Lumaktaw sa pangunahing content

..time for sale...

.."time is gold"...familiar?..yup...yan kc ung mga motto ng mga classmate ko nung elementary p lng ako...siguro lagpas kalahati sa amin noon ang may motto na ganyan...pero syempre hindi ko motto yan...iba trip ko sa kanila...time is gold, ang oras ay ginto?....mmhhh hindi ko pa din gets kung paanong naging ginto ang oras?...noon, tinanong ko na din ito sa teacher ko...ang sabi nya sa akin.."ang oras ay ginto dahil ito ay mahalaga, di ba ang ginto ay isang napakahalagang bagay?"... ei kaso bata pa ako nun, hindi na ako pumalag sa sabi ni teacher..

...lumipas ang panahon, hanggang ngaun problema ko pa din ang mottong iyan..."time is gold"... hindi ko kc kilala ung nagsabi nyan ang bkit ginawa nyang ginto ang oras...cguro mas ayuz pa kung sinabi nya na "time is like gold"...ang totoo nyan hindi naman ako salunggat sa mga katagang "time is gold"... pero kung iisipin ntin..saan lng ba cla nagkapareho?...oo nga parehong ang ginto at oras ay mahalaga...pero bakit hindi n lng sabihin na "time is diamond"...ayun mahalaga din nmn...at bkit gold pa ang pinili...hindi nmn rhyme ung time sa gold...pareho lng clang 4-letter word...alam ko din na tulad ng ginto pwedeng nakawin ang oras, tulad ngaun..ninakaw ko na ng 5-10 minutes ng oras mo sa pagbabasa lng nito... sabi nila, ang oras na nawala ay hindi na daw maibabalik pa...totoo nga...pero ang ginto, kpag nawala maibabalik pa kaya? sabagay kung ninakaw ang ginto or in-snatch..malamang na hindi na nga bumalik un...totoo din na ang oras ay pd ntin ibenta pra tayo ay mabuhay...at tulad ng ginto pareho cla ng purpose...

...pero bakit time is gold? sabi ni nga teacher, "dahil daw cla ay parehong mahalagang bagay"... bagay??...hindi nmn kumikinang ang oras ha tulad ng sa ginto? ...ang oras ay abstract noun, hindi nakikita, hindi nahahawakan....isa lamang syang idea..pero alam ntin na mahalaga...bka nmn figure of speech lng ito...mmmhhh...cguro...pero isa pa, lahat tayo ay may oras...pero hindi lahat ng tao ay may ginto... kung ang oras ay ginto, bkit o'clock ung ginagamit ntin sa pagbabasa ng orasan at hindi karat..."4:30 karat na, ang TV na" (*alam mo ang palabas na Ang TV twing 4:30 kung ka age-bracket kita)...iba ang dating kapag ang karat ang ginamit at hindi o'clock d b?...

...katulad ng sinabi ko hindi nmn ako disagree sa mottong "time is gold"...gusto ko lang ng isang malinaw na paliwanag kung bakit time = gold...marami akong oras ngaun, ginagamit ko ang mga un sa pagtunganga...gusto ko snang ibenta, bibili ka ba?

Mga Komento

  1. HEwan KO sayu!!harU JusKo!!!
    baSTa anG alam KO laNg do nOt do unTo others what ....Chenes churva chenelYn!!!wahahahah!!!!

    TumugonBurahin
  2. ala ka nag alok ng oras, baka may bumili nga! bwuahahaha! may naisip tuloy ako, kailangan din ng paliwanag ng 'golden rule' pala!

    TumugonBurahin
  3. aww.. prang ala nmn ako naintndhan.. or ang nagtanong nagbasa ba ko..charing.. kse nmn..umpisa plang oras na..naku bsta ako laging late..=)) laging rush..
    ayan sa susunod golden rule na tuloy ipapaliwanag mo :))=))

    TumugonBurahin
  4. ahaha...sa bagay sir...may punto ka...

    di ba nga ang ginto pwede mong isangla???

    well ang oras hindi...pwera na lang kung orasan ang isasangla mo...

    kung ang gusto lang namang sabihin nung taong papansin na nagimbento niyan eh mahalaga ang oras...

    pwede rin naman niyang sabihing...

    Time is Family...
    Time is Air...
    Time is Laptop...
    Time is Water...
    Time is Internet...
    (lahat yun mahalaga)

    Pero ito po sir...may nakita po akong mahalagang bagay galing sa blog ng isang inglesero...

    Time is indeed gold so we have to be as productive and as accomplished as we can be. And we are only productive when we have done things with enjoyment before and after we’ve done them.’ Therefore, I don’t consider it productive when you become burned out after accomplishing a thing.

    source: (http://abstractmind.i.ph/blogs/abstractmind/2008/02/04/time-is-gold/)

    O ano sir..nalinawan na ba???

    ^____^

    TumugonBurahin
  5. mahusay mahusay....ayan mejo naliwanagan ako...totoong ngang ang oras ay ginto...pero hindi sapat ang katangian ng ginto pra ma-idescribe natin ang kahalagahan ng isang bagay..tulad ng oras,pag-ibig, buhay...ilan lng yan sa mga mahahalagang bagay... may mga katangian ang itong hindi kyang pantayan ng kahit anumang bagay n kumikinang...:)...

    next blog topic..."ang apat n uri ng mundo"...:)

    TumugonBurahin
  6. haizzz!!!!naguluhan din ako dun..pero kung ibebenta mo oras mo...HALA!!! katulad ni emz, may naiisip rn ako..hahaha...

    mahalaga ang oras ng bawat tao, kaya kailangan mong pag ingatan na tulad ng ginto...

    gawin mo na kung anong gusto mong gawin at wag mo ng ipagpabukas or ipagmamaya pa (manyana habbit)...dahil baka pagsisihan mo ang isang bagay ng hindi mo agad nagawa..

    ASUS!!!EWAN!!!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...