Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2010

...Sumusungaw na Chatbox...

Merry Christmas madlang people!...dahil sa medyo madami-dami na din ang humihiling kung paano ko ginawa ang....nagtatagong CHATBOX sa gilid ---->>> ...hindi na sya nagtatago ngayon dahil tinuro ko na... ahahaha...akin pong ibabahagi sa inyo ang codes... ayan...ito na po sya...simple lang po ang gagawin...una, i-copy-paste lang ang code sa baba sa  inyong HTML/Javascript Gadget (Design--Page Elements--Add Gadget---HTML/Javascript)..... pangalawa, i-edit ang mga kulay dilaw (yellow) na tinta na nasa codes batay na din sa inyong panlasa... at pagkatapos nun.. presto may nagtatagong Chatbox ka na... :) <style type="text/css"> #gb{ position:fixed; top: 150px ; z-index: +1000 ; } * html #gb{position:relative;} .gbtab{ height: 300px ; width: 40px ; float:left; cursor:pointer; background:url(' http://i104.photobucket.com/albums/m193/bhoyet31/chatbox-3.jpg ') no-repeat; } .gbcontent{ float:left; border: 2px solid #000000; background: #00000...

Sino si Santa Claus?

bilang panimula..hayaan ninyo muna na batiin ko kayo ng... Maligayang Pasko! at bilang paghahanda sa kapaskuhang ito at epekto na din siguro ng aking medyo mahaba-habang bakasyon...pinagtripan ko ang mga kakulitan ng mga bata dito sa amin... pinilit kong pinaniniwala sila na hindi matutuloy ang Pasko...dahil may ubo't sipon si Santa Claus...nilamig kasi sya sa north pole... ooooppsss...oo nga pala kilala mo ba si Santa Claus? 99.9% na sure ako na kilala mo nga siya...ei si John the Baptist kilala mo? siguro medyo medyo lang ang sagot mo ano?...sino ang mas kilala mo si Santa Claus o si John the Baptist? Naniniwala ka ba na totoo si Santa Claus? Kung kilala mo si John the Baptist, naniniwala ka ba na totoo siya? noong bata pa ako, nagsasabit tlaga ako ng pulang medyas sa may Christmas tree, bintana o kaya'y sa may pintuan namin tuwing araw ng pasko, naniniwala na lalagyan iyon ng mga kendi at laruan ni Santa Claus..pero nawala ang paniniwalang iyon ng mahuli ko a...

Wanted Real Pinoy!

Wanted Real Pinoy! ^_^: Pinoy ka nga ba? 0_0: Oo naman, sa isip, sa salita, at sa gawa. ^_^: Eh paano naman sa kultura, Pilipino ka nga ba? 0_0: Oo naman, ang kulit mo. ^_^: Anong alam mo sa kultura ng Pinoy? 0_0: Madami, tulad ng paggamit ng po at opo, pagsasalita ng Tagalog.... ummmmm, ano pa nga ba?...ummmm wala na akong maisip pero madami pa. ^_^: Ganyan pala ang madami, po at opo at Tagalog lang ang alam. Ikaw? Ano pa nga ba ang alam mo sa kulturang Pinoy o Pilipino? Ang tunay na tatak Pilipino? Matagal na din ang panahong lumilipas mula ng sakupin ang Pilipinas ng iba't ibang dayuhan... at kasabay ng mga pananakop na iyon, patuloy na nagbabago ang kulturang Pilipino ayon na din sa mga impluwensyang ito.... Kung mawawala ang mga impluwensyang iyon...may pagbangon at pagbabago pa ba sa Pilipinas? Simulan natin ang kultura ng bansang Hapon. Kung mawawala ang kulturang Hapon sa bansa, paano na ang mga kabataang adik kay Voltes V, Naruto, Ichigo, Luffy, at iba pang-anime? Malu...

...Time Travel...

Time travel, posible nga ba? Taong 1895 ng isulat ni H.G. Wells sa kanyang nobela ang pagkakalikha ng isang makinang may kakayahang makapaglakbay sa nakalipas at hinaharap na panahon. At ang nobelang ito din ang naging dahilan sa pagbuo ng mga pelikulang "The Time Machine" noong 1960 at 2002. At dahil na din sa mga ideyang ito, maraming eksperimento at siyentipkong pag-aanalisa ang ginawa upang maipaliwanag ang posibleng pagkakalikha ng "Time Machine" .  Iba-iba din ang naging reaksyon ng mga relihiyon ukol dito at ilan sa kanila ang nagsasabing posibleng mangyari ito batay na din sa turo at kwento ng mga relihiyon. Siguro pamilyar na din kayo sa teorya ni Albert Einstein ukol sa "speed of light" o ang "Theory of Relativity" . at ang kinalaman nito sa time travel.  Sinabing ang tumbasang (equation) E  =  mc 2 na mas kilala din sa taguri na "mass-energy equivalence" na sinasabing ang bilang ng enerhiya (energy) ng isang bagay ay maa...

EASY $5 GIVEAWAY

dahil po sa isang kahilingan ng kaibigan... may promo pong hatid ang ating ka-blog na si Mary ng Real FairyTales ... wooot... Paano? Pindot lang po kayo dito: CLICK HERE

Philippine Grand Lotto 6/55

maaga akong nagising kanina matapos ang masarap na panaginip ng aking pagyaman upang tignan ang mga kombinasyon ng mga nanalong numero sa lottoo...sa website ng PSCO (http://www.pcso.gov.ph/) ang mga nagwaging numero para sa Philippine Grand Lotto 6/55 ( 11/15/2010) ay 43-13-29-44-04-20 na may kaakibat na premyong tumataginting na Php 456,404,688.00 lang naman.  Oo, tama! halos kalahating bilyon na yan ngunit sa kasamaang palad hindi ako nagwagi.  Ngunit magandang balita na din siguro ito sa karamihan dahil wala pang nakakasungkit nyan at may pagkakataon pa din ako para sa susunod bola nito. bakit nga ba mahirap manalo sa 6/55 lotto na yan? sa katunayan inakala ko na makakatulong ang aking dibdibang pag-aaral ng matematika upang malaman ang tamang kombinasyon ng numero... pero nalungkot lang din ako... ang lotto ay batay sa prinisipyo ng random numbers, permutations at probability...alam nyo ba na ang 6/55 lotto ay mayroon mahigit sa dalawang bilyong kombinasyon... sa katuna...

[NEWS] Manny Pacquiao Won over Antonio Margarito

Yeah! And the WINNER is Manny Pacquiao! Congratulations! May nadagdag na naman pong muli sa titulo ni Manny Pacquiao (52-3-2, 38 KOs) ng kanyang muling mapanalunan ang Super Welterweight Belt sa Cowboys Stadium in Dallas, Texas. Si Pacquiao ay muling nanalo ng kanyang ika-walong titulo (WBC junior middleweight) sa madugong pakikipagbakbakan kay Margarito (38-7, 27 KOs) sa loob ng labing dalawang round. Sa simula ng round, nagpakitang gilas agad si Pacquiao laban sa mas malaking si Margarito na kung saan ay 17 pounds na mas mabigat bago ang laban. Ang dalawang mandirigma ay nagpakawala ng malalakas na suntok sa ikalawang round. Sa ikatlong round, nakalamang na mas di-hamak si Pacman at nagpatuloy iyon hanggang sa ika-apat na round at patuloy na nagpakawala ng malilinis na suntok sa mukha ni Margarito. At muli, ang ika-apat na round ay para kay Pacman na kung saan pinaputok nya ang kanang bahagi ng mata ni Margarito. Sa kabilang banda, may magagandang birada si Margarito sa ika-anim na ...

Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito

[LATEST UPDATE] And the WINNER is Manny Pacquiao! Congratulations! November 14, 2010 sa Pilipinas, November 13, 2010 sa Amerika... ito na ang araw ng sagupaan ng dalawang mandirigma para sa kategoryang super welterweight...sino ang magwawagi?...sino ang hahalik sa lona? My forecast?...  if Pacquiao will be able to maintain his speed, strong and multiple punches along with excellent stamina, and footwork...ummmhhhh, I guess the fight will end by a knockout before Round 3.....but who knows? Anyway, despite of the david-vs-goliath in the tale of the tape, this gonna be an interesting fight... Goodluck Pacman! Manny "Pacman" Pacquiao Weightclass: Welterweight Age: 31 Record: 51-3-2, 38 KOs Height: 5'6" Reach: 67 Trainers: Freddie Roach Antonio Margarito Weightclass: Welterweight Age: 32 Record: 38-6, 1 NC, 27 KOs Height: 5'11" Reach: 73 Managers: Francisco Espinoza, Sergio Diaz Jr. Trainers: Robert Garcia &amp;amp;amp;amp...

...tanong lang...

....langit, lupa, impyerno....

"langit, lupa, impyerno... saksak puso tulo ang dugo... im... impyerno"... ...pamilyar ka ba sa mga katagang yan?..oo tama....isa yan sa mga paborito mong laro noon...napakasarap balikan ang panahong hindi pa uso ang batang chubby... ito yung mga panahon na hindi pa uso ang tao... este ito ung panahon na hindi pa uso ang mga gadgets gaya ng celphone, computers, PSP, Wii, iphone, ipod, ipad... ito yung panahon na betamax at malalaking plaka pa lang ang bida...panahon na bago pa mauso ang VHS, panahon pa ito ng cassette tape...wala pang CD...wala pang DVD...hindi pa din siguro naiimbento ang salitang pangrobot na may numero tulad ng mp4, mp3, ps2, nokia 3210, 5210, 8210..uten..bibiten-biten... ito pa yung panahon na aliw na aliw kang naliligo sa ulan, naliligo na walang saplot habang kumakalembang si uten... kasabay din nyon ang pagpapalobo ng sipon na kung minsan ay mas trip mong gawin yoyo...singhot sabay punas na may naiiwang marka sa pisngi na minsan ay may kasama pang ula...

...All Saint's Day, All Soul's Day...

[repost] ...isa sa mga pinakamahalagang araw para sa mga katolikong Pilipino ang panahon ng Undas na kung saan ay muling ginugunita ang pagpanaw ng ating mga mga mahal sa buhay... paggunita na hindi nangangahulugan ng kalungkutan, paggunita na hindi din nangangahulugan ng kasiyahan..kundi isa itong paggunita ng ating pagmamahal sa mga yumao... likas sa mga Pilipino ang pagiging makapamilya at makapuso na kahit ilang taon, dekada o siglo man ang lumipas ay hindi pa rin nalilimutan ang pag-alaala at paggunita sa mga pumanaw na kamag-anak... tuwing kailan nga ba ang tamang araw ng paggunita ng mga yumao? sa ika-uno ba ng Nobyembre? o dapat ba sa ikalawa ng Nobyembre? tayong mga Pinoy ay nakaugalian na ang pagdalaw sa puntod ng mga yumao sa unang araw ng Nobyembre...ang iba naman, ika-tatlumpu pa lang ng Oktubre ay nasa sementeryo na..ang iba naman dalawang araw pa lang bago pa man ang unang araw ng Nobyembre ay dumalaw na din...hindi naman ako salungat sa mga nakagawiang ito dahil nani...

...isang sulyap sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap...

[Paalaala: ang sulating ito ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda, anumang bahagi na may pakakatulad sa iba pang kwento at tunay na buhay ay hindi sinasadya, Maligayang Pagbabasa!] *** Sa Kalendaryo. May 31, 2041. Oo tama, ito ang katapusan na araw sa buwan ng Mayo ng taong dalawang libo apatnapu't isa, ito na aking ika-limampu't siyam na kaarawan. Isang taon na lamang at hahantong na din ako sa aking ika-animnapung kaarawan. Totoo, halos hindi na din kita madinig, humihina na ang aking tenga. Halos hindi na din kita makita, nanlalabo na ang aking mga mata. Mahina na ang aking katawan at bumabagal na din ang gana ng isipan. Natatakot ako. Natatakot ako na sa pagpikit ng mga mata kong ito ay hindi ko na muling maalala ang mga sandaling naging bahagi ka ng mahirap at simple kong mundo. Natatakot ako. "Pa, gising! si Ace po ito..." , isang uyog ang gumising sa aking sandaling pagkakaidlip. "Alas, ikaw pala yan, kailan ka pa dumating?" , tanong ko....

...musika at ganda...

mga ilang linggo na din ang nakakalipas ng ako'y muling bumalik sa mundong ito--ang mundo ng blogging...ang totoo nyan dahil sa mahaba-habang pagbabakasyon mukha yatang kinakalawang na si SuperGulaman...hirap gumawa ng entrada...walang maisip na magandang tema...walang mahabing mga salita...salat na sa pambobola at paggawa ng kwentong minsan na kahit sarili ay hindi naniniwala...laging tulala...sa madaling salita...parang tanga... ...matagal na din ang oras na nakalilipas mula ng isulat ko ang talatang nasa itaas...bakit? hindi ko na din kasi alam kung ano pa ang isusunod ko dyan...hanggang sa maglakwatsa ang daliri at mata patungo sa paboritong panooran ng lahat--ang youtube... isang klik lang... presto!...aliw na ito at titigil na ang mundo... ikaw kaya mo bang paikutin o ihinto ang ikot ng mundo? sabi ng iba, "Love Makes the World Go 'Round" pero para sa akin "NOT ONLY Love Makes the World Go 'Round, but Love Makes the Ride Worthwhile"...sabi din ni...

...ang panyo...

ika-pito ngaun sa buwan ng oktubre...ang pinaka-paborito kong araw sa bawat buwan...maaga akong nagising at nagbihis para makupunta agad sa trabaho..."grabe ang gwapo naman nito",(*nakaharap ako sa salamin*)...matapos ang ilang orasyon, naglagay ng konting pabango, sinuot ang bagong labang sumbrero, sinuot ko din ang ilang palamuti na bigay ng Grasya ko, at naglagay na din ako ng sound system sa tenga ko...ayun, presto handa na akong lumarga... ..."ayuz mukhang ok nmn ang lahat, maaga pa eh...maluwag ang byahe ngaun", sabi ko sa sarili... ang totoo nyan, ang umaga ang pinakagusto kong oras ng pagsakay ng jeep o pagbyahe...syempre, halos lahat ng makakatabi mo sa jeep ay mga fresh pa at mababango patungo sa kani-kanilang trabaho o eskwelahan...sa may kanto, naghintay din ako kaunti bago sumakay ng jeep, namimili ng walang gaanong tao, para hindi masyado maiinit...ilang saglit pa..ayan may jeep na...naupo ako malapit sa estribo..ok itong lugar na ito, tamang-tama sa ...

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

...babalik ka din...

pasado alas-singko na ng lumisan ako mula sa opisina... "uwi na kayo sir?", bati sa akin ng gwardya sa halos araw-araw naming pagkikita...tumango lang ako kasabay ng pag-angat ng kilay...walang imik, tahimik na tinungo ko ang pintuan ng gusali...sinipat ko ang langit...makulimlim...nagbabadya na naman ang ulan... buntong hininga. sa jeep. nakatitig na naman sa kawalan hanggang sa bulabugin ang aking pagtunganga ng malakas na pag-buhos ng ulan...katabi ang estribo, seryoso kong minamatyagan ang mga nagmamadaling mga tao sa lansangan...halos lahat hindi magkandaugaga sa pagpapaliit ng katawan para hindi lang mabasa ng ulan...may taong nagsusumiksik sa maliit nyang payong...ang isa ay animo'y masamang tao dahil sa balot na balot ang buong katawan... may mga estudyante din na nagsisiksikan sa silong ng tindahan...akyat-baba na din ang tao sa jeep...ang iba'y may mga dalang payong na tila ba na naaliw sa twing iwinawasiwas nila ito sa mukha ko...gusto kong sumigaw na ...

...ang pagbabalik...

mula sa kawalan muling nagbalik ang Superhero na sa inyong lahat ay nanabik... matagal na din ang panahon mula ng ako'y nagpasyang iwan pansamantala ang mundong ito... siguro, halos isang taon na din ang nakakalipas ng itago sa baul ang kapa ni Super Gulaman, ipahiram ang maskara sa mga payaso, at isabit ang sinturon sa likod ng pinto na kahit aso ay ikakahiyang isuot ito...  hindi ko na nga din alam kung naaalala nyo pa din ako... pero magkagayunman, narito na akong muli...mangungulit...mangugulo...sabayan nyo akong muli sa aking pagkikipagsapalaran sa mundo at ang topak ng imahinasyon ko... tara! kwento ako, kwento ka... kwentuhan tayo!

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...

...kasinungalingang mapanlinlang...

...nagsimulang gumala na naman ang mga halimaw sa lansangan... mga halimaw na anyong tao... mga halimaw na animo'y mga tupa sa ipinapakitang kabaitan... kumakaway sa mga maralita sa kalunsuran at iba't ibang bayan... sinasabing, "kaisa mo ako sa kahirapan"... nangangakong "tatapusin ang kahirapan"... ipinagwawagwagang "hindi ako magnanakaw"... simusigaw na "I am righteous!"... lahat sila ay mga tinagurian alagad ng sining ng panlilinlang--ang mga pulitiko. ... ang bawat isa ay may iba't ibang istilo ng panlilinlang... ...merong nagkukunwaring tapat at walang kabuktutan... ngunit simisigaw ang kanyang pangalan ng "Manisevilandliar!" ... mga kasinungalingang hindi na daw sya mangungurakot dahil mayaman na sya... at kung pera lang daw ang habol nya, babalik na lang daw sila sa pagiging negosyante... tae! san ka nakakita ng negosyanteng nagpapalugi?... at dahil daw gusto daw nyang tapusin ang kahirapan, lumapit sya mga TV netwo...

..hiatus...

i shall return! sooooooon.......

...after 15 years...

...matapos ang masayang reunion noon highschool ... hindi din padadaig ang mga katropa noong elemetarya... ...ikaw matanong nga kita...naaalala mo pa ba sila? ...sino? ...ang mga kaharutan mo noong nasa elementarya ka pa, ang mga makukulit at makyut mong kaklase noon... huwwwaaaat! alam kong para sa ilan hindi madali na pagsama-samahing muli ang iyong mga katropa noon sa elementarya...kung gaano kahirap bumuo ng reunion sa highschool mas doble ang hirap kung mga kaklase mo sa elementarya ang hahagilapin mo pa...mabuti na lang sa tulong ni Ginoong Fesbuk at effort na din ng presidente ng aming klase noong elementarya nabuong muli ang pagtatagpo-tagpo ng mga bida (*palakpakan kay Richard at sa ating lahat na nag-effort*)... ...nakakatuwang isipin na sa loob ng labing limang taong hindi pagkikita, nagtagpong muli ang bawat isa... sa aming paghaharap-harap hindi maiiwasang imarka muli sa aming mga imahinasyon ang larawan ng nakalipas na panahon... "ito yung ka-height ko dati ah, bakit...