Lumaktaw sa pangunahing content

...pangpasaya...

Note: Ang inyong matutunghayan ay isang math joke ngunit walang dapat ikabahala ang mga taong ayaw at takot sa Math., hindi ito nakakapagpadugo ng ilong at nakakasira ng utak. Ang kwentong ito ay mula sa aking kaklase na si Mark A. a.k.a. "Poklong". Hindi ko alam kung saan nya ito nakuha ngunit masaya ako na ibahagi din ito sa inyo. May mga parteng sadyang binago sa kwento upang kunwari meron din akong "originality"...

Merong isang mayamang lalaki na nahihilig sa pagbili ng iba't ibang klaseng sasakyan. At dahil sa sobrang hilig nya dito, nauubusan na sya ng parking space sa kanyang bahay. Sa katunayan, bumili ang lalaking ito ng isang bagong 4 x 4 na sasakayan (*ito ung mga 4-wheel drive na sasakyan na kadalasan ay may nakasulat n 4x4 sagilid nito*). Maganda ang kulay nitong dilaw.



At sa kadahilanang wla na syang parking space, naisipan nya na lng na iparada ito sa harapan ng kanyang bahay. Makalipas ang buong magdamag, nagulat sya sa nangyari sa kanyang sasakyan. Meron itong gasgas gawa ng isang malaking bato. Ginasgasan ito ng isang bata. Ganito ang itsura ng gasgas,


tama!...sinagutang nung bata ang 4 x 4 ng = 16...napakunot ang lalaki kinabukasan at agad nyang pinapinturahan ulit ito. Katulad ng nakagawian, ipinarada nya ulit ito sa tapat ng kanyang bahay...



ngunit kinaumagahan, meron na naman itong gasgas gawa ng batang makulitn at muli ang gasgas na nakasulat ay = 16


...naiinis na ang mayamang lalaki, kung kaya naisipan na nya na ipasadya ang nakasulat na pintura...sa halip na 4 x 4 lng ang nakasulat, pinasadya nya itong gawing 4 x 4 = 16..ito ang naging itsura,


kampante na ang mayamang lalaki na hindi na muling gagasgasan ng bata dahil nilagayan na nya itong ng sagot...At muli pinarada nya ito sa tapat ng kanilang bahay. Kinaumagahan nagulat na lang ang lalaki sa nangyari sa kanyang sasakyan, meron ulit itong gasgas...

Click Here to find out


*sa mga hindi nagbasa at natawa...adik ka ba?
*sa mga hindi nagbasa at hindi natawa...cge na basahin mo na..
*sa mga nagbasa at hindi natawa...weeee!...manhid 'to..humor level mo 0/100...
*sa mga nagbasa at natawa... cge tawa pa...para masaya magcomment ka na... ahehehe...


Mga Komento

  1. ayos naman yung bagets...ahaha...

    infairness ang hilig niya sa Math...

    merong future as Mathematician..

    hahaha...

    TumugonBurahin
  2. hay sus..kuento mo na den si pitong..ahaha..:) :)

    TumugonBurahin
  3. ahahaha..parang naiisip ko na ikaw yung makulit na bata...dahil sa walang magawa, kung anu ano ang naiisip na gawin..LOL

    uu nga, anu nga pala yung "pitong"

    ahahaha

    TumugonBurahin
  4. at dahil ayoko sa math, hindi ko pakikialaman yun kung ako yung bata! ahahaha

    tayo tayo lang din pala dito?

    sige na nga, makapag-open ng account dito!

    kuya, pa-link ha? lagay ko sa multiply. madami fans si bob ong dun eh. baka madiscover ka. bab ang naman!

    TumugonBurahin
  5. ang pasaway na bata!!!
    hahaha...

    malamang ikaw ung bata na un noh?

    brilliant!

    *wink wink

    TumugonBurahin
  6. ahahaha...inde ako un..mabait ako eh..malamang kung ako un, wla n syang side mirror o kya gulong.....ahehehe...:D

    TumugonBurahin
  7. HEhehe..alam ko na tong story na to..pero ang sarap ulit ulitin..

    wala eh mathematician tlga eh!!!

    ADIK!!!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...