Lumaktaw sa pangunahing content

...world peace...

...bilang tugon kay BB. Alindogan sa kanyang katanungan ukol sa "World Peace", narito na naman po ang isang post na maaaring magpabago ng inyong pananaw sa mundo...

...matapos akong makipagbuno sa aking mga tanikala(*), agad kong binasa ang mga komento sa aking nakalipas na post...hindi ko inaaasahan na may magtatanong ukol sa "world peace"...ang totoo nyan, matagal ko na itong tanong sa aking sarili...ngunit maging ang kabilang ako ay umiiling lamang sa mga bagay na ito...ang sabi nya, "dati-rati ang problema mo lng ay ang iyong buhay, bkit ngayon pati problema ng mundo gusto mong pasanin"...at dahil tanong din pla ito ni BB. ALindogan, aking napagtanto na may mga ilang tao din pla ang namromroblema tulad nito, so share-share kmi sa pamromroblema...ahehehe..

...tinigilan ko na ang pag-iisip, pasado alas kwatro na, kailangan ko na ang umuwi...sa jeep, mukhang lahat ng tao ay nagmamadali..uwian na, pero bakit prang may hinahabol sila... si manong driver, ang bilis magpatakbo ng sasakyan, prang eroplano...nagmumura na ang ibang mga pasahero dahil sa pagging kaskasero ni manong driver, bahagyang binagalan nya ang takbo...ok na, mejo hindi na din ako kabado...sa may stop light, isang motorsiklo ang mahilig sumingit...at sakto dun sa sa likuran ng jeep na aking sinasakyan sya puwesto...maliit n lng ang distansya nya sa aming sasakyan, at alam ko na ang magiging susunod nun...naatrasan sya bilang pwersa ng aming jeep sa pagabante...kinalampag nya ang aming sasakyan ay sumigaw na, "hoy! may tao dito sa likuran mo"...sinisisi nya si manong driver dahil hindi daw ito lumilingon sa likuran...napailing lng ako dahil kung sa likuran titingin si manong driver baka kmi nmn ang maaksidente...bumaliko nga ng bahagya ang motorsiklo ngunit mabuti na lng at hindi sila nagtalo ng matagal at umalis n lng ang bawat isa...

..sa bahay...sakto umabot ako sa news...mmhhh..."tatay pinugutan ng ulo ang 12-taon gulang na anak... melamine sa produkto ng gatas, pinangangambahan!... gabby galit kay mommy rose... sundalo laban sa mga bandido, umiigting!., mga pirata umatake sa somalia.."...ilan lamang ang mga iyan balitang na nagpapakita ng mga malulungkot na pangyayari sa mundo... world peace, posible pa kaya?...

...wala nmn talagang perpektong mundo...sa aking papananaw imposibleng mangyari ito sa ating mundo ngaun..hindi ito magagamot ng anumang relihiyon, ng mga pangako ng mga pulitiko, ng mga strike, ng mga protesta... tama nga cguro si Kat, na dapat gawing relihiyon ang pag-ibig, na khit papano mabawasan ang mga kaguluhang ito...pero sabi ko nga hindi din magiging sagot ang relihiyong ito sa paghahanap ng world peace... bkit? ang mundo ay ginawa ng balanse...may masama, may mabuti...ngunit hindi din nangangahulugan na ang hindi paggawa ng masama ay mabuti, or ang hindi paggawa ng mabuti ay masama... hindi ginawa ang mundo pra maging perpekto ito...ginawa ito upang hubugin ang ating pagkatao sa iniisip nating nararapat...sa palagay ba ninyo kung ang mundo ay puno ng pag-ibig, magkakaroon ba ng world peace...posible pero posible din na hindi...madalas kasi ang pag-ibig ay inuukol natin sa mga bagay na ating pinahahalagahan...Diyos, asawa, kaibigan, pamilya....ung iba pera, kayaman, kapangyarihan, kasikatan...ang pag-ibig na ating ibibigay sa bawat isang yan ay tiyak na makakaapekto pa sa iba pa na ating pinahahalagahan...sabi nga ganun daw tlaga.. "balace of nature"...hindi pwedeng lahat maganda, meron din mga pangyayari na pangit...pero ang mahalaga in-enjoy ntin ang buhay...

...world peace...pinilit kong itong hanapin sa ibang tao..hindi ko ito nakita..hindi ko din ito nakita sa yaman na meron ako (*wla pla ako nun)...pero teka nasa puso ko yata ito...nasa pagkatao ko...

(*) tanikala: ito ung mga bagay na gumagapos sa ating buhay upang matugunan ang ating mga pangangailangan sa araw-araw. Ito din ang gumagapos sa mga bagay na nais nating pahalagahan. Kinukuha nito ang ating oras at panahon na dapat na ay ating iuukol sa mga bagay na ating ikasasaya at ikasasaya ng iba tulad ng pag-ibig at pamilya.


Mga Komento

  1. ang masasabi ko lang... hay...

    TumugonBurahin
  2. Tingin ko, possible ang world peace kapag ang naging relihiyon ng tao ay LOVE. LOVE na hindi para sa mga makamundong bagay kundi LOVE na magtutulak sa atin gumawa ng mga magagandang bagay. Kapag puno ka ng LOVE sa puso mo hindi ka mananakit. At kapag wala ng nasasaktan, na-achieve na ang WORLD PEACE.

    TumugonBurahin
  3. UU nga...agree ako sa 2nd commentor mo :D

    eh di ba tgapagpalagananp ka na din ng LOVE ?

    TumugonBurahin
  4. graveh sir...napakalalim...

    super thumbs up...

    graveh...

    pagkatapos ko pong basahin di na po akong nakaahon...

    panget din po kung puro love at pag-ibig lang...aba di lalong lumala ang problema sa populasyon dito sa Pinas...mwahaha...

    pero totoo po yun...

    pano natin maapreciate ang maganda kung walang panget...

    pano natin malalaman ang masarap kung walang mapait...

    at higit sa lahat...
    pano natin malalaman ang sense ng kapayapaan at kaligayaha...

    kung walang kaguluhan, kahirapan at kung anu-ano pang negatibong -an...

    pero iba po kasi ang definition ko eh...

    may pag-asa po ang world peace kapag nagpakasal na ako...

    mwahaha...

    isa na naman sa mga pinakapaborito kong pakikipagsapalaran ni Super Gulaman...Idol...

    TumugonBurahin
  5. grabeh kaingget ka..galeng-galeng magtagalog.. :) nice post! ;)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...