Lumaktaw sa pangunahing content

...kulay...

...kulay...

"wat es yur peborit kulor?...my paboret kulor es penk... ekaw?"...aheks, yan ung sabi ni inday habang kinakausap nya ung alaga nyang baby... hinde ko lang kung naiintindihan sya ng batang kausap nya...ang totoo nyan hindi ako nag-alala n hindi sya maintindihan dahil sa sobrang bata pa ung kausap nya, nag-alala lng ako kc blonde ang color ng hair ni kid...sa tantsa ko wla pang 4 years old ang bata...pero in-fairness..slang c kid..."i like the blue yaya"... mmmhhhh....ayus bata pa lng si kid blondie meron n syang favorite color...

....habang napapangiti ako sa kanilang "talakayan" (*ehehehe mas feel kong gamitin itong term n ito, kya wag ka ng kumontra*)...naisip ko lng kung anung edad ako nagkaroon ng favorite color.... nag-isip ako ng matindi... isip ....isip ...isip... naglakad habang nakatingalang nag-iisip... mmmhhhh....uy, malambot ito eh....shit! tae to!... naghanap ako ng buhangin sa paligid..pero wla... katatapos lng kaya ng ulan...ayun sa gutter meron tubig... buti n lng mejo malabot un at madaling nalusaw...pero hindi dun nagtapos ang aking pag-iisip... pero wla akong napala, hindi ko din kc maalala...basta nung grade 6 ako meron kmi slumbook nun..tpos nilalagay ko sa favorite color ko nun ay "m2m"...lahat ng mga tanong dun n hindi ko alam sagutin..nilalagay ko lng ay m2m...grade 6 na ako nun pero hirap tlaga ako sa khit anung bagay na may koneksyon sa language o grammar...uu nga pla ang ibig sabihin ng m2m ay "many to mention"...aheks...

...pero anu nga ba ang favorite color ko?....color blue...uy! favorite ko ung color na un bukod sa black at "white" (*hindi pa ako sure kung color nga ang white, sabi kc nila absence of color daw un*)..then next na ung yellow at violet sa mga favorite color ko...see?! sabi sau eh "m2m" ung mga favorite colors ko...

...lahat kaya ng tao merong favorite color(s)? cguro...

...pero oo nga lahat ng tao meron favorite color... ung mga bulag paano un? ung mga color blind..ung mga hindi kabisado ang color wheel?...anu-ano nga ba ang mga kulay sa rainbow?...ROYJONES ba un?...ah basta un na un...

...sa tantsa ko meron din favorite color ang mga bulag..since wla nmn silang magawa kundi i-appreciate n lng ang kadiliman..i guess black ung favorite color nila...ang kaso hindi ko din alm kung madilim nga ung nkikita ng mga bulag...(*wow bulag nga eh, panu un nakakakita..ang labo ko n nmn)... hindi ko kc alm kung anu ung tamang term pra sa napeperceive ng mga bulag n mata... ang kulit ko..bulag nga eh...e di wla...ngunit posible nga na may favorite color sila khit hindi nila sadyain...depende un kung anu ung nadun sa likod ng knilang mga mata...(*utak kaya ang nasa likod ng mata..ahehehe..*)...

...e paano nmn ung color blind? ang color blind ay nhihirapan lng sa pag determina ng color blue, green, red, at mixture ng tatlong kulay n iyan..so khit hindi nila alm kung anu ang pagkakaiba ng mga kulay, may nkikita pa din clang mga kulay n khit hindi nila alm kung anu un or kung anu man ang tawag nila dun, pwede pa din clng pumili... base sa aking pag-iisip (*umatake n nmn baliw)...ang mga paborito ntin kulay ay dumidipende sa ating character, pinahahalagahan at nakakasalamuha... maaring gusto natin ang kulay na iyon dahil may magandang bagay n nagyari sa atin kalakip niyon..or ito n ung nakasanayan na ntin, or pwede din na no choice, or trip lng..wag ka ng makiaalam...pero meron pa din tayong mga gustong kulay...

...eh bakit nga ba may kulay pa?

...simple lng...pra maapreciate at madetermina nating ang mga bagay-bagay...isipin mo n lng na kulay itim lahat ang kulay sa paligid mo...d ba ang hirap?..hindi mo malalaman kung anu ung pagkakaiba ng mga bagay-bagay (*thing-thing sa english*)...

..ang kulay pra sa akin ay tumutukoy din kung pano ntin pahalagahan ang isang bagay o khit maging sa tao man...halimbawa, ang Grasya ko... hindi ko pa talaga naitatanong sa kanya kung anu ung favorite color nya...pero base sa kulay ng mga damit n binibigay nya sa akin, sa damit na lagi nyang sinusuot, sa mga gamit nya...ang favorite color nya na alam ko ay yellow...bukod dun, mahilig din sya sa black at blue... maaring ngang hindi ang favorite color ang nagdedetermina ng ating pagpapahalaga sa isang tao... maliit na bagay lng ang kulay... pero bakit simpleng kulay na bahagi ng kanyang pagkatao hindi mo pa alam? mahalaga ba talaga sya?

...masakit na ang ulo ko kaka-isip sa mga color ng rainbow? ROYJONES ba ulit un? (*ang kulit ko*)...aheks..pero bago ko tapusin ang blog entry ko, gusto ko lng mag-tanong...

...kung may GF or BF ka? alam mo ba ng favorite color nya?
...kung wla ka nmn GF or BF, anu ang favorite color ng taong pinakamalapit sa puso mo (*wla sa choices ang mga babies*)?

Mga Komento

  1. ahaay.. kamusta nmn pati kulay..uu panget pag puro color black lang.. makikita..eh di parang boyet lang lahat..=)) charing peace apir..:))

    TumugonBurahin
  2. wow man wanna get some smokes and then some chips maybe! (slang and tono)

    palagay ko kahit bulag may favorite color kasi may concepto sila ng kulay pero hindi sa paraang visual kundi sa pandama. maaaring ang kulay blue ay associated sa "cool" na pakiramdam at red sa "hot".

    mahalaga ang kulay kc reflection ito ng personality at mood ng tao. ibig sabihin paborito ang red ng mga bulag na mahilig sa mainit...

    favorite color ng taong pinakamalapit sa puso...hmm...mmm...tsaka ko nalang sasagutin toh!

    TumugonBurahin
  3. ahehe...

    favorite color ko po ay MAGENTA...

    ahehe...

    konti na lang bading na...

    well..wala akong dyowa..pero favorite color nung mga best of friends ko ay green and pink...

    ayun...

    sa bulag issue naman po..
    bigla kong naisip yung mga favorite call center question, yung kung ako ay bulag describe mo sa akin ang favorite color mo...

    isa lang po ang masasabi ko...
    pinaalala nyo sa akin kung gaano kasarap ang may normal na paningin...

    salamat po...

    TumugonBurahin
  4. ROYGIBIV yun, supergulaman!

    gusto ko ang periwinkle. lahat ng light to lightest shades of blue. basta anything blue - royal, poweder, aqua etc., wag lang navy blue!

    wow naman! first comment ko ito! hahaha!

    astig ka!

    TumugonBurahin
  5. ROYGBIV pala! minus the I after G kanina.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...