Lumaktaw sa pangunahing content

...tagapagpalaganap ng pag-ibig...

"Pag-ibig?...lintik na pag-ibig yan, kapag nagutom ba kayo mapapakain kayo nyan?"... isa yan sa mga sermon ng mga magulang na naririnig ko s mga kabataang nagpipinto ng mag-asawa...pero....

"Pag-ibig.... bakit ka mangungupahan pa kung kaya naman magkabahay na!"... ahehehe...hindi b tama?...maaari ngang hindi ka mapakain ng pag-ibig, pero ang magkabahay ay posible....

...ngunit tunay ngang ang pag-ibig na wagas ay maaring hindi lng magbigay ng "bahay" kagaya ng sinabi ng patalastas na iyon bagkus isang "masayang tahanan" (*seryoso bigla*)... tama! mga kapatid sa pananampalataya, ang inyong kapatid na si Super Gulaman ay isa na ding ganap na tagapagpalaganap ng pag-ibig (*hindi sa sensored na iniisip mo*)... gusto kong ibahagi ang masayang pakiramdam na dulot na pagmamahal...kung kya narito ang mga ilang video montage na ang tema ay pag-ibig... sa mga in-love, halina't sumabay sa pagkanta at sariwain ang alaala ng inyong mga mahal....sa mga hindi pa nakakatikim ng pana ni kupido, halika na at mainspire...oo nga po pla...hindi ko gustong pasamain ang damdamin ng mga broken hearted sa paggawa ng post na ito, bagkus nais ko kayong i-inspire sa paghahanap ng taong para sa inyo... ang pag-ibig ay hindi isang destinasyon kundi isa itong mahabang paglalakbay...enjoy the ride...









note: ang mga videos na inyong natunghayan ay may permiso sa may-ari

Mga Komento

  1. wahhhhhhhhh..

    kulang na lang mapaluha ako..

    pinaalala mo lang na wala akong pag-ibig...huhuhu
    maluggkot at malamig ang pasko...
    buti pa kayo ni mommy grace, happy to the max..

    wahhhhhhhh...huhuhuhuhuhuhuh

    TumugonBurahin
  2. TEka...kaLA ko ba ako lang ang tagapagpalAganap ng pag-ibig ha??

    Miss mo na si grace no??ehehee

    TumugonBurahin
  3. hala...

    bakit ganon???

    pambihira sir...

    di ako makarelate...

    mwahahaha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...mahika ng mga kulay...

...lahat naman tayo siguro ay kilala ang color wheel o ang color circle na tinatawag...ito yung bilog na parang roleta ng kapalaran na maraming kulay...basta yun na yun...kung hindi mo iyong alam, aba! susumbong kita sa teacher mo sa elementary...aheks.... ...ang color wheel daw ay binubuo ng maraming kulay ngunit sa mga kulay na iyon, laging kabilang dito ang mga kulay na pula (red), luntian (green) at bughaw (blue)... bakit kaya? ang sabi sa chizmis, kapag pinaghalo-halo mo ang kulay na iyan meron kapang iba pang kulay na mabubuo...halimbawa, kung paghahaluin natin ang red at green...ang kalalabasan daw ay tsaraaan!... dilaw (yellow)...oha! isa itong magic... tapos kung pagsasamahin mo ang blue at red (blue + red), kulay lila (violet) naman ang kakalabasan....at kung blue at green ang pagsasamahin mo...syempre blue-green color ang kakalabasan nun... ahehehe... ...pero magkagayun man, nakakatauwang isipin na ang mga kulay na ito ay tunay ngang may reaksyon sa bawat isa...eh paano nama...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...