin...aheks... :)

    @A-Z-E-L
    salamat...uu nga...sana nga huwag lang ako tamarin...ahehehe... :)

    @RJ
    ahehehe...ei Dok taga Bohol si Grace so Visayan ang kanyang dialekto.. kung paano nagkatagpo ang tubong Bohol at tubong Kyusi, ito ay isang milagro na dapat kong ipagpasalamat...

    dok, salamat... ngunit hindi ako masyadong kampante sa paggamit ng English kaya hindi ko sya ginagamit sa blog kong ito...pero meron akong isang English entry dito na ang title ay "REULEAUX TRIANGLE: ROLLING TRIANGLES"... binalak kong sundan ang entry na ito, ngunit napansin ko na parang wala itong pinagkaiba sa kasalukuyan kong trabaho ngayon, magiging teknikal ang tema nito at hindi na ako ma-rerelax... kung kya minabuti kong tagalog na lang ang aking magign tema...isang natural na SuperGulaman... :)

    TumugonBurahin
  6. @Kosa
    salamat kosa sa pagsama... sabat ang palipad ni SuperGulaman sa trip ni Kosa... :)

    TumugonBurahin
  7. naks! ang sipag mo naman superG at naabot mo na ang iyong 100th entry. ako, kahit pagsamahin ko pa ang mga entries ko sa naging 3 blogsites ko, di pa rin aabot ng 100. hahaha! may sakit din kasi akong "katam" at di pa gumagaling. nyahaha!

    congrats superG... at nawa'y manatili kang super hero ng blogosperyo at ni grasya... hugssss! :)

    TumugonBurahin
  8. congrats super g.!!!

    keep on posting para marami pa kong mabasa. sana wag ka sumpungin
    ng yong sakit na katam..heheheh..

    TumugonBurahin
  9. wow congrats superG! ang galing naman 100th post na.. and im sure mas dadami and dadami pa yan.. naway mas madami ka pang mambabasang mainspire sa mga entry mo.. at katulad din ng blog, naway umabot din kayo ni wonderG sa golden anniv.. at sumobra pa..

    wee. god bless you and your blog! ako namay patuloy na magsusubaybay pa sa mga susunod mo pang entries.. :)

    TumugonBurahin
  10. matagal tagal na rin po pala kayo sa blogosphere...marami na kayong napasaya for sure.

    TumugonBurahin
  11. yahooooo.....maligayang ika-1oo parekoy...

    bow ako jan.....bow....

    TumugonBurahin
  12. Congratulations Mr Madali! Inspiring 100 posts. Madami pala akong dapat balikan...sige sisimulan ko na ngayon.

    TumugonBurahin
  13. @enjoy
    ahehehe....aabot din yan... mahirap yang sakit na yan...minsan daw nakakahawa.... ahahaha.... :)

    @angel
    yeah!...salamat....sana nga hindi na ako tamarin...aheks...

    @jhosel
    aheks...salamat jhosel...sana nga sipagin na ako ng todo...ahehehe...

    yeah...sana hindi umabot din kmi sa ikalawang golden anniversary.... :)

    @ABREL
    napasaya? hindi ko alam...pero kung mapapansin mo sa mga entries ko...mas lamang ata ang ka-kornihan ko dito, yung mga bitter-bitteran for sure maiinis yun... ahahaha....

    @poging (ilo)CANO
    salamat pogi.... ahehehe...sige tambling ka lng muna...ahahaha... :D

    @Nebz
    huwaw! salamat sa pagbalik sa aking mga nakaraang post...salamat sa pagbabalik at pag-iwan ng komento....salamat... :)

    TumugonBurahin
  14. oks lang na sumpungin ng katamaran paminsan minsan, huwag lang madalas and worst wag lang forever,,,wahhhhahh

    hindi ko pa nabilang kung nakakailang post na aketch eh, hmmnnn...mabilang nga.

    ano, naibili mo na ba mirienda kafatid mo, bilang premyo sa pagkusot at pagpiga ng mga damit mo?

    TumugonBurahin
  15. wow congrats..blog lang ng blog para makarami..ahahay...

    TumugonBurahin
  16. yo sup supergulaman?

    I'm inviting you to join the EARTH HOUR 2009!

    just check it out! :]

    http://jeszieboy.blogspot.com/2009/03/flick-that-switch-off-make-difference.html

    TumugonBurahin
  17. Happy second golden anniversary!

    Di mo naitatanong eh isa ang blog mo sa mga nakakawiling basahin.. interesante kasi ang mga entries mo.. salamat ha. Isa kasi ako sa napapasaya ng blog mo..wahahaha!

    cheers!

    We expect more super posts from Supergulaman!

    TumugonBurahin
  18. @Jez
    ahehehe... uu nga hindi naman siguro ako aabuting ng forver na katamaran..aheks...

    ahehehe, nagpabili na lgn ako ng ice cream pra sa amin lahat aheks...aheks...inde naman damit ko ang nilabhan nya...mga pantalon yunat shorts...pero sa damit hindi pwede, maselan ako dun kaya nanay ko naglalaba nun...

    @azul
    uu nga...wag lang tatamarin....ahahaha...

    @jeszieBoy
    ahehehe..ito ayuz lng... maganda yan...try ko minsan.. ;)

    @Dylan Dimaubusan
    weeepeeee...salamat.... aheks...cge subukan natin kung may maibabahagi pa akong mga kalokohan...aheks...;))

    @Rome
    aheks...uu tamad mode ito...image 2 years na yan lang ang nagawa ko... haysss.. ;)

    TumugonBurahin
  19. hahaha.. kung magkaganon 126 yrs ka na non.. ahehe.. sige sana sana.. yun na ang ipagdarasal ko para pang world record ang love nio.. aw. wag nalang.. eternal love nalang ipagprapray ko para sayo.. para alang katapusan. naks! ahehe.. sige, gumala lang dito uli.

    TumugonBurahin
  20. oo nga no boss, .com kana! nakakatuwa nman ang pag-asenso ng blog mo! isang pagsaludo para sa iyo!

    TumugonBurahin
  21. @jhosel
    huwaw gusto ko yan ah..eternal love...thanks.. :D

    @Emz
    ahehehe...salamat...si gelene ang may sala nyan..aheks.. ;D

    TumugonBurahin
  22. congrats sau..nakrami ka na pala hehe

    ako kaya kelan pa makarating nyan...

    amfufu blog lng blog para aabot dinZ :D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...