Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2014

Pilipinas: Sa Pagkakakilanlan

Pilipinas.  Ah, dyan ako nakatira.  Dyan din ako pinanganak.  Dyan din hinulma ang minsang magulo, makulit, at makulay kong pagkatao. Pero alam mo ba na ang opisyal na pangalan ng Pilipinas ay "The Republic of the Philippines"  ? Oo? Ako din, yan din ang sa pagkakaalam ko. Base sa pakakakaalam ko, ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa pitong libong mga isla. Ang sabi sa tsismis 7,107 daw yun.  Pero kung si Ms. Charlene Gonzales ang tatanungin mo, nakadepende daw yung yun kung high tide o low tide. Noong nasa bansa ako ng mga Arabo, maraming nagtatanong sa akin kung taga-saan daw ako.   Madalas kasi napagkakamalan nila akong taga-Nepal, taga-India, at kung mamalasin naman taga-Sudan daw ako. WTF!  Pero tumutugon lang ako ng "I'm from the Philippines". Tapos nakangiti silang nagre-react na parang nakakaloko. "Ah, Philipini, from Philippine". Langyang buhay 'to, sinabi ko na ngang "The Philippines" eh. Philippine. Philippine pa din ang...

Inang OFW

OFW. Overseas Filipino Worker.  Tinaguriang bagong bayani ng bansa.  Mga Pilipinong sumasalba sa papalubog na ekonomiya ng Pilipinas.  Tunay ngang hindi matatawaran ang kontribusyon nila sa pagpapanatiling buhay ng naghihingalong buhay sa bayan ni Juan.  Ganito ang mga OFW. Matinding sakripisyo ang kanilang tinitiis upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Hindi nila alintana ang hirap ng pagkakawalay sa mga mahal sa buhay. Ang hirap at pagtitiis sa pagtratrabaho sa dayuhang bansa.  Ang pananabik sa mga mahal sa buhay lalo na sa tuwing dumarating ang taunang bakasyon at muling pagkalungkot sa tuwing lilisanin ang Pilipinas.  Mahirap ang maging bayaning OFW.  Ngunit mas mahirap ang maging inang OFW.  Dahil sa iyong paglisan hindi mo alam kung mahal ka pa din ba ng anak mo.  Dahil hindi mo alam na baka sa Skype ka nya lang kilala.  At dahil hindi mo alam kung napapalaki ba ng tama ang anak mo. Dahil hindi ka nya nak...

Proud to be Pinoy o Mayabang Lang Talaga Tayo?

Photo Credit: http://themetroarchive.blogspot.com/ Ang sabi nila, dapat maging proud ka kasi ' It's more fun in the Philippines '? Bakit? Dahil ba sa mga party all over the country? Fiesta? Clubs? Inuman sa kanto? Videoke 24/7? Disco ver. 2.0? Dahil ba sa mga tourist spots (parang pekas lang ang dating ah...ehehehe), I mean, tourist destinations o kaya naman wonders of the Philippines from a to z? O baka naman sa mga pagkain tulad ng balot, penoy, kwek-kwek, adidas, betamax, IUD, kikiam, at one day old chicken?  Dahil ba sa mga sasakyan tulad ng kalesa, tricycle at jeep? O dahil sa mga Pilipino, yeah Filipina? O baka naman kay Manny Pacquiao, kay Charise Pempengko, Leah Salonga? O baka naman dahil sa Team Azkals or Volcanoes ng rugby?  Proud to be Pinoy.     Ok, sige tanungin mo si SuperGulaman kung bakit nga ba na dapat ay maging proud ka sa Pinas o bilang isang Pilipino? Para kay SuperGulaman dalawang K lang yan at hindi iyon kayang tumba...

Pa-digits Digits Pa Kasi

Gagawa sana ako ng bagong blog entry.  Kaso kaso na-distract ako.  Kaya ito na lang ang entry ko muna. ^_^.

It's official: Billy Crawford and Coleen Garcia

Photo from: http://www.philshowbiz.com/ And they confirmed it. At inamin na din ni Billy Crawford sa It's Showtime kahapon, July 24, na sila na nga ng kanilang co-host na si Coleen Garcia.  Nagsimula ang pag-amin sa pangungulit ni Vice Ganda dahil sa pagkakapareho ng boots nila Billy and Coleen. kasabay noon ang nagpapakilig nyang tanong, "Is it official? Kayo na?" Hindi lang si Vice ang nagbuyo sa pag-amin at kinulit na din ni Vhong si Billy ukol sa kalagayan ng kanilang relasyon. Nagturuuan pa ang dalawa sa pag-amin noong una. At yun na nga kinumpirana ng  RnB na "They are finally an official couple."   at  dahil Showtime ito, Group HUG! Hindi ka naniniwala o hindi mo matanggap? Ito po ang video . #coleenortegagarcia #billycrawford #itsshowtime #couple #amin

Never Back Down (Pinoy Version)

UFC match ba ang hanap mo?  Ito ang pinoy version ng beatdown.  Malupit ang mga promotor este mga buyo ng labanang ito.  Ei, hindi naman pala nila kilala ang mga ito at nadaanan lang sa kalye. Pero impeyrnes, nagkaayos din sila matapos ang umaatikabong bakbakan.  Mahusay si bossing  Jonnel Jose , ang Max Cooperman ng larong ito at ang fighting match, ayos na ayos. ^_^ Post by Pinoy Kulitan WorldWide . #streetfight #UFC

It’s more fun in the Philippines

Image from: http://itsmorefuninthephilippines.com/ It’s more fun in the Philippines. Really? Weh?! Hindi nga? Tama, narinig mo na ang mga linyang yan hindi ba?  Opo, yan po ang pamosong entrada ng Department of Tourism ng Pinas upang lalong maka-enganyo ng mga dayuhang turista sa bansa kasabay ng pagbida ng mga tourist spots ng bansa. Visit  http://itsmorefuninthephilippines.com/ for more details .  Ayan ah, may free promotion pa kayo sa akin. Bilang isang lokal na mamamayan ng bansa, hindi natin maitatanggi na magdalawang-isip muna ukol sa nasabing “Tagline” ng DOT bago natin ito sang-ayunan. Bakit? Ikaw, naranasan mo na ba ang mga bagyo sa Pinas? Ang bahang epekto nito? Ang traffic sa Metro Manila? Dagdag mo pa dyan ang lindol, mataas na presyo ng bilihin, langis, gasolina, kuryente, at bigas. It’s more fun in the Philippines ba dahil sa 12% VAT at kaliwa’t kanang buwis na napupunta lang din naman sa mga tiwaling opisyal ng bansa? Uy, sabi nila hi...

Miracle: The Truth Behind Baby in Viral Video Believed Resurrected

Nag- browse ng feeds sa facebook . May nabasa. Napangiti. May joke kasi.  Ito yun. Girl: Huhuhu… Boy: Bakit ka umiiyak? Girl:  Namatay kasi ang boyfriend ko, paano na ako ngayon? Huhuhu… Boy: (Utak oportunista). Kawawa ka naman.  Pero wag kang malungkot, nandito naman ako para sa iyo eh.  Kung gusto mo ako na lang ang papalit sa kanya? Girl: (Tumigil sa pag hikbi) Talaga? Boy: Oo. Mamahalin kita kagaya ng boyfriend mo. Girl: Sige, itanong mo sa purenarya kung papayag sila. Nag- browse ulit.  May nakitang picture ng isang batang iniaalis sa ataol (coffin). Sinundan ang link . Sinasabing nabuhay daw ang bata habang sya ay nakaburol. Na- curious . Nagbasa ng ilang article ukol dito.  Ang sabi sa kwento, halos dalawang linggo na daw na may sakit ang bata.  Isinugod ito sa lokal na ospital at idineklarang patay na dahil sa bronchial pneumonia noong Huwebes, July 10.  Dahil dito, nagdesisyon na silang ilibing ang bata noon...

5 Bagay na DAPAT at HINDI DAPAT Gawin ng Isang Facebook User

Hindi na natin maikakaila ang lawak at laki ng epekto ng social media sa ating mga buhay. Isa na dito ang Facebook.  Mula sa panahon ng luma bato, panahon ng bagong bato, panahon ng metal, naging unggoy, naging homo habilis, homo erectus at ngayon panahon na ng tao, homo sapiens, marunong na tayong mag-facebook. Matagal-tagal na din ng malikha ni Mark Zuckerberg ang facebook ( Wag mo itong pindutin ).  At katulad ng google.com halos ito na din (ang Facebook) ang nagdidikta sa lagay ng ekonomiya sa buong mundo at maging sa ugali, asal, pakikitungo, relasyon at paniniwala na din ng mga tao.  Dahil sa lawak at laki ng magiging epekto ng iyong pagtipa sa bawat pahina ng Facebook, narito ang ilan sa mga alituntunin sa paggamit ng naturang Website .  Hindi ko naman sinasabing sundin ninyong lahat ang aking itinalang alituntunin.  Isa lamang itong gabay para sa maayos na paggamit ng social media.  Wag kang mag-alala, hindi kita isusumpa ng katulad kay...

Let's Play! (Tara laro tayo!)

Naranasan nyo na bang makipag-usap sa sarili nyo? Ang makipagtalo sa sarili? Yung tipong gusto mong gawin pero ayaw mo. Ito yung pagkakataon na nahihirapan kang magdesisyon sa mga bagay-bagay. Naranasan mo na din ba ang makipaglaro sa sarili? Yung iba sa inyo, hindi ko alam kung nagawa na ito. Pero noong bata pa tayo, as in noong isang uhuging musmos pa lamang tayo ay nahihilig tayo sa mga toy cars, robots, baril barilan. Kung babae ka naman mahilig ka sa mga paper dolls, kitchen set toys. At kahit mag-isa ka, enjoy na enjoy ka sa paglalaro. Ngayon na medyo may edad na tayo (*hindi ito nangangahulugan na matanda na tayo)...I mean ngayon na nasa wastong gulang at isipan na tayo, nakukuha nyo pa bang maglaro mag-isa?. Kaya mo bang magsarili? (*waaaa bastos na ang iniisip mo). Ang ibig kong sabihin, magsariling maglaro (*waaa, bastos ps din ang dating). Sige para maayos, sabihin nating maglibang mag-isa (*whew, ayan medyo ok na siguro ang term). Ahehehe. Pero ang totoo, mahirap talag...

@NBA Finals 2014 Game 3:Lebron James at Miami Heat hindi kinaya ang swerte ng Spurs

Nasungkit ng San Antonio Spurs ang Game 3 sa NBA 2014 Finals sa score na 111-92.  Nabigo ang Miami Heat na magpakitang gilas sa kanilang Homecourt. Sa katunayan, hindi naman talagang madaling talunin ang Miami Heat lalo na sa home court nila.   Pero paano nga ba tinalo ng Spurs ang Heat bukod sa pagkasira ng Aircondition noong game 1.  Simple lang naman, kailangan lang naman ay 75.8% ang rating ng field goal ng team.  At dito hindi tayo binigo ng Spurs. Sa katunayan, gumawa ng record ang Spurs sa pagtatala ng 71-point sa firsthalf ng laro at 86.5 field goal percentage sa first quater.  Pinamunuan ito ng bantay ni Lebron James na si Kawhi Leonard na umiskor ng 29 points sa naturang laro. Para kay Leonard, hindi naman madaling bantayan ang star ng Miami na si Lebron James dahil nitong mga huling laro lagi syang nasa foul trouble.  Sa talento ng manlalaro mahihirapan nga sya, ngunit hindi sya sumuko bagkus dinoble nya ang average score ng ginagawa nya sa ...

@NBA Finals Game 2:Lebron James binida ng Powerade

Parang kailan lang ng pagtripan ng Gatorade sa Twitter si Lebron James dahil sa tinamong pulikat noong Game 1 ( click here for more details ). At ito na nga, Game 2.  Hataw ang star player ng Heat lalo na sa 3rd Quarter ng Game 2.  Sunod-sunod na pumuntos si King James na tila ba nagsasabing "Ito ang Powerade" . Matapos humataw ni James sa Game 2 na nagpakita ng eksplosibo at matikas na laro na nagtala ng game-high na 35 points, 10 rebounds at 3 assists nasungkit nila ang laban sa score na 98-96 sa home-court advantage mismo ng San Antonio Spurs at tumabla sa best-of-seven NBA Finals, naglabas naman ang Powerade ng nakakatuwang testamento sa twitter: "There is strength in the silence. The best response is made on the court @KingJames. #powerthrough 10:43 AM - 9 Jun 2014" Sa kabila nito, nanahimik na din muna ang Gatorade. Ika nga nila, "bawian lang yan" . Mahusay ang marketing nila. Astig!

@NBA Finals Game 1:Lebron James iyak-tawa sa kalokohan ng Gatorade

At tuluyan na ngang nakuha ng San Antonio Spurs ang game 1 sa NBA Finals 2014.  Kanilang naungusan ang katunggaling Miami Heat sa Score na 110-95. So yun na nga natalo ang Heat dahil daw yun sa labis na init ng arena na naging dahilan din daw ng pamumulikat ng paa ng Star ng Miami Heat na si Lebron James. Dahil na din sa tagpong ito, napagkatuwaan din itong sawsawan ng kilalang brand ng inumin, ang Gatorade. Sa katanuyan matagal-tagal na din hinihimok ng Gatorade na pumirma ito para sa kanilang produkto ngunit mas pinili daw ni Lebron ang other brand, ang Powerade. Ito ang mga tweet ng Gatorade noong June 5 pagkatapos ng laban ng Heat-Spurs: “We were waiting on the sidelines, but he prefers to drink something else.” at dinangdag pa nito, "The person cramping wasn't our client. Our athletes can take the heat." Nakakatuwa lang din ngunit syempre hindi sa mga fans ni King James. Sa kabilang banda, hinihiling pa din natin ang kanyang 100% sa susunod na ...

Buhay Estudyante

Nagmamadali kang sumakay ng jeep.  Nakipagsiksikan. Kulang na lang eh sumabit ka sa sasakyan dahil wala ng espasyo para sa malaki mong balakang. 7:50am na kasi at sigurado late ka na naman sa klase mong pang alas-otso.  Iwinasiwas mo ang iyong basang buhok na hindi pa natutuyo dahil sa pagmamadali.  Tumama iyon sa mukha ni ate. Sumimangot.  “Sorry ate.” sabi mo.  Pero ang totoo nyan hindi ka naman nag-aalala kung magagalit sya o hindi dahil mas inaalala mo kung makaka-abot ka pa sa first subject mo.  Exam day ngayon.  Ngayon nakatakda ang kinabukasan mong pagpasa sa subject na iyon at kung hindi uulitin mo ito ng bonggang-bongga. Gumamit ka ng taijutsu, ninjutsu, sharinggan, athletic skills, kulam at walis tingting para umabot. 7:59am.  Buzzer beater, nakarating ka din sa pintuan ng classroom mo. Nagsisimula na ang exam. Lumapit ka sa teacher mong kapatid ni Osama Bin Laden.  Walang sabi-sabi, inabot nya ang test paper mo ...

Tingi Culture

Halos matagal-tagal na din pala ako sa Pinas.  Siguro mga nasa dalawang buwan na din. Ibig sabihin halos dalawang buwan na din akong walang trabaho. Walang income, walang pera. Gala, gastos, gastos, gala yan ang tema ko ngayon.  Astang mayaman kahit wala naman.  Astang may pera kahit butas na ang bulsa. Sabihin natin na bilang isang manggagawa sa ibang bansa na hindi naman talaga madali ang umuwi sa Pinas kung wala ka naman talagang limpak-limpak na salaping naipon. Kung meron mang kaunti siguradong ubos din yun kahit sabihin pa natin na mas mura pa din ang bilihin sa Pinas kumpara sa ibang bansa. Pero mura nga ba talaga? Kung tutuusin ang "tingi" culture   na meron tayo dito ang siyang dahilan ng hindi kagandahang asal sa paggasta ni Juan.  Halimbawa, marami sa ating mga kababayan ang mas bibili ng tig-5 pisong pakete ng kape kumpara sa isang pack nito.  Bakit? Dahil sa puntong iyon, yun lang ang meron tayo sa ating bulsa. Hindi lang sa mga gitnang ur...

Perlas ng Silangan

From:http://www.philippines-private-discovery.com At ako'y nagbalik sa bayan ni Juan. .... ... .. . Ah. Inangbayan. Mano po!

Propesiya at Pilipinas

Ayun, nag-trending na sa facebook at twitter at saan mang dako ng social media ang kwento sa sakit na namayagpag sa  Zombieland o kaya naman World War Z.   Gets mo? Ah, hindi mo ba alam? Ito daw yung sakit na nanggaling sa Pangasinan.  Yung sakit na uupos sa buong katawan ng tao. Yung sakit na alanganing leprosy at alanganing psoriasis.  Yung sakit na animo'y pang- Resident Evil ? Yung tipong kapareha sa  The Return of the Living Dead.  Ito daw yung sakit na kumakain ng laman, bubulukin ang buto at mag-mimistula kang patay na buhay. So good news naman di ba? Hindi ka pa naman patay, buhay ka pa naman, mukha lang patay.  So gets mo na ako? Malamang sa malamang alam mo naman ang tinutukoy ko. Napanood mo yan sa Bandila ng ABS-CBN. Kung hindi naman, sigurado akong dumaan yan sa feeds ng facebook mo o kaya naman sa twitter.  Tapos syempre matatakot ka.  Ang naka-headline ba naman "Misteryosong sakit na tila kumakain umano sa balat at ...

Super

tenenenen...tenenen...tenenen...Super Gulaman! Ayun kunyari lumabas na daw ang bida. Balot ng kapang gawa sa plastic cover. Nakasuot ng bodyfit at thights at sabay ipinatong ang damit-panloob na ngayon ay pwede na nating tawaging damit-panlabas. Isang belt na may malaking buckle ng mga titik na S at G ang nakapulupot sa beywang. Meron ding boots na matingkad ang kulay na pwedeng pansugod sa baha sa metro manila at gloves na pwedeng gamitin pangsalo ng baseball. Syempre malupit din ang maskara na sa totoong buhay ay tinatawag itong goggles na ginagamit ng mga maninisid. Ganito umasta ang mga superhero. Pero bakit nga ba Super? Hindi ba pwedeng hero na lang? Naalala ko yung sinulat ni boss Bob Ong dun sa aklat nyang puti kung paano natin gamitin ang salitang Super! Sabi nya : Ano ba ang pinagkaiba pag sinabihan ka ng 'thank you' at 'super thank you'? Natutuwa ako pag nakakarinig ng mga dalagitang nagsasabi ng super thank you. Kasi nai-imagine ko na may kapa at ...

20 Reasons why I like Philippines over UAE

(*Warning: May kahabaan ito so tyaga-tyaga lang) Mahigit sa dalawang taon na din ang nakalilipas mula ng iwan ko ang "Perlas ng Silangan", ang Pilipinas upang tumungo sa disyerto ng mga Arabo, sa UAE at dito ay magtrabaho kapiling ang kabiyak ng aking puso. Sa maikling panahon na ito, medyo nasanay na din ako sa takbo ng pamumuhay dito sa kabilang ibayo.  Sa umpisa medyo maninibago ka at maikukumpara mo talaga ang bayang pinagmulan. Totoong maayos ang lugar na ito kumpara sa lugar na aking pinagmulan.  Dito ay: 1. Walang trapik na kasing-bagal ng nasa Pinas. 2. Walang carnapping dahil maayos ang rehistro ng mga sasakyan at madaling mahuhuli ang carnapper dahil sa husay ng kanilang tracking devices. 3. Panatag kang makakagamit ng mamahaling mobile phone sa kalye. Walang snatcher. 4. Marunong sumunod ng traffic rules ang mga driver. Hindi garapalan ang pag-overtake, pag-agaw ng linya. Kung one-way, one way talaga. Alam nila ang priority way. May sariling babaan ...