Lumaktaw sa pangunahing content

...i love you...

Paglilinaw: Si Supergulaman ay isa n ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig kung kya huwag po nating isipin na corni ang susunod na ating mababasa dahil sigurado ako na nakadama ka na din ng pag-ibig.

"I love you"... isa itong napakagandang grupo ng mga salita...oo tama! tatlong salita lng yan ngunit masasabi natin na isa syang kumpletong pangungusap (*meron yang tuldok sa dulo, imaginary nga lng*)..kumpletong pangungusap na mayroong simuno at panaguri (*subject & predicate in english)..ngunit sa di ko malamang dahilan o kaya'y maaaring dulot na din ng makabagong teknolohiya..ang magandang mga salita na yan ay nababago na... dahil sa mga shortcut sa txt at mga pa-cute sa chat..ang dating "I love you" ay nagiging...lubshu, mwabshu, ilabu..at iba pa..

..ngunit kung sabagay noon pa man marami na din itong naging itsura...tulad ng 1-4-3 na noong una ay inakala kong numero sa lotto....ang "I heart you", na hindi ko pa din ma-gets hanggang ngaun (*kung hindi nyo alam yan, manood kc kayo ng mga lumang pelikula*)... tuluyan na nga na nagbabago ang panahon..kasabay nun ang aking pag-alala sa paggamit ng mga salitang iyan... hindi nman ako tutol sa mga modifications na ito... gusto ko lng ay maging responsable tayo sa paggamit nito...pagsinabi nating "I love you"...dapat u mean it tlga..dapat nandun ang buong damdamin, walng alinlangan, "walang hiya" (*i mean.. dont be shy*)... madalas kc pagfresh pa ang pag-ibig kumpleto pa ng tawagan..."i love you mahal"...tpos.."i love you too mahal"...paglipas ng ilang buwan..."love you"..."love you too"...tpos anu na ang susunod..."you" na lng...wla na...

...99% sure ako na ang babasa nito ay bihira na ang magsabi ng buong "i love you"...ngunit wla namng problema dun na sa khit anung paraan pa sabihin ang salitang "i love you"...basta ang importante maging totoo lng tayo sa bawat salita na mamumutawi sa ating mga labi....ito kasi ang sumsimbolo ng ating pagkatao...

..ang totoo nyan...wla sa mga salitang "I love you" ang pagmamahal...wla ito sa mga bagay na nakikita or nasasabi...nasa damdamin na nararamdaman ng puso...

Mga Komento

  1. hihih.. in love ka ba Super Gulaman?? ako, ang lagi kong sinasabi sa mahal ko, "i honestly love you".. :)

    TumugonBurahin
  2. ahehehe....inlababo nmn lagi eh...wow sweet ng tawagan nyo...:)

    akin nmn madalas iba-iba..pero kumpleto... "i love you always, i love so much grace"....yan ung dulo ng txt messages ko lgi, pagna-iba yan..alam nya n hindi ako ung nagtxt...:D

    TumugonBurahin
  3. ahahah..inlav ka nga bhoyetness..
    kita namn everyday eh..
    wahhhhhh...ang sama mo..
    naglulungkot lungkutan tuloy ako sa
    mga nababasa ko syo...2 days na ha...

    nang aasar ka ba????lol

    hayaan mo..maghahanap na ako ulit (parang pwedeng hanapin..heheh)

    namimis ko tuloy si ??????
    ahahah...joke!!!

    TumugonBurahin
  4. I LOVE YOU... Can't even say it. Tama ka Super Gulaman, wala nga sa salitang I LOVE YOU ang tunay na pagmamahal.

    TumugonBurahin
  5. I love you...ahaha.. ako luv you nie eh..o kaya mahal na mahal kita.. sabay sagot sya ng mas mahal n mahal ktia..ahaha..yan mga words na yan nagpapasaya saken araw araw..lols..

    tpos minsan luv you 3..tpos luv u 4 hngang luv u .....prang π alang katapusan..=)) pero sarap pakinggan.. no lalo nga pag galing sa pu......SO.. ahaha..

    TumugonBurahin
  6. I LOVE YOU..sabado pati na rin Linggo hintay ka lang JOLiBEE anjan nko :))
    Panlasang PILIPINO handog Ng JOLLIBEE!!!

    ehehehe..
    mAsarap ang In lOVe...

    Tagapagpalaganap ka na nga...may namimiss ka no??ehehehe

    TumugonBurahin
  7. di ba mas mahirap ngang sabihin ang salitang ILOVEYOU kung totoo yun at bukal sa puso mo...

    kasi more often than not..yung mga taong mahilig magsabi ng ILOVEYOU..sa bandang huli iiwan ka din...

    yun lang...

    TumugonBurahin
  8. ...ahehehe...yan ang gusto kong ipunto Bb. Alindogan...dapat maging responsable tayo sa bawat sasabihin ntin...aanhin mo ang matatamis n salita kung kasinungalingan lng din ang laman...

    ..ngunit sa mga totoong damdamin, wag mahiya..ihayag ang nararamdaman...khit mahirap basta totoo...walng problema dun...:D (*seryosong reply ito*)

    TumugonBurahin
  9. lagi ako sa site mo since nung napadaan ako, pero ngayon ngayon lang talaga ako nakakapagbasa ng matino at hindi yung parang ini-scan lang.

    para kang makata sa mga nabasa ko, ganito ka rin ba magsalita sa personal? hehe

    nag enjoy ako, but i never really said those words pa, sa family oo.
    pero sa iba hindi. pa. sila ang madalas nagsasabi pero hindi ko naririnig, hindi ma-absorb sa loob. na-broken heart ako last week so i have the guts to comment abt love, nyahaha...

    TumugonBurahin
  10. oh well, ngayon na natanong mo, pwede ko ring ibalik sayo. hehe
    pwede nman paganihin ang dalawa ng sabay, pero aminado akong hindi maaaring walang nakahihigit sa dalawa, kung utak ba o puso.

    may na-ssense ang utak na hindi kayang intindihin ng puso. at sa pagkakaalam ko, kung anung pinapagana ng utak yung ang kalalabasan ng puso...

    sana naggets mo ko... malayang magmahal ang tao ganun din ang utak sa kung anu ang iisipin nito.

    pero dahil sa pinapaisip mo ako ng husto --- may i suggest na magsulat ka pa tungkol sa puso, pag-ibig o anu pa. magiging utak nman ang laman ng blog ko...


    deal?


    xiao!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano..

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t