....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!)
Babae,
babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban...
kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwan ka na ng iyong pinakamamahal na si lalaki... ano na nga ba ng balita? sumakabilang buhay na ba sya o sumakabilang bahay na?
...batid ko ang iyong dusa, tiyaga at kakaibang saya noong pinagbubuntis mo ang iyong supling...siyam na buwan sa sinapupunan ay hindi birong mga numero upang makapiling ang isang biyaya...hindi matatawaran ang iyong mga nagawa ngunit sa kabila n'yon nasaan na si lalaki bakit hindi ka man lang nya matulungan o kahit na samahan?... kung sabagay mas mabuti ng wala sya sa tabi mo, kaysa naman pang-aalipusta at suntok sa mukha at iba pang parte ng katawan ang abutin mo katulad noon pag kayo'y nagtatalo...hindi ka na nga nya minahal, sinasaktan ka pa... nasaan na ang mga matatamis na pangako noong nanunuyo pa lang siya sa iyo?...nasaaan na?
...babae, hindi ito ang dapat mong sapitin...hindi suntok at sakit sa katawan ang dapat sa iyo kundi pagkalinga...hindi ka dapat binabalewala kung maaari nga lang dapat ikaw ang prinsesa... hindi ka dapat nasasaktan bagkus inaalayan ng buong katapatan... babae mahalaga ka, sana maniwala ka... hindi ka lang parausan ni lalaki at magsisilbing kanyang laruan lamang... tao ka at may dangal ding dapat igalang at pag-ingatan... hindi ka gamit na pag pinagsawaan na ay pwedeng ng itapon...hindi...hindi dapat ito, pagmamahal na tunay ang dapat na para sa iyo...
'SuperGulaman
tama ka super g. kaming mga babae dapat minamahal,inaalagaan di ginagawang punching bag sana dapat alam yan ng lahat ng kalalakihan..
TumugonBurahinoppsss... bato bato sa langit tamaan wag magagalit.
yan ang babae... AMEN to that SuperG.
TumugonBurahinnakarelate ako... sobra...
sana lahat ng lalake naiisip ang nasa isip mo.
salamat sa pagpapakita ng tunay na halaga ng mga babae!
WOW.galing.sanay magpatuloy ka sa paghanga sa isang babae:)
TumugonBurahinopen letter ba to superG? ;p
TumugonBurahinwahehe kasi kung sakin mo ihahandog yang post na yan (waheheh bakit babae ba ko?) hindi ko tatanggapin yan.. hehe..
ibibida mo na nga lang kaming mga kababaibahan sa paraang api pa kami wahehe
anyways..
hindi talaga dapat sinasaktan ang mga babae.. sa parehong dahilan na nasasaad sa golden rule na hindi dapat binabato ng bato ang kapwa mo wahehehe.. babae man siya o lalaki
;p
-----
Why we love women so
Why do we love them so? What makes us risk fame and fortune for them? What makes us decide to risk our very lives for women who, tragically often enough, aren't inclined to notice our existence?
Surely our attraction for them goes beyond biological imperatives. We may desire them, but our desire -- or so we maintain -- goes beyond mere lust; for many, there is no substitute for the slender neck, the curvaceous rump, the tantalising breast; but we have loved, and continue to love, women who do not meet the fashion-induced standards of beauty of our day and for reasons that go beyond the temporary lunacy inspired by lust.
-manuel l quezon III
read
WHY WE LOVE WOMEN SO
@angel, A-Z-E-L, batang narS
TumugonBurahinyeah..para din po sna ito sa lahat...isa lamang syang paala...para sa babae na matutong pahalagahan ang sarili...at sa mga lalaki na makita ang maling pagtrato sa mga kababaihan... :)
@tsariba
babae ka nga ba? ayon sa profile mo female ka..babae ba ang female?...aheks...
yaan mo yun na mejo api..basta bida naman kayo eh... ;)...babae ka nga ba?... aheks...at may epekto pa din ito ng golden rule...maganda yan...:)
nabasa ko yung entry na yun...maganda... salamat salamat..:)
aw. feminist? parang ang sama ni lalaki dito ah. ahehe.
TumugonBurahinpero true, dapat di sinasaktan ang babae, kasi in the same way na mahalaga ang lalaki sa mundo, sobrang halaga din ng babae.. iniisip ko pa lang yung mga sigaw at sakit na nafefeel ng mga mommies sa delivery room habang nanganganak.. whew, grabe! ang lalakas nila.. and i hope makayanan ko din yun sa future..
haiz. salamat sa post na ito. isang matinding reminder para sa mga lalaki at para na din sa lahat kung gano kabigat at kaimportante ang role ni babae sa mundo.
Napasama ata ang imahe ng lalaki sa post mo?... ahaha! di, biro lang.
TumugonBurahinKaya nga di dapat minamaliit ang kakayahan ng babae. Halos lahat na ata kasi ng gawain ng lalaki ngayon eh sisiw na lang sa mga babae.
saklaw na rin marahil ng artikulong ito, bagamat di tahasan, ang lahat ng tao, babae man o lalaki, na di marunong umunawa sa katagang "responsibilidad."
TumugonBurahinP.S. ewan kung bakit pero at one point in your entry parang may naalala akong kanta ni lani misalucha. peborit kasi ng nanay ko yun e.
sensya na. alam kong pambabae itong post na to pero di nakatiis ang mga nangangati kong daliri.
check? babae akoh.. so kokokment akoh.. wehe.... sendali eh para atah itoh sa mga babaeng may asawa nah eh.. lolz.. eniweiz hmmnnzz... una muna.. kuya bhoyet!!!! weeee... lolz... sendali... gusto moh sagutin koh every question moh?.. handa ka na bah?.. lolz... kamustahan part.. i'm sick... in case u care.. wehe... ang buhay koh sa mundo right now eh mejo roller coaster... yeah ang dme dmeng ginagawa sa sangkatauhan na minsan nalilimutan na kelangan may gawin den para sa sarili... pero sendali.. walah akoh ginagawah actually sa sangkatauhan lately.. actually mejo selfish akoh nitong mga nakaraang buwan bah?... yeah puro me me me.. kaya ayan... walang napupuntahang matino sa buhay... 'ung feeling na bz pero walah tlgang pinupuntahan... advice palah kuya... hwag moh akoh kakamustahin... kc nde lang isang sagot ang marereceive moh... lolz.. usapang pagmamahal sa isang lalaki... isang fave topic koh yan.. musta nag bah? ang tanong eh mahal ka ren bah?.. ang hirap minsan sa mga babae... sobrang magmahal... at minsan sobrang martyr nah.. mahal nilah kahit naman may mahal na iba.. or naman kaya... minsan feeling moh mahal kah... tapos nag-assume lang palah... tapos darating sa point na 'ung mahal moh may mahal nang iba tapos sasabihin sau... nde naman kaya tayo.. ouch!.. nde saken nangyari yan.. nakwento lang nang isang kaibigan saken lately... ouch tlgah 'un.. parang dinurog ang puso moh... eh ano bah ang case koh ngaun?.. ang labo sa earth.. nde koh alam kuya bhoyet.. baka may advice kah saken... 'ung feeling na feeling lang ha.. na mahal ka ren... pero sometimes feelin' moh na iba palah 'ung mahal na tinutukoy nyah.. pero pag wala ka malungkot syah... pero pag kausap moh syah parang third person lagi ang sinasabi parang may nag-eexist nah iba... ewan.. haha..close tayoh... pero ayokong gumawa nang conclusion.. sabi nga nilah sometimes u juz gotta love d' person... nde tlgah naghihintay nang kapalit.. God knowz naman lahat nang ginagawa naten.. and alam koh sa situation koh i juz gotta trust Him.. alam koh naman may destined syang prince sa buhay koh and it'll come in His perfect time.. minsan tlgah inip lang akoh sa earth... God has a reason for everythin'... prayers lang.. lotz of prayers.. sige talak akoh nang talak d2 eh still not feelin' well nga eh... sayang 'la si prince koh para alagaan akoh.. lolz.. ingatz lagi kuya!.. salamat sa pagdaan daan sa mansyon koh.. hanggang sa muli.. Godbless! -di
TumugonBurahinpambabae!...pass muna ako sa kumento...lolz..
TumugonBurahin(kung walang lalaki malamang kakalat ang mga nagtatabaan na babae)nyahahaha..peace mga babae...totoo naman yan e...lolz...
Please, dapat specific ang liham kung para sa kung kaninong babae.
TumugonBurahinEg. Para sa Mga Babaeng Biktima ng Pananakit o Karahasan; or something...
Maganda ang iyong liham Supergulaman, pero pakiramdam ko nasisiraan ang mga lalaki rito. Hindi naman lahat ng babae ay sinasaktan. Naniniwala pa rin akong MAS MARAMI pa rin ang mga babaeng minamahal at inaalagaan. Sigurado ako, 99.9% sasang-ayon sa akin si Wonder G. Kapag kokontra siya sa akin, ibang usapan na 'yon.
[Medyo inaantok ako ngayon, baka masyado lang akong literal. Sino ba talaga itong babae? Whew! Ang mundo ba, o ang bansang Pilipinas?! Paki-tama nalang kung mali ako. Salamat.]
Hindi ako nang-aaway, inilalabas ko lang ang aking naramdaman at naisip nu'ng binabasa ko itong post mo. o",)
@jhosel
TumugonBurahininde naman sa feminst... ang point is marecognize din at mabigyan ng paalala ang mga nakakalimot...
@pogingpayatot
uyyy..salamat...yup para naman ito sa lahat...hindi man direktang sinabi isa itong paalala sa kababaihan maging sa kalalakihan.... :)
@Dylan Dimaubusan
napasama ba? aheks.... ang akin lang ay sana maphalagahan din at maitrato ang mga kababaihan ayon sa nararapat... :)
@Dhianz
huwaw!...namis ko ito... :).. the best ka pa din... :)
...pero kung ganun man...wala ka namn magagawa kundi maghintay maghintay...khit sabihin na hindi na uso...babae ka eh, aasa ka talaga...pero sinagot mo na din tanong mo aheks... tama yan di pray lang lgi...darating yan sa tamang pagkakataon... sa ngayon pahinga ka lng... :)... salamat sa komento...namiss ko ito... :)
@PaJAY
ahehehe.... uu nga pareng pajay...
pero tama din, ibang klase din ang effort ng mga kababaihan para ma-recognize ng mga kalalakihan... :)
@RJ
doc sinadya kong walang specific na patutungkulan ang sulat...which para naman talaga ito sa lahat...isa itong paalala...para sa mga kababaihan na matutong pahalagahan ang sarili...mga lalaki na ibigay ang angkop na pagmamahal para sa kalalakihan...
...aheks si WonderG malamang sasang-ayon nga yun sa iyo... pero hindi ko naman sinisiraan si lalaki nito... lalaki kaya ako... :)...responsable naman tayo kaya siguradong hindi tayo ang tinutukoy nyan... sinadya ko lng na gawing negatibo ang image ni lalaki upang mabigyan diin ang pagpapahalaga at pagmamahal na dapat iukol sa mga kababaihan...
makabuluhan..
TumugonBurahinparang bagay to sa madaming babae na nagiging bulag masyado sa pag-ibig na sinasamantala naman ng ibang kalalakihan...
dapat mabasa to ng lahat ng kababaihan sa sangkablogosperyohan at maliwanagan ang kanilang kaisipan..
hehehe
ayus na ayus SuperGulaman..
congrats
Kokomento ako...SENSYA NA PO!
TumugonBurahin"sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban..."
--- Hindi mahina bagkus ay MALAKAS na ipinagpatuloy ang laban.
"at iniwan ka na ng iyong pinakamamahal na si lalaki..."
--- May dahilan din marahil ang ganitong sitwasyon, hindi lang dapat nakasalalay sa lalaki ang bawat relasyon, dapat dinadalang-loob din ng mga babae.
"sumakabilang buhay na ba sya o sumakabilang bahay na?"
--- Ang ganitong pagkakataon kung saan ang babae ay iniwan ng asawa dahil sa ibang kandungan ay may mas malalim na pangyayari. Ang tanong, eh, kung kuntento si lalaki kay babae, maghahanap ba ng iba? At ang binabanggit na DAHILAN dito sa "ibang bahay" ay BABAE DIN.
"hindi matatawaran ang iyong mga nagawa "
--- Sang-ayon ako. Ito'y larawan ni Maria na nagdalang-tao sa Panginoong Jesus.
"nasaan na ang mga matatamis na pangako noong nanunuyo pa lang siya sa iyo?"
--- Payong kapatid sa mga babae, piliin ang tamang tao. Hindi lahat ng kumukinang ay ginto. Matutong isiping lubos ang pakay ng bawat makakasalamuha.
Ang tula ni Balagtas sa Florante at Laura:
Kapag ang isinalubong sa iyong pagdating,
Ay masayang mukha't may pakitang giliw,
Pakaasahan mo't kaaway na lihim,
SIyang isaisip na kakabakahin!
"hindi dapat ito, pagmamahal na tunay ang dapat na para sa iyo"
--- sabihin natin ito sa mga babaeng:
:makikita mong nagtotong-its lang kapag wala ang asawa.
:pinababayaan sa kalye ang mga anak habang nakikipagtsismisan sa kapitbahay
:mga babaeng nagpapa-abort;
:mga asawang nangangaliwa habang nasa Saudi si MIster at nagtitiis ng hirap
:mga babaeng nagsusuot ng malaswang damit at naglalagay ng makapal na kolorete sa mukha para mapansin lang at mang-akit para sumira ng isang pamilya
:mga babaeng nakaupo sa gobyerno na daig pa ang buwaya sa ganid sa salapi
:mga babaeng sadyang tumutukso sa ibang relasyon para sa sariling kapakanan
:mga babaeng social climber na ang hangad ay magkamal ng salapi at hindi pagmamahal.
:mga babaeng nasa impluwensya ng droga at pinatay ang asawa sa walang malamang dahilan.
:ATBP
:) just putting my 2 cents, bhoyet!
@Kosa
TumugonBurahinsalamat kosa... well, gusto ko lang din magpaalala na khit papano bigyan natin sila ng halaga... :)
@Mike Avenue
yey! salamat sa komento...
nakuha ko ang punto mo...tama ka hindi lahat ng babae ay ganito at katulad nga ng sinabi ni tsariba "ibibida mo na nga lang kaming mga kababaibahan sa paraang api pa kami"...yung iba hindi naman api at iba jan talagang palaban...yung iba naman nasobrahan na ata...
...pero gusto ko sana magsilbi lang itong paalala sa lahat at hindi hinangad na siraan ang sinuman... at sana hindi ito magsilbing tunggalian ng kalalakihan at kababaihan...
pero sa palagay ko hindi yata babae ang mga tinukoy mo... maaaring babae sila sa pisikal na kaanyuhan at ilang aspeto ngunit babae nga ba silang maituturing kung sila ay:
":makikita mong nagtotong-its lang kapag wala ang asawa.
:pinababayaan sa kalye ang mga anak habang nakikipagtsismisan sa kapitbahay
:mga babaeng nagpapa-abort;
:mga asawang nangangaliwa habang nasa Saudi si MIster at nagtitiis ng hirap
:mga babaeng nagsusuot ng malaswang damit at naglalagay ng makapal na kolorete sa mukha para mapansin lang at mang-akit para sumira ng isang pamilya
:mga babaeng nakaupo sa gobyerno na daig pa ang buwaya sa ganid sa salapi
:mga babaeng sadyang tumutukso sa ibang relasyon para sa sariling kapakanan
:mga babaeng social climber na ang hangad ay magkamal ng salapi at hindi pagmamahal.
:mga babaeng nasa impluwensya ng droga at pinatay ang asawa sa walang malamang dahilan.
:ATBP"?
^_^
awoooohh..mabuhay ang nagsulat nito..hehe :D
TumugonBurahinwow..i kinda like this ha..
TumugonBurahinat tsaka sa lahat ng babae talaga..hindi lamang ke grasya..aheks..
isang masigabong palakpakan na naman para ke superG!!!..
nalate ako masyado sa pagcomment..hmmpff..
"sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban..."
TumugonBurahincno mahina?ahehe chorva...
@mon parang may galit ka sa babae wah?ahehe
lahat ng bagay may dahilan...yun lang ahaha
sg gawa ka pa maraming ganito..ipromote ang mga kababaihan!hahaha
SALAMAT..PERO ANG MASASABI KO LNG..
TumugonBurahinHNDE KAME MAHINA...AAAAAAAAAMPPPPPP..
ANU BA SUKATAN MO NG LAKAS??/ TOINKSZ..=))
I love you na talaga Super G!
TumugonBurahin@SuperG:
TumugonBurahin:)
That's reality! Babae pa rin sila.
@pugadmaya
TumugonBurahinaheks...salamat...at buhay pa talaga ako..aheks...juks..salamat sa pagdaan... :)
@vanvan
ok lng naman ang malate..aheks...basta hmabol ayuz na ayuz.. :)
@azul
sino si mon?...aheks... naku baka mag-alburuto na ang mga pogi... :)
@Gelene
mahina naman talaga kayo eh..aminin nyo na... sige nga suntukan tayo... ahahaha, biro lang... pero sabi nga ni Gelene, inde nga kayo mahina lalo na dun sa na naiisip nya...ahahaha...kung anu man yun, yun na yun...aheks...
@Prinsesang Palaka
huwaw! salamat... :)
@Mike
tama..yun ang realidad...
ngunit realidad na may mga kababaihang inaabuso..realidad din na may mga kababaihang hindi pinahahalagahan...
...aheks, alam kong one-sided ang entry na ito...at may mga pagkakataon na hindi nito masasaklaw ang ilang sitwasyon...maraming aalmang mga kalalakihan dahil sa imahe ng nila na aking inilarawan...
...pero katulad ng sinabi ko na sana magsilbi lang itong paalala sa lahat (babae man o lalaki) na maging responsable sa bawat isa at sana hindi din ito magsilbing tunggalian ng kalalakihan at kababaihan...hindi ako feminsita... lalaki ako, wag kang mag-alala... :D
wow! naks naman superG.. touched ako dun ahh.. astig naman ng letter mu..
TumugonBurahinsoon, guys will end up realizing our worth.. we shouldn't have taken for granted..
minsan kxe pag alam ni lalake na sobrang mahal namin sila, nagsisimula na ung paglake ng ulo nila, sasaktan na nila kame, un bang babalewalain na then suddenly bigla nlng iiwan.. eto namang c babae, harap harapan na ngang niloloko ni lalake, habol pa ng habol..
hayz, madami kxe akong nakikitang scenariong ganyan.. at naiinis ako sa mga babaeng martir..
dapat nga suklian pa nila ung pagmamahal, pag-aalaga, pagkalinga na binibigay namin sa kanila.. well, hindi naman kame humihingi ng kapalit, ung mahalin at alagaan lang kame, masaya na kame dun...
dapat tlga sa mga babae, minamahal, hindi sinasaktan! ayt...
osige superG sagutin mo yung tanong mo.. babae ba ang female? hehehe.. ;p
TumugonBurahinsuperG@Mike Avenue
yey! salamat sa komento...
nakuha ko ang punto mo...tama ka hindi lahat ng babae ay ganito at katulad nga ng sinabi ni tsariba "ibibida mo na nga lang kaming mga kababaibahan sa paraang api pa kami"...yung iba hindi naman api at iba jan talagang palaban...yung iba naman nasobrahan na ata...
...pero gusto ko sana magsilbi lang itong paalala sa lahat at hindi hinangad na siraan ang sinuman... at sana hindi ito magsilbing tunggalian ng kalalakihan at kababaihan...
pero sa palagay ko hindi yata babae ang mga tinukoy mo... maaaring babae sila sa pisikal na kaanyuhan at ilang aspeto ngunit babae nga ba silang maituturing kung sila ay:
":makikita mong nagtotong-its lang kapag wala ang asawa.
:pinababayaan sa kalye ang mga anak habang nakikipagtsismisan sa kapitbahay
:mga babaeng nagpapa-abort;
:mga asawang nangangaliwa habang nasa Saudi si MIster at nagtitiis ng hirap
:mga babaeng nagsusuot ng malaswang damit at naglalagay ng makapal na kolorete sa mukha para mapansin lang at mang-akit para sumira ng isang pamilya
:mga babaeng nakaupo sa gobyerno na daig pa ang buwaya sa ganid sa salapi
:mga babaeng sadyang tumutukso sa ibang relasyon para sa sariling kapakanan
:mga babaeng social climber na ang hangad ay magkamal ng salapi at hindi pagmamahal.
:mga babaeng nasa impluwensya ng droga at pinatay ang asawa sa walang malamang dahilan.
:ATBP"?
-BABAE pa din sila superG
;p
@a i s a :)
TumugonBurahinaheks...walang anuman... salamat din pla sa pagdaan... ^_^
@tsariba
babae nga ba ang female? inde pa kasi ako sure...isipin ko pa... ahahaha...
at inulit ulit...aheks... uu nga babae sila, yun ang realidad eh...ulit ko din reply ko...aheks... :D
"ngunit realidad din na may mga kababaihang inaabuso..realidad din na may mga kababaihang hindi pinahahalagahan...
...aheks, alam kong one-sided ang entry na ito...at may mga pagkakataon na hindi nito masasaklaw ang ilang sitwasyon...marami ding aalmang mga kalalakihan dahil sa imahe ng nila na aking inilarawan...
...pero katulad ng sinabi ko na sana magsilbi lang itong paalala sa lahat (babae man o lalaki) na maging responsable sa bawat isa at sana hindi din ito magsilbing tunggalian ng kalalakihan at kababaihan...hindi ako feminsita... lalaki ako, wag kang mag-alala... :D" ^_^
hindi ako feminsita... lalaki ako, wag kang mag-alala... :D" ^_^
TumugonBurahin-wahaha oi wala ko sinabing bading ka ha! lolz
bigla tuloy ako kinabahan baka gulpihin nalang ako bigla ng mga mama dyan sa tabi-tabi kapag nabasa ang post mo wahahaha *knocking on keyboard
@tsariba
TumugonBurahinoi wala din naman akong sinsabing bading ako... ahahaha... :P
hindi ka nun gugulpihin...sasabunutan ka nun...echos!.... ahahaha!
baka mabatukan na ako nito... ahahaha!
SUPER g, SALAMAT HA SA POST NA TO,KAHANGA HANGA TALAGA ANG MGA BABAE!!AT SA LAHAT NANG GURLALO!!LETS ROCK AND ROLL!!
TumugonBurahinHi Friend.. Interesting post.. Nice blog.. Keep up the good work.. Do find time to visit my blog and post your comments.. Take care.. Cheers mate!!!
TumugonBurahin@Amor
TumugonBurahinyeah...go girls...roll and roll..lol!
@sparkzspot
thank you!
Hindi na rin nakatiis lolzzz...
TumugonBurahinDapat nga pre naging specific ka sa kung ano ang gusto mong iparating...hindi kasi lahat ng babae ganyan.. at ewan kung ano ang dapat hangaan sa sinasapak at iniwan na asawa, kasi di nman natin alam ang dahilan ni lalake...
well sa isang punto dapat hangaan dahil sa kabila ng sakit na dinulot ni lalake eh anjan pa rin sya at nagmamahal...pero sa kabilang punto natanong na ba natin sa sarili natin kung anong dahilan at iniwan ka ng partner mo o sinapak? ...
ayun
TumugonBurahinkahit na iniisip ko pa kung babae ba ako..joke..
agree ako sa mga sinabi mo
tamang tamang tama lang..hehe
nakakarelate ako..
superb.hehe
salamat sa iyong pag-appreciate sa essence ng kababaihan!
its better to be l8 dan never ang drama q...hehehe
TumugonBurahinenweiz,,
wow galing dapat laht ng lalake katulad mo....pwa wla ng iiyak.hehe
kaming mga babae e ginagalang at minamahal...ayt :P
@Lord CM
TumugonBurahinyup tama ka...hindi nga lahat ng babae ay katulad ng inilirawan ko... pero hindi naman din mali na sila ay dapat din pahalagahan...
"at ewan kung ano ang dapat hangaan sa sinasapak at iniwan na asawa, kasi di nman natin alam ang dahilan ni lalake..."
sinagot mo ito, ito ang sinabi mo na dapata hangaan:
"well sa isang punto dapat hangaan dahil sa kabila ng sakit na dinulot ni lalake eh anjan pa rin sya at nagmamahal..."
"pero sa kabilang punto natanong na ba natin sa sarili natin kung anong dahilan at iniwan ka ng partner mo o sinapak? ..."
...sa kahit anu mangdahilan, mangaliwa man yan o kahit anu man...mali pa din siguro na sapakin o saktan natin sila di ba?...kaso nga tao tayo, posibleng sa bugso ng dadamin at galit ay makasakit nga tayo... ngunit kahit saan man hindi tlaga tama ang manakit sa babae man o lalaki... :)
@jEn
walang anuman...gusto ko lang din ibahagi ang isang parte ng katotohanan sa maraming uri ng relasyon... ^_^
@fula
yey! salamat... pagmadaming katulad ko...madami ng pogi... pero mukhang maganda nga iyon...juks..aheks...
...pero ang totoo naman niyan ay mahal naman naming kyong mga babae :D...
Huwaaa! late na ko dito Idol!
TumugonBurahinSencia na kinda busy busyhan...
haaaay. mapa babae o lalake, pareho lang yan. May mang-aapi minsan at meron din nag papa-api...
haaay buhay! =)
Alay mo ba ito sa International Women's Day? Naalala ko ung song ni Susan Fernandez na 'Babae Ka':
TumugonBurahinBabae ka.
Kalahati ka ng buhay
Kung ikaw kaya’y wala saan ang buhay ipupunla?
...Harapin mo, buksan mo
Ibangon ang iyong pagkatao.
naku dapat totoo yang pagpapahalaga mo sa mga babae ha... baka mamaya pag kayo na ni grasya eh gulpe-de gulat ang malasap sayo pag inabot ka ng topak...
TumugonBurahinpero sa tingin ko naman ay isa kang mabuting lalaki at talaga namang mahal mo si grasya :)
ako sa tingin ko, hindi ko deserve ang ganyang appreciation. bad girl kasi ako eh... hehehe!
@ORACLE
TumugonBurahinhayysss..buhay nga naman...aheks... uu nga tama... aheks...oks lng late...nakahabol pa naman eh...
@Nebz
aheks...kelan ba yun inde ko din alam... :)
@enjoy
totoo naman ito... yan tlaga ang gusto ko iparating eh... sa amin naman ng grasya...ayaw ko naman magsalita ng tapos baka subukan ang aking katatagan at hindi ko makayanan, pero alam ko naman na ibibigay Niya yung mga problemang kayang-kaya ko lang... pero sa abot ng aking makakaya gagawin ko ang lahat ng pinangako ko sa Grasya...hindi naman Niya kami pababayaan... at kung si Grasya naman... wala na akong mahihiling pa, "nothing compares"... basta makasama lang sya sa simpleng buhay masaya na din ako nun...
ikaw...bakit naman hindi? sa tingin ko nararamdaman mo yan dahil hindi mo mismo na-aapprecite ang sarili mo...pagnagawa mo yun tsaka mo din mararamdaman na dapat ka naman talaga pahalagahan... :)
isang bonggang bonggang round of applause for you superG! sa pagbibigay halaga at pagbibigay pugay sa mga kababaihan....
TumugonBurahinwala akong masyadong masabi dahil baka pag tinuloy ko pa toh malayo na naman sa putukan ung masabi ko.. lam mo naman medyo malabnaw pa rin ang utak hehehe
huwawwwww naman! Great post! mabuhay ang mga babae! hehehe! babae nga ba ako o binabae? hahahha! oy girl ako no.o sya have a great week super G!
TumugonBurahinwow..behave ako dapat.ahahahaha
TumugonBurahin@~yAnaH~
TumugonBurahinaheks...uu nga...basta..gudluck sau...yaan mo sama kka sa mga prayers ko kasama din ang iyong mga kids... :)
@Anney
aheks...basta mabuhay kayong lahat... :D
@taympers
uu behave muna..sila muna bida...aheks...salamat sa pagdalaw.. :)
nagrag pa. maya na ako magbabasa. :)
TumugonBurahin"ikaw...bakit naman hindi? sa tingin ko nararamdaman mo yan dahil hindi mo mismo na-aapprecite ang sarili mo...pagnagawa mo yun tsaka mo din mararamdaman na dapat ka naman talaga pahalagahan..."
TumugonBurahinayun oh!!! talagang dapat ganun ang banat. ahaha! mukhang hindi nga superG... shet! may angst! toinks! :D
@josh
TumugonBurahinaheks..ayuz lng...cge balik lang.. ;)
@enjoy
ahehehe...basta basta...mabait ka naman siguro eh... :D
ang lalaki ay hindi nabubuhay sa mundong ibabaw kung wala si babae. ganundin sa babae syemps.
TumugonBurahinbawa't isa ay may kanya kanyang strength and weaknesses. may kanya kanya tayong role sa buhay, hindi dapa't nakikipagkompetensya sa buhay bagkus nagtutulungan
Happy women's month! Sana marealize ng lahat ng babae ang kanyang halaga bilang tao, asawa, karelasyon, magulang, kapatid, anak, kaibigan, propesyunal, manggagawa...! Mabuhay ang mga kababaihan!
TumugonBurahinSalamat sa iyong pagpapahalaga sa mga kababaihan, mabuhay ka! : )
TumugonBurahin@Emz
TumugonBurahininde ko alam kelan ang buwan na iyon..basta para sa inyo yan...aheks.. ;)
mga lalaki talagang manloloko. wala naman ibang ginawa ang asawa nila kundi mahalin sila ng buong buo tapos ganon pa ang igaganti nila.
TumugonBurahin