Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2008

Tag Fever

Maraming salamat kina Arah , BB. Alindogan at ♥GEnYZe♥ sa pagsangkot sa akin sa Tag Fever na ito... ....ito na rin ay magsisilbing isang munting pagkakataon pra magpakilala ng bahagya si Super Gulaman .... -----------start copy here--------- 1. Link to the person who tagged you (see above). 2. Post the rules on your blog (this is what you are now reading) 3. Write 6 random things about yourself (see below). 4. Tag 6 people at the end of your post and link to them (This is only a game) 5. Let each person know they have been tagged and leave a comment on their blog 6. Let the tagger know when your entry is up. -------end copy------ 6 Random Things About Me 1. Walang koneksyon ang tunay kong pangalan sa mga nicknames ko. Bihira akong tawagin sa totoo kong pangalan. Madami akong nicknames bukod sa mga alias ko sa internet (e.g. Super Gulaman, Matsuo Masahiro, Sasuke). Ang aking mga nicknames ay bhoyet, yet, yetbo at corr. 2. Marunong akong mag-chess....mag-isa. 3. Mat...

...world peace...

...bilang tugon kay BB. Alindogan sa kanyang katanungan ukol sa "World Peace", narito na naman po ang isang post na maaaring magpabago ng inyong pananaw sa mundo... ...matapos akong makipagbuno sa aking mga tanikala(*), agad kong binasa ang mga komento sa aking nakalipas na post...hindi ko inaaasahan na may magtatanong ukol sa "world peace"...ang totoo nyan, matagal ko na itong tanong sa aking sarili...ngunit maging ang kabilang ako ay umiiling lamang sa mga bagay na ito...ang sabi nya, "dati-rati ang problema mo lng ay ang iyong buhay, bkit ngayon pati problema ng mundo gusto mong pasanin"...at dahil tanong din pla ito ni BB. ALindogan, aking napagtanto na may mga ilang tao din pla ang namromroblema tulad nito, so share-share kmi sa pamromroblema...ahehehe.. ...tinigilan ko na ang pag-iisip, pasado alas kwatro na, kailangan ko na ang umuwi...sa jeep, mukhang lahat ng tao ay nagmamadali..uwian na, pero bakit prang may hinahabol sila... si manong driv...

...payat, mataba, masaya, malungkot.....

...love is in the air...mmmmmhhhh, majority ng mga blogs na aking napasyalan ay madalas ukol sa pag-ibig ang tema..hindi ko mawari kung bkit sila nahahawa...February na ba at usapang puso ang gustong ikwento? or tunay nga kayang nagiging matagumpay na si Super Gulaman sa pagpapalaganap ng pag-ibig?.... ...bahagya nating puputulin ang ating pagpapantasya, dumako nmn tayo sa usapang pangkalusugan na may koneksyon sa ating damdamin...payat ka ba o mataba? malungkot ka ba o masaya? ayon kay angel at sa mga reader's digest na aking nadaanan, "ang pagtawa daw at pagiging masaya ay nakakapagpabawas ng timbang"...weee..ayaw mo maniwala? cge ito ang ebidensya: (* pindot ka dito *)...ang sabi din sa artikulong iyan, nkakatulong din daw ito sa pagbabawas ng stress level...wow, kaya pla ung mga laughing trip na baliw ay hindi na stre-stress... ...at bilang isang math major, nag-isip ako ng theory na walng kwenta...if a=b, then b=a...samakatuwid, if baliw = payat, then payat = bal...

...i love you...

Paglilinaw: Si Supergulaman ay isa n ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig kung kya huwag po nating isipin na corni ang susunod na ating mababasa dahil sigurado ako na nakadama ka na din ng pag-ibig. "I love you"... isa itong napakagandang grupo ng mga salita...oo tama! tatlong salita lng yan ngunit masasabi natin na isa syang kumpletong pangungusap (*meron yang tuldok sa dulo, imaginary nga lng*)..kumpletong pangungusap na mayroong simuno at panaguri (*subject & predicate in english)..ngunit sa di ko malamang dahilan o kaya'y maaaring dulot na din ng makabagong teknolohiya..ang magandang mga salita na yan ay nababago na... dahil sa mga shortcut sa txt at mga pa-cute sa chat..ang dating "I love you" ay nagiging...lubshu, mwabshu, ilabu..at iba pa.. ..ngunit kung sabagay noon pa man marami na din itong naging itsura...tulad ng 1-4-3 na noong una ay inakala kong numero sa lotto....ang "I heart you", na hindi ko pa din ma-gets hanggang ngaun ...

...tagapagpalaganap ng pag-ibig...

"Pag-ibig?...lintik na pag-ibig yan, kapag nagutom ba kayo mapapakain kayo nyan?"... isa yan sa mga sermon ng mga magulang na naririnig ko s mga kabataang nagpipinto ng mag-asawa...pero.... "Pag-ibig.... bakit ka mangungupahan pa kung kaya naman magkabahay na!"... ahehehe...hindi b tama?...maaari ngang hindi ka mapakain ng pag-ibig, pero ang magkabahay ay posible.... ...ngunit tunay ngang ang pag-ibig na wagas ay maaring hindi lng magbigay ng "bahay" kagaya ng sinabi ng patalastas na iyon bagkus isang "masayang tahanan" (*seryoso bigla*)... tama! mga kapatid sa pananampalataya, ang inyong kapatid na si Super Gulaman ay isa na ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig (*hindi sa sensored na iniisip mo*)... gusto kong ibahagi ang masayang pakiramdam na dulot na pagmamahal...kung kya narito ang mga ilang video montage na ang tema ay pag-ibig... sa mga in-love, halina't sumabay sa pagkanta at sariwain ang alaala ng inyong mga mahal....sa mga...

Ako'y Tinag/Nitag (*Propagating Friendship Award*)

----start copy here----- Thanks to Marvierhose and Kaye for this great Award I love the blogs of these people and I'm glad to pass this award onto them! All they need to do is to leave the following message on their post when they pass the award on to their chosen eight bloggers. They all are charmed with the blogs, where in the majority of its aims are to show the marvels and to do friendship; there are persons who are not interested when we give them a prize and then they help to cut these bows; do we want that they are cut or that they propagate? Then let's try to give more attention to them! So with this prize we must deliver it to 8 bloggers that in turn must make the same thing and put this text. I'm passing this award to: ----end copy----- Binibining Alindogan ♥~♥StylishchiicQ♥~♥ HONIE'S CONFESSION Kwento ni Enday Damuhan: Blog ng Pinoy. Tambayan ng PInoy tiraDoR ng KatoL insideofme Reality Mining

...usapang buhay...

...anu nga ba ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay?..oo tama! bakit tayo nilikha?..bkit tayo sumasaya? bkit tayo nalulungkot? bkit tayo nagmamahal? bkit tayo nasasaktan?... maaring ang iba sa inyo hindi din lubos maunawan kung bkit ko tinatanong ang mga ito... ang totoo nyan, kahit ako din hindi ko alm ang dahilan... ...ang sabi nila, ang tao ay nilikha dahil may tungkulin syang dpat gampanan d2 sa mundo ayon sa itinakda ng Maylikha... itinakda? gampanan? tungkulin?... ...madami tlaga akong tanong sa buhay...ang karamihan dito ay walang sagot...ay mali pa..lahat pla kasi ng klase ng tanong ay may sagot...un nga lang hindi mo malalaman kung ang mga sagot n ito ay tama o mali...natulala na nmn ako sa monitor ko ngaun, hinahanap ang mga sagot sa mga katanungan ito...wala akong mapagtanungan kundi ang sarili ko...at muli kinausap ko sya khit na nag-aala na ang sagot nya ay mali...pero cgurado ako na sasagutin nya lahat ng tanong ko... ...hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa..tinanong ...

..."usapang kadiri (Part 2)"...

...aking po pinasasalamatan si Binibining Alindogan sa muli nyang pagtalakay at pagbibigay buhay sa issue ng mga bagay na kadiri na akin din tinalakay noon ...kung kya bilang dagdag sa ating kaalaman at isipin narito na nmn pong muli ang ating ..."usapang kadiri (Part 2)"... ...tunay ngang madami ng kagimbal-gimbal na karahasan at mga kadiring bagay ang nagaganap sa ating lipunan..kabilang na nga dito ang tinalakay ni Bb. Alindogan tungkol sa pagtatalik ng kapwa babae sa babae habang sila ay kumakain ng kanilang dumi (*tae*) (*search nyo na lng sa youtube.com : TWO GIRLS AND ONE CUP VIDEO*) at ang patayan sa indonesia (* POSO *)...madami sa atin ang hindi lubusan nauunawaan ang ganitong gawain... ang iba sa inyo ay nasusuka na sa mga kadiring bagay na ito ngunit maaari ding ang iba sa inyo ay nagtatanong kung bakit nila naisipang gawin yun (*ang pagkain ng tae at ang pagpatay ng kung sinu lang)... ...ang totoo nyan, inde ko din mawari kung anu ang "tama" ng mg...

...magdasal daw twing umaga sabi ng grasya...

..isang mapagpalayang umaga sa inyong lahat...wla pa akong maisip na bagong entry na maibabahagi sa inyo...tulog pa ang aking diwa...ngunit pasasaan din magkakaraon din ito ng laman... Kung kaya bago natin simulan ang magandang umaga...halina't magdasal sa Poong Maylikha.... ang susunod na panalangin na aking ibabahagi ay base sa pananaw ng Math Major... (*hindi akin ito, pinakabisado lang sa amin ito nun college kami*)... Prayer in Mathematics -Anonymous Lord teach me to number my days And Graph them according to Your ways Trusting you to base me in Your plan To complement Your perfect diagram Subtract the points You don’t want for me But add the values You set from me Divide the dividends I possess accordingly So I can multiply them systematically Draw the lines I have to follow Guiding me properly of Your arrow Because sometimes I tend to be irrational Yet all the while You want to be rational Well, I learn that life is like a slope With ascents and descent...

...pangpasaya...

Note: Ang inyong matutunghayan ay isang math joke ngunit wa lang dapat ikabahala ang mga taong ayaw at takot sa Math., hindi ito nakakapagpadugo ng ilong at nakakasira ng utak. Ang kwentong ito ay mula sa aking kaklase na si Mark A. a.k.a. "Poklong". Hindi ko alam kung saan nya ito nakuha ngunit masaya ako na ibahagi din ito sa inyo. May mga parteng sadyang binago sa kwento upang kunwari meron din akong "originality"... Merong isang mayamang lalaki na nahihilig sa pagbili ng iba't ibang klaseng sasakyan. At dahil sa sobrang hilig nya dito, nauubusan na sya ng parking space sa kanyang bahay. Sa katunayan, bumili ang lalaking ito ng isang bagong 4 x 4 na sasakayan (*ito ung mga 4-wheel drive na sasakyan na kadalasan ay may nakasulat n 4x4 sagilid nito*). Maganda ang kulay nitong dilaw. At sa kadahilanang wla na syang parking space, naisipan nya na lng na iparada ito sa harapan ng kanyang bahay. Makalipas ang buong magdamag, nagulat sya sa nangyari sa kanyan...

...lilok...

Disclaimer: Ang susunod na inyong matutunghayan ay base sa kathang isip ng may-akda. Ano mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Ang kwentong ito ay handog sa mga kababaihang naging biktima ng karahasan. Ako si Marie... tubong Paete, Laguna. oo nga pla, ito naman ang kapatid ko, si Lita.. Dalawa lang kaming magkapatid kung kaya labis ko syang minamahal at khit kailan hinding-hindi ko sya pababayaan. Natatandaan ko pa noong mga nasa ika-anim na gulang pa lang ako at si Lita naman ay apat na taon na din noon, palagi kaming pinapasyal ni Itay at Inay sa dagat. Doon masaya kaming nag-pipicnic. Gustong-gusto ko ang dagat..malamig ang hangin, mainit ang tubig, sing-init ng pagmamahal ng aking pamilya..Simple lang ang buhay namin noon, pero khit papano masaya naman kmi. Khit wla kaming gaanong laruan noon, nakakasya na kming maglaro ng mga papel na ginupit-gupit. Si Itay simpleng trabahador lang ng isang sikat na iskultor na si Mang Kad...

...kulay...

...kulay... "wat es yur peborit kulor?...my paboret kulor es penk... ekaw?"...aheks, yan ung sabi ni inday habang kinakausap nya ung alaga nyang baby... hinde ko lang kung naiintindihan sya ng batang kausap nya...ang totoo nyan hindi ako nag-alala n hindi sya maintindihan dahil sa sobrang bata pa ung kausap nya, nag-alala lng ako kc blonde ang color ng hair ni kid...sa tantsa ko wla pang 4 years old ang bata...pero in-fairness..slang c kid..."i like the blue yaya"... mmmhhhh....ayus bata pa lng si kid blondie meron n syang favorite color... ....habang napapangiti ako sa kanilang "talakayan" (*ehehehe mas feel kong gamitin itong term n ito, kya wag ka ng kumontra*)...naisip ko lng kung anung edad ako nagkaroon ng favorite color.... nag-isip ako ng matindi... isip ....isip ...isip... naglakad habang nakatingalang nag-iisip... mmmhhhh....uy, malambot ito eh....shit! tae to!... naghanap ako ng buhangin sa paligid..pero wla... katatapos lng kaya ng ulan......

..ang tunay na siga...

...noong bata pa ako nakatira kami sa isang exclusive village...pero hindi ito gaya ng inaakala ninyo, hindi kmi mayaman...nangungupahan lang kami sa isang maliit na barong-barong sa loob ng village... siguro mga 15 years din kami dun tumagal, kung baga dito ini-spend ang aking pagkabata... sa village na yun marami din naman akong kaibigan, pero lahat sila de-kalibre...lahat may sinabi sa buhay, lahat mayayaman...sila ung mga nasa class A na pamilya..at kami syempre nasa class D or baka nga class E pa...pero kahit ganun man, wala akong naalalang issue ng discrimination mula sa mga kababata ko...masaya kami ng tropa ko, pero minsan may away din..mga bata kasi eh... ...sa loob ng village meron kaming tinatawag na hide-out, madalas dito kami tumatambay..naglalaro, kwentuhan, kumakain, kulitan, asaran, sapakan...ahehehe.... ang hide-out nmin na ito ay isang abandonadong bahay sa loob ng village...malaki yung bahay na iyon, kumpleto...pero sira-sira na iyon tapos wasak pa ang ibang parte ...

..siga o adik...

... naranasan nyo na bang makipag-usap sa sarili nyo?...ang makipagtalo sa sarili?...ung tipong gusto mong gawin pero ayaw mo...ito ung pagkakataon n nahihirapan kang magdesisyon sa mga bagay-bagay... naranasan mo n din ba ang makipaglaro sa sarili?...ung iba sa inyo, hindi ko alm kung nagawa n ito...pero noong bata pa tayo as in noong isang uhuging musmos pa lamang tayo nahihihilig tayo sa mga toy cars, robots, baril barilan...kung babae ka nmn mahilig k sa mga paper dolls, kitchen set toys.... at khit mag isa ka, enjoy na enjoy ka sa paglalaro... ...ngaun medyo may edad na tayo (*hindi ito nangangahulugan n matanda na tayo)...i mean ngaun nsa wastong gulang at isipan na tayo, nakukuha nyo pa bang maglaro mag-isa?...kaya mo bang magsarili? (*waa bastos na iniisip mo)...ang ibig kong sabihin, magsariling maglaro..(*waaa, bastos p din ang dating)...cge pra maayos, sabihin nting maglibang mag-isa...(*whew, ayan ok n cguro ang term)...ahehehe... pero ang totoo, mahirap tlagang maglibang...

...uri ng mundo....

...mundo (*world)...sabi sa isang commercial sa TV..."bilog ang mundo"...bilog nga ba?...ang sabi kc nung teacher ko nung elemetary pa ako, hindi daw tlaga bilog ang mundo...ang sabi nya elliptical daw na mejo nakatagilid (*tilted ng bahagya)...hindi ko alm kung totoo un o binobola lng ako ng teacher ko nun at parang nakuha nya lng un sa chizmis... pero sa bagay wala nmn talagang perpektong bilog.... na khit gaano ka pa kagaling sa pagguhit ng bilog hindi pa din sya magiging perpekto...gumamit k man ng computer or khit anung makina sa pagguhit ng bilog hindi sya perpekto tulad ng inaakala natin... noong nsa highschool pa tayo alam natin na ang value ng pi ay 3.1415926535......(*basta marami pang numbers ung susunod dyan)... (patuloy lang po ntin ang pagbabasa, wag po tayong matakot sa math)...so un na nga, ang pi ay ratio ng diameter at circumference ng bilog...at sa kadahilanang ang diameter at circumference ay parte ng bilog marapat lamang na akma at merong syang nagiisa...

..time for sale...

.."time is gold"...familiar?..yup...yan kc ung mga motto ng mga classmate ko nung elementary p lng ako...siguro lagpas kalahati sa amin noon ang may motto na ganyan...pero syempre hindi ko motto yan...iba trip ko sa kanila...time is gold, ang oras ay ginto?....mmhhh hindi ko pa din gets kung paanong naging ginto ang oras?...noon, tinanong ko na din ito sa teacher ko...ang sabi nya sa akin.."ang oras ay ginto dahil ito ay mahalaga, di ba ang ginto ay isang napakahalagang bagay?"... ei kaso bata pa ako nun, hindi na ako pumalag sa sabi ni teacher.. ...lumipas ang panahon, hanggang ngaun problema ko pa din ang mottong iyan..."time is gold"... hindi ko kc kilala ung nagsabi nyan ang bkit ginawa nyang ginto ang oras...cguro mas ayuz pa kung sinabi nya na "time is like gold"...ang totoo nyan hindi naman ako salunggat sa mga katagang "time is gold"... pero kung iisipin ntin..saan lng ba cla nagkapareho?...oo nga parehong ang ginto at oras ay...

...kape sa tanghali...

Note: Ang inyong matunghahayan na sulatin ay aking ginawa habang nagkakape sa tanghaling tapat. Walng bahagi ng mga susunod na pangungusap at parirala ang may koneksyon sa kape. ...malungkot ang paligid ngaun...hindi ko alm kung saan nanggagaling ang ganoong pakiramdam...sa init ba ito ng araw sa labas?...o bka nmn sa playlist ko ngaun?.."blues" kc ung trip kong music ngaun... hindi nmn din ito epekto ng task ko...pero bkit ganun?... nakausap ko nmn ang aking Grasya ngaun araw na ito...pero bkit ang lungkot?..hindi kya dahil sa sinabi nyang namimis nya ako ng sobra... o baka nmn dahil mas sobrang namimis ko sya... matatagal-tagal n din n hindi ko sya nakikita...pero khit anu pa man, lagi ko nmn sya kasama...nand2 sa isipan at sa aking puso... 1 missed call, 2 missed calls, 3 missed calls...waaaaa...sobrang mis ko na nga sya... oo nga, baka epekto din ito kc ng hobby ko...ang mag-isip ng kung anu-anu... totoong mahirap ang kalagayan ko ngaun...mahirap ang laging nag-iisa....

...wala...

..ilang araw na din na wala akong blog entry..hindi k0 alam kung sadyang tinatamad lng ako, o dahil sa wala tlaga akong mailagay n bagong kalokohan...pero ang totoo nyan masipag tlga ako..masipag akong gumawa ng "wala"..meron din akong mga naiisip n magagandang topic..mga topic n base sa aking imahinasyon at sariling karanasan...ang kaso nga lng, hindi ko cla ma-itype o mailagay d2...mas gusto ko kc ang tumunganga at mag-isip n lng...kya hanggang ngaun hindi ko pa din alm kung saan tutungo ang blog entry kong ito...ang totoo nga nyan wla pa itong title...mmya pa cguro pag naisipan ko n itong tapusin... madalas lagi akong nakatanga..wag nmn ung nakatanga, ang pangit eh... palitan natin ung term,...sabihin n lng ntin "ang gumawa ng wla"...ayun d b mejo ok?...pero iniisip ko din ito kaninang umaga...paano nga ba gumawa ng "wala"... kung naalala nyo or mahilig kayong magbasa ng mga libro ni pareng Bob Ong...ito ung trabaho ni Ulang..."ang gumawa ng wala...

..isang madugong labanan...

...alas siete n ng gabi, binuksan ko ang aking monitor...wla nmn tlaga akong gagawin, gusto ko lng tignan kung anu ang nangyayari sa himpapawid...wla nmn bago, ganun pa din...wla nmn kasamaan akong nahagilap... makalipas ang tatlumpung minuto pinatay ko n din ang monitor... ..handa na akong magpahinga ng oras na iyon ng biglang lumitaw si "EKIS"..tama c EKIS nga...sya ang aking matagal ng kaaway...mahigit n sa sampung taon akong nakkipaglaban sa kanya...may mga pagkakataon n natatalo nya ako...pero madalas lagi kong nagagapi ang kanyang kabuktutan... ...galit c EKIS nung oras na iyon..gustong makipaglaban...it's another job for Super Gulaman...tenenen..tenenen...tenen!... nag-change costume na ako..handa na din akong lumaban... pero iba na ang diskarte ngaun ni EKIS...bigla syang nag-kagenbunshin (*)...ayun dumami na nga sya...hindi lng dalawa, hindi tatlo..kundi apat na EKIS...saglit pa, pinagsasama-sama nya ang kapangyarihan iyon at nsa ika-apat n level n sya ng kan...