Lumaktaw sa pangunahing content

..ang tunay na siga...

...noong bata pa ako nakatira kami sa isang exclusive village...pero hindi ito gaya ng inaakala ninyo, hindi kmi mayaman...nangungupahan lang kami sa isang maliit na barong-barong sa loob ng village... siguro mga 15 years din kami dun tumagal, kung baga dito ini-spend ang aking pagkabata... sa village na yun marami din naman akong kaibigan, pero lahat sila de-kalibre...lahat may sinabi sa buhay, lahat mayayaman...sila ung mga nasa class A na pamilya..at kami syempre nasa class D or baka nga class E pa...pero kahit ganun man, wala akong naalalang issue ng discrimination mula sa mga kababata ko...masaya kami ng tropa ko, pero minsan may away din..mga bata kasi eh...

...sa loob ng village meron kaming tinatawag na hide-out, madalas dito kami tumatambay..naglalaro, kwentuhan, kumakain, kulitan, asaran, sapakan...ahehehe.... ang hide-out nmin na ito ay isang abandonadong bahay sa loob ng village...malaki yung bahay na iyon, kumpleto...pero sira-sira na iyon tapos wasak pa ang ibang parte nang dingding, wala na ding nakatira...pero bago namin maging hide-out ito, pinagpaalam muna namin ito sa guard sa village...di ba mababait na bata kami?... at dahil close kami ni manong guard, pumayag din sya...at yun nga meron na kaming hide-out...at dahil nga sa lahat sila ay mga anak-mayaman, nagdadala sila ng mga laruan at mga pagkain na ikinatutuwa ko...madami kaming magkakatropa nung bata kami..una na dito ang mga apo ng kasera namin, si ate jonalyn, at yung mga kapatid nya sila BJ at benjie...kasama din nmin yung dalawang anak nung amerikano naming kapitbahay, si Antonette at Aira...nandito si Kashmir, anak ng bumbay...si xiantao, isang chinese...bukod dito kasama namin yung ka-buddy ko nun si JAM, si JAM ang pinaka-mayaman sa lahat..pero mabait siya...as in halos lahat ng lakad nila ng pamilya niya, isinasama nya ako, sa ShoeMart laging libre niya...minsan nga sa shangrila hotel sinama niya din ako noong may family gathering sila..., pero grade 5 pa lang kami nun siya na yung batang mahilig manchicks, meron na din syang GF nun, si Aira...si JAM ay anak ng isang dating DOTC undersecretary at ngayon ay Head ng Business Licensing sa QC Hall..., oo nga pla kasama din namin ang isang matabang batang baboy na si MJ...ito yung batang kinaiinisan ko noon...ang totoo niyan madami talaga kaming magkababata..nandun sila Leo, Maryknoll, JB, Mark, Veronica..yung iba hindi ko na maalala ang pangalan..pero kung sa mukha, maalala ko sila...

...tulad nung karaniwang bata....nakikipag-away din ako...si MJ ang unang nakatikim ng aking malutong na kamao...naglalaro kasi kami 'non sa hide-out tapos narinig ko 'yong kapatid ko na umiiyak...lumapit ako at tinanong kung bakit?..biglang sumingit sa MJ at sinabing "Hala ka, pinaiyak mo.."...wala akong kasalanan pero bakit ako ang sinisisi nya...isa pa kapatid ko yun...alam ko na si MJ ang nagpaiyak sa kapatid ko noong puntong iyon... kailangan kong patigilin ang kapatid ko sa pag-iyak, sigurado pagnakita ito ng tatay ko na umiiyak, ako ang papagalitan...pero tuloy pa din si MJ sa pang-iinis at paninisi,..nagalit na ako...nagsingkit na ang aking mga mata..kumunot ang noo...tiniklop ang mga daliri, inipon ang lakas...at ibinigay ang isang malakas na suntok sa mukha ni MJ..., napatihaya si MJ...sabog ang kanyang kilay...nangitim ang parteng iyon ng kanyang mata..nagulat din ang mga batang kasama ko dun...at maging ako man ay nagulat din sa ginawa ko...tumahimik na din sa pag-iyak ang kapatid ko...pero bago pa makatayo si MJ, tumakbo na ako palayo sa lugar....

...hindi ko alam kung saan ako pupunta..pero hindi ako dapat umuwi ng bahay..mapapagalitan ako sigurado nun..pumunta ako dun sa bahay ng tiyuhin ng tatay ko...dun muna ako nag-stay ng ilang oras..pero umuwi din ako..at yun na nga..pag-uwi ko nandun sa bahay ang nanay ni MJ...pero laking gulat ko hindi ako pingalitan or pinagsabihan ng nanay at tatay ko...tahimik lang sila...

...hapon na din nung araw na iyon ng magpabili ng alak ang tatay ko sa akin...makalipas ang ilang oras lasing na ang tatay ko...tinawag niya ako at pinaupo sa tabi ng mesa..nag-simula na ang litanya...ang sabi nya, "hindi sa kinukunsinti ko yung ginawa mo, tama lang na ipagtanggol mo yung kapatid mo, pero hindi ka dapat na nanakit"....hindi namamalo ang tatay ko pero meron siyang kapangyarihan na kung ano ang ipinag-uutos niya, kailangan mong sundin yun..tumango lang ako sa mga sinasabi nya...hindi naman ako masyado napagalitan nun gabing iyon..or baka hindi lang siguro sila makapaniwala na napatumba ko yung ganung kalaking bata...malaki si MJ sa normal na grade 5 na bata..at ako naman ay patpatin...pero iba talaga ang kamao ko...

...marami pa akong nasalihang basag-ulo...si kashmir nakatikim din yun ng aking matinding "rageful blow"...karamihan ng away ko sa basketball yun...ilang beses na din pumutok yung nguso ko at pisngi dahil sa mga gulong iyon..pero khit kelan hindi ako umuwi sa bahay na umiiyak...baka mapalo lang ako ng nanay at mapaaway ang tatay...oo tama, palaban din ang tatay ko..wala yung inuurungan, khit sino ka man basta inapi ang sinuman sa pamilya namin, magtago na kayo...

...naalala ko noon nung sinama niya ako sa pinagtratrabahuan niyang palengke...merong hinabol ang grupo ng tatay ko dahil binugbog daw ng taong iyon ang binatang anak nang kumpare niya...kasabay 'non sunod-sunod na dumating ang mga tricycle ng kanyang tropa na may dala-dalang kutsilyo, itak, sumpak at mga pamalo...magulo na nung oras na yun sa palengke.., may mga pulis pero walang magawa...masyadong madami ang tropa ni itay..tuloy ang habulan...at hindi ko na nalaman kung paano nakasuko ang lalaking iyon sa mga pulis...oo, siga si itay...kilala siya sa palengke...pero hindi sa kanyang tunay na pangalan..."Bulldog" ang tawag sa kanya dun...malaki kasi ang kanyang katawan noon at walang sinuman ang siga sa palengke na pumapalag sa kanya...magaling din kasi makisama ang itay, kaya madami ang thumbs-up sa kanya..bukod dito, siya lang ang siga sa palengke na may magandang pangarap para kanyang mga anak..walang tinapos ang tatay ko, grade 1 o hindi pa nga ang inabot niya...isa lang siyang kargador sa palengke ngunit ganun pa man sinikap nya kaming anim na mag-kakapatid na pag-aralin... pero noon hindi ko inuunawa ang hirap niya noon sa amin..hindi ko man lang na-aapreciate iyon...

..madalas lasing ang tatay ko noon, madalas din na ako yung tinatawag niya pra makausap kapag lasing sya..ilang beses niya din na inuulit sa akin na mag-aral akong mabuti at wala daw syang yaman na pwedeng ibigay sa amin..wag ko daw siyang tularan na hindi binigyan pansin ang pag-aaral...pero ang totoo nyan hindi naman ako naniniwala noon na grade 1 lang ang inabot niya...magaling kasi siya magbasa ng tagalog o kahit english man, mas magaling din sya sa akin kung kwentahan lang ng numero ang pag-uusapan...pero yun ang totoo sabi ng tita ko..tamad mag-aral ang itay, imbes daw na papasok..madalas sa puno daw ng bayabas ito tumatambay... noong mga panahong iyon nagagalit pa din ako sa kanya sa kadahilanang lagi siyang lasing... as in araw araw... ang sabi ng nanay ko, nahihirapan daw ang itay matulog ng maaga at magising ng madaling araw kaya ganun...3am ng madaling-araw kasi ang simula ng trabaho ng tatay ko sa palengke...mabigat ang trabaho ng itay, ilang banyera ng isda ang kailangan niyang i-deliver sa mga tindera sa palengke...

...makalipas ang ilan taon, pa-graduate na ako...naging masasakitin na din ang tatay ko..epekto yun ng alak at ng trabaho niya sa palengke...nagtampo nga ako sa kanya noong graduation ko dahil kahit pamasahe papunta sa venue ng graduation ko wala siyang maibigay..masamang-masama ang loob ko...pero ngayon ko lang nauunawan na mas masakit sa kanya yun...gusto niyang gumawa ng paraan pero paano? may sakit sya...at hindi lng dito nagtapos ang tampo ko...malapit na ang exam sa PRC nun, pero hindi ako nakapag-apply dahil wala nga kaming pera, kinailangan ko pang palipasin ang isang taon para makapagtrabaho at makapag-ipon...lumipas ang araw, may trabaho na kmi ng ate ko...tumutulong na kmi sa pamilya ko...sa mga panahong iyon, nagiging maiinitin na ang ulo ng tatay ko..hindi namin maintindihan kung bakit..hindi naman na sya nag-tratrabaho dahil sa kanyang sakit, kami na ang gumagawa ng mga responsibilidad niya...sumasama na talaga ang loob ko sa tatay ko dahil sa pagiging mainitin ng ulo niya at lalo na pagsinasabi nya sa akin na gusto na niyang mamatay...sinasabi niya yung mga bilin niya sa akin na pag sya ay nawala...kailangan kong alagaan ang mga kapatid ko sa abot ng aking makakaya...ayaw ko siyang pakinggan noong oras n iyon..hindi sa dahil binabalewala ko siya or may sama ako ng loob sa kanya... mahal ko ang tatay ko...mahal n mahal...ayaw ko siyang mawala...makalipas ang ilang araw mula ng bumalik kami ng aking Grasya galing sa Bohol...nagpaalam na ang tatay ko...hinintay nyang dumating kmi at matapos ang kaarawan ng kapatid ko at Pasko bago siya mawala...umalis na nga ang itay, kapiling na niya ang Maykapal..hindi na sya babalik kailanman...

...ang tunay na siga, ang aking tatay...walang takot na hinarap ang pagsubok ng buhay..hanggang kamatayan...salamat sa paggabay...salamat sa mga pangaral, salamat pag-aaruga, salamat sa walang katulad na pagmamahal...salamat... Happy Birthday Papa..

Mga Komento

  1. Happy Birthday po sa papa nyo sir...

    nakakaiyak siya infairness...

    parang ngayon lang ako nagbasa nang entry mo na seryoso ang mukha ko at may namumuong luha sa mga mata ko...*ang drama pero totoo*

    aral po ito sa atin...na dapat hanggat andiyan pa yung mga mahal natin sa buhay ipadama natin na mahal natin sila..kasi di natin alam kung hanggang kelan na lang sila o tayo sa mundong ibabaw...

    Yun lang po at...Mabuhay ang lahat ng mga Tatay...

    TumugonBurahin
  2. Parang si FPJ pala ang tatay mo. Yung mga pelikula ni FPJ ang naaalala ko, un bang astig na swabe! Ngayon alam mo na kung san ka nagmana! Kahit wala na sya madami naman syang pamana na mas mahalaga pa sa material na bagay!

    Hanggang dito nalang bago ako tuluyang maiyak!

    TumugonBurahin
  3. sa totoo lang, hindi ko alam kung panu magrereact..danala ko, napaluha, may kumurot sa puso ko..pero hindi ko alam kung anu..mailing panahon lang kasi ang pinagsamahan namin ng papa ko..7 yrs. old pa ako nung pinaalis na sya ni mama, mahabng kwento..pero yun nga, hindi ako naging close sa papa ko..at yun ang kinasabikan ko...pero ganunpaman,kahit na inis na inis ako sa knya ngayon dahil medyo pabigat sya sa akin sa lahat ng aspeto, mahal ko pa rin sya, at isa ako sa natataranta pag may nararamdaman sya..sa knya kasi ako nangungupahan..hahaha

    pero bhoyetness, hindi lang ikaw ang nakaranas na gagraduate ng wlang pamasahe, ako nga wla pang umatend..wahhhh


    ayw ko na...baka maging blog ko pa ito..

    TumugonBurahin
  4. HUhuhuhu...haPPy BirthDAy kay Papa mo:(
    :) Teary Eyed ako after reaDing:)

    TumugonBurahin
  5. hahaha! nahirapan nga ako magbasa kaya pasensya na kung yung middle part hindi ko na masyado nabasa ng maayos...hehehe

    alam mo superG pwede mo ipadala kay ate charo buhay mo kasi pang maalala mo kaya ang ganda pa ng pagkwento mo at baka manalo ka pa ng 10K pag napili sulat mo...

    ayoko magcomment ng serious, ayoko maiyak ulit eh...tama na ung kagabi..

    TumugonBurahin
  6. @michy
    ahehehe...wag na natin ipadala kay ate Charo, baka maaawa ako lalo sa pinagdaanan namin...ahehehe...well, ganun talaga ang buhay...ang mahalaga tuloy-tuloy lang.. ^_^

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano..

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t