Lumaktaw sa pangunahing content

..siga o adik...

... naranasan nyo na bang makipag-usap sa sarili nyo?...ang makipagtalo sa sarili?...ung tipong gusto mong gawin pero ayaw mo...ito ung pagkakataon n nahihirapan kang magdesisyon sa mga bagay-bagay... naranasan mo n din ba ang makipaglaro sa sarili?...ung iba sa inyo, hindi ko alm kung nagawa n ito...pero noong bata pa tayo as in noong isang uhuging musmos pa lamang tayo nahihihilig tayo sa mga toy cars, robots, baril barilan...kung babae ka nmn mahilig k sa mga paper dolls, kitchen set toys.... at khit mag isa ka, enjoy na enjoy ka sa paglalaro...

...ngaun medyo may edad na tayo (*hindi ito nangangahulugan n matanda na tayo)...i mean ngaun nsa wastong gulang at isipan na tayo, nakukuha nyo pa bang maglaro mag-isa?...kaya mo bang magsarili? (*waa bastos na iniisip mo)...ang ibig kong sabihin, magsariling maglaro..(*waaa, bastos p din ang dating)...cge pra maayos, sabihin nting maglibang mag-isa...(*whew, ayan ok n cguro ang term)...ahehehe... pero ang totoo, mahirap tlagang maglibang mag-isa d b? ...pero may mga taong loner n kayang maka-survive at magsaya ng solo lng...un ung mga idol ko... nung bata pa ako, nakikipaglaro rin ako sa sarili ko...with effects pa nga un eh...kablam...tagum!...shing shing!....at khit tulo n laway ko sa pagsasabi ng mga sound effects n yan...enjoy n enjoy p din ako..., madalas kc nsa loob lgn ako bahay nun dahil paglumabas ako ng bahay nag-popower trip n ako... nakakatuwa isipin ung mga power trip ko nung bata pa ako..nanjan ung papaliguan ko ung pusa ng kapitbahay, sasapakin ko ung anak nung kapitbahay tpos iiyak un...magsusumbong sa nanay nya, tpos tatakbo ako sa bahay, didiretso na ako sa kama tpos kunyari magtutulug-tulagan o kaya nmn masakit ang chan...so khit magsumbong ung nanay nya sa nanay ko..hindi na ako mapapagalitan (*style bulok)...

...pero ngaun malaki na ako, (ay maliit p din pla ako)...ngaung nsa wastong gulang n ako mabait n ako, inde na ako nagpopower trip pero nandun pa din ung habit ko na mkipaglaro sa sarili...minsan nga, nag-chess akong mag-isa..kinalaban ko ang sarili ko...as expected sa sarili ko, magaling din sya...nahirapan talaga ako...lahat ng maisip kong atake sa chess, meron syang pantapat n depensa...naiinis ako sa knya, nahihirapan tlaga ako...hindi ko din alm kung dinadaya ako ng sarili ko...gusto ko syang sapakin noon, pero hindi ko din alm kung paano...at yun n nga, tinalo nya ako sa chess..nagalit n din ako sa knya..hindi ko sya kinausap ng ilang araw...pero hindi din sya nakatiis...nakipagbati din sya sa akin...inaaya nga nya ako na maglaro ng Games of the General...ang kaso wala kaming arbiter, ikaw pwede ka ba?


Mga Komento

  1. ahahaha...

    kung hindi lang kita sir kilala..at nakikita araw-araw...malamang isipin ko na ang mental ang tambayan mo...

    awayin ba nman ang sarili...

    well sa totoo lang..masarap kausap ang sarili...masarap gawin yan kapag uuwi ka na ng bahay..nakasakay sa bus..habang nililipad ng hangin ang iyong buhok...

    isa pa...hindi naman nating lubos na kilala ang sarili natin eh...kaya maganda na rin yung minsan minsan eh magkaroon ka naman ng bonding moment sa sarili mo..ahehe

    ang masasabi ko lang...I am glad na di mo na kinakausap yung sarili mo ng madalas...
    pero mas natuwa ako nung nagbati na kayo..ahehe...

    ^___^

    TumugonBurahin
  2. LoLS!!!!kakTuwa ang maGlaro NG cHess KalaBAn sarIli MO:)
    magaLIng din xa eh...di mo natalo:))
    mas Ok siGuro na TWaging...WADEK!!!!

    TumugonBurahin
  3. AAAAAADDDDDDDIIIIIIKKKKKKKK!!!!!
    ibang level ito..hindi ko kinaya..hahaha

    may laman pa rin yung salitang "maglibang mag-isa" kasi ****
    hahahah...bsta ikaw talaga, ang nagsabi, my power eh..LOL

    madalas din akong makipag usap sa sarili ko, pero hindi ko naranasan na mahilig sa mga laruan..kasi nga bata palang ako, masyado na akong seryoso sa buhay..haizzz..

    minsan nga sinabi ng teacher ko at ng magulang ng classmate ko nung grade 2 ako, na masyado ng matanda ang utak ko para sa edad ko..hehe

    pero hindi ako loner...survivor pwede pa, kasi happy din naman ako..ahahah

    ayan na namn, nadala na naman ako..

    tama na nga!!!baka matuluyan na yung gustong bumagsak!!!

    TumugonBurahin
  4. Welcome to my world! Hehehe! Nakarating ka na din pala sa mundong ito, kaso di tayo nagkita. Kung kelangan mo ng arbiter gawa ka pa ng isang ikaw, masaya yun ingat lang kc manipis lang ang linyang naghihiwalay sa normal na pag-iisip at sa schizoprenia.

    TumugonBurahin
  5. ahahay..:)) alam ko na yan.. hnde ka siga o adik.isa kong RETARDED..wahahahaa.. kalabanin ba sarili..:))

    em bute hnde mo nakita si boyet=))....ahhaha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...