Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2008

...simbulo...

bilang panimula..hayaan ninyo muna na batiin ko kayo ng... Maligayang Pasko! at bilang paghahanda sa kapaskuhang ito at epekto na din siguro ng aking medyo mahaba-habang bakasyon...pinagtripan ko ang mga kakulitan ng mga bata dito sa amin... pinilit kong pinaniniwala sila na hindi matutuloy ang Pasko...dahil may ubo't sipon si Santa Claus...nilamig kasi sya sa north pole... ooooppsss...oo nga pala kilala mo ba si Santa Claus? 99.9% na sure ako na kilala mo nga siya...ei si John the Baptist kilala mo? siguro medyo medyo lang ang sagot mo ano?...sino ang mas kilala mo si Santa Claus o si John the Baptist? Naniniwala ka ba na totoo si Santa Claus? Kung kilala mo si John the Baptist, naniniwala ka ba na totoo siya? noong bata pa ako, nagsasabit tlaga ako ng pulang medyas sa may Christmas tree, bintana o kaya'y sa may pintuan namin tuwing araw ng pasko, naniniwala na lalagyan iyon ng mga kendi at laruan ni Santa Claus..pero nawala ang paniniwalang iyon ng mahuli ko ang salarin, ang ...

...mensahe...

hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama ngayon...tila ba isa itong katotohanang imahinasyon.... katotohanang kahit kelan hindi magiging totoo at imahinasyong tunay na nasa iyo...gusto ko sanang ibahagi ito sa inyo..ngunit hindi sapat ang mga letra ng tipadang ito upang mabatid ang mga konsepto na nasa utak ko... nakatitig sa kawalan...hinahanap ang dahilan...ang dahilan ay wala sa kawalan ngunit ito ay nasa pagtitig sa kawalan...sa kawalan ay walang pag-iisa, kasama mo sya tuwina...ginusto mo ang magsaya ngunit tila ba nalulungkot ka...nalulungkot ngunit ikaw ay masaya... lumilipas ang oras...lumilipas ang panahon..hindi ko mawari, bkit ganoon?...inakala na ang buhay ay langit...ngunit langit ito ng kahapon...mabuhay habang panahon, at maibahagi ang biyaya sa bawat pagkakataon...katinuan na dapat ay para sa sankatauhan, naiwaglit sa kadiliman...kadiliman na puno ng saya at ganda...liwanag na puno ng pighati at pag-iisa...mahirap mag-isa, masarap ang may kasama...kasama ang pag-iisa, m...

...ano daw?...

kamusta na mga katoto?... medyo matagal- tagal na din ang panahon na nakalipas bago ako makapaglagay ng bagong entry...pasens ya na kayo, in-enjoy ko lang ang pagiging bakasyunista ko... dahil magpapasko na at ang madalas na tema ay usapang pu so kasi "give love on Christmas day" na...yun ang magiging paksa ng ating usapan.... binabalaan ko na ang mga takot at allergic sa pag-ibig na wag ng ituloy ang pagbabasa dahil magsisilbi lang itong silya elekrika ng inyong mga puso...pero kung gusto mo at mapilit ka...sige na nga... naalala mo pa ba ang una mong crush? oo tama! si crush...siya yung unang taong nagbibigay inspirasyon sa iyo sa tuwing papasok ka sa eskwela...siya ang nagpapakilig at nagpapaikot ng iyong pwet sa twing makikita mo siya...siya din ang dahilan kung bakit ka laging ganado tuwing may recitation si ma'am... taas ka nga ng taas ng kamay upang mapansin ka niya...kaso nawalang bigla ang iyong matinding paghanga ng aksidenteng matae siya sa loob ng inyong klas...

Special Blog Award

weeeepeeeee....eheks..akin pong pinasasalamat si Aian sa pagbibigay ng kakaibang award na ito...astig na bata ire...eheks...galing galing...astig din ang pagkakagawa ng logo...bkit nga ba ito kakaiba? simple lng, hindi ito pwedeng ipasa sa iba...bleehhh...akin lng ito...weeepeeee... hanep!... :)

..laro tayo...

...wala akong maisip na bagong entry ngayon...inde ko alam kung bkit, siguro excited lang ako sa nalalapit ko ng bakasyon...ahehehe... ngunit kahit papano meron naman akong interesanteng laro na gusto kong i-share sa lahat... bawal ang pasmado sa game ito at subukang tapusin hanggang level 4...makakatulong ang sounds...goodluck!...

...I love your blog award...

Akin pong pinasasalamatan si Dylan para award na ito... The rules of the award are: 1. The winner can put the logo on his / her blog. 2. Link the person you received your award from. 3. Nominate at least 7 other blogs. 4. Put links of those blogs on yours. 5. Leave a message on the blogs of those you have nominated. At bilang pagtangkilik sa mga nagagandahang blog...akin na itong ibabahagi kina minnie , aian , pajay , faye , chyng , kosa at boy puto .

...babae sa jeep...

...una kong nakita ang babaeng ito na nakasakay sa jeep... napakasimple nyang manamit...simple ang ganda na kaaya-aya sa aking paningin... sa kanyang palad, akin napansin ang kipit nyang rosaryo habang umuusal ng panalangin... akin syang tinitigan, nanalangin din na sana ako'y kanyang mapansin... ngunit sya'y pumipikit at taimtim na nanalangin... ...ninais kong magpakilala sa kanya ngunit tila ba naging pipi ang aking mga labi... inisip na baka akalain nya na ako'y isang masamang loob na may masamang intensyon sa magandang binibini... sa pagkakataong iyon ako'y nanahimik, tahimik na nagmamasid sa babaeng aking lihim na inibig sa loob lamang ng ilang saglit... ...maya-maya pa..baba na sya..hindi ko man lang nalaman kung anu ang pangalan nya...tila ba nagsisi sa aking kapabayaan, hindi maipahayag ang damdamin kundi sa kawalan... ...lumipas ang panahon, ang mga araw...ngunit tila ba binigay ng Panginoon ang mga pagkakataon...kami'y muling nagkita...hindi lang isa, kund...

...Tunay na Kyut Award...

Akin pong pinapasalamatan sina Aian , Joshmarie at Dianz sa pagbibigay ng ma-cute na award na ito. Sabi nya balita lang daw nya na cute ako... pero totoo yun... ahahaha... ang hindi maniwala, magkaka-virus ang computer... :D Eto daw ang rules: 1. Each blogger must post these rules. 2. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves. 3. Bloggers that are tagged, need to write ten facts about themselves. You need to choose ten people to tag and list their names. At bilang pagsunod sa ikalawang kautusan..ito na ang 10 bagay tungkol kay SuperGulaman... Libangan ko ang tumunganga. Pagtinamad na akong tumunganga, bisyo ko na ang mangulit at mambwisit sa bahay man o sa opisina. Katulad ng mga nasabi ko dati sa ibang blog entry ko, kaya kong maglaro ng chess mag-isa. Isa akong math major na mahina sa arithmetic. Mahina din ako sa grammar, Filipino man o English. 5 years akong naging sakristan at natigil lang yun ng maging Corp Commander ako nung high school. hindi ko bisy...

...kaliwa, kanan...

...isa sa pinaka-komplikadong bahagi ng katawan ng tao ay ang utak...at kung utak ang ating pinag-uusapan, nagiging issue sa atin kung anung bahagi ng utak natin ang ating madalas na pinapagana...kanan o kaliwa? sa pamamasyal ko sa ilang blogs...aking nakita ang kagilagilalas na larawang iyan... ngunit hindi ako namangha sa animo'y hubad na larawan ng isang babaeng umiikot kundi sa mensahe ng direkson ng kanyang pag-ikot... ang sabi, kung iyong makikita na babae na nsa larawang na ito ay umiikot ng clockwise, madalas mo daw ginagamit ang kanan (right) bahagi ng iyong utak...at kung counter-clockwise, yung kaliwang (left) bahagi naman ng utak ang dominante sa iyo... noong una hindi talaga ako kumbinsido sa larawang iyan, inisip na baka naka-program yan na umikot ng pakanan at pakaliwa...nakikita ko kasi yung parehong direksyon ng pag-ikot ngunit mas madali kong makita ang pag-ikot ng clockwise...kung kaya naghanap ako ng ilang quiz sa internet na magtutukoy kung anong bahagi ng uta...

...buhay mo, buhay ko, buhay nating lahat...

" wag kang masyadong matuwa, baka mamaya umiyak ka lang..." pamilyar ka siguro sa mga salitang iyan...ngunit hindi ko din maunawaaan kung bakit kailangan nating maging malungkot o umiyak sa kabila ng ating nadaramang kasiyahan... tama! lagi na lang ganito ang tao... blundered pa din tayo ng idea ng duality... katulad nung nabasa kong email message noon... na madalas naniniwala tayo na ang lahat ay may opposite...lagi na lang tayo sumasang-ayon sa 3rd Law ni Newton na "For every action there is always opposed an equal reaction"...parang pag may kasiyahan, ang opposite nun ay kalungkutan...mainit at malamig, mabuti at masama, mapait at matamis, itim at puti... lagi na lang ganito ang ating pananaw sa buhay... ..tunay ngang ang lahat ng bagay dito sa mundo ay nagbabago...hindi ka pwedeng maging kapanteng masaya dahil maaring magbago yun at mauwi sa kalungkutan. sabi nila..tunay ngang tanging "change" lamang ang constant sa mundong ito... pero hindi yun ang da...

...desisyon...

...mag-aasawa ka na ba? bakit? handa ka na ba sa buhay may asawa? ...may nagtanong na ba sa inyong tanang buhay ng mga bagay na ganyan? kung wala pa o meron man...tinatanong ko ulit yan... ... ang sabi ng matatanda, ang pag-aasawa daw ay "hindi parang mainit na kanin na isusubo at iluluwa mo kapag napaso"...masyado pa akong bata noong una kong marinig yan sa mga usapan ng mga matatanda...wow! ambigat kasi nung ideya, yung mainit na kanin ay inihalintulad sa pag-aasawa... pero kung ako ang tatanungin, gusto ko kasi lagi ng mainit na kanin, at kahit mainit pa yan o mapaso man ako, pilit ko pa din yan kakainin...sayang kasi, laman tyan din yun at mahal na ang bigas ngayon... sa seryosong usapan, may punto talaga sila na dapat ay maging handa tayo sa buhay may-asawa at sa pagbabago na magaganap sa iyong buhay... eh paano naman natin malalaman kung handa na nga tayo sa pag-aasawa, eh bawal pala ang testing?... ...cge assessment muna tayo, gusto nating mag-asawa dahil (1)ayaw natin...

...dalaw...

"kung ayaw 'nyo kaming dalawin, kami na lng ang dadalaw sa inyo! - mga yumao" ...araw ng patay?... kapistahan ng mga patay?... araw ng mga kaluluwa?.. halloween?... takutan?... trick or treat?.. pero para saan nga ba ang araw ito? o anung meron sa araw na ito?... ...ang mga Pilipino madalas ika-uno pa lng ng nobyembre, nagmamadali na yan tumungo sa sa sementeryo upang gunitain ang araw na ito..november 1? ei "all saints day" pa lang un, november 2 pa ang "All souls day"? bkit nagtutungo na ang karamihan sa atin pra dumalaw sa mga kamag-anak nating yumao... nung una inakala ko na nagkamali ang mga Pilipino sa paggunita ng araw na ito...inisip ko din na bka nga dahil masyadong excited lng tayo...likas na kasi sa pilipino ang excited..likas na din ang pagiging-UA (*uber akting*)...konting problema lng react na agad, konting tsimis kalat na agad yan...sa sobrang ka-OA-an..magrarally pa yan sa mendiola at EDSA... pero bkit nga ba november 1 instead na novem...

...blogging tips 101 (for pinoy bloggers)...

note: ang susunod na tips ay pra sa aking mga kapwa blogero't blogera..hindi pa ako dalubhasa sa larangang ito pero nais kong ibahagi ang sumusunod batay sa aking experience sa pag-bloblog ...ang post na ito ay sadyang ginawa para sa mga pinoy bloggers... pwede din pala ito sa iba pang nilalang sa planet earth basta nakakaintindi ng tagalog... madami tayong dahilan kung bakit tayo nagblo-blog...una na dito ay mailabas ang ating mga hilig, kalokohan, saloobin, ideya, pananaw sa buhay, pananaw sa mundo, love life, hell life, emo life at kung anu-anu pa..pero un nga pwede din itong sideline... ...at yun na nga, mukhang epektib naman ang aking paglalagay ng google ads... kahit papano kumita din ng konti...ngunit panu nga ba ma-enhance ang earnings...ang totoo nyan inde ko din alam kung paano..sari-saring eksperimento ang dapat gawin...dapat makinig din sa mga tsismis para makakuha ng ilang mga tips...ito ang ilan sa mga tsismis... ang sabi ng iba (1) nasa dami at originality ng content...

...Google $$Payout$$...

...after 10 years of waiting...yahoooo!...eto na..binayaran na din ako ng google sa wakas... ito na ang ebidensya...pero syempre gabi na ngayon at wala ng bukas na western union, kya bukas ko na lng pagpapasaan ang kayamanang iyan...akin din bahagyang binura ang akin tunay na pangalan upang makaiwas sa manghihingi ng balato...at akin din bahagyang itinago ang lugar ng akin tirahan upang makaiwas sa mga taong pipila sa tapat ng bahay namin...at syempre akin din itinago ang MTCN...aba aba bka maunahan nyo pa ako....ahehehe... oo..tama nagyayabang ako ngayon...beehhhlat! ahehehe...biro lang..tamang tama lng yan pra baon ng aking mahal na kapatid..nyahehehe! pra sa lahat...tyagaan lng...:D

...sintang paaralan...

note: ang inyong matutunghayan ay batay sa katotohanan.... hindi hinangad ng post na ito at ng may akda na siraan ang sarili nyang paaralan bagkus imulat ang mga mata ng nasa gobyerno ang nasisirang sistema ng edukasyon sa pilipinas. ...matagal na din ang panahon ng ako ay lumisan sa "sintang paaralan"...aba'y dapat lang graduate na kaya ako... at ito ay bilang isang sikat na manlilinlang sa larangan ng matematika... ...bagamat malayo ang "sintang paaralan" sa larawan ng mga dekalidad na pamantasan sa pilipinas, masasabi kong ito ang tunay na naglalarawan sa tunay na buhay sa pilipinas... puno ng pakikidigma at pagkikipagsapalaran ang pagtungtong ko sa paaralang iyon...sa pag-eenrol pa lang kailangan mo ng mamumuhunan ng dugo at pawis sa pagpila...hindi simple ang mga pila dito..umaabot kasi iyong ng ilang kilometro..idagdag mo pa jan ang mga "amoy tinapay" na mga katabi..pero hindi lang doon magtatapos ang iyong kalbaryo sa kadahilang sa dulo ng pila...

..dalawang daan siyamnapu't apat na araw...

"im forever yours...faithfully..." -Journey dalawang daan siyamnapu't apat na araw, walong oras at labin' walong minuto mula ng huli tayong magkita...kamusta ka na? mahigit kalahating taon na din ng muli kang bumalik at ako'y iyong iniwang muli upang tuparin ang iyong mga pangarap, ang aking mga pangarap, ang ating mga mga pangarap...pinili nating magsakripisyo sa halip na magbingi-bingihan sa pintig ng puso... ...sa pagkakataong ito, hayaan mo akong magpasalamat sa mga sakripisyo at sa walang sawang pagmamahal na inukol mo sa akin... ikaw na naging kabalikat ko sa mga problema at sama ng loob ko aking ama sa tuwing kami'y nagkakasagutan noon.. sa halip na ako'y iyong kampihan pilit mong pinaunawa sa akin ang mga posibleng dahilan ng mga problema ng aking tatay...pinaunawa mo sa akin ang halaga, pagmamahal at sakripisyo ng isang ama na inuukol nya sa kanyang anak... pinaunawa mo sa akin na hindi ako dapat magtanim ng sama ng loob sa kanya... salamat...tam...

...sino ang tamad?...

"paano kung tamad na akong tamarin? e 'di and sipag ko na 'nun...ayoko ng ganun, nakakatamad." (*txt message from kaye*) natawa talaga ako sa message na ito...pero panu nga ba kung ganun nga?...sa sobrang katamaran mo, ung katamaran kinatamadan mo din...ang gulo 'no?...hindi mo tlaga ma-idescribe kung tamad ka ba talaga or masipag ka...pero sa kabilang banda, hindi nmn nangangahulugan na kung hindi ka tamad ay masipag ka...o di kaya'y hindi ka masipag pero hindi din ito nangangahulugan na tamad ka...sigurado ako nalito ka na...at maging ako din ay nalito na...ang malupit nyan, hindi ko tlaga alam kung saan at paano nagsimula ang katamaran... ...pero teka, pano mo ba masasabi na tamad ang tao o tinatamad ka? kapag ba ung bagay na dapat mong gawin at hindi mo ginawa... ibig ba sabihin nun ay tamad ka?...sabi nila depende yun sa dahilan kung bakit hindi mo nagawa ung bagay na dapat mong gawin...kung valid ang dahilan hindi daw katamaran un...eh paano naman ku...

Arte y Pico Award

Salamat kay Bb. Alindogan for this Arte y Pico Award: The rules of this tag are as follows: 1) You have to pick 5 blogs that you consider deserve this award for their creativity, design, interesting material, and also for contributing to the blogging community, no matter what language. 2) Each award has to have the name of the author and also a link to his or her blog to be visited by everyone. 3) Each award winner has to show the award and put the name and link to the blog that has given her or him the award itself. 4) Award-winner and the one who has given the prize have to show the link of “ Arte y Pico ” blog, so everyone will know the origin of this award. Ngayon akin na itong ipapasa kina: JoshMarie Enday Genyze Marvs18 Arah

Anime

Rules: "List 10 fictional characters you'd rape, I mean fool around with...hahaha, and tag whoever you want to pick up the meme" -Gelene mula ito kay Bb. Alindogan ...maraming salamat sa anime tag na ito..:D...base sa rules kailangan mag-list ng "10 fictional characters you'd rape, I mean fool around with" ...madugo ito, ang hirap kya pagnasaan ang fictional characters, bka pagbintangan pa ako na nanunuod ng hentai...pero cge ibigay ang hilig...:D Listahan ko: 1. Hinata of Naruto 2. Yuroichi Shihōin of Bleach 3. Inoue of Bleach 4. Yui Ikari of Neon Genesis Evangelion 5. Ayame of Naruto 6. Lime of Saber Marrionette 7. Kuchiki Rukia of Bleach 8. Chiaki or Cherry of Zenki 9. Fūko or Aira Kirisawa of Flame of Recca 10. Karen of BT'X ayan...:P Ngayon naman atin ng alamin kung sino ang mga pinag-nanasaan ng kapwa ko blogero't blogera...akin na itong ipapasa kina: JoshMarie Enday Genyze Marvs18

..tao, tao saan ka gawa?...

..ang hiwaga ng buhay...ilang libong taon na din ang nakalilipas ng nilikha ang tao ngunit walang malinaw na paliwanag kung saan talaga tayo nagmula...maraming mga haka-haka na ang tao ay nagmula sa unggoy, baboy, elepante o maging sa garapata...pinipilit kong ipasok sa aking kukote ang mga haka-hakang iyon pero wala itong malinaw na paliwanag... ...at dahil dito nagsimula na akong mag-imbestiga...at bilang pasimula, aking inaral ang komposisyon ng tao...ang sabi ng itchyworms (*makulit na banda ito*), ang tao daw ay 90% tubig at 10% libag..wow! d ba astig, tubig at libag lng ang bumubuo sa tao...pero syempre hindi totoo yun....pinatunayan ito sa aklat na "Laws of Order" ni Rovin, J (1992; p.108) at tunay ngang ang tao ay binubuo ng 61.8% na tubig base sa timbang... 16.6% na protina, 14.9% na taba at 3.3% na nitrogen...ayon pa sa kanya, meron pang maliliit na porsyento ng ibang elemento na bumubuo sa katawan...so anu nga un?..oo nga wala pa din itong kinalaman kung saan tay...

...silbi...

kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay ng habang panahon sa mundong ito at magkaroon ng malakas na kapangayarihan, tatangapin mo ba? ...marahil ang iba sa inyo, mabilis ang sagot na "Oo, bakit hindi?" ... tama! maganda nga ang pagkakataong ito. Kung meron kang ganitong pagkakataon, halos lahat ng naisin mo sa buhay ay iyong makakamit.... magandang buhay, pera, madaming kaibigan, kasikatan... halos lahat siguro ng nais na tao ay pwede mong makuha...di ba napakaganda ng biyayang ito? ...bukod sa mga materyal na bagay, magkakaroon ka din madaming oras, pag-ibig at buhay... ito ung mga bagay na nininais ng bawat isa sa atin hindi ba?...pero bkit tila nagdadalawang isip ako... ...ang mabuhay ng habang panahon sa mundong ito at magkaroon ng malakas na kapangayarihan ay maaaring magdulot ng matinding kalungkutan... hindi mo na iisipin ang kinabukasan dahil madami kang oras...magiging saksi ka sa mga pagbabago at karahasan sa mundo... hindi mo na nanaiisin ang makihalubilo...

I LOVE YOU THIS MUCH AWARD

Thanks to Bb. Alindogan, Marvierhose and ♥ GEnYZe ♥ for giving me this award... This award is made for those blogger that you really love... Rule: * LINK THE PERSON WHO STARTED THIS AWARD * Link to the person who " LOVE " you ... * Post the rules on your blog (this is what you are now reading). * Tag 7 people at the end of your post and link to them.. * Let each person know they have been "LOVED" and leave a comment on their blog... Im showing my love to the following: Kat Minnie Winkii Glitter JoshMarie Enday Kristene

Butterfly Award

Maraming salamat muli kina Arah , BB. Alindogan at ♥GEnYZe♥ sa muling pagbibigay ng blog award na ito. Hindi ko na hulaan ang gender ng gumawa ng blog award na ito. Pero sigurado ako na hindi siya lalaki...:D Rules: Put the logo on your blog. Add a link to the person who awarded it to you. Link 10 other bloggers whom you wanted to share this award to. Give a reason why you consider that person's blog cool. Akin na po itong ibabagi kina: JoshMarie Edelweiza honiejoiiz Kristene RamFam Marvierhose Ms. Em superficial abyss Vea Mariz Glitter Minded Ang kanilang mga blogs ay aking pinili dahil ito ay SOBRANG HUHUSAY at ASTIG ..:)

..lilok: ikalawang yugto...

Paunawa [R18]: Ang susunod na bahagi ay ang pagpapatuloy ng mga pangyayari sa buhay ni Marie at Lita . Ang " ...lilok... " at ang akdang ito ( ..lilok: ikalawang yugto... ) ay pawang mga kathang isip lamang ng may-akda. Anu mang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. ..maganda ang umaga ngayon, hindi katulad ng dati noong nasa Paete pa kami ni Lita. Matagal na din ang panahon matapos ang walang katulad na pangyayaring iyon sa buhay namin...sa buhay ko...Nasa Maynila na kmi ngayon. Sa katunayan si Lita ay nasa ikalawang taon na din ng kolehiyo. Dalawang taon na lang din at makakatakas na sya sa kahirapan ng aming buhay. Ako? hindi ko na din naipagpatuloy ang pag-aaral ko. Sayang nga eh, pa-graduate na ako sana nun sa Highschool. Pero para saan pa kung maka-graduate man ako...sira na ako..sirang-sira na... ...halos dalawang taon na din ako dito sa aking trabaho...dito onting sayaw lang, onting giling, konting bola sa mga custom...

..katinuan...

...mula sa maliit na kwartong ito, bumibilis ang pintig ng puso ko....kinakabahan na naman ako sa mga naririnig ko...mga nagmamadaling yabag ng paa..."ayan na!, magtago ka na..."...sigurado ako, magagalit sila kapag nahuli nila ako na kausap kita... lagi na lang ganito..paulit-ulit... hindi ko na din mabilang ang dami tusok ng karayom ng herenggilya sa akin katawan...tila ba manhid na ito sa paulit-ulit na hapdi at kirot ng karayom na bumabaon... ...hindi ko sila maunawaan, galit ba sila sa akin?... bakit nila ako ginaganito?... masama ba akong tao? bakit sa tuwing kinakausap kita, pilit nila akong ginagapos...sinasaktan..baka naman galit sila sa'yo?.. masama ka bang tao? ...pero bakit ako, bakit ako ang nagdudusa ng ganito... masakit ang tusok ng mga karayom na iyon... ang epekto ng gamot na tila nagpapabagal at nagpapahina ng aking katawan ay halos hindi ko na makayanan... . ...ngunit sa tuwing nag-uusap tayo hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama... ibang klase ...

Tag Fever

Maraming salamat kina Arah , BB. Alindogan at ♥GEnYZe♥ sa pagsangkot sa akin sa Tag Fever na ito... ....ito na rin ay magsisilbing isang munting pagkakataon pra magpakilala ng bahagya si Super Gulaman .... -----------start copy here--------- 1. Link to the person who tagged you (see above). 2. Post the rules on your blog (this is what you are now reading) 3. Write 6 random things about yourself (see below). 4. Tag 6 people at the end of your post and link to them (This is only a game) 5. Let each person know they have been tagged and leave a comment on their blog 6. Let the tagger know when your entry is up. -------end copy------ 6 Random Things About Me 1. Walang koneksyon ang tunay kong pangalan sa mga nicknames ko. Bihira akong tawagin sa totoo kong pangalan. Madami akong nicknames bukod sa mga alias ko sa internet (e.g. Super Gulaman, Matsuo Masahiro, Sasuke). Ang aking mga nicknames ay bhoyet, yet, yetbo at corr. 2. Marunong akong mag-chess....mag-isa. 3. Mat...

...world peace...

...bilang tugon kay BB. Alindogan sa kanyang katanungan ukol sa "World Peace", narito na naman po ang isang post na maaaring magpabago ng inyong pananaw sa mundo... ...matapos akong makipagbuno sa aking mga tanikala(*), agad kong binasa ang mga komento sa aking nakalipas na post...hindi ko inaaasahan na may magtatanong ukol sa "world peace"...ang totoo nyan, matagal ko na itong tanong sa aking sarili...ngunit maging ang kabilang ako ay umiiling lamang sa mga bagay na ito...ang sabi nya, "dati-rati ang problema mo lng ay ang iyong buhay, bkit ngayon pati problema ng mundo gusto mong pasanin"...at dahil tanong din pla ito ni BB. ALindogan, aking napagtanto na may mga ilang tao din pla ang namromroblema tulad nito, so share-share kmi sa pamromroblema...ahehehe.. ...tinigilan ko na ang pag-iisip, pasado alas kwatro na, kailangan ko na ang umuwi...sa jeep, mukhang lahat ng tao ay nagmamadali..uwian na, pero bakit prang may hinahabol sila... si manong driv...

...payat, mataba, masaya, malungkot.....

...love is in the air...mmmmmhhhh, majority ng mga blogs na aking napasyalan ay madalas ukol sa pag-ibig ang tema..hindi ko mawari kung bkit sila nahahawa...February na ba at usapang puso ang gustong ikwento? or tunay nga kayang nagiging matagumpay na si Super Gulaman sa pagpapalaganap ng pag-ibig?.... ...bahagya nating puputulin ang ating pagpapantasya, dumako nmn tayo sa usapang pangkalusugan na may koneksyon sa ating damdamin...payat ka ba o mataba? malungkot ka ba o masaya? ayon kay angel at sa mga reader's digest na aking nadaanan, "ang pagtawa daw at pagiging masaya ay nakakapagpabawas ng timbang"...weee..ayaw mo maniwala? cge ito ang ebidensya: (* pindot ka dito *)...ang sabi din sa artikulong iyan, nkakatulong din daw ito sa pagbabawas ng stress level...wow, kaya pla ung mga laughing trip na baliw ay hindi na stre-stress... ...at bilang isang math major, nag-isip ako ng theory na walng kwenta...if a=b, then b=a...samakatuwid, if baliw = payat, then payat = bal...

...i love you...

Paglilinaw: Si Supergulaman ay isa n ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig kung kya huwag po nating isipin na corni ang susunod na ating mababasa dahil sigurado ako na nakadama ka na din ng pag-ibig. "I love you"... isa itong napakagandang grupo ng mga salita...oo tama! tatlong salita lng yan ngunit masasabi natin na isa syang kumpletong pangungusap (*meron yang tuldok sa dulo, imaginary nga lng*)..kumpletong pangungusap na mayroong simuno at panaguri (*subject & predicate in english)..ngunit sa di ko malamang dahilan o kaya'y maaaring dulot na din ng makabagong teknolohiya..ang magandang mga salita na yan ay nababago na... dahil sa mga shortcut sa txt at mga pa-cute sa chat..ang dating "I love you" ay nagiging...lubshu, mwabshu, ilabu..at iba pa.. ..ngunit kung sabagay noon pa man marami na din itong naging itsura...tulad ng 1-4-3 na noong una ay inakala kong numero sa lotto....ang "I heart you", na hindi ko pa din ma-gets hanggang ngaun ...

...tagapagpalaganap ng pag-ibig...

"Pag-ibig?...lintik na pag-ibig yan, kapag nagutom ba kayo mapapakain kayo nyan?"... isa yan sa mga sermon ng mga magulang na naririnig ko s mga kabataang nagpipinto ng mag-asawa...pero.... "Pag-ibig.... bakit ka mangungupahan pa kung kaya naman magkabahay na!"... ahehehe...hindi b tama?...maaari ngang hindi ka mapakain ng pag-ibig, pero ang magkabahay ay posible.... ...ngunit tunay ngang ang pag-ibig na wagas ay maaring hindi lng magbigay ng "bahay" kagaya ng sinabi ng patalastas na iyon bagkus isang "masayang tahanan" (*seryoso bigla*)... tama! mga kapatid sa pananampalataya, ang inyong kapatid na si Super Gulaman ay isa na ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig (*hindi sa sensored na iniisip mo*)... gusto kong ibahagi ang masayang pakiramdam na dulot na pagmamahal...kung kya narito ang mga ilang video montage na ang tema ay pag-ibig... sa mga in-love, halina't sumabay sa pagkanta at sariwain ang alaala ng inyong mga mahal....sa mga...

Ako'y Tinag/Nitag (*Propagating Friendship Award*)

----start copy here----- Thanks to Marvierhose and Kaye for this great Award I love the blogs of these people and I'm glad to pass this award onto them! All they need to do is to leave the following message on their post when they pass the award on to their chosen eight bloggers. They all are charmed with the blogs, where in the majority of its aims are to show the marvels and to do friendship; there are persons who are not interested when we give them a prize and then they help to cut these bows; do we want that they are cut or that they propagate? Then let's try to give more attention to them! So with this prize we must deliver it to 8 bloggers that in turn must make the same thing and put this text. I'm passing this award to: ----end copy----- Binibining Alindogan ♥~♥StylishchiicQ♥~♥ HONIE'S CONFESSION Kwento ni Enday Damuhan: Blog ng Pinoy. Tambayan ng PInoy tiraDoR ng KatoL insideofme Reality Mining

...usapang buhay...

...anu nga ba ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay?..oo tama! bakit tayo nilikha?..bkit tayo sumasaya? bkit tayo nalulungkot? bkit tayo nagmamahal? bkit tayo nasasaktan?... maaring ang iba sa inyo hindi din lubos maunawan kung bkit ko tinatanong ang mga ito... ang totoo nyan, kahit ako din hindi ko alm ang dahilan... ...ang sabi nila, ang tao ay nilikha dahil may tungkulin syang dpat gampanan d2 sa mundo ayon sa itinakda ng Maylikha... itinakda? gampanan? tungkulin?... ...madami tlaga akong tanong sa buhay...ang karamihan dito ay walang sagot...ay mali pa..lahat pla kasi ng klase ng tanong ay may sagot...un nga lang hindi mo malalaman kung ang mga sagot n ito ay tama o mali...natulala na nmn ako sa monitor ko ngaun, hinahanap ang mga sagot sa mga katanungan ito...wala akong mapagtanungan kundi ang sarili ko...at muli kinausap ko sya khit na nag-aala na ang sagot nya ay mali...pero cgurado ako na sasagutin nya lahat ng tanong ko... ...hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa..tinanong ...